pektyur pektyur! ismayl!!!!

27.9.09

wan.. tu.. tri... say seexxxx...


smile and the world smiles with you..

mula sa paggulong gulong, pagtalbog talbog, pag-epal at pagtumbling sa ibat ibang mga kwarto dito sa blogosperyo medyo may ilan na rin akong nakilala, at nabasang mga posts. ibat ibang klase ng approach sa buhay, ibat ibang sigaw… ibat ibang paraan ng paglalabas ng saloobin.. merong iba na nakakapagpataas ng kilay at nakapanlalaki ng aking mga mata…

pero syempre alangan naman pakialaman ko sila sa mga posts nila… as if naman na napakagaling kong magsulat ng WALA? at saka blog nila yun e! baka mamaya nyan, masabihan pa ako ng “keber mo??” o kaya “walangbasagan ng trip!”… kaya nga apply ko na lang ulet ang walang kamatayang “do not talk when your mouth is full… of shit!”

obserbasyon ko lang, kung may sense ang idinadakdak mo sa blog mo, siguradong maraming interesadong magbasa neto… malamang masarap ang palitan ng komento at kuro-kuro at kahit cbox mo ay magbabaga sa mga gustong maki-epal sa post mo.

kung puro emo at senti ka sa blog mo, meron ilan lang na makikiusyuso lang at meron din naman na handang makinig sayo. Pero ang totoo, nakakasawa din naman na puro negative energies na lang ang napupulot mo di ba?

kasi ako din naman, kaya ako tumatalon talon sa iba ibang kwarto e para malibang at mapangiti.. hindi para lalong ma-down.. ewan ko lang kung may mga taong sadyang masochist na gustong gustong nasasaktan ang sarili nila … at kahit naman hindi karelate-relate yung sitwasyong pinagdadaanan nila e pilit nakikirelate sa nababasa nila! (hahaha! may ganun ba talagang klase ng tao?lol)

kung temang mga suicidal naman ang post mo, tiyak maraming eepal at makikiawat sayo… at yun ang masarap… katulad din ng pakikipagbasagan ng muka sa kanto, hindi ito masarap kung walang umaawat o pumipigil sayo.

kung temang berde o minimal na kahalayan, usually medyo patok yan. basta lang di masyadong bulgar or bastos. pero depende rin syempre sa nagbabasa yan at sa paraan ng iyong pagkakalarawan. pero ako, aminado ako na nakikiliti ang imahinasyon ko sa mga ganun klaseng posts… e para ano pa na “an indecent mind” ako di ba? LOL

all time favorite pa rin ng marami sa atin ang mga patawang post. pwedeng paglalarawan ng mga nakakatawang pangyayari sa araw araw na buhay, mga di pangkaraniwang pagkakataon, mga nilulumot na at hinalungkat sa baul na mga jokes (pero di mo pa rin maiwasan mangiti kapag nabasa mo ulit), mga nakakatawang pektyurs, mga pasaway na pabobong linya, at kung ano ano pa…

at syempre, andyan pa rin ang pangangampanya sa cbox ng kung sino sino para may bumasa ng bagong entry… (ooppsss… bato bato sa langit…) pero di ko trip to…

pero, what the heck! walang pakialamanan… kanya kanyang blog , kanya kanyang trip… as long as wala akong nasasagasaan na kahit na sino, i will maintain my freedom of speech and expression.. hanggat akoy natatawa, nadadarang, nasasaktan, at nalilibugan, isusulat ko lahat yun… “keber mo??” (pahiram ulit!)..pasalamat pa rin ako… dahil dun alam kong normal na tao pa rin ako, may emosyon.

smile, and the world smiles with you… simple lang, tawa lang tayo. lahat ng bagay kahit gaano kabigat, may solusyon. always think positive, and you’ll see..

para po sa mga walang sawang pabalik balik sa kwartong ito, sa mga naligaw, sa mga sumisilip at hindi nagpaparamdam man lang, sa mga tahimik na komento, sa mga nagbibigay ng saloobin, sa mga nagtaas ng kilay, sa mga natawa at nakaramdam ng kalungkutan.. maraming salamat po at mabuhay po kayo!

23.9.09

larawang kupas


laking katangahan at kabobohan… gaya ng dati, di na naman ako nag-isip. tsk!


alam kong alam mo kung gaano ko siya iningatan nung time na dumating sya sa buhay ko at ipinagpasalamat ko yun sayo ng todo-todo.. may point pa nga na naiinggit ka, na sana ikaw at hindi siya ang nandito at yakap yakap ko..


sa gitna ng pag-uunahan ng mga kabog ng aking dibdib at silakbo ng aking dugo, di ko talaga napigilang mapamura sa panghihinayang at panlulumo habang bumabalot sa aking katauhan ang katotohanan ng unti unting pagtagas ng larawan ng makulay mong ngiti..


ikaw agad ang pumasok sa isipan ko, natakot agad ako sa katotohanang baka isipin mong binalewala ko ang isang bagay na importante sa yo. sa sulok ng aking isipan, pilit kong iwinawaksi ang agam-agam na tanda din yun ng kasabay mong paglaho sa buhay ko..


alam ko, ang nangyari ay bunga lang ng isang malaking katangahan at makitid na pag-iisip. sa pagdating ng araw at ako’y iyong sumbatan o ika’y magdamdam, hindi kita masisisi.. pero nangyari ito sa paraang di ko ginusto o pinlano..


pasensya na kung naging pabaya ako..

19.9.09

paramdam.....

"I can see dead people"… linya mula sa movie na The Sixth Sense…

Hindi pa nangyari sa akin yun… although may other stories ako to tell about it, some other time..

But lately, I’ve been encountering various people, not only here in blogosphere but also from chat rooms, and hearing their sickness-related stories.

Mere coincidence or God’s will, hanggang ngayon di ko pa rin makuha ang message nung nasa itaas kung bakit Niya ako ipinakikilala sa kanila.

Significantly, I’ve been nursing my kidneys since grade school. I was diagnosed with failing kidneys, at tinakot ng tadong doktor na yun ang mga magulang ko! Sabihin ba naman na isang taon na lang daw ang itatagal ng mura at virgin kong katawan! Abay e di syempre ka naman at super sakit nun sa damdamin ng mga mapagmahal kong magulang!

Kaya pala kung alagaan ako dati e ganun ganun na lang… at as usual, andun yung mga pagkaing makikita mo lang kapag maysakit ka at kung kelan wala kang gana at talagang napakahirap kumain… Kaya pala ganun na lang ang galit at pagpipilit ng tatay ko pag ayaw nang tanggapin ng katawan ko ang mga gamot na halos sinlaki ng buto ng langka (at meron ding hugis ataul!)… akala ko galit siya sa akin dahil sinasayang ko yung mga gamot kaya nya ako pinapagalitan, yun pala ayaw pa din naman nyang mawala ako ng ganun kaaga..

Di ko alam kung bakit tumagal pa ako ng ganito, at kung paano ako gumaling… dahil sa tagal kong maysakit e may mga pagkakataong dinaya ko na din sila na kunyari ay ininom ko nga yung mga gamot..

Nakita siguro ni Bro na may malaki pa akong papel na gagampanan sa mundo (maybe I can save the world mula sa prediction ni Nostradamus sa 2012) at marami pa syang plano para sa akin kaya di nya tinapos ang talambuhay ko nang ganon ganon na lang…

At eto nga ako ngayon… gaya pa rin ng dati… nag eenjoy pa rin sa pakete ng maaalat at mamantikang junk foods… wala talagang magagawa… matigas ang ulo e! dinadaan na lang sa pag-inom ng isang timbang tubig at isang galong sabaw ng buko pagkatapos namnamin ang sarap ng lasong papatay sa akin!

Kaya nga siguro ako pasimpleng binabatukan ni Bro.. medyo matauhan man lang daw ako sa ginagawa ko sa aking katawang lupa.. Ipinapaalala na minsan sa aking buhay, sa gitna ng aking pagkakaratay, e ipinangako ko sa kanyang aalagaan kong mabuti itong katawang to pagalingin lang nya ako…

Kaliwat kanang pagbatok ang ipinanggising sa kin… una e para alagaan ko ang sarili ko… ikalawa ay dahil “minsan nakakalimot” na din akong makipagkwentuhan sa Kanya. Oo nga naman, hindi naman rason na porket wala syang “bahay” dito e nangangahulugan iyong dapat ko na rin syang kalimutang kamustahin man lang…

Sori bro…

16.9.09

kwento ka.. yung masaya naman..

hintay ka lang..

makakapagkwento din ako sayo, yung nakakatawa naman. hindi puro negatibong enerhiya at himutok na lang ang ipinapasa ko sayo. tama ka naman, di ako dating ganito. meron lang akong pinagdadaanan sa ngayon. madaming gumugulo sa kakarampot kong utak, na mukhang nagsarado na at di magawang tumanggap ng paliwanag at nagpipilit maniwala… sa wala.

pero sana bukas paggising ko, ako na ulit yung dating nakilala mo.


yung palaging bangka sa usapan, ako na parang hindi nauubusan ng kwento. oo, bilib ka nga sa akin di ba? at hinahanap mo yung dating ako kasi walang maingay at magulo at nang-aaway sa yo ngayon.

bukas siguro, paggising ko ok na.


ako na ulit ang magbibigay sayo ng panadaliang aliw. pangako, hindi kita tatantanan hanggat di ka naluluha at sumasakit ang tiyan at panga sa katatawa. hindi kita titigilang patawanin hanggat di ka nakikiusap sa akin na tama na…

pero sa ngayon favor lang, kaw muna.. “kwento ka.. yung masaya naman..”

12.9.09

the one that got away

in your life, you'll make note of a lot of people. Ones with whom you shared something special, ones who will always mean something. there's the one you first kissed, the one you first loved, the one you lost your virginity to, the one you put on a pedestal, the one you're with... and the one that got away.

who is the one that got away? i guess it's that person with who everything was great, everything was perfect, but the timing was just wrong.

there was no fault in the person, there was no flaw in the chemistry, but the cards just didn't fall the right way, i suppose.

i believe in the fact that ending up with someone, finding a longtime partner that is, does not lie merely in the other person. i can actually agree that an equal part, or maybe even the greater part, has to do with the matter of timing. it has to do with you being ready to settle down and commit to someone in a way that goes beyond the little niceties of giddy romance.

how often have you gone through it without even realizing it? when you're not ready to commit in that mature manner, it doesn't matter who you're with, it just doesn't work. small problems become big; in consequentials become deal breakers simply because you're not ready and it shows. it's not that you and the person you're with are no good; it's just that it's not yet right, and little things become the flashpoint of that fact.

then one day you're ready. you really are. and when this happens, you'll be ready to settle down with someone. he or she may not be the most perfect, they might not be the brightest star of romance to ever have burned in your life, but it'll work because you're ready. it'll work because it's the right time and you'll make it work. and it'll make sense, it really will.

so that day comes when you're finally making sense of things, and you find yourself to be a different person. things are different, your approach is different, you finally understand who you are and what you want, and you've become ready because the time has truly arrived. and mind you, there's no telling when this day will come. hopefully you're still single but you could be in a long-term relationship, you could be married with three kids, it doesn't matter. all you know is that you've changed, and for some reason, the one that got away, is the first person you think about. you'll think about them because you'll wonder, "what if they were today?" you'll wonder, "what if we were together now, with me as i am and not as i was?" that's what the one that got away is. the biggest "what if?" you'll have in your life.

if you're married, you'll just have to accept the fact that the one that got away, got away. believe me, no matter how fairy tale you think your marriage is, this can happen to the best of us. but hopefully you're mature enough to realize that you're already with the one you're with and this is just another test of your commitment, one which will just strengthen your marriage when you get past it. sure, you'll think about him/her every so often, but it's alright. it's never nice to live with a "might have been," but it happens.

maybe the one that got away is the one who's already married. in which case it's the same thing. you just have to accept and know that you're memories of that person will probably bring a nice little smile to your lips in the future when you're old and gray and reminiscing.

but if neither of that is the case, then it's different. what do you do if it's not yet too late? simple... find him, find her. because the very existence of a "one that got away" means that you'll always wonder, what if you got that one?

ask him out to coffee, ask her out to a movie, it doesn't matter if you've dropped in from out of nowhere. you'd be surprised, you just might be "the one that got away" as well for the person who is your "the one that got away."

you might drop in from out of nowhere and it won't make a difference. if the timing is finally right, it'll all just fall into place somehow and you know, i'm thinking, it would be a great feeling, in the end, to be able to say to someone, "hey you, you're the one that almost got away."

4.9.09

reading between the lines

* pakiclick mo muna yung play button sa jukebox ko sa kanan.*

 

Wag mo sanang iisipin na sa bawat nagdadaang araw na wala akong kibo ay binabalewala na kita.


Ang totoo, hinahanap hanap ko pa rin ang araw araw mong presensya na tila ba nakasanayan ko na.. Umaasa pa rin ako na sa aking paggising sa bawat umaga ay andun ang mensahe mong magguguhit ng ngiti sa aking mga labi, gaya ng dati.


Sa bawat pagtatapos ng pagsambit ng aking panggabing panalangin, at kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa aking paboritong malambot na unan, andun pa rin ang pagbabakasakaling kahit sa panaginip ko, kahit sandali lang ay makapiling ka.


Oo, nananahimik ako ngunit hindi dahil sa gusto na kitang makalimutan. Nananahimik ako dahil parang nauubusan na ako ng dahilan upang gawin ang mga bagay na dati ay nakakapagpasaya sa kin. Pero hindi ibig sabihin nun ay binubura na kita sa buhay ko; ikaw at ang masasaya nating mga alaala.


Ang totoo, pilit kong nililibang ang aking sarili sa ibang bagay. Ngunit, nakakapagtakang sa bawat pagpipilit, para namang biro na may mga bagay at pangyayari na pilit na naguugnay at nagpapalaala sa yo, at sa hindi mabilang na pagkakataon ay di ko pa rin mapigilan na sandaling mapatigil sa kung anumang ginagawa ko. Di maitatanggi, hanggang ngayon ay bigo pa rin ako na pilitin na huwag kang sumagi sa aking isipan; kahit isang araw man lang.


Tahimik man ang parehong mga mundo natin ngayon, at malayo, alam kong pareho tayo ng nararamdaman. Kahit wala kang sinasabi, hindi mo man ipaliwanag, naiinitindihan kita. Hindi kita pinaghahanapan, wala kang pagkukulang, alam ko at naniniwala ako sayo.


Nalulunod ako sa iyong kawalan. Pilit akong naghahanap ng makakapitan. Pero, hindi ako bumibitaw sa aking mga pangako, at kailanman hindi ko magagawang lunukin ang aking mga binitiwang salita.


Hindi naman dito natatapos ang lahat. Kahit kailan, walang kwenta ang kwentong walang ending di ba?


Nananahimik lang ako, dahil iniisip kita.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails