pektyur pektyur! ismayl!!!!

2.3.10

body shot

masaya kaming nag-iinuman. apat lang kami sa grupo. as usual topics, places to go, plans in the future, chickas, gfs, ex-gfs, yabangan, kantyawan… tawanan na kami nang tawanan!

maingay na talaga kami, palibhasa nga kasi e mga nakakainom na.. napatingin ako sa sahig, nakakalat na ang isang bote ng el cuervo.. “nakaubos na pala kami ng isa?? mukhang malakas yata akong uminom ngayon?” sabi ko sa sarili ko.

tuloy lang ang tagay, palakas nang palakas ang tawanan at alaskahan,sabayan pa nang malakas naming kantahan sa aming soundtrip. biglang tumugtog ang makasayasayang careless whisper at malamang sabay sabay naming naalala ang maalamat na choreography ng mga tao sa likod ng video scandal na to.. di namin naiwasang maghalakhakan! napaimik tuloy ako.. “sarap sana ng tequila kung may chicks tayong kajamming…”. tawanan ulit sila!

maya maya pa ay tumayo mula sa umpukan si mike (di tunay na pangalan). dinukot ang kanyang cellphone. nagtxt. ibinulsa ulit. naghintay ata ng reply kasi mayat mayang dinudukot at tinitingnan ang kanyang celphone. nainip na ata, tumatawag na siya sa celphone nung muli kong nilingon. di ko masyadong marinig ang pinaguusapan nila, di ko alam kung bumubulong lang talaga sya, sobrang ingay na ng aming kwarto o nabibingi na ako sa tama ng iniinom namin.

maya maya pa ay bumalik sya sa umpukan namin, nakatingin lang sa aming tatlo, ngising aso… sabi ko “mukhang may nabola ka na naman ah??!” ngisi lang ang isinagot nya sa akin. kumuha ng asin, dinampot ang kanyang baso at sumigaw ng “kampay!!!” sabay inom. di man lang kami hinintay makapagtaas ng aming mga sari-sariling baso... dinampot at sinipsip ang kalamansi habang nakatingin sakin at nakangising itinataas baba ang kanyang dalawang kilay… sabi ko, “wasted na to o….”

makalipas ang ilang saglit, may kumatok sa pinto. tumayo si mike, mas lumapad ang ngising aso nya. nagulat kaming tatlo nang bumalik sya mula sa pinto na may kasama,

“mga brod si lalaine.. naaalala nyo pa ba sya?”


may karugtong...

16 comments:

  1. may pabitin-bitin pa to hmf!

    ReplyDelete
  2. niqabi*
    ayyy... baket namamakelam?? hehe!

    ReplyDelete
  3. waaahhh!! brod, inform mo ako kapag may kadugtong na to ah?! susundan ko to! lolz

    ReplyDelete
  4. asus! langya. bitin. haha

    inuman, puro inuman nababasa ko lately. hehe

    si manong jose pala kainuman nyo eh, si manong jose na friend ni granma. hehehe

    ReplyDelete
  5. parang saturday edition ng mga teleserye! hahaha lokaret ka indi..

    ReplyDelete
  6. hmmm mukhang exciting ang mgaganap ah?

    ReplyDelete
  7. amf! so kailangan putol ang wento???
    kelan naman ang sunod na post/ hehehe


    hmmm may isa lang akong tanong... dun sa parte na "tumayo si mike, dinukot ang ngelpown echos" tanong ko lang bakit kailangan pa nyang tumayo para magtxt?

    ahhhh lam ko na mahirap dukutin ang ngelpown sa pantalon pag nakaupo? honga yun nga siguro un.. honga... sory...hahaha

    dugtungan kasi yan!

    ReplyDelete
  8. hahahah. gumaganon na oh. may bitin epek.


    hahahha. bilis. asan n yung ksunod! haha

    ReplyDelete
  9. naiinip na ko ang tagal ng kasunod..

    may masabi lang. wahaha!

    ReplyDelete
  10. Ahahahahahahaha tama bang bitinin? jijijijij ayos lang mukha namang may pulutan na kyo sa inuman... jowk! jijijijijiji

    ReplyDelete
  11. woho lalaine pala ah. teka, anu nangyari sa font style dito?? nagbago ba o namamalik-mata lang ako?? magpaliwanag ka, chuckpot! muwahaha >:)

    ReplyDelete
  12. aba sobrang daming naka abang sa next chapter ah.. .LOLZ

    ReplyDelete
  13. hangggggg tagal naman...
    nilulumot na kami sa pgahintay hehehe

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails