pektyur pektyur! ismayl!!!!

26.2.10

ikaw ang miss universe ng buhay ko


soft features, long brown hair, meztiza, face like a doll… yan ang common description sa kanya..


bunga ito ng kaadikan ni mj, (na may magnificent talent na panatilihing hindi namumungay ang mata kahit more than 24 hours pa! sali ka nga sa pinoy got talent! hehehe!) nadako ang usapan namin sa kung saan saan.. hanggang napadpad kami sa pagiging stalkers namin sa mga celebrities at pretty faces.


sabi ko, meron akong gusto dati, si miss belgium. limot ko na ang pangalan, pero may picture nya akong ipinalaminate dati. andun pa rin yun sa isa sa mga luma kong wallet.. at sa saliw ng linya ni mj na “i remember the girl but i dont remember na face anymore”, nag-effort talaga sya na hanapin si ms. belgium. at ayun nga nagbunga naman ang kaadikan niya…


si CHRISTELLE ROELANDTS pala. malamang ay narerecognize nyo pa rin sya kasi sa pagkakaalam ko e nacaptivate talaga ng kanyang angelic at doll-like face features ang puso ng maraming pinoy during that time, syempre naman including mine.


sa lahat ng dumaang miss universe pageants, sa kanya lang talaga ako naging interesado. at gaya ng ibang pinoy, nahumaling (what a word! hehe) din ako sa ganda ng kayang muka… fact, hindi po ako mahilig manood ng miss universe or ng kahit anong beauty pageants. akala ko nga every 4 years din ginagawa ang miss universe, para ding summer olympics! hehehe!


konti lang marahil ang nakakaalam ng totoong pangalan nya, siguro kasi e nakakapilipit ng dila ang kanyang last name o hindi natin alam kung paano bigkasin.. pero tumatak sa isip natin ang monicker nyang “miss belgium”..


hindi sya nanalo on that pageant, at hindi man lang sya pumasok sa top ten, maraming pinoy ang nanghinayang. syempre isa na ako dun. kung ang naging basehan lang siguro ay popularity at merong text voting nung time na yun, malamang e mananalo xa dahil patok na patok sya sa pinas, ang text capital of the world…


pero after that pageant, wala nang naging balita ulit sa kanya.. di naman pala kasi sya ganun kapopular sa kanilang bansa… kung sinubukan lang sana nya ang magulong buhay-artista sa pinas, malaking break sa kanya yun.. gaya nila dayanara torres, at michelle van eimeren na naging sikat din at gumawa ng kanilang pangalan sa pinas in their own times.


nga pala, about sa picture ni ms. belgium na ipinalaminate ko pa, may nakita ako sa fb, ganitong ganito yun o…


mj, wag mo nang pansinin ang malapad na bikini pls!


sinubukan kong magpaka-stalker ni ms. belgium sa net, pero wala akong makuhang ibang impormasyon o update tungkol sa kanya…



san na kaya sya ngayon? ano na kayang nangyari sa miss universe ng buhay ko?



**pic from FB

21.2.10

what if....

minsan may mga tao na naging importanteng bahagi ng buhay mo na antagal mong pilit hinahanap sa mga social networks pero di mo matagpuan. may mga pagkakataon na pilit mo ginalugad yung profile ng mga taong konektado sa kanya pero wala sya dun… then one day, when you least expected it, bigla ka na lang kakabugin ng isang friend request galing sa kanya… and eventually, you’ll find out na naghahanapan lang pala kayo after all those years..

there was this girl na naging very significant part ng buhay ko. “it” started as early as my 5th grade, then naulit ng 2nd year high school, then during college days -- where “ it almost happened”. kaso nga, hindi nangyari. “ almost” kasi nga di kami matuloy-tuloy..


one big dilemma, best bud ko ang pamangkin nya na super close sa kanya.

hindi ko sinubukang mag-take advantage. at kahit kelan, hindi ko naovercome yung hiya at respeto ko sa buddy ko. hindi ko nagawang isugal ang malalim naming samahan, kapalit ng chance na sobrang posible na yung “almost”.

sadly, this girl and i parted our ways and lived our own lives na walang naganap na confrontation or aminan. all we know was, there was something special between us na hindi namin nasabi sa isa’t isa.

after so many years, we accidentally bumped to each other. we agreed to meet again some time. but, naging casual na lang ang pagkikitang iyon. pakiramdaman. awkward moments. alam kong may hinihintay syang tanong mula sa akin. pero di ko pa rin nagawa. as usual, natyope na naman kasi ako.

anyway, kakaiba ang araw ko ngayon. strange feeling. parang adrenaline rush ng bungee jumping or yung overflowing happiness habang sumisigaw ka sa peak ng isang bundok after ng 10 hours climb!

nice… nice!

15.2.10

saging lang ang may puso!

natapos na din ang araw na pinakaabangan ng marami sa atin. sa paghupa ng "putukan", hindi naman lahat ng tao ay naging masaya sa nagdaang araw. kaya nga ang post kong ito ay alay para sa lahat ng kagaya ko na hindi nananabik sa pagdating ng araw ng mga puso.

simple lang, wala naman sigurong kelangang ipagdiwang (at hindi ko din alam kung papaano gagawin) kung kayo ay malayo din sa mga mahal mo sa buhay. kahit gaano kahaba o kalagkit ang mensaheng ipinadala nyo sa isa’t isa through txt, tawag, or chat, di pa rin nun mapupunan yung kahungkagan ng mga puso nyo na umaasa na sana kahit sandali lang ay magkasama kayo sa ganitong mga espesyal na pagkakataon.

hindi ko makita ang sense ng pagbabatian ng dalawang indibidwal ng “maligayang" araw ng mga puso kung sa totoo naman ay hindi naman talaga kayo masaya dahil magkalayo kayo at wala kayong magawa kundi tanggapin ang realidad na ito. para sa mga hungkag at mabigat ang pakiramdam at pilit na nililibang ang sarili sa ibang bagay sa mga ganitong okasyon, nakikiisa ako sa inyo.

para sa mga kagaya mo na nagmamahal at patuloy na umaasa sa mga taong muka namang walang pakiramdam at walang konsiderasyon sa nararamdaman mo (wag ka nang lumingon lingon pa dyan, ikaw ito! damay ka na rin sa post na to! hahaha!). naturingan pa naman na bf mo pero walang kaeffort effort na batiin ka man lang sa araw ng mga magsing-irog. sabi mo nga, “nakalimutan?? isang malaking kalokohan!!” ipakilala mo nga sa akin yan at nang mapilipit ko ang leeg para sa yo! isa lang ang sagot dyan, kung hindi ka na masaya e di iwanan mo na.. puro sama lang naman ng loob ang ibinibigay sayo e.. di na yan magbabago!

para sa mga singol pa rin hanggang ngayon…

-hindi na kasalanan ng mundo kung bakit wala kang kasama sa mga pagkakataong kagaya neto, masyado ka kasing mapili, masyado kang pihikan, masyado ka kung makapanlait, e hindi ka naman talaga kagandahan! hehehe! o, sino ngayon ang mukang kawawa? e di ba ikaw din?

-ang laging katwiran mo kasi e ang pag-ibig kusang dumadating.. baka naman nalagpasan ka na ng pagkakataon o kaya naman ay sa malayo ka pa nakatingin e yun pala andyan lang sa tabi tabi yung para sayo di mo lang napapansin..

-wag mong masyadong pangarapin ang isang tao. tama na siguro ang paghihintay mo, baka kasi yung hinihintay mo e may iba palang hinihintay. ano nga ba talaga ang hinhintay mo? ang mauntog sya at mapalingon sayo? aw c’mon!

-kung papatay patay ka, nasasayo naman talaga yan e.. minsan kelangan mong gumawa ng sariling hakbang, lunukin ang pride at kapalan ang muka para magkatotoo ang mga gusto mo sa buhay.. tama na ang pacute at kakahintay ng tamang pagkakataon, dumiskarte ka na ng swabe bago ka pa maubusan ng oras o maunahan ng iba..

-para sa mga talaga namang nagmamaganda pero walang gustong sumubok, “pasensya na lang kung talagang nakaka-intimidate ang mga kagaya nyo kaya hanggang ngayon ay solo pa rin kayo. ganun talaga! kasalanan nyo yan, masyado kasi kayong magaganda!” para sa mga nag-abang ngunit walang dumating.. umasa ng todo ngunit hindi naman inaya, nag-effort ng todo-todo pero di man lang nakaiskor… better luck next time!


tapos na nga ang araw ng mga puso. ngayon naman ang araw ng mga pusong sugatan. isang araw lang ang valentine’s day, lumilipas din kagaya ng nagdaang mga ordinaryong araw sa buhay mo.. wag kang malungkot -- nakakabaog!

don’t dwell on the past, cheer up and move on!



pektyur from flikr.com

11.2.10

coffee please... yung bottomless!

kinakain na ako ng inip dito sa opisina ngayon.


halos nakatunganga na lang ako dito s a opisina simula nung dumating ako galing sa bakasyon. nakakabagot din ang tumunganga, ngumuya, magkape, magchat at magbrowse nang magbrowse lang at maghintay na lumipas ang maghapon! nakakaburaot!


patak-patak lang kung dumating ang workload, na kaya namang tapusin in half an hour, then nakatunganga ka na ulet.. tapos, pag tumayo ka sa oras ng uwian ansama pa ng tingin sayo ng boss mo, may mapanuring tingin na parang nagtatanong na “hinde ka mag-oot???!” amfufu! “nothing to do sir!” halata naman at alam kong alam nya na maghapon na akong browsing, chat, at bloghopping lang.. masama bang umuwi nang maaga at ipahinga ang aking “pagod na pagod” na katawan??


super eager at super expected ko pa naman na tambak na trabaho ang babalikan ko pero wala din naman pala.. self-pity at feeling worthless sa company ang epek sa akin ngayon.



minsan tuloy di ko maiwasang mainggit sa iba na ganito ang pinagkakakitaan.. kumikita ka na, enjoy pa! at siguradong walaaannnng kainip-inip!! \m/


ang pic na ito ay ninakaw ko sa lolpix.com

3.2.10

barubal

I’m back!!

Tapos na ang bakasyon ko. Third day na malayo sa pinas. Second day sa work, first day na humarap sa trabaho. Nakakapanibago na naman, parang nasa pinas pa rin ang isip ko.. vacation mode pa rin…

Isang taon ko na din ng pamamalagi sa blogosperyo. Isang taon ng pag-epal, paggulong, pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at pagbabahagi ng kung ano-anong kalokohan. Madaming beses na nablangko, nagbalak na tuluyang isarado ang kwartong ito, pero eto looking forward for another year.. sana ngayong taong ito, maging makabuluhan naman para sa iba ang kwartong ito.

Madami akong baon na kwento mula sa bakasyon / Xmas / new year / bday ko.. Madami akong kwento. Kwento ng kabalbalan at mga saloobin sa buhay. saka ko na hihimay-himayin! Patikim lang muna..

-Nandyan ang alamat ng i-phone na nahulog sa mabahong imburnal,
-ang istorya ng chuck taylor na pula,
-ang soya/bagoong na pampalasa sa kare-kare,
-ang epekto sa tuhod ni tulume ng gabi-gabing paglamon ng balut,
-ang mga awitin ni Jollibee, ang mga karakter na sina Lightning McQueen, Sally at Mater,
-ang sagot sa tanong na “bakit mas masarap kung lalawayan mo muna?”,
-ang makatindig tengang tanong ng aking kaibigan na bakit nga kaya ibinenta ng napakamura ng may-ari itong malaking bahay at marami pang ibang panakot na kwento sa harap ng tagayan at panonood ng paranormal activity
-meron din akong mga espekulasyon sa talinghagang nakapaloob sa ebs na di lumubog-lubog,
-ang epekto sa yong katinuan kung tatablahin ka ng mga kaibigan mo sa araw ng iyong kaarawan,
-ang makasaysayang pakikipagkita ko sa bago at gayundin sa mga mala-alamat ko nang mga kaibigan,
-ang pamamakialam ko sa celphone na gusto nang bumitaw sa sariling katinuan,
-ang kapal-muks na baklang namumukadkad na isa-isang sinutsutan, kinalabit at nilaspatangan ang bawat player ng Ginebra Kings para lang gawing background sa kanyang pagmumuka at malamang ay ipanangalandakan sa kanyang fesbuk.
-Ang lumipas na bagong taon na halas di ko naramdaman, di ko alam dahil sa baong gising lang ako o dahil nakatulala lang ako sa langit habang nanunuod ng fireworks display. Ang taon ng 2010 na wala akong new year’s resolution.
-Ang mga bagay na hindi ko nagawa at nakalimutang gawin noong aking bakasyon, dahil wala na akong oras o dahil lang sa nawalan na ako ng interes na gawin ang mga iyon.

Madami akong gustong baguhin sa buhay ko, madami akong gustong simulan, madaming malalaking desisyon na kelangan gawin ngayong taong ito.


Madami akong kwento.


Pasok ka sa madilim at malamig kong kwarto, hayaan mong kilitiin ko ang imahinasyon mo sa mga malisyoso kong kwento..


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails