pektyur pektyur! ismayl!!!!

26.2.10

ikaw ang miss universe ng buhay ko


soft features, long brown hair, meztiza, face like a doll… yan ang common description sa kanya..


bunga ito ng kaadikan ni mj, (na may magnificent talent na panatilihing hindi namumungay ang mata kahit more than 24 hours pa! sali ka nga sa pinoy got talent! hehehe!) nadako ang usapan namin sa kung saan saan.. hanggang napadpad kami sa pagiging stalkers namin sa mga celebrities at pretty faces.


sabi ko, meron akong gusto dati, si miss belgium. limot ko na ang pangalan, pero may picture nya akong ipinalaminate dati. andun pa rin yun sa isa sa mga luma kong wallet.. at sa saliw ng linya ni mj na “i remember the girl but i dont remember na face anymore”, nag-effort talaga sya na hanapin si ms. belgium. at ayun nga nagbunga naman ang kaadikan niya…


si CHRISTELLE ROELANDTS pala. malamang ay narerecognize nyo pa rin sya kasi sa pagkakaalam ko e nacaptivate talaga ng kanyang angelic at doll-like face features ang puso ng maraming pinoy during that time, syempre naman including mine.


sa lahat ng dumaang miss universe pageants, sa kanya lang talaga ako naging interesado. at gaya ng ibang pinoy, nahumaling (what a word! hehe) din ako sa ganda ng kayang muka… fact, hindi po ako mahilig manood ng miss universe or ng kahit anong beauty pageants. akala ko nga every 4 years din ginagawa ang miss universe, para ding summer olympics! hehehe!


konti lang marahil ang nakakaalam ng totoong pangalan nya, siguro kasi e nakakapilipit ng dila ang kanyang last name o hindi natin alam kung paano bigkasin.. pero tumatak sa isip natin ang monicker nyang “miss belgium”..


hindi sya nanalo on that pageant, at hindi man lang sya pumasok sa top ten, maraming pinoy ang nanghinayang. syempre isa na ako dun. kung ang naging basehan lang siguro ay popularity at merong text voting nung time na yun, malamang e mananalo xa dahil patok na patok sya sa pinas, ang text capital of the world…


pero after that pageant, wala nang naging balita ulit sa kanya.. di naman pala kasi sya ganun kapopular sa kanilang bansa… kung sinubukan lang sana nya ang magulong buhay-artista sa pinas, malaking break sa kanya yun.. gaya nila dayanara torres, at michelle van eimeren na naging sikat din at gumawa ng kanilang pangalan sa pinas in their own times.


nga pala, about sa picture ni ms. belgium na ipinalaminate ko pa, may nakita ako sa fb, ganitong ganito yun o…


mj, wag mo nang pansinin ang malapad na bikini pls!


sinubukan kong magpaka-stalker ni ms. belgium sa net, pero wala akong makuhang ibang impormasyon o update tungkol sa kanya…



san na kaya sya ngayon? ano na kayang nangyari sa miss universe ng buhay ko?



**pic from FB

13 comments:

  1. Parang naaalala ko yang picture na ganyan may free na ganyan dati sa cheese curls.... lahat ng Miss U.

    ReplyDelete
  2. naku at talaga namang ginawan ng blog post!... adik ka rin bibe!...oo nga well-loved sya ng mga pinoy that time, kahit nga grade 3 pa lang ako nun e i remember the girl.

    ang haba ng bikini parang pag ako nagsuot aabot hanggang chest wahaha.. oo

    ReplyDelete
  3. choknat*
    baket?? di mo ba xa napanood? malamang lasing ka na naman nun!! hehe!

    kikilabotz*
    yup!

    glentot*
    huh? meron ba?? bakit parang wala akong maalala?

    mj*
    hoy em ni dyey!anonymous ka pang nalalaman ha..
    grade 3 ka?? parang grade 2 ata ako nung time na yun? hehe!

    sabi na ngang wag nang pansinin ang bikini e... amfufu!

    ReplyDelete
  4. kuya tanong lang, ilan taon na ho ba kayo? :))

    ReplyDelete
  5. keso*
    bakit naman? wag ka nga! matanda ka pa sa akin no! :))

    ReplyDelete
  6. Hanep naman ang nakaaliwan mo. hehehe! Pero maganda naman talaga sya!

    ReplyDelete
  7. Ay natatandaan ko yan pero elementary pa lang ata ako that time nung panhon nya..at super ganda sya kahit black & white pa lang tv namin nun sobrang nainggit ako sa ganda nya.

    ReplyDelete
  8. Sabagay nuknukan naman talaga siya ng ganda.

    ReplyDelete
  9. na-adik din ako sa kanya dati. hehehe. i have pictures of her din nung time na yun. naka-laminate din. :-) nsa album pa ng ayung iba eh. tapos pina-enlarge pa.

    freaky na ata tong na-share ko. hehe

    ReplyDelete
  10. alam sa bikini kung anong taon yan..ahahaha...di pa yata ako pumapasok nyan..hihihi

    ganda nya no? kakainggit ang fes at bowdi!

    ReplyDelete
  11. aba naalala ko rin yan, free nga yan sa mga chichirya dati nung elementary ako, at kahit ang laki ng card na yan di tulad nung ginagamit sa TEX, eh kinumpleto ko yan.. lolz

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails