pektyur pektyur! ismayl!!!!

15.9.10

'coz everyone is a piece of cake

Naranasan mo na bang umasa sa isang bagay? Sa isang tao? Unto something, for it to happen?

Naranasan mo na bang maghintay ng phone call? Ng reply sa text messages mo? Pero at the end e naghintay ka lang pala sa wala at puro frustrations at sama lang ng loob ang napala mo…

Naranasan mo na bang umasam asam na makasama ang isang tao sa isang beautiful relationship? But, at the end e friendship lang pala ang kaya nyang ibigay sayo?

“Fuck! Di ko kailangan ang friendship mo! Marami na akong kaibigan!” ampalayang ampalaya ano?

Com'on! Wag na tayong maging ipokrito at ipokrita! Hindi na tayo bata para makipaglaro ng guessing game o makipagtaguan-pung. Truth is, we don’t normally pursue, or give much of our time and attention to someone or anyone without any intentions behind it. Hindi tayo mag-uubos ng load at makikipagpuyatan pagchachat para lang makipagkaibigan o makipaglandian. There must be some valid reasons behind it. At sa aminin man natin o hindi umaasa tayo, directly or indirectly, for something bigger to happen kapalit ng lahat ng ginagawa natin.

Another point is, nakakasanay ba ang frustrations? Ang paghihintay sa maga bagay na parang hindi naman darating kelanman? Hindi ba parang in the long run e puro negativity na lang ang naiibigay sa atin nun? To the point na pag may dumating at kahit feeling natin e eto na talaga yung real chance, yung right right right chance, para sa atin e still hesitant pa rin tayo at i-reject lang natin kasi baka false alarm na naman or gaya ng dati e palpak na naman.

Gasgas na para sa atin ang salitang perseverance at patience pero hindi naman kasi nakakasanay ang masaktan sa paghihintay. Hindi nakakasanay ang mafrustrate. Hindi din kelanman nakakatuwa ang malaman mong at the end e wala ka palang inaasahan, wala ka palang hinihintay.

Worst is, sabihin sayo na, “Hindi ko naman sinabing maghintay ka ah? Choice mo yan”

Fuck! Fuck talaga! Di ba?

Knowing that you’ve wasted your time sa paghihintay sa isang bagay na di naman pala talaga mangyayari, maybe not now. Or not ever.

Pero naisip mo na ba?

Di kaya minsan mali lang talaga tayo ng hinihintay na chances? Sa isang pag-asam na di naman pala talaga posibleng mangyari? Na suntok sa buwan naman talaga yung inaasahan natin?

Hindi kaya mali lang tayo sa paghihintay sa isang maling tao? Sa isang tao na hanggang dun lang naman pala talaga ang kayang ibigay? Na ipinipilit lang natin ang isang bagay na hindi naman talaga pwede?

Hindi kaya may ibang naghihintay ng atensyon mo? O baka naman, hindi mo lang napapansin pero ikaw ay isang frustration din ng ibang tao?

Be still, open your eyes. Look around you, maybe you’re the most precious fruitcake for somebody, na antagal nang naghihintay ng konting atensyon mo.



"There's a fruitcake in everybody
There's a fruitcake in everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun

Just take a bite
It's alright
Taste the taste that sent all mothers giggling in sheer delight
Take a bite
It's alright
A little lovin and some fruit to bake
Life is a piece of cake"



an_indecent_mind

42 comments:

  1. Naranasan mo na bang umasam asam na makasama ang isang tao sa isang beautiful relationship? But, at the end e friendship lang pala ang kaya nyang ibigay sayo?
    ------parang naranasan ko na ito pero not directly ganto ang nangyari.

    Naalala ko ang eheads sa kantang fruitcake.

    ReplyDelete
  2. kasalukuyan mo bang dinaranas ang mga 'yan ngayon? bakit parang pait na pait ka.

    pero totoo naman lahat ng sinabi mo, aasa ka na parang tangga, maghihinntay na parang gutom na bata sa inaasahang pansit na ipapasalubong sa'yo, pero bandang huli, wala. at matutulog ka nang gutom.

    ReplyDelete
  3. hmmm...

    parang may meaning...meron nga ba?

    :D

    ReplyDelete
  4. NO JOKE. THIS IS by FAR my favorite reading material today! Pict grit ko please. JOKE!!!!

    "Di kaya minsan mali lang talaga tayo ng hinihintay na chances? Sa isang pag-asam na di naman pala talaga posibleng mangyari? Na suntok sa buwan naman talaga yung inaasahan natin?

    Hindi kaya mali lang tayo sa paghihintay sa isang maling tao? Sa isang tao na hanggang dun lang naman pala talaga ang kayang ibigay? Na ipinipilit lang natin ang isang bagay na hindi naman talaga pwede?"

    ALAVEEEEEEEEET! Kahit punong-puno ng kapaitan tong entry na ito it sounds very true. Minsan masarap mag self inflict na nasasaktan ka cause it will make numb and will make you stronger moving forward. WTF!

    Word Verif: TURATMHO

    ReplyDelete
  5. hhhhmmmm....sabi nga nila kung di ukol di bubukol.hehehe!Try lng ng try.Parte talaga ng buhay ang failures and frustrations...wala namn kz mangyayari kung puro reklamo.hehehe!

    ReplyDelete
  6. di ko alam kung i agree sa sinabi mo na meron pang ibang dahilan para pagtuunan ng atensyon at panahon ang isang tao bukod sa pagiging magkaibigan.

    pwede kasing ang isang tao, masarap kausap, interesante, nakakaaliw, madami kang natututunan, pero hanggang kaibigan lang talaga ang pwede niyong turingan.

    depende siguro sa tao yun. i don't know.

    pero i agree with the rest of what you said.

    ReplyDelete
  7. naghintay...matagal for long period of times into days,days into weeks, weeks into months til those months become a years until one day i found him but sadly to say he found the one he love, yah!! at the end we been friend (daw!) pero as of now parang di na rin eh..and i don't know the reason why??

    ReplyDelete
  8. parang may naalala ako sa post mo. :(

    btw, i really love thisss:

    Be still, open your eyes. Look around you, maybe you’re the most precious fruitcake for somebody, na antagal nang naghihintay ng konting atensyon mo.

    :)

    ReplyDelete
  9. Kaya kong mahintay hindi nga lang habang-buhay.

    ReplyDelete
  10. may mga bagay na masarap kapag pinaghihirapan!

    Mas binibigyan mo ng importansya ang isang bagay kapag hindi mo nakuha ito sa sapilitan at ng madalian.

    sabi nga sa kantang bohemian rhapsody. "EASY COME ,EASY GO"

    Ngayon kung tingin mo wala kang napapala sa pinaggagawa mo, then tumigil at wag ng tumingin pabalik, dahil kahit maglulupasay ka pa dyan hindi na maibabalik ang oras. NEXT PLEASE..... kumbaga!

    Ingat brod

    ReplyDelete
  11. Hmm kung sino mang hindi nakaranas ng ganyan, may kulang sa buhay nila... magandang experience yan kahit masakit kasi marami matutunan na lessons...

    ReplyDelete
  12. Sinanay ko na sarili ko parekoy, tinanggap ko nang hindi talaga mawawala sa buhay ng tao na umasa lang sa wala, kahit pa simpleng bagay na reply sa text...sanay na ako!

    ReplyDelete
  13. sabi ko na mabagal lang ang takbo ng utak ko kagabi...

    bumalik tlaga ako ngayon para basahin ulit..

    sa sobrang pagkasanay natin sa frustration, minsan hindi na tyao makadistinguish ng kakaibang feeling..minsan sumasama pa si paranoia..

    minsan or kadalasan din niloloko mo na yung sarili mo wag lang mabigyang diin ung katotohanan na naghihintay ka lang sa wala.. kumbaga para hindi ka masyadong masaktan pero alam mo.. sa sarili mo.... naghihintay ka sa isang mirakol na mangyari..

    nakakainis din namna ugn mga taong nagpapahintay... kahit bumanat sila ng : "sinabi ko ba sayong maghintay ka?" in the first place naman hindi namna maghihntay yung tao kung walang pinakitang something-something. basta nakakai nis lang..

    mahirap maghintay sa wala. mahirapa umasa sa wala. mahirap sabihan ang sarili na tumigil na. mahirap imotivate yung sarili na magpakapositive...hmmm gagawa ako ng fruitcake... gusto mo? :D

    nakikiayon ang WV mo.. NENCAKE hahahahaha

    apir AIM!

    ReplyDelete
  14. Nakakasanay ba ang frustrations? Isang malaking... OO! Bitter herb ampalaya din ako... NOON. =)

    ReplyDelete
  15. ang pait ay tatamis din yan sa tamang panahon. :-)

    ReplyDelete
  16. nakakarelate naman ako dito... ewan ko ba bakit naging hobby ko na ang mag antay.Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag nagbunga, hindi mo maexplain basta masarap sa pakiramdam.

    Be still, open your eyes. Look around you, maybe you’re the most precious fruitcake for somebody, na antagal nang naghihintay ng konting atensyon mo. ----- sana ganito rin ang gawin ng taong hinihintay mo :D

    ReplyDelete
  17. AIM, natawa naman ako dun sa may kanta pa sa huli. para tuloy naimagine ko after ko basahin merong biglang dating na background music. wapax.

    dun sa mga tanong mo. aysows. ako pa. naranasan ko na lahat yan. saklap. siguro nga mali lang ako ng inintay. pero hanggang ngayon sya pa din iniinytay ko. lol. martyr lang.

    ReplyDelete
  18. minsan ko na rin naranasan ang mga yan, nakakabaliw yung mga ganyang mga pangyaari parang nkikipagsex ka at hnd mo pwede iputok. but lagi mo sana tignan ang bright side. hnd ko lng alam kung saan pero i know later mkikita mo yun ^_^

    ReplyDelete
  19. “Hindi ko naman sinabing maghintay ka ah? Choice mo yan” - damn!

    pero how would you know kung mali o tama ang taong hinihintay mo e kung naramdaman mo ang marami at espesyal na pagbabago sa buhay mo dahil sa kanya?? kung siya talaga ang alam mong one great love mo??
    well, tanong lang naman,.. jina-justify ko lang ang paghihintay ko sa isang tao.

    nice post, indeed.. napa-tumbling ako, super sapul!

    ReplyDelete
  20. kasabihan, trust the person, but not the devil inside her...
    Like is a box of chocolates too.You never know what you gonna get.
    Decide wisely na lang.

    ReplyDelete
  21. @BALENTONG,
    venting out lang... medyo bad trip lang kasi pag hintay ka nang hintay sa reply na di naman dadating... di ba?

    ... at matutulog ka nang gutom.. yeah! naranasan ko na din yan nung bata ako, kasi nasanay ako na may pasalubong ang tatay ko pag umuuwi.. kaya nakakasama ng loob na ayaw mong matulog pero yun pala e matutulog kang gutom!


    @ANONYMOUS1,
    yeah may meaning... you have to dig deeper and know me more if you what to unveil it.


    @JEPOYSKI,
    ang haba ng comment mo! blog mo ba to? lol

    self-inflict?? EMO???

    hoi! humihirit ka lang ata ng pic greet mo e! hahahaha!

    ReplyDelete
  22. @2NGAWSKI,
    di po ako nagrereklamo.. nagtatanong lang ho.. baka kasi ako lang ang nakakaramdam nung ganun at baka nagiinarti lang talaga ako.. churi nemen! =)


    @GILLBOARD,
    di naman sa lahat tayo sweet, di din tayo sa lahat ng ating kaibigan e madalas tayong makipagpuyatan at makipagubusan ng load.. esp kung di ka naman unli.. point ko lang is, merong mga tao na sadyang di napapansin or ayaw pansinin or sadyang bato lang talaga siguro... di naman lahat. sabi mo nga, depende naman sa tayo yun.


    @ANONYMOUS2,
    di ka po nagpakilala.. at pasensya na kung naconfused naman ako sa identity mo.. i assumed na magkakilala tayo at may dating sa akin ang komento mo.. kung hanggang ngayon di pa rin malinaw sa yo ang lahat, pakilala ka, ibubulong ko sayo ang reasons why..

    ReplyDelete
  23. @KAREN,
    ikaw? may tumatawag na ba sayong "fruitcake" o naghihintay ka pa ring lumingon sa taong wala naman atang balak lumingon? subukan mo kayang ikaw naman ang lumingon? =)


    @FERBERT,
    tyaga mo naman brod maghintay! almost habambuhay?? aarrggghhh!


    @DRAKE,
    may point ka brod na mas masarap pag pinaghirapan... pero hindi naman lahat ng pinaghihirapan e nakukuha..

    ReplyDelete
  24. @GLENTOT,
    yeah! charge to experience, lessons learned.


    @LORDCM,
    maano bang magreply man lang ano? ramdam na ramdam ko lord bitter ka! hahahaha!


    @YANAH,
    haha! walang gana lang magbasa kahapon kaya di maabosrb at nangabog ng mahabang komento after! sa lahat ng sinabi mo, parang nakikita kong may pinagdadaanan/pinagdaanan ka... hehe!

    awwww... palimos po ng fruitcake...

    ReplyDelete
  25. @SALBEHE,
    buti na lang may emphasis yung NOON mo.. hehehe! alam na!


    @MARCO PAOLO,
    parang lambanog lang na binabadan ng pasas? =)


    @HARTLESSCHIQ,
    bakasyon na lang madz ang hinihintay ko ngayon e... hek hek! malapitt naaaaa!!! lol

    ReplyDelete
  26. @BULAKBOL,
    lapatan ko nga sana ng music vid ng eheads na fruitcake kaso baka makadestruct lang sa laman nung post ko.

    martir? uso pa ba yun brod? dami nyan dyang iba ah? hanap tayo tara? bloggers wala bang napupusuan? hehehe! ikaw na ang chickboy! ikaw na ang maraming stalkers!


    @KIKI,
    putok lang ng putok! wag pipigilan nakakabaog! haha! amfufu ka! hulsam ako ngayon! pass muna! lol


    @GESMUNDS,
    oo nga maraming nabago, maaring sya na nga.. pero sana magtanong ka naman kung hanggang kelan ba talaga sya magpapahintay.. mahirap kasi maghintay sa wala! di ba?


    @FRANCESCA,
    i agree with that one, never trust anyone completely. thanks for gracing my commentbox with your presence!

    ReplyDelete
  27. eto na talaga ang nobela ko na comment... LOL!

    NOBODY CAN HURT YOU UNLESS YOU LET THEM

    Hindi naman aasa ang isang tao kung walang nagpapa-asa and vice versa...

    kailangan lang clear sa isa't-isa na meron kayong PACT kasi kung wala naman talaga kayong napag-usapan na maghihintayan kayo at ang isa sa inyo ay nagfeeling... dun lang magkakaroon ng label na "PINAASA MO LANG AKO"

    in my personal opinion, ung problema sa mga pumapasok sa relationship is they do not know what they want sa isang tao, or sa relationship itself. nagiging testing grounds ung courtship hanggang sa humaba ng humaba na walang kinahinatnan.

    kung alam mo kasi kung ano ang hinahanap mo sa isang tao, u dont have to spend years para sa getting to know stage na hindi mo rin naman masisiguro kung sa bandang huli ay kayo rin ang magkakatuluyan na hahantong sa kasalan.

    CARPE DIEM

    QUALITY matters than Quantity... life is short, say what you want to say sa tao, and be true to your words, hindi mo na kailangan maghintay ng bukas at susunod pang bukas, seize the day... life is a gamble... to fall in love is a risk, both of you just have to work it out... it takes two to tango.. hindi pwedeng isa lang ang nagmamahal at at mas lalo ung marami kang pagsabaysabayin na mahalin... COMPROMISE.

    ReplyDelete
  28. natumbok mo pre! haha. nice post .really makes sense. ang masakit na katotohanan. sino ba talaga dapat sisihin? ikaw o cia? kahit sino pa man ang may kagagawan etoh ang katotohanan pagdating sa pag-ibig.

    “Fuck! Di ko kailangan ang friendship mo! Marami na akong kaibigan!” ampalayang ampalaya ano?


    natawa talaga ko sa line na yan. hahaha! bitter kung bitter. hahaha

    ReplyDelete
  29. hindi ka nagiisa sa hintayan na ganyan! sabi nga ng isa kong friend, waiting is the sweetest frustation!wtf?

    para sa mga mainipin, it sucks talaga!pero everything hapens for a reason...malay mo diba! :)

    ReplyDelete
  30. korek...di naman tayo nasasanay na mabigo...kahit yata paulit ulit tayo na maghintay sa wala at mabigo eh kaya pa din nating gawin sa susunod....

    minsan natanong ko na din sa sarili ko yan...sya na ba ang fruitcake ko?

    ReplyDelete
  31. "...Naranasan mo na bang maghintay ng phone call? Ng reply sa text messages mo? Pero at the end e naghintay ka lang pala sa wala at puro frustrations at sama lang ng loob ang napala mo..."

    laways feeling this na ko..nakakabaliw..haaayy..

    ReplyDelete
  32. i've been there and isa lng masasabe ko..biggest mistake ever!!!
    cguro kung pwede lng akong batukan ng guardian angel ko, nmatay nako sa cerebral contusion.. i hope we all become wiser..and sana ung mga ngpapaasa or ung hndi sure or ung mga playing safe, madapa araw araw..

    ReplyDelete
  33. oh no. im kind of in a "im not asking you to wait for me" relationship right nowww

    ReplyDelete
  34. sapul na sapul naman ako dito! hahaha. -keso

    ReplyDelete
  35. sapul na sapul naman ako dito! hahaha. -keso

    ReplyDelete
  36. "Hindi kaya mali lang tayo sa paghihintay sa isang maling tao?....Na ipinipilit lang natin ang isang bagay na hindi naman talaga pwede?"

    mahirap maghintay lalo na sa malabong usapan. buti na lng nde ako matyaga jan. masarap maging masaya. sayang ang oras paghihintay.

    dumaan :)

    ReplyDelete
  37. astig! natuwa naman ako sa entry na ito. and i agree to roanne's comments. lalo na dun sa "Quality matters than Quantity". gawin na natin ang gusto nating gawin, sabihin ang gustong ipaalam sa tao. kung mabigo, eh di masaktan na kung masaktan, normal yun dahil buhay tayong mga tao-- nasasaktan. pero matuto ring bumangon at gawing aral ang mga pagkakamali nung nakaraan.

    lahat ng tao umasa na sa napakasakit na WALA. lahat tayo nangarap ng "happy ending". pero ang lahat ay may pag-asa naman. nasasabi ko ito hindi dahil nandito na ako sa kinahantungan ko ngayon sa piling ng aking minamahal, kundi ang lahat naman na lumalaban pa rin ng para sa kaligayahan nila ay may pag-asa pa rin.

    naks! ang haba na ng komento ko. pasensya naman. pero yan ay mula sa kaibuturan ko. hehe.

    ReplyDelete
  38. hayz.... so sad... isa lang masasabi ko nakakapagod maghintay... i've been there :(

    ReplyDelete
  39. This is all truth and nothing but the truth!!! Nakarelate ako... halos mapatango ako habang nagbabasa ako... I've been there! hehehe!

    ReplyDelete
  40. This is all truth and nothing but the truth!!! Nakarelate ako... halos mapatango ako habang nagbabasa ako... I've been there! hehehe!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails