pektyur pektyur! ismayl!!!!

14.9.10

Anino ng Kahapon

Katahimikan.

Walang naririnig na kahit anong klase ng ingay. Sa isang sulok siya’y nakaupo. Nakatulala at tila ba’y kay lalim ng iniisip. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Marahil siguro dala ito ng sakit na nararamdaman niya. Sakit na walang gamot. Sakit na hihilom pagdating ng tamang panahon.

Anong oras na ba? Madaling araw na at gising na gising pa rin siya. Pinagmamasdan ko siya mula sa kinahihigaan ko. Pinagmamasdan ko ang maganda niyang mukha. Ngunit nagulat na lamang ako ng makita ko ang luhang unti-unting pumapatak. Hinayaan ko lamang siya dahil alam kong nakakapagpaluwag ito ng damdamin ng isang tao.

Ngunit hindi niya nakayanan ang sakit na nararamdaman niya.

“bakit kailangan pang magmahal kung masasaktan lang din naman?

‘Yan ang narinig ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng luha nya sa kanyang mga mata. Wala akong maisagot sa kanya.


Naiwang nakaawang ang aking mga labi. Ano ba ang dapat na isagot ko sa tanong niya? Ako ba ang tinatanong o ang sarili niya? Hindi ko ito masagot dahil isa din akong talunan pagdating sa pag-ibig! Isa din akong biktima ng pagmamahal na sa huli ay nasaktan at iniwan din! Pero naaawa ako sa kanya. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung mga panahong nagmahal at nasaktan din ako.

Tumayo ako. Dahan dahan akong lumalapit sa kanya. Sa wakas nakarating din ako sa sulok kung saan siya nakaupo. Kung saan siya umiiyak. Niyakap ko siya. Hinaplos ang kanyang likod pero wala kahit isang salita ang namutawi sa aking labi. Hinayaan ko siyang umiyak. Hinayaan ko siyang ilabas ang sakit at galit na nararamdaman niya. Hinayaan ko siyang mapagod sa pag iyak dahil alam kong sa huli titigil din siya at hindi nga ako nagkamali. Muli ko siyang tiningnan. Muli kong pinagmasdan ang mukha niya, ang mga mata niyang namumula at namumugto dahil sa pag iyak. Ang mga mata niyang nagsasabi na sobrang sakit ng nararamdaman niya. Hindi na siya nagsalita ng kahit ano pa. Inisip ko na lang na magiging ok din siya.

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo.

“salamat” ang tangi niyang nasambit.

"Hindi ko na kaya!"

Sa kanyang pagtayo hinawakan ko ang kamay niya. Pinigilan sya sa pag alis.

“Ang magmahal ay isang sangkap na nagbibigay ng kulay sa buhay ng isang tao. Isang sangkap na gugustuhin ng kahit sino man. Hindi magiging kumpleto ang buhay natin kung walang pagmamahal. Minsan nasasaktan tayo. Natural yun. Hindi ibig sabihin na kapag nagmahal tayo ng isang tao siya na ang makakasama natin habambuhay. Hindi ibig sabihin na hindi niya tayo masasaktan. Ang pag-ibig ay isang regalo. Isang regalo na kapag tinanggap mo asahan mong may kapalit ito. Ito ay ang masasaktan ka o magiging masaya ka. Iba-iba ang pagmamahal natin. Iba-iba tayo magmahal. Kung sa tingin mo nagmahal ka ng sobra at sa huli ikaw din ang nasaktan, tanggapin mo. Ang importante minahal mo siya at ibig sabihin nito ay may magandang bukas pa. Na meron pang isang tao na naghihintay sa’yo. Isang tao na mamahalin ka at makakasama mo hanggang sa pagtanda. Isang tao na inilaan para sa atin. Huwag kang magmadali dahil darating din ang itinakdang tao para sa’yo at sa tamang panahon. Hayaan mong maghilom ang mga sugat na dala ng pagmamahal mo sa isang tao. Hayaan mong maramdaman ang sakit dahil isa yan sa magpapatibay ng kalooban mo. Isa yan sa magpapalakas sa’yo para harapin ang naghihintay na kinabukasan. Hindi ibig sabihin na kung nasaktan ka, hindi ka niya mahal. Tulad nga nang sinabi ko sa’yo iba-iba tayo magmahal. Siguro hindi lang kayo para sa isa’t isa. Isipin mo na may rason kung bakit nangyari yan. Isipin mo na siguro panahon na para tapusin ang pagmamahalan niyo at isipin mo na may isang taong naghihintay sa labas para mahalin ka at mahalin mo. Ito ay isang karanasan sa buhay natin. Karanasan na magtuturo sa’yo ng leksiyon. Leksiyon na natutunan at pwedeng i-apply sa susunod na magmamahal ka. At sana may natutunan ka sa pahinang ito ng buhay mo. Umaasa akong muli kong makikita ang mga ngiti sa labi mo at marinig ang iyong halakhak. Umaasa ako na mawawala ang sakit na nakikita ko sa mga mata mo. Umaasa ako na maghihilom ang sugat sa puso mo at higit sa lahat umaasa akong magmamahal ka muli sa tamang panahon.”

Isang ngiti lang ang ibinaling niya sa akin. Isang ngiti na alam kong yun na ang umpisa sa pagharap niya sa kinabukasan.

“Matulog na tayo.”

At muli kong pinagmasdan ang mukha niya at doon ko masasabi na ayos na siya at handa ng harapin ang bukas na naghihintay sa kanya.

--------

Ninais kong ibahagi sa inyo ang komposisyon na ito na nagmula sa isang blogger na walang pakundangang bigla na lang nagsara ng kanyang blog. Isa syang malapit na kaibigan, isa sa mga dating aktibong nilalang sa mundo ng blogosperyo, isa sa mga kilala at talentadong blogera. Author's name withheld (sa kanya na ring kahilingan, sinadya kong itago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan at kagandahan).



pektyur ninakaw mula dito


an_indecent_mind

26 comments:

  1. sino ung nagsulat? pde ko ba siyang makilala? :D wahahaha! natatawa ako! akalain mong ipopost mo tlga yan dito...thanks for that :) and thanks for keeping my identity...hiatus mode muna ako at di ko pa alam kung kelan ako babalik o kung makakabalik pa ba ako sa pagba-blog. basta! :)

    ReplyDelete
  2. Tama, gusto ng lahat ng tao na magmahal. Hindi natin maalis sa hibla ng pagka-tao natin yun, human nature. XD

    ReplyDelete
  3. sobrang nag-aagree ako sa sinabi niya.. kailangan malawak ang pang-unawa para makita ang application nun sa totoong nangyayare.
    sabi nga ni bob marley..
    "Truth is, everybody is going to hurt you,, you just gotta find the ones worth suffering for."

    ReplyDelete
  4. @IKAW
    hehe! adik ka! tsk!


    @LED
    tumpak! the more the merrier or mas magulo? the simple the better? ganun ba dapat? hehe! nagugulo ako.. lol


    @GESMUNDS
    awww... ganda naman nyang binitiwan mong linya ni bob marley... thanks! i like it!

    ReplyDelete
  5. Ang ganda ng pagkakasulat. Sa nagsulat nito, sana balik ka na agad.

    at sa huli may pag-asa pa rin.

    aasa sa isang wagas na pagmamahal.

    be blessed sir!

    ReplyDelete
  6. talgang dugong writter siya. parang kilala ko na ang blog na yan. ahehehe

    ReplyDelete
  7. maraming makakarelate dito. maganda siya. sino kaya itong blogger na to. sayang di ko naabutan.

    ReplyDelete
  8. magilas....telentadong tunay!:)

    ReplyDelete
  9. either si ano yan or si ano lang yan. lol

    pag-ibig nga naman!

    pero sinong kaaway mo sa fb chuckness?

    ReplyDelete
  10. @pong - salamat at nagandahan ka sa aking panulat. uhmmm...pinag iisipan ko pa kung babalik pa ako o ndi na... :D

    @kikilabotz - kilala mo ung blog ko? hmmm...cge nga. kaso nisara ko na e.

    @gil - naabutan mo ako...di ko lang alam kung binibisita mo ung blog ko dati :D

    @2ngawzki - salamat :)

    ako po ung unang nag comment dito :)

    teka...feeling ko naman blog ko to! todo reply sa mga comment. hahaha!

    ReplyDelete
  11. huh?? sayo to?? nabili mo na?? patented to ah??! lol

    sasara sara ng blog tapos... tsk!

    ReplyDelete
  12. tse! iheytu tlga! ipopost mo ung ginawa ko dito tas magrereklamo ka?! lol! :))

    di na nga ako magco-comment...sorry...

    ReplyDelete
  13. @choknat,
    nabuhay ka mula sa banga! musta?

    ako? may kaaway? kebait kong nilalang di ba? di ba? di ba? hehe!

    ReplyDelete
  14. tinamaan naman ako dito... sabihin mo sa kanya balik na...

    ReplyDelete
  15. sayang naman at nawala na sa blogsphere ung writter. ung story na nasa itaas ay so touchy at nakakainspire

    ReplyDelete
  16. Hmm may pagkawriter, babae sya, nagsara bigla ng blog? Any more clues para makilala namin sya? hehehe

    ReplyDelete
  17. di na sya babalik? sayang naman pre kung di na sya magsusulat, pabalikin mo!!! lolzz

    di ako tinamad mag login :D

    ReplyDelete
  18. oo nga sino to? hehe nacurious din ako.
    nakarelate ako tuloy bigla, haha

    ReplyDelete
  19. @sainyong lahat - isa po akong babae na dating aktibo sa blogosperyo taong 2009. pero bigla akong nawala at bumalik pero nawala ulet :D di ko alam kung nagagawi kayo dati sa blog ko pero ilan sainyo kilala ko at isa ka na dun CM! lol! wala pang time sa blogging kase sobrang busy sa work (char!) hahaha!

    babalik ako siguro pag nagkaroon na ako ng reason para mag blog ulit...hahaha!

    ~~AKO~~

    ReplyDelete
  20. Nag susumenti!--ano na naman yan. hahahah!

    ReplyDelete
  21. Ang lalim. Gusto ko tuloy mapuntahan yung site nya. Bakit kaya nagsara? Tsk tsk. Puno ng emosyon.

    ReplyDelete
  22. hayss ang sakit sa heart ng love lols~~~pero part naman yun eh..
    viva sa writer na itetch ang galing ang lalim~~
    siya ba yung fren mo na kinukwento mo???
    pabalikin n cya ng madali ahhihi~~~
    isa syang talented na writer viva~

    -unni-
    ang tamad mag log in :P

    ReplyDelete
  23. ang ganda naman ng pagkakasulat! balik na ikaw dali,hihihi

    ReplyDelete
  24. Ang ganda. Buti nalang tinapos ko hanggang sa dulo. Kala ko kasi ikaw ang nagsulat, parang tinatamaan nako ng onti. Hahahaha! Ndi pala! Isa kang impostor! LOL! Pero seriously, ang ganda. Ramdam ko yung emosyon nya. And the things she said about living and loving were all true. Lovettt!

    WV: pabibul... hehe, ang kulit.

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails