San ba nasusukat ang katapangan ng isang tao?
Masasabi mo bang matapang ka kung kaya mong makipagsagupa sa lahat ng adik sa lugar nyo? O makipagrambolan at makipagbasagan ng mukha; makisawsaw sa gulo ng may gulo…
Kung kinatatakutan ka pwede bang masabing ikaw na ang pinakamatapang sa lugar nyo?
O kaya naman ay matapang ka ba talaga kung maiwan kang mag-isang nakikipaglaban sa gitna ng giyera kagaya ni Rambo??
Kung handa kang ibuwis ang buhay mo para sa ibang taong di mo naman kaano-ano, matapang ka nga bang talaga?
Matapang ka nga ba kung lagi ka naming nakikitang nakikibaka dun sa Mendiola? Nakikipagbatuhan at nakikipaghampasan sa mga riot police, binobomba ng water truck, kinakaladkad ng mga abusadong pulis habang walang tigil na binabatuta… Maituturing ka bang matapang kung walang sawa mo itong ginagawa?
Matapang ka ba kung sa kabila ng panganib ay pinili mong isiwalat ang nalalaman mong katotohanan, kahit sino pa man ang iyong masagasaan?
Matapang ka nga ba kung kaya mong taas noong harapin ang pangaalipusta ng mga tao sa paligid mo dahil ikaw ay naiiba sa lipunan, may kapansanan, o dili kaya ay nabibilang sa grupo ng ikatlong kasarian?
Matapang ka ba na kaya mong humarap sa magulang ng babaeng nabuntis mo sa mura nyong edad? At pangatawanan ang lahat, ipangakong itataguyod mo ang iyong pamilya sa abot ng iyong makakaya..
Matapang ka nga ba kung handa mong pangatawanan ang pagiging isang responsable at huwarang padre de pamilya kahit sa gitna ng hirap ng buhay?
Kaya mo bang harapin ang katotohanang sa iyong pag-uwi mula sa pagpapaalipin sa ibang bansa ng mahabang panahon ay wala ka man lang naipundar? at mas masaklap pa ay iniputan ka pala sa ulo ng iyong mahal na asawa… Katapangan din ba itong maituturing?
Matapang ka ba kung ikaw ay gaya ng isang paslit sa lansangan na nakikipagpatintero sa mga humahagibis na sasakyan para sa konting baryang pwede mong kitain?
Matapang ka ba na kahit masama at mapanganib e kaya mong mangholdap, magnakaw, magsnatch, umakyat sa mga tower ng kuryente, mangidnap, mangcarnap para sa mga anak mong kumakalam ang sikmura?
Matapang ka nga ba na kaya mong ikalakal ang iyong katawan at tiisin ang pambababoy ng bakla, mga matrona o mga lalaking hayok sa init ng laman kapalit ng perang pantawid gutom?
Matapang ka bang maituturing kung nagawa mong takasan ang nakakaadik mong bisyo?
Katapangan bang sabihin mo pa rin ang niloloob mo sa isang taong gusto mo kahit na tingin mo ay suntok sa buwan ang magkatuluyan kayong dalawa?
Katapangan din ba kung haharapin mo na lang ang katotohanan na hindi talaga kayo para sa isat isa ng iyong pinakamamahal?
Sigurado ako, ilan lang sa atin ang totoong makapagsasabing handa na silang mamatay anumang oras. Matapang ka nga ba kung kaya mong harapin ang kamatayan?
Kasing tapang ka ba nilang mga may taning na ang buhay at konti na lang nalalabing araw sa mundo? Sila na nararatay sa banig ng karamdaman at naghihintay na lang ng takdang oras….
Sa kaparehas na aspeto, gaano karaming tapang ang kailangan upang makita mong araw araw na nagdudusa sa banig ng karamdaman ang iyong pinakamamahal sa buhay?
Paano ba talaga sinusukat ang katapangan ng isang tao?
Courage is being afraid but going on anyhow.
~ Dan Rather
Ang tapang ay nasusukat sa pamamagitan ng kung paano mo sinasabuhay yung mga pinapaniwalaan mo. Yun bang kahit anung mangyari paninindigan mo yung prinsipyo mo at kailanman di mo pagbibili ang mga ito. For me yun ang tapang!
ReplyDeleteKatapangan???? Sinong kinukumbinsi sa bawat komentaryo namin, ang aming opinyon o ang sarili mong pamamaraan ng katapangan???? Follow what God's did in life and u know what's truly katapngan is...ooppppsss, i did not say magpapako ka rin sa krus ha!!!!
ReplyDeleteHOMER, oo nga... tama ka jan, yung katapangan ang paninidigan mo sa alam mong tama kahit ano pa man ang mangyari..
ReplyDeleteSEAQUEST, waaah!! ano daw??? lalo naman akong naguluhan...
ay hindi po ako lalaban hindi ako mtapang.maawa kana sakin,lols
ReplyDeletebasta alam ko ang tapang nasa puso. yun lang... :)
nasa Dammam ka pala? wahhhhhhhhh! dito lang kami sa Khobar. hehehe, mag-EEB tayo mga blogger dito sa Eastern Province Next Thursday June 11 sa Khobar, sa may Phu Pink Restaurant.
ReplyDeleteSana makapunta ka, give me a call, or email me, 0563677487
ayos ah!
ReplyDeleteano nga ba ang katapangan?
iba-iba naman kasi ang katapangan kung tutuusin. depende yan sa sitwasyon may ganun?!
pero para sa akin katapangan na maituturing ang ginawa ng ating mga bayani. basta saludo talaga ako sa kanila ng bonggang bongga!
mahirap ngang sukatin ang katapangan lalo nakadepende sa sitwasyon..hmmmm
ReplyDeleteOT:
pa ex-links naman po...salamat!
pabasa na din ng mga past entries mo...salamat ulit!
Matapang ka nga curacho kung nalagpasan mo lahat ng nabanggit..ang dami e sakit sa brain!.. courage can be physical or moral. matapang ka physically kung kaya mong tiisin ang sakit na dulot ng tilampsik ng mantika while nagpiprito ng tilapia o kaya umapak sa mga bubog ng bonggang bongga. Pero mas mahirap yata maging matapang morally, to act accordingly against extrinsic factors.. hmm ano ba pinagsasabi ko, hahaha nilalagnat na yata talaga ako.. :P
ReplyDelete@ MJ
ReplyDeletetakot ako sa tilamsik ng mantika e... actually lagi akong may hawak na takip ng kaldero pag nagpriprito! wehehehe!
matapang morally, against extrinsic factors? nosebleed ako!! nyahahaha!