kung ikaw ang aking tatanungin, magkano ang halagang kailangan mo para maging masaya ka?
kasi tingnan mong mabuti , ano bang dahilan ng maraming taon ng pag-aaral mo? Para magkaroon ng magandang trabaho at maayos na kinabukasan di ba?
ano bang dahilan ng pagtyatyaga mo sa araw araw mong pakikipagsiksikan sa mrt? sa pakikipaghabulan sa mga bus? sa pagtitiis ng nakakakabagot na trapik? Sa pagtitimpi sa topak ng boss mo, sa mga tsismosa at inggitera mong mga kaopisina, sa paghihintay ng nakakabatong pagdating ng akinse at katapusan?
di ba isa na dun ang para kumita ng pera? para?....
pang-tuition ni utol, pambili ng gatas ni bunso, pambili ng alak ni tatay at ng kanyang mga dabarkads na sunog baga, pang mahjong ni nanay, pambili ng mga pangkiri ni ate, pambili ng diaper ng anak ni kuya na sa akin pa rin laging nakaasa, renta sa bahay, pambayad sa kuryente, tubig, lotto, bigas, ulam, yosi at kung ano ano pa…
ilan lang yang mga nabanggit ko sa posibleng pagkagastusan mo ng sahod na pinaka inaabang abangan tuwing akinse at katapusan.. teka, may natira pa ba? o abonado ka pa? wala ka bang nakalimutang utang na di pa rin nababayaran? hayyy… next sahod na lang kamo, bitin e! kahit nga isang pirasong medyas o bagong brief di ka man lang nakabili para sa iyong sarili.. tsk!
mistulang isang cycle na lang ang ganito sa mas nakararaming ordinaryong manggagawang pilipino, yun tipong halos wala nang maitabi para sa mga emergency na pangangailangan.. paulit-ulit lang, nakakabagot ang ganitong klaseng buhay, tanging pag-asa na lang natin ay isang araw giginhawa din tayo, maayos din ang lahat, magiging masaya din..
o sige, yung tanong ko ulit sa taas, magkano nga ang kailangan mo para lang maging masaya ka na?
isama mo na sa kwenta ang lahat ng pagkakautang mo, lahat ng mga kapamilya at kamag-anak mo na gusto mong maambunan, lahat ng gusto mong bilhin na pinagsisikapan mo pa ring pagipunan hanggang sa ngayon—pangcollege ng anak mo, magandang bahay, magarang kotse, bumili ka na rin ng maganda at seksing asawa (yung pipi para wala kang problema na magiging bungangera sya in the long run). ngayon, magkano?
tingin mo ba kung masolusyonan sa isang iglap ang problema mo sa pera e magiging masaya ka na? contented? may peace of mind? Mahirap yatang sabihing oo ano?
obserbasyon ko lang, tila hindi maaring gawing sukatan ng happiness ang laki ng sweldo ng isang tao, rangya ng bahay, gara ng kotse, ganda ng asawa, lawak ng lupain, posisyon at kapangyarihan sa lipunan, at kapal ng bulsa.
kung gayon... ano ba ang totoong makakapagpasaya sayo?
pektyur mula kay pareng gogol
base. ahaha. perstaym!
ReplyDeleteok. kakaririn ko ang pagsagot dito.
ano ba ang totoong makakapagpasaya sayo?
--aminin man ntin o hndi, halos pera na lang ang nagpapaikot ng mundo i mean,... waah. basta pera. kung hindi pera? e di sana kumpleto kaming pamilya ngayon at namumuhay ng payak at masaya. kung wala kaming malaking utang e di sana hindi nag abroad ang mama,ate at kuya ko. e di sana masaya kami ngayon. tama ka, hindi din sa laki ng sweldo o rangya ng pamumuhay ang sukatan ng happiness na yan... pero malaking factor ang pera para matamasa natin ang salitang-- happiness. :))
AIM: aba aba! at nabuhay ka na sa makabuluhang post! :) ikaw ba yan AIM? wala yatang kabastusan dito ngayon haha
ReplyDeleteanyway, lahat ng tao pinapaikot na ng pera, baligtad na ang mundo e, dapat pera ang pinapaikot ng tao kaya lang masyado na naging makasarili ang mga tao.
naisip ko na rin yan nuon... dati sa isip ko pag nakatapos na ako sa pag-aaral at nakapagtrabaho, magkakasama-sama na kami pamilya... mali pala, kung kelan mejo nagiging ok na ang lahat dun pa kami mas lalong nagiging magkakalayo.
siguro isang bagay lang makakapagpasaya sakin... ung maging kumpleto kami ulit...
emotional shifter... gagawin ko na lang ang pagsasacripisyo na malayo sa sarili kong bayan para mag-ipon ng magandang buhay para sa magiging pamlya ko... para hindi na kami magkakahiwalay...
sana madami pang ganitong post, nananamlay na ang blogsphere...
Teka nagkamali ba ako ng blog?hahaha!
ReplyDeleteSabi nga ng isang kakilala ko, hindi natin pwede gawing GOAL ang HAPPINESS, bakit? Dahil ang KALIGAYAHAN ay isang emosyon? Ibig sabihin nagbabago ito. Nagpapalit palit at nag-iiba iba. Hindi permante kasi bawat oras pwedeng maiba. Kaya nga hindi mo pwedeng gawing goal ang isang bagay na pabago bago at nag-iiba iba tulad ng KALIGAYAHAN
Kaya nga mahirap iyang sinasabi mo! Kaya nga THERE'S NO ROAD TO HAPPINESS, HAPPINESS IS THE ROAD!!
Ingat
inspayrd magpost si ser. that's good. :)
ReplyDeleteubos nga pera mo, pero marami ka namang natulungan at napasaya sa mga naaambunan mo. makita mo lang silang masaya, magiging maligaya ka na. ;)
ahahaiz...emo naman ng realization natin...Once you found the real life with God, you can find happiness. God is so big, all fits in.
ReplyDeleteang lalim naman ng post na 'to...
ReplyDeleteako kasi... tsokolate lang maligaya na ako... hehehe
happiness is a state of mind... pwede kang magkaroon ng limpak limpak na salapi... pero di ka pa rin masaya... yun lang.
walang diskusyon kasi lahat naman kayo e may punto kagaya ko din na may sariling kadahilanan...
ReplyDeletenoon, sabi ko ang gusto ko lang ay kumita nang sapat at kapiling ang aking pamilya tama na yun..
pero bakit nga ba ganun ang tao? walang kasiyahan.. hanggat may pagkakataon, habang may kumikinang pa sa dako pa roon e pilit pa ring aabutin...
made me think, magkano nga ba
talaga ang kelangan ko para maging masaya na ako at kuntento?
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteStudies show that there is a correlation between the income of a person and the happiness or contentment level. The rule is, the more financially secured you are, it is more likely that you are happy.
ReplyDeletePero ang tanong ay "ano nga ba ang magpapasaya sayo?" Sa tingin ko, walang isang sagot diyan. Isang factor lang siguro ang pera.
I wouldn't mind if i had lots of money, but for example, i would not trade my girlfriend for 100 Ferrari cars. And definitely, I would not trade health for wealth.
Naniniwala ako na wala naman talagang tunay na nagpapasaya satin hanggang hindi natin lubusang naiintindihan ang konsepto ng pagiging kuntento. Pag dumating ang panahon na matamo natin ang minimithi natin, nasisimulan na naman ang vicious cycle ng paghangad ng isang bagay na mas maganda pa ron.
ReplyDeleteMaslow's hierarchy of needs. Un lang, search nyo, hehe. =p
ReplyDeleterah, yup the more you have the happier you can become because of the things that you can buy out of it... pero hanggang saan at kailan? hanggang magkano ang kailangan mo para ulitmately e maachieve mo ung happiness na hinahanap mo?
ReplyDeletemaelfatalis, yun yun e -- non-contentment... tsk!
olyabut, pls elaborate... hehehe!