natapos na din ang araw na pinakaabangan ng marami sa atin. sa paghupa ng "putukan", hindi naman lahat ng tao ay naging masaya sa nagdaang araw. kaya nga ang post kong ito ay alay para sa lahat ng kagaya ko na hindi nananabik sa pagdating ng araw ng mga puso.
simple lang, wala naman sigurong kelangang ipagdiwang (at hindi ko din alam kung papaano gagawin) kung kayo ay malayo din sa mga mahal mo sa buhay. kahit gaano kahaba o kalagkit ang mensaheng ipinadala nyo sa isa’t isa through txt, tawag, or chat, di pa rin nun mapupunan yung kahungkagan ng mga puso nyo na umaasa na sana kahit sandali lang ay magkasama kayo sa ganitong mga espesyal na pagkakataon.
hindi ko makita ang sense ng pagbabatian ng dalawang indibidwal ng “maligayang" araw ng mga puso kung sa totoo naman ay hindi naman talaga kayo masaya dahil magkalayo kayo at wala kayong magawa kundi tanggapin ang realidad na ito. para sa mga hungkag at mabigat ang pakiramdam at pilit na nililibang ang sarili sa ibang bagay sa mga ganitong okasyon, nakikiisa ako sa inyo.
para sa mga kagaya mo na nagmamahal at patuloy na umaasa sa mga taong muka namang walang pakiramdam at walang konsiderasyon sa nararamdaman mo (wag ka nang lumingon lingon pa dyan, ikaw ito! damay ka na rin sa post na to! hahaha!). naturingan pa naman na bf mo pero walang kaeffort effort na batiin ka man lang sa araw ng mga magsing-irog. sabi mo nga, “nakalimutan?? isang malaking kalokohan!!” ipakilala mo nga sa akin yan at nang mapilipit ko ang leeg para sa yo! isa lang ang sagot dyan, kung hindi ka na masaya e di iwanan mo na.. puro sama lang naman ng loob ang ibinibigay sayo e.. di na yan magbabago!
para sa mga singol pa rin hanggang ngayon…
-hindi na kasalanan ng mundo kung bakit wala kang kasama sa mga pagkakataong kagaya neto, masyado ka kasing mapili, masyado kang pihikan, masyado ka kung makapanlait, e hindi ka naman talaga kagandahan! hehehe! o, sino ngayon ang mukang kawawa? e di ba ikaw din?
-ang laging katwiran mo kasi e ang pag-ibig kusang dumadating.. baka naman nalagpasan ka na ng pagkakataon o kaya naman ay sa malayo ka pa nakatingin e yun pala andyan lang sa tabi tabi yung para sayo di mo lang napapansin..
-wag mong masyadong pangarapin ang isang tao. tama na siguro ang paghihintay mo, baka kasi yung hinihintay mo e may iba palang hinihintay. ano nga ba talaga ang hinhintay mo? ang mauntog sya at mapalingon sayo? aw c’mon!
-kung papatay patay ka, nasasayo naman talaga yan e.. minsan kelangan mong gumawa ng sariling hakbang, lunukin ang pride at kapalan ang muka para magkatotoo ang mga gusto mo sa buhay.. tama na ang pacute at kakahintay ng tamang pagkakataon, dumiskarte ka na ng swabe bago ka pa maubusan ng oras o maunahan ng iba..
-para sa mga talaga namang nagmamaganda pero walang gustong sumubok, “pasensya na lang kung talagang nakaka-intimidate ang mga kagaya nyo kaya hanggang ngayon ay solo pa rin kayo. ganun talaga! kasalanan nyo yan, masyado kasi kayong magaganda!” para sa mga nag-abang ngunit walang dumating.. umasa ng todo ngunit hindi naman inaya, nag-effort ng todo-todo pero di man lang nakaiskor… better luck next time!
tapos na nga ang araw ng mga puso. ngayon naman ang araw ng mga pusong sugatan. isang araw lang ang valentine’s day, lumilipas din kagaya ng nagdaang mga ordinaryong araw sa buhay mo.. wag kang malungkot -- nakakabaog!
don’t dwell on the past, cheer up and move on!
pektyur from flikr.com
Masarap naman maging singol ah bakit kaya marami nagrereklamo...
ReplyDeletePanalo ang statement na 'to
ReplyDelete"don’t dwell on the past, cheer up and move on!"
Alovet!
putukan daw oh. haha! happy new year! :P
ReplyDeletetama, kung di masaya eh di iwan..
"stay if you're happy, leave if you're not."
hirap eh. haha! tinamaan ako ng sobra sobra dito ah. dami kong ndi nailagan.. tsk.
ReplyDelete>ay natawa ng bonggang bongga. winnuur :))
ReplyDeletedi nya raw nakalimutan isusurprise nya raw ako hahaha!..
ReplyDelete*glentot.. may ups and downs kasi ang pagiging singol brod.. downs pag special occasions lalo na pag ganitong okasyon, feeling miserable!
ReplyDelete*jepoy.. yeah! move on ka na! wag magpakaemo at ipagpilitan ang sarili.. hayaan mong sila ang maglaway sa yo! hehe!
*choknat.. naexperience mo rin yung putukan? hehe! oo nga, kung nagkakasakitan na lang e bitiwan na lang.. unless nag-eenjoy ka.. masokista???! hehe!
*chicqui.. churi naman! bato bato sa langit.. ang tamaan sapul!!! wehehe!
*yeine.. tenchu!
*emdyey.. nyahahaha! at talagang humirit pa rin ha?? ang alam kong surprise e sya yung kaunahang babati, hindi kahulihan.
so, nasurprise ka nga ba? haha! malamang nasurprise ka sa sarili mo na may mga tao palang ganun, tapos sya pa ang nagustuhan mo.. haha!
at talaga namang lulusot pa e no? pero binili mo pa rin? as usual? LOL
wahhh. di ko lam kung ntamaan ako o hndi pero mdlas akong sbhang walang pkiramdam, e sa hndi ko nmn tlga nararamdamn?! tsk. nkkpnginit ng ulo hihi.
ReplyDelete"don’t dwell on the past, cheer up and move on!"
--- panalo! hehe
*keso.. haha! wala kang pakiramdam kaya tuloy di mo alam kung tinamaan ka nga ba o hindi! haha! go! move on! wag ka kasing pasaway! hehe!
ReplyDeletesorry a, pero naiyak ako. tinamaan kasi ako e.
ReplyDelete*kumukulongmantika... nyak! churi naman! panyo o...
ReplyDeletehaha, ok lang. cguro i just have to accept the bitter pill na if you are already in a relationship with the person you love, valentine's day id no longer so much of a big deal..
ReplyDeleteiniisip ko kung tinamaan ba ako... di naman ako malungkot nung linggo... siguro hindi... hehehe
ReplyDeletemay tama ka sa post na 'to...
*kmantika.. hmmm... hindi ba big deal? e bakit ka tinamaan? bakit ka naiyak? epal lang! hehehe!
ReplyDelete*gillboard.. hahaha! may kasama ka na naman imaginary friend no? o naghahanapan pa rinkayo till now? ahhh.. i see kasi parehas kayong iba ang kasama? awwwttsss!
haha, akin nalang yun. basta malingkot ako, hanggang ngayon. haha!
ReplyDelete*kmantika.. wag ikaw masyadong magentertain ng lungkot, nakakabaog! cheer up!
ReplyDeletesana ganun lang yun kadali. :) btw, maelfatalis nalang.:)
ReplyDelete*maelfatalis.. take your time.. hindi naman talaga madali ang maging masaya... but masama din naman na masyadong nagsi-sink in sa ating sarili yung kalungkutan..
ReplyDeletebeng bebg sapul ako!hirap magmahal
ReplyDeletenag isip ako kung may sumapol ba?? sa pekpek ko lahat tumama eh hihihihi di na ako umiwas...sarap eh!
ReplyDeletepanalo lahat ng statement mo! yo yo!
ReplyDelete