Natawa naman ako dito sa kasama kong koreano! Kasi ba naman, manghang mangha sya nang gayatin ko ang isang pirasong manggang hinog. di ko alam kung nagjojoke ito, pero nakita ko naman na muka ngang seryoso sya…
Una, first time daw nyang makakita ng tunay na mangga, puro de lata daw na mangga ang nakikita nya sa korea sa supermarket... pero susko! kung titingnan mo naman yung mangga na inamoy amoy nya nang paulit ulit e yung tipong di kagandahan kasi may mga batik na itim na parang laglag lang sa puno at hindi basta basta mabebenta sa pinas.
Ikalawa, bilib na bilib sya sa akin nang hiwain ko yung mangga. Nanlalaki ang mga mata at di makapaniwalang itinanong nya sa akin kung paano ko daw nalaman kung pano hahatiin yung mangga na hindi tatatamaan yung buto?? Waha! Adikk?? Tingin ko naman ay walang pinoy na hindi maalam maghiwa ng manggang hinog ano??!
Gusto ko pa sanang dugtungan ito ng kwento tungkol sa makulay na kabataan ko… yung panahon ng pag-akyat sa mga ibat ibang klase ng puno sa aming bukid tuwing ganitong panahon ng bakasyon, pero sa next post ko na lang…
E kasi ba naman, dahil sa kwentong mangga naalala ko tuloy na panahon nga pala ng mangga ngayon sa pilipinas…
masarap sanang kumain ng manggang hilaw na manibalang at sobrang asim tapos isasawsaw mo sa maalat, manamis-namis at maanghang na bagoong….
Yung tipong, namamanhid na yung ngipin mo sa sobrang dami nang nakain mo e ayaw mo pa ring tigilan ang pag-ngasab…
wahahaha!! naglaway naman ako dun!!!
Putek!!!Nangasim ako ah lollz
ReplyDeleteahahaha, parang tanga lang ba yung Koreano, hekhek. Pinoys are amazing! pwahahaha
ReplyDelete@ lord CM:
ReplyDeletekakamiss talaga ang pinas pagdating sa foods..
@netaholic21:
natawa ka din sa koreano ano? blessed tayong mga pinoy dahil tropical country tayo and nasa atin ang mga fruits and foods na hindi natitikman ng mga ibang lahi...
Ka-laway!! haha!! ;)
ReplyDeletewahhh..maraming mangga dto sa bahay ngyon.gusto nyo?hehe.may hilaw tska hinog.hehe
ReplyDeletehoy homer! wag ka dito maglaway! nagkakayat ka pa dito sa kwarto ko ha?!
ReplyDelete@sober:
wag mo na kwento! di ka naman mamimigay e!!
hehe.bumili ka nlng jan.pagtyagaan mo na ung mmga spots
ReplyDeletehehe
wow enge naman paborito ko yan, dyan daw ako pinaglihi. buti hndi ako ngmukhang mangga,lols
ReplyDeletesarap ng bagoong parang ebak,hehe
pers taym ko ata dito..hindi ko masyadong pinasadahan ng matagal ung latest post kasi naglalaway na ako sa mangga at bagoong..
ReplyDeletepero pinakatitigan ko ung header pic mo..nakakawindang..nakakaadik tingnan ang hotdog at ketchup..
waaaaa....
biglang naglabasan sa utak ko ang mga alaalang kaakibat nang manggang yan, wheeew... naglalaway ako ... tsugas...
ReplyDeleteyung mga panahong laging napapalo dahil walang tigil sa pagakyat sa puno lalo na at manibalang na ang mga bunga na may sukbit na asin at nagtatago sa pinakamayabong na sanga at dun nageenjoy sa pagngata... haaaayyyy...
Langya dinamay mo pa ko! naglalaway na rin tuloy ako ngayon...ansarap ng picture! ahehe
ReplyDeletesalivation, hehe..
ReplyDeletewow nangasim tuloy ako. nakakamiss talaga ang manggang hilaw. iba talaga ang lasa ng mangga sa atin.
ReplyDeleteang saraaaaaaaaaapppp..waaaaaaaaaaaaaaaaa...
ReplyDeletenakakagutom din tong blog mo ah..
naremember ko tuloy yung isang foreigner na ngpapicture at yinakap yung puno ng saging..ganyan talaga pag first time..natutuleleng..yahaahhaha