pektyur pektyur! ismayl!!!!

3.2.10

barubal

I’m back!!

Tapos na ang bakasyon ko. Third day na malayo sa pinas. Second day sa work, first day na humarap sa trabaho. Nakakapanibago na naman, parang nasa pinas pa rin ang isip ko.. vacation mode pa rin…

Isang taon ko na din ng pamamalagi sa blogosperyo. Isang taon ng pag-epal, paggulong, pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at pagbabahagi ng kung ano-anong kalokohan. Madaming beses na nablangko, nagbalak na tuluyang isarado ang kwartong ito, pero eto looking forward for another year.. sana ngayong taong ito, maging makabuluhan naman para sa iba ang kwartong ito.

Madami akong baon na kwento mula sa bakasyon / Xmas / new year / bday ko.. Madami akong kwento. Kwento ng kabalbalan at mga saloobin sa buhay. saka ko na hihimay-himayin! Patikim lang muna..

-Nandyan ang alamat ng i-phone na nahulog sa mabahong imburnal,
-ang istorya ng chuck taylor na pula,
-ang soya/bagoong na pampalasa sa kare-kare,
-ang epekto sa tuhod ni tulume ng gabi-gabing paglamon ng balut,
-ang mga awitin ni Jollibee, ang mga karakter na sina Lightning McQueen, Sally at Mater,
-ang sagot sa tanong na “bakit mas masarap kung lalawayan mo muna?”,
-ang makatindig tengang tanong ng aking kaibigan na bakit nga kaya ibinenta ng napakamura ng may-ari itong malaking bahay at marami pang ibang panakot na kwento sa harap ng tagayan at panonood ng paranormal activity
-meron din akong mga espekulasyon sa talinghagang nakapaloob sa ebs na di lumubog-lubog,
-ang epekto sa yong katinuan kung tatablahin ka ng mga kaibigan mo sa araw ng iyong kaarawan,
-ang makasaysayang pakikipagkita ko sa bago at gayundin sa mga mala-alamat ko nang mga kaibigan,
-ang pamamakialam ko sa celphone na gusto nang bumitaw sa sariling katinuan,
-ang kapal-muks na baklang namumukadkad na isa-isang sinutsutan, kinalabit at nilaspatangan ang bawat player ng Ginebra Kings para lang gawing background sa kanyang pagmumuka at malamang ay ipanangalandakan sa kanyang fesbuk.
-Ang lumipas na bagong taon na halas di ko naramdaman, di ko alam dahil sa baong gising lang ako o dahil nakatulala lang ako sa langit habang nanunuod ng fireworks display. Ang taon ng 2010 na wala akong new year’s resolution.
-Ang mga bagay na hindi ko nagawa at nakalimutang gawin noong aking bakasyon, dahil wala na akong oras o dahil lang sa nawalan na ako ng interes na gawin ang mga iyon.

Madami akong gustong baguhin sa buhay ko, madami akong gustong simulan, madaming malalaking desisyon na kelangan gawin ngayong taong ito.


Madami akong kwento.


Pasok ka sa madilim at malamig kong kwarto, hayaan mong kilitiin ko ang imahinasyon mo sa mga malisyoso kong kwento..


18 comments:

  1. Ouch!!!! para sa alamat ng iphone na nahulog sa mabahong imburnal!!! mapapamura ako pagsakin nangyari un! antabayanan ko yung kwento na yun :) welcome back to reality!

    ReplyDelete
  2. weklam bak tbak!

    para sa akin yan ang pinakamahirap na yugto ng buhay...ang pagbalik galing sa bakasyon...ahahaha! mas mahirap pa yan kesa sa tigang ka ng ilang buwan!

    ReplyDelete
  3. -meron din akong mga espekulasyon sa talinghagang nakapaloob sa ebs na di lumubog-lubog-

    ito ang hihintayin ko :p

    ReplyDelete
  4. Aabangan ko ang mga kwentong yan, pramis walang halong pangbubullshit. hehehe.

    ReplyDelete
  5. @ roanne

    tama ka, kasi napamura din ako nung nangyari un e! ampf!

    salamat po sa muling pagdalaw!

    @ pokwang

    oo nga poks, kaya nga nung inihatid ako sa eyrport, walang lingon-lingon baka di matuloy ang pag-alis.. hehehe!

    @ yeinie

    hahaha!! sige, sige.. palitan tayo ng espekulasyon!

    @ glentot

    hehehe! naniniwala naman ako sayo tsong na hindi ka marunong mangbullshit, halata naman! hehehe!

    ReplyDelete
  6. Simulan ang kwento. Tagal naman! excitement na ko mag basa eh.

    ReplyDelete
  7. time to restart ba? start fresh. masayang mga kwento ang lumipas..

    ReplyDelete
  8. @ jepoy

    teka naman! bumubwelo pa e.. relax!

    @ chicqui

    yup! start fresh! sing fresh ng aking katawang lupa.. hehe! nice to have you here again chicqui-chicqui! huwelkam!

    ReplyDelete
  9. isambulat mo na ang mga kwento sir! makikinig kami! sayang ang i-phone ha. =))

    @exchange links po tayo, kung ok lang? :)
    salamat sa pagbisita..

    ReplyDelete
  10. Elow po..napadaan lang po sana ikaw rin maligaw sa tambayan ko..eto po ung link ko www.jg-complicatedlove.blogspot.com

    Ingat Happy Puso day!

    ReplyDelete
  11. @ goyo

    nalink na po.. salamat din!

    @jam

    binisita na kita dun.. nakibasa na rin at umepal! salamat sa pag-add!

    @ keso!

    amfufu! di ako madaldal! nagbabawi lang, matagal tagal ding nabakante e.. hehe!

    ReplyDelete
  12. helo!!!


    welcome back!

    at

    welcome sa akin dito!!!

    ako'y muling magbabalik!!!

    ^ - ^

    ReplyDelete
  13. ngayon lang ata ako nakabalik dito... welcome back... mukha ngang madami kang kwento... simulan mo na!!! hehehe

    ReplyDelete
  14. -ang epekto sa tuhod ni tulume ng gabi-gabing paglamon ng balut,
    -ang mga awitin ni Jollibee, ang mga karakter na sina Lightning McQueen, Sally at Mater.

    aabangan ko yung mga yan, una, gusto kong malaman kung anong naging epekto ng balut sa tuhod ni tulume.

    pangalawa, gusto ko yung movie na cars. :D

    \m/

    ReplyDelete
  15. eto pala ang iyong kwartong madilim at malamig

    parang ang sarap tumambay sa ganitong lugar.. yun kwarto ko rin malamig at malambing ;)

    mukhang ang dami mo ngang i kukwento

    abangan ko po mga kwento mo padaan na rin haha

    ReplyDelete
  16. gege... huwelkam! salamat sa pagdaan at pag-add.. balik lang po ng balik ha?

    choknat... hehehe! sige,sige.. wet ka lang.. este, wait ka lang! hehehe!

    lambing.. salamat sa pagdaan.. punta na rin ako sa kwarto mo, masilip kung malamig at malambing nga... hehe!

    ReplyDelete
  17. sir gil... bumubwelo pa lang ho.. hehehe!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails