Hindi pa nangyari sa akin yun… although may other stories ako to tell about it, some other time..
But lately, I’ve been encountering various people, not only here in blogosphere but also from chat rooms, and hearing their sickness-related stories.
Mere coincidence or God’s will, hanggang ngayon di ko pa rin makuha ang message nung nasa itaas kung bakit Niya ako ipinakikilala sa kanila.
Significantly, I’ve been nursing my kidneys since grade school. I was diagnosed with failing kidneys, at tinakot ng tadong doktor na yun ang mga magulang ko! Sabihin ba naman na isang taon na lang daw ang itatagal ng mura at virgin kong katawan! Abay e di syempre ka naman at super sakit nun sa damdamin ng mga mapagmahal kong magulang!
Kaya pala kung alagaan ako dati e ganun ganun na lang… at as usual, andun yung mga pagkaing makikita mo lang kapag maysakit ka at kung kelan wala kang gana at talagang napakahirap kumain… Kaya pala ganun na lang ang galit at pagpipilit ng tatay ko pag ayaw nang tanggapin ng katawan ko ang mga gamot na halos sinlaki ng buto ng langka (at meron ding hugis ataul!)… akala ko galit siya sa akin dahil sinasayang ko yung mga gamot kaya nya ako pinapagalitan, yun pala ayaw pa din naman nyang mawala ako ng ganun kaaga..
Di ko alam kung bakit tumagal pa ako ng ganito, at kung paano ako gumaling… dahil sa tagal kong maysakit e may mga pagkakataong dinaya ko na din sila na kunyari ay ininom ko nga yung mga gamot..
Nakita siguro ni Bro na may malaki pa akong papel na gagampanan sa mundo (maybe I can save the world mula sa prediction ni Nostradamus sa 2012) at marami pa syang plano para sa akin kaya di nya tinapos ang talambuhay ko nang ganon ganon na lang…
At eto nga ako ngayon… gaya pa rin ng dati… nag eenjoy pa rin sa pakete ng maaalat at mamantikang junk foods… wala talagang magagawa… matigas ang ulo e! dinadaan na lang sa pag-inom ng isang timbang tubig at isang galong sabaw ng buko pagkatapos namnamin ang sarap ng lasong papatay sa akin!
Kaya nga siguro ako pasimpleng binabatukan ni Bro.. medyo matauhan man lang daw ako sa ginagawa ko sa aking katawang lupa.. Ipinapaalala na minsan sa aking buhay, sa gitna ng aking pagkakaratay, e ipinangako ko sa kanyang aalagaan kong mabuti itong katawang to pagalingin lang nya ako…
Kaliwat kanang pagbatok ang ipinanggising sa kin… una e para alagaan ko ang sarili ko… ikalawa ay dahil “minsan nakakalimot” na din akong makipagkwentuhan sa Kanya. Oo nga naman, hindi naman rason na porket wala syang “bahay” dito e nangangahulugan iyong dapat ko na rin syang kalimutang kamustahin man lang…
Sori bro…
we're glad you're alive and kickin' :D sige kain lang ng kain.. hehe..
ReplyDeletehello curacho...
ReplyDeletethank you so much from the bottom of my heart na may kalapit na masakit na esophagus hehehe..
tama ka! paramdam ito ni Bro..medyo di na nga kami nakakapagkwentuhan..
hinay-hinay ka sa shokoleyt ha bigay mo na lang sa akin yung iba wehehe..
i'll be generous o cge bigyan kita ng ice cream in cone na request mo eto o----]> ICE CREAM IN CONE
ayan caps lock pa yan ha..
seriously thank you ulit.. gonna miss you.. :)
pagaling kang mabuti pre..saka be a kidney lover..mhrap ung d mo inaalagaan kidneys mo..mdlang mgkaroon ng compatible donor.. saka pre..mahirap pag kidney nasira...yan ang pinakadrainage system ng ktwan natin kaya ingat...
ReplyDeletemabuti at gmaling ka...at ngaun nakakpagpasaya ka sa blogosphere...
live to tell your story..
aja aja
:)
ReplyDelete(sabi mo ang pinakamahirap replyan ay ang smileys)
un pustahan natin ha. talo ka. alam na.
test mic test mic!..
ReplyDeletegumagana pa pala tong memoirs account ko indi o ang galing!..pero wala na yung mga blog posts ko before, mga blogs that i follow lang..
Pagaling ka ng mabuti. Damihan ang kain. ikain mo na rin ako. :) Ingat sabi ni John Lloyd.
ReplyDelete