pektyur pektyur! ismayl!!!!

30.9.10

sunugan ng Blog!!

Ang blog mo ba para sa yo ay…


-isang pampalipas oras lang?

-box of thoughts and emotions?

-compilation of random ideas?

-kumikitang kabuhayan?

-o dito na umiikot ang malaking parte ng mundo mo?

Takot ka na bang mawala pa sayo ang blog mo?


Alam ko kung gaano kaimportante ang blog mo ngayon para sayo, naging outlet mo na kasi yan, dyan ka rin nakatagpo ng mga bagong kaibigan, mga taong umaaliw sa mga kagaya natin na nagpapaka-petiks sa trabaho. Isang sikretong mundo para sayo, kung saan ka mas nagiging malaya. (nga ba?)

Eto lang, kung babayaran ka ba ng huge/tempting amount para totally idelete mo ang blog mo, tatanggapin mo kaya ang offer sayo? Magkano ang hihingin mong kapalit para gawin yun?

Kung ngayon hamunin kita ng “sunugan ng bahay”, susunugin mo ba ang blog mo? Kaya mo ba?




Just for a thought lang.

Malamang di mo din naman kayang gawin, at di mo gagawin.

ADIK ka kasi.


an_indecent_mind

31 comments:

  1. Kahit si orlando bloom pa yan, d q gagawin hahahaha

    ReplyDelete
  2. kung tinanong or hinamon mo ko 5 years ako.. walang pagaalinlangan kong sasagutin na OO! kaya kong idelete ang blog ko..

    pero ngayon? hindi na oi! sayo na ang humongous(tama ba sfell hahaha) amount mo.. no amount ang makakatapat sa mga mabubuting bagay na naibigay ng blog ko saken tulad ng peace of mind, mga totoong kaibigan... hmmm lalo na ang napakaraming hmmm panandaliang aliw
    ahihihihi

    amf sa word verif: akdiQ

    ReplyDelete
  3. pag dinelete ko blog ko, mamimiss mo ba ko? hahanapin mo ba ko? sisigaw ka ba ng RAINBOW BOOOOOOX!!!!!

    hahahaha! =P

    kung babayaran ako, didelete ko na, gagawa nalang ako ng bago. lol!

    word verif: baked (weird!)

    ReplyDelete
  4. ang adik lang :P
    kontento na ako sa mazeplace ko na blog kung dati delete create ang drama ko ngaun masaya na ako hahaha,,
    masaya ako na may mga nakilala akong new and true friends sa blogsphere..dahil sa kanila marami aketch natotonan kahit wala silang natutunan sakin ok n yung napatawa ko sila sa kaadikan ko hahaha,,at salamat sa mga panandaliang aliw ni koyah,,,ni koyah yung may ari ng blog na to hahaha,,,,

    horray~~~

    ReplyDelete
  5. Naku mahirap yata yan... Parang isang bagay na napakaimportante ang blog sa buhay ng mga adik na blogger.

    When the price is right!!!! ??? Hmmm depende kung brook na brook na cguro ako. Madali naman gumawa ng bagong blogsite.

    ReplyDelete
  6. magkano bayad?! depende sa usapan, kung bente pesos wag na lang mga 25 pesos pwede na siguro... pero joke lang yung 25 pesos baka me kumagat nga eh, sayang naman yung mga sinulat ko na puro kalokohan lang! peaceout! :D

    ReplyDelete
  7. Gagawin ko! Pera-pera na lang ang usapan ngayon bwahaha. Pero ibaback-up ko muna para wais...

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. Buburahin ko!Pera yon...magpapakapractical lang ako. Pag nakuha ko na pera saka ako gagawa ulit.hahahaha!

    ReplyDelete
  10. @ TRAVELIZTERA,
    kelangan talaga orlando bloom pa ang pansusuhol? pero tatanggihan din naman? hehehehe!


    @YANAH,
    5 years ago??? hiskul pa lang ako, nagbablog ka na??? lol

    ayan na naman ang panandaliang aliw.. hehehehe!


    @ BAHAGHARI,
    di pa nga nadedelete blog mo, namimiss na kita... wapak! churi nemen baka may mga magreact! magagalit yung special mo! hahaha!

    papabayad din para magdelete ng blog??? eeeewwww!!!

    ReplyDelete
  11. ibubulong ko nalang sayo yung comment ko. ikaw kasi ang papipiliin ko....between sa offer ko at sa blog mo....hmmm???

    ReplyDelete
  12. dipende siguro sa sitwasyon, kung emergency at malaking pera like 50 million, kaya ko siguro. Pwede ko naman yon ireconstruct ulit. Pero last option na yon. if the price is right, at the right time, at the right place.

    ReplyDelete
  13. hindi naman kayang palitan ng pera ang mga alaala na inilagay ko sa aking blog. kaya wag na lang :)

    pero sabi nga ni glentot pwede namang iback-up kaya pede na rin :D

    perstaym hir!

    ReplyDelete
  14. sabi nga nila ip da prays is rayt way not choknut?

    ahahaha mukhang pera lang!

    ReplyDelete
  15. Game! Mabura na. Pampayaman pala eh. Haha. Makapagsimula na lang ulit at makabili ng domain name. Nyahahaha.

    ReplyDelete
  16. Kaya kong i-delete, pero ita-transfer ko muna sa Wordpress. LOL

    ReplyDelete
  17. unahin mo muna ang sa iyo pre then susunod kami!hahahaha!

    Ingat

    ReplyDelete
  18. depende sa halaga. :D

    Pero baka hindi ko din kayang idelete ang blog ko.... parang fulfilment nadin kasi na maituturing na naka-1 year ang blog ko.

    ReplyDelete
  19. 1 million!!!delete ko blog ko, ano deal? pero bigyan mo ako ng isang araw para ma-backup ko naman ung mga entries ko at mailipat sa new blog :D

    ReplyDelete
  20. CALL! Basta ba mga milyones yan. Tapos gagawa ako ulit! Wala naman siyang kondisyon na hindi pwedeng gumawa ulit diba? :)

    ReplyDelete
  21. not yet... ul just know hehehe

    ReplyDelete
  22. I can do it for 10,000 dollars hehe

    ReplyDelete
  23. wahha.. wag ganun... kahit 1usd dollar pa yan.. cant delete my blog... :D
    ika nga nila nasimulan mo na bakit ka pa bibitaw di ba?

    ReplyDelete
  24. No way! hehehe..
    comfort zone ko na ang hide out ko..
    walang pwedeng pumalit. period. :D

    ReplyDelete
  25. oo... after kong mabackup ehhee.
    ang kagandahang ng wordpress, bow! =p

    ReplyDelete
  26. di ko talaga kaya gawin yan... adik ako e :P

    ReplyDelete
  27. burahin na..pera yan eh!tapos gumawa ulit..hahah

    kung nagtataka ka kng bat may deleted na comment from me...my nghack kse ng account ko!kung nagtaka ka lang naman..kng hindi..ok..hahah

    ReplyDelete
  28. kaya yan! transfer lang yung money sa account ko den automatic deleted na ang blog ko! wahaha

    back up! back up! LOLs

    ReplyDelete
  29. kaya kong burahin kaso gagawa ako ulit ng bago pero di ko ipapaalam sa nagoffer sa akin baka bawiin yung pera eh hahaha

    ReplyDelete
  30. hahahaha. memorized ko naman lahat ng posts ko, kaya gagawa na lang ako ulit ng bago. may datung pa ako!

    wahehe. joke lang. never ever. :)

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails