pektyur pektyur! ismayl!!!!

23.9.09

larawang kupas


laking katangahan at kabobohan… gaya ng dati, di na naman ako nag-isip. tsk!


alam kong alam mo kung gaano ko siya iningatan nung time na dumating sya sa buhay ko at ipinagpasalamat ko yun sayo ng todo-todo.. may point pa nga na naiinggit ka, na sana ikaw at hindi siya ang nandito at yakap yakap ko..


sa gitna ng pag-uunahan ng mga kabog ng aking dibdib at silakbo ng aking dugo, di ko talaga napigilang mapamura sa panghihinayang at panlulumo habang bumabalot sa aking katauhan ang katotohanan ng unti unting pagtagas ng larawan ng makulay mong ngiti..


ikaw agad ang pumasok sa isipan ko, natakot agad ako sa katotohanang baka isipin mong binalewala ko ang isang bagay na importante sa yo. sa sulok ng aking isipan, pilit kong iwinawaksi ang agam-agam na tanda din yun ng kasabay mong paglaho sa buhay ko..


alam ko, ang nangyari ay bunga lang ng isang malaking katangahan at makitid na pag-iisip. sa pagdating ng araw at ako’y iyong sumbatan o ika’y magdamdam, hindi kita masisisi.. pero nangyari ito sa paraang di ko ginusto o pinlano..


pasensya na kung naging pabaya ako..

9 comments:

  1. Please do make up. There's no such thing as forever. try to hold on as long as you could. but if it is time to let go, it's hard but you have to loosen the grip. Life is all about changes. Love is part of life.

    ReplyDelete
  2. renz verano!..suntukin kita jan e..emo neto..

    ReplyDelete
  3. awww madugong emote ito,hihihi!

    ingats!

    ReplyDelete
  4. puro emo ang posts lately ah.. hmmm..

    sana mapatawad ka na nya..

    ReplyDelete
  5. talaga bang nagpapaalam ka na?

    ReplyDelete
  6. Wow ang Keso Keso naman. Natuwa naman ako sa iyong indecent mind, naki epal lang din. Add na kita sa blogroll ko ha ;-D

    ReplyDelete
  7. ganda nman ng picture... it says what you were writing.. hehehehehe

    ReplyDelete
  8. Ay..nagdurugo pala puso mo! Subukan mo gumamit ng modess para walang stain! lols..bro add kita sa blog lists ko!

    ReplyDelete
  9. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails