pektyur pektyur! ismayl!!!!

10.4.10

balinguyngoy


aaarrrgghh!!! masamang masama ang araw ko ngayon…


sa nakakabiglang pangyayari ay di maampat ang pagdaloy ng dugo mula sa aking ilong..

di naman ngayon ang unang beses na nangyari sa kin ito, pero kakaiba lang ngayon dahil sa kahit anong gawin ko ay di ko mapatigil ang patuloy na pag-agos ng dugo…

di naman masasabing balingungoy ito bunga ng kakulangan sa ligo o kaya naman ay dala ng mas tumitinding init ng panahon..

masyado na lang siguro akong nagiging mapangahas..

iisa lang ang posibleng dahilan -- malamang ang walang habas kong pagtalon talon sa blog ng mga intelihenteng nilalang, sila na mga hindi ko kalevel, at ang aking marubdob na pagpipilit na maarok ang kanilang kaisipan ang nakikita kong tanging dahilan ng balinguyngoy na ito…

para sa inyo na mga walang pakundangan kung magsulat sa wikang ingles… isinusumpa ko…

lintik lang walang ganti!

magbabayad kayooooo!!!


pektyur mula kay pareng gogol


14 comments:

  1. BASE! alangya! sinisi pa ang nag-iingles na blogger.. nakikibasa ka na nga lang nanisi ka pa... baka kinukulam ka na ng mga stalkers mo LOL!

    magpacheck up ka kuya baka kung anu na yan! :)

    ReplyDelete
  2. at dahil pinilit mo akong magbigay ng aking pananaw, heto at ibibigay ko ang iyong kahilingan. Huwag mong sisihin ang mga blogerong gumagamit ng salitang banyaga. Hindi naman nila nais na paduguin ang iyong ilong. Aba? malay ba nila na nagbabasa ka? kunwari ka pa padugo dugo ilong ka pa? hasus! emotero ka..wahaha! :P

    ReplyDelete
  3. hahaha!! uso ang kulaman sa blog?? amfufu!


    sabi ko nga, markahan ko at iwasan hanggat maaari ang mga blog na kagaya nila... hehehe!

    ReplyDelete
  4. epistaxis/em ni dyey/mj/niqabi, nalalapit na ang paghuhukom! nararapat lang na makilala ka na nila... isang araw mula ngayon, ituturo ko na talaga ang blog mo (ang taong yumuyurak palagi sa dangal ng cbox ko)sa madlang pipol..

    wag mo akong i-impress sa mga pa-english english mo dahil ang totoo e wala naman ako naiintindihan kaya sa malamang e hindi ko na binabasa ang posts mo, tinitingnan ko lang yung naka-attach na pektyur! wahahaha!

    ReplyDelete
  5. baliw ka indi baliw baliw baliw kaA!!!!! wala ngang naka attach na pictures e. walang hiya to sinabi lahat. sarap mong suntukin. humanda yang cbox mo mamaya pag uwi ko babaha yan!..

    ReplyDelete
  6. em ni dyey, loser... naka restrict ka na sa cbox ko.. hehehe!!

    ReplyDelete
  7. bwahahah natawa ako sa koment ni ate roanne, di pa naman kita kinukulam ah! hahahah

    ReplyDelete
  8. pagsubok lang yan. ang gawin mo, gumanti ka. mag-comment ka ng malalim na tagalog. lol

    ReplyDelete
  9. bwahaha...baliw ka! pero ako rin, pag nagbabasa ng blogs nila, me katabi akong thesaurus! hahaha !

    ReplyDelete
  10. keso, amfufu ka! at may balak ka nga kulamin ako?? waaahhh!! wag ganun!! sabaw nga!


    choknat, malalim na tagalog? yung mahirap arukin at kahit manimdim ay di pa rin malirip?? hahahaha!


    soltero,shift F7 lang katapat nyan... kaso kaumay din minsan... hahaha! bakit ba kelangan patumblingin ang mambabasa? hehe

    ReplyDelete
  11. hahaha indi looked at what i just found:

    n_indecent_mind said ...
    hahaha! kulaman trends blog? amfufu!


    I said that, I mark as possible and avoid the blogs they like ... hehehe!

    1:22 PM, April 10, 2010

    an_indecent_mind said ...
    epistaxis / em of dyey / mj / niqabi, near the judging! You should just know that they ... a day from now, I've actually teach your blog (the one who always yumuyurak in honor of my cbox) from all pipol ..

    you do not have to impress in English English You still true because I also do not understand e so e not likely to be reading your posts, I just look the attached pektyur! wahahaha!

    1:27 PM, April 10, 2010

    translation courtesy of google chrome!.. nkakalerkei..

    ReplyDelete
  12. haha. pacheckup na yan! =p

    ReplyDelete
  13. hoy ikaw nga, natawa ako dyan! wehe! lalong sumumpong ang migraine ko sa nabasa ko! aarrgghh!! adik ka, andami mong alam! try ko din yan mga minsan... wehehe!


    olyabut, kaya wag kang mag-english ng masyadong malalalim, di ko na ulit bibisitahin tamo... hehehe!

    ReplyDelete
  14. haha! Ayos ang post mo ah. ^_^

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails