pektyur pektyur! ismayl!!!!

1.7.09

Da return op di kambak!

Mula sa aking pagkakahimlay at pagmumuni-muni ng ilang saglit, ako’y muling nagbabalik upang bulabugin ang inyong mundo. Merong ilan na walang sawang bumisita at sumilip dito sa aking kwarto habang ako ay nasa aking katahimikan, maraming maraming salamat sa inyo.
Hndi totoong tinamaan ako ng tulo o ng anumang STD kaya ako ay pansamantalang nawala at nanahimik, dahil ang totoo nyan as of the latest count (and still counting) of 171 days and 8 hours ay di pa rin ako nadevirginized.

Wala ring katotohanan na natanggal ako sa trabaho sa kadahilanang nahuli akong nakapasok ang ulo sa drawer habang pasimpleng natutulog dahil sa sobrang puyatan sa gimik at nightlife. Di po totoo yun, dahil wala naman akong gimik dito, wala ring nightlife at isa pa, malaki ang ulo ko di kakasya sa drawer!

Ang totoo nyan ay naging napakaabala ko sa trabaho.. huh?? Ako ba ito??!! Hahaha!! Anyway, nakalagpas na ako sa aking kalbaryo… so ang kasunod kong itinerary ay mag-housekeeping sa magulo at makalat kong mesa na mas magulo pa yata kaysa sa utak ko…

Isa pa, may nahuli akong maamo at napakagandang paru-paro… at naging abala talaga ako sa pag-aalaga neto.. Medyo nahihirapan lang ako kasi di naman talaga ako marunong mag-alaga ng paruparo.. di ko man lang alam kung ano ba ang pinapakain sa kanila (hmmm… kumakain kaya sila ng mais?? LOL) medyo pinag-aaralan ko pa din ang kanyang mga kilos, pero medyo nagkakaintindihan na din naman kami kahit papaano..

Sa loob ng ilang araw ng samut saring pinagkakaabalahan ko, meron din naman akong ilang natutunan at napatunayan at nais ko sanang ibahagi sa inyo..

1. ang pag-ibig pala ay may expiration date. Para lang itong sale item sa hypermarket, pag ini-offer ngayon kelangan mo nang hawakan at bilihin ito. Dahil kung hindi, may ibang dadampot o bukas e regular price na ulit.

2. Ibat iba ang mukha ng tao. Hindi porke marami ka nang pinagdaanan sa buhay ay kilala mo na lahat ng makakasalamuha mo. Mag-obserba, panatilihing bukas ang mga mata.

3. Hindi lahat ng mukhang bagong ligo ay mabango.

4. Wag na wag magapapadala sa mapanlinlang na itsura. Wag sukatin ang tao sa kanyang panlabas na anyo.

5. Walang ibang tao ang makapagsasabi kung anong klaseng tao ka. Pag humarap ka sa kanila, para ka lang humarap sa isang malabong salamin. Ikaw lang ang totoong nakakakilala sa sarili mo. Wag basta basta maniniwala sa kung anumang sinasabi nila. Humingi ng payo, makinig, mag-analisa at sundin ang sariling pag-iisip.

6. Oo nga, hindi lahat ng matalino ay magaling at hindi naman lahat ng magaling ay matalino.

7. Tumawa ka kung may problema. Totoo, nakakagaan ng dibdib, pero tandaan hindi nito mareresolba ang anumang dinadala mo.

8. Kung hindi ka handang matalo, wag ka na nga namang makipagtalo. Gayundin, mahirap makipagtalo sa taong ayaw magpapatalo. Piliing mabuti kung kanino ka makikipagtalo.

9. Bawasan ang pagiging sweet at masyadong malandi, hindi maganda sa kalusugan.

10. Ingatan ang sarili. Lalo na ang sariling katinuan. Iwasan ang pag-iisip sa mga problemang mahirap solusyunan.

11. Matulog nang marami hanggat may pagkakataon ka. Pag dumating sayo ang problema, tiyak kong hindi ka na makakatulog.

12. Magdesisyon ayon lang sa iyong kapasidad. Huwag nang pilitin kung alam mo namang hindi mo kaya.

13. Panatilihing may silbi ang utak. Binigyan ka nito para gamitin hindi para lang maging palaman sa ulo.

14. Huwag magbigay kung wala namang maibibigay. Huwag din humingi ng anuman na wala namang mapaggagamitan. Huwag ituring na junk shop ang buhay, gugulo lang at magiging makalat.

15. Oo, tama. Huwag magagalit at sasama ang loob kung ayaw sayo ng taong mahal mo. Malamang bukas ay ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

16. Oo, wag na wag kang magrereklamo kung hindi ka mahal ng mahal mo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.

17. Kung di ka masaya sa ginagawa mo simple lang ang solusyon, wag mo nang gawin ito. Pwede din namang magtiis wag lang magpapakatanga.

18. Hindi lahat ng biro ay nakakatawa.

19. Sa mga mahal mo sa buhay, pwede kang magpayo. Ipakita ang tama at mali at ang consequences. Pero wag na wag mong ipilit ang payo mo kahit na alam mong tama ito. May sarili silang buhay, wala kang karapatang magdesisyon para sa kanila.

20. Kapag sinabi sa yo na “wag kang kikibo ako ang hihipo” wag kang mag-isip ng bastos, maaring iba ang pakahulugan nyan… pakaisipin mong para na ring sinabi sa yo na “hayaan mong mahalin kita sa paraang alam ko”.
Sa lahat ng mga tinamaan at naka-relate, magpakatotoo!
Muli, maraming salamat sa lahat ng walang sawang dumalaw! LOL

6 comments:

  1. huwelkam bak hehe!!!

    Salamat sa PUBLIC SERVICE.. Sapul na sapol ako haha!! :D

    ReplyDelete
  2. welkam bak....

    mukhang nagbasa ka lang ng libro ni bob ong kaya ka nawala..ahahaha

    may butterfly farm dito sa tabi namin..natural fruit juice ang pinapakain nila sa mga paru paru...makasama mo pa sana ng matagal ang kung sino mag paru parung inaalagaan mo ngayon,hehehe

    ReplyDelete
  3. @HOMER

    sapul ba brod?? lahat yannn???

    wehehe!!

    @POKWANG

    di po ko nagbasa ng books ni BO, naging busy-busyhan lang po talaga sa work...

    "kung sino mang paru-paro"?? hahaha!!

    hmmm.. natural fruit juice? sige try ko yan.... LOL

    ReplyDelete
  4. SANG_AYON AKO SA LISTAHAN!

    1. Ang forevewr ay 3 months lang minsan 2 weeks.
    2. iba-iba nga. marami jan mala mother Sylveria.
    3. Yung iba amoy alcohol lang.
    4. Kung ganun lkang din, sa dilim na lang magsukatan.
    5. Salamin lang tayo ng mga taong nakakasalamuha natin.
    6. Karamihan sa kanila, mga matsing.
    7. hihi
    8. Si yaya na lang ang awayin.
    9. Tataas lang uric acid mo.
    10. Put yourself first.
    11. Parang love yan. :) insomniac
    12. Wag kasi magmagaling
    13. Yung iba kasi nasa siko ang utak, hayz
    14. Wag ganid!
    15. Maghanap ng iba. Wag ipilit ang sarili sa ayaw naman sayo. Leche!
    16. Kay Bob ong ba to?
    17. Nakakapagod din naman ang walang ginagawa.
    18. Biro kasi yun, hindi joke. :)
    19. Kaya may karapatan tayong maging independent.
    20. Ay ganun? akala ko pa naman.. :)

    ReplyDelete
  5. @ ACRYLIQUE

    hahaha!! nice, nice!! okey ang komento mo brod ahh... punto por punto talaga... natawa ako sa "tataas ang uric acid" at "si yaya na lang ang awayin mo" hahahaha!!

    ReplyDelete
  6. galing naman...

    tama yung hndi lahat ng bagong ligo mabango.

    looks can be deceiving.hndi lahat ng nakikita't iniisip mo totoo.

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails