pektyur pektyur! ismayl!!!!

19.7.09

ikaw, ako at si anselmo

sa tuwing naaalala ko yung mga kwento mo, ikaw at si anselmo, di ko maiwasang mainggit sa kanya.

mabuti pa talaga sya, andami mong panahon para sa kanya. maigsi pa ang panahong ipinagkakilala nyo, at sa totoo lang mas matagal pa tayong magkakilala, pero andami nyo na agad pinagdaanan.

mas madaming kwento mo ang narinig nya, mas madaming emosyon mo ang hindi mo ikinahiyang ipakita sa kanya. di mabilang na sikreto mo ang nalaman na nya. e ako?

buti pa nga sya kahit di nya hingin ang oras mo, lagi kang may panahon sa kanya. buti pa sya konting papansin lang nya sayo, di mo maiwasang di magbigay ng atensyon sa kanya..

buti pa nga sya, paulit ulit na nyang nasilayan ang maamo mong mukha at ang malaanghel mong ngiti. ilan beses ka na nga ba nyang napatawa? buti pa sya….

ano ba ang pakiramdam ng laging nasa tabi mo? ano bang pakiramdam ng mahawakan ka? gaano ba kalambot ang iyong mga pisngi ? ang iyong mga labi? buti pa sya…


ano bang meron sya na wala ako??? sana ako na lang si anselmo…

16 comments:

  1. ok lang yan... lahat naman tayo may kanya-kanyang ikaw at anselmo... malay mo, ikaw ay isa ding ikaw sa ibang tao..

    ReplyDelete
  2. Tang-inang yan. bakit na lang puro si Anselmo. magsama kayo ni anselmo mo!

    sensya natangay ako. hehe

    Hanap na lang ng iba. yung walang anselmo.

    ReplyDelete
  3. Hehehe :D Alam mo pre nasa isip ko? yung kwento tungkol sa mag asawang nag away dahil kay Anselmo...

    Babae:Aahh, Ohhh, Sh!!!t, Anselmoooo..
    Lalake:Putek!!!Sinong Anselmo?
    Babae:Ang Cell mo, nadadaganan ko baka mabasag

    CelPhone lang pala, Lolzzz

    ReplyDelete
  4. Ano ba apelyido ni Anselmo? Nokia ba o Erickson?

    Honestly, maganda ang pagkakalikha.

    God bless.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  6. Sino ba si Anselmo? Sorry inosente. HAHA!

    ReplyDelete
  7. anselmo ano? anselko nokia...

    ReplyDelete
  8. tsk kakalungkot naman ng post mo parekoy, emong-emo...hehe ok lang yan,magpakabusy kana rin sa anselmo,lols

    ReplyDelete
  9. sabi nga una una lang yan..nauna na si anselmo...tapos na ang kabanata nya kaya pakaligaya ka na lang at ikaw naman ngayon...wag ng balikan yung dati at baka maubos ang oras mo sa kakaselos sa walang kwentang nakaraan.....ang mahalaga ay importante!

    tangnang anselmo yan napaseryoso ang comment ko..ahahaha

    ReplyDelete
  10. sa lahat ng mga nagkomento:

    salamat sa inyong lahat...

    salamat sa mga napasakay ko sa kasentihan ko...

    salamat sa nakidalamhati sa akin...

    bilib ako sa mga nakabuking na tunay na laman ng post na to... hanggaleng nyo talaga! mga talentado kayo!

    ang totoo po, si anselmo ay nokia ang apelyido...

    ang middle name nya po ay 5800... wehehe!

    ReplyDelete
  11. pasaway talaga anselmo...hehe

    ReplyDelete
  12. @ sober

    ikoi!! nabuhay ahh?? nakalimutan mo na ko... hmp!

    @ pinknote

    pasaway ba? wehe! salamat sa pagbasa at pagkomento... balik ka lang!

    ReplyDelete
  13. Hoi! c Tess to!!!! Talentado ka rin!! Nyahahaha!!! Joke3x

    ReplyDelete
  14. tess!!!!

    amf!! asan link mo???!!

    salamat sa pagbisita... musta daw sabi ni "boy pustiso"

    nyahahaha!!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails