pektyur pektyur! ismayl!!!!

11.6.09

Nakakain ka na ba ng bayag?

Oo, wag kang magulat sa taytol. Tinatanong nga kita kung nakatikim ka na ng bayag -- ng baka… o mas kilala sa tawag na soup #5. Pamoso bilang isa sa mga aphrodisiacs at pampatibay ng resistensya para sa walang humpay na labanan.

Sa may valley golf sa cainta, andun yung parang isang mini-palengke sa bangketa. Sa gitna nun e may isang karinderia/gotohan/lugawan. Tuwing napapadaaan ako e naiintriga ako sa nakikita kong karatula nila na “soup #5 available here’.

May mga nabasa akong articles about soup #5, mga nasusulat tungkol sa epekto sa ating katawan ng pagkain ng soup na to. At ang sabi e ito daw ang "da best" na aphrodisiac at mas mabisa pa sa viagra. E di syempre, dahil ako naman ay curious din sa mga ganitong bagay at mahilig din mag-eksperimento… naisip ko itong subukan..

Umupo, nag-order, naghintay… naexcite, nagfollow-up. Maya-maya pa e eto na nga at inihain sa aking harapan ang isang mangkok ng mainit na mainit na sinabawang bayag. Syempre, halukay muna ng laman, tinitingnang mabuti kung ano ba yung kakainin ko dahil sa totoo lang e di pa man lang ako nakakita ng ari ng baka at tapos ngayon e isusubo at kakainin ko pa??! eewww!!

Syempre, unang subo, higop ng sabaw lang muna -- pang-alis kaba… hanggang inumpisahan ko na ang isang piraso ng litid.. hmmm… (parang bulalo lang ahhhh)… teka, litid? Wahaha!! etits ng baka!! Ewww!

At eto na nga, ang sumunod kong pagsubo ay parang hindi katanggap tanggap sakin… habang nginunguya ko sya ay parang magaspang akong nangunguya … eto na nga malamang ang betlog ng baka… wahahaha!!

sige lang… higop, nguya, kain lang… kailangan kong panindigan ang aking kapangahasan at pagka-igno. At dahil bobo ako, inisip kong magiging kulang din ang epekto nito kung di ko sisimutin ang laman ng isang mangkok na iyon..

Sa madaling salita ay naubos ko din at nasimot ang aking inorder. Nagbayad, sumakay ng fx at pinakiramdaman ang sarili..

At ang mga sumunod na pangyayari ay sadyang inedit at hindi ko na maaaring ikwento (unless requested! LOL) dahil baka matira tayo ng board of censorship.

Clue: Hindi ko sigurado kung epekto ng sinimot kong mangkok ng soup o “psychological effect lang”, basta ang totoo hindi ako nakapasok sa work kinabukasan. Wehehehe!!

Ikaw parekoy, baka gusto mong subukan? Kaysa gumastos at magsunog ka ng pera sa Viagra, e mas mainam na subukan mo ang bayag ng baka… Ika nga, “singsarap pero di singmahal..” WEHEHEHE!!


Di ko napektyuran yung kinain ko… kaya nagnakaw na lang ako sa net..
salamat sa may-ari ng pektyur! hmmm.. yummy!

17 comments:

  1. ayus to ah!! haha!! never pako nakatry nito! pero mukhang di ko na kailangan ng aphrodisiac eh, sarili ko palang aphrodisiac na haha!!! :P

    ReplyDelete
  2. akala ko kung anong bayag! hahahaha!!

    kyuryus lang ako aim. anong lasa? at amoy? hahaha!!! sa kwento mo palang e naimagine ko na ung bawat subo mo nun! hehehe...

    ReplyDelete
  3. @ HOMER, wahahaha!! parang sinabi mong "malibog ka pa kaysa sa kuneho"??? wahahaha!!

    ReplyDelete
  4. @ MANANG DYI, lasang nilaga eksep da fuck na etits xa... lagyan mo ng konting patis, konting paminta... hmmm... nilagang baka!!

    but xempre... may amoy... LOL

    ReplyDelete
  5. Pwede bang santolin ang bayag na yan?

    ReplyDelete
  6. @ ACRYLIQUE, santolin??? wahahaha!! pano yun???!!

    ReplyDelete
  7. At ang sosyal ng name.
    SOUP #5, yags lang pala ng baka,haha

    ReplyDelete
  8. Nakalimutan ko na nga pano manantol. :)

    ReplyDelete
  9. masarap yan, naks parang nakatikim nako eh.

    ano lasa nyan?ah kahit ano pang lasa niyan bsta pmpatagal sige hihigupin ko,lols

    ReplyDelete
  10. ahihihi buti hindi mo naisipang bilhin lahat yung isang kalderong niluto nila para buo ang epekto sayo!

    hindi nga...ano ngang nangyari after kang kumain ng bayag?? ayan ha may request na ako!hihihi

    pwede kaya sa babae yan..ano kaya epekto..titigas ang utong??? hihihi

    ReplyDelete
  11. oi ,ayus yan masarap ba lasa? hehehehe

    ReplyDelete
  12. hmmmm...ganun...wala ka namang naimagine habang kinakain mo yan?

    ReplyDelete
  13. parang ang weird naman haha... ang galing naman nun..
    pede kaya isama sa menu yan? :)) lolz..

    ReplyDelete
  14. masarap nga yan, nakatikim na ko nyan...

    acongtatsulok nga pala, napadaan dahil kay tambay...

    ReplyDelete
  15. haha taenang pagkain menu yan!
    pero mukhang mganda ang epeks ah?ahaha

    ReplyDelete
  16. @ ACRYLIQUE

    waahh!! d ko magets yung pananantol mo...

    @ HARI NG SABLAY,

    try mo brod... then kwento mo sa akin anong epekto sayo... wehe!

    @ POKWANG,

    wahahaha!! talagang nagrequest ka at curious ano?? sabi ko nga, di ko alam kung epektib nga ba o psycho lang... gets mo?

    may epekto din malamang sa babae kasi nga aphrodisiac... natawa naman ako sa tanong mo if titigas ang utong?? wahahaha!!

    @ CHIC,

    bakit curious ka? di ka pa nakakain ng bayag? LOL

    @ AZUL,

    imagine? meron, para akong nandidiri sa sarili ko... wehehe!!

    @ SI KEKO,

    oo nga, try mo sama sa menus mo, dali!

    @ TONIO,

    tumalab ba naman sayo? salamat sa pagdalaw at pagkomento!

    @ ADZ,

    wehehe!! try mo!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails