pektyur pektyur! ismayl!!!!

18.4.10

coke lang ang sakto!


mood status: plain

ang buong maghapon ko: merong sobra, merong kulang at sa aking pag-aanalisa gamit ang quadratic equation, konting probability at kayabangan – sakto lang!

pero kung ating lilimiin, wala naman sigurong bagay na “sakto lang”. ano ba ang panuntunan ng sobra at kulang? san ba yun nakabatay?

ang isang tao, gaya ko, kahit gaano karami ang isang bagay na hawak nya ngayon, darating ang mamaya o ang bukas na makakaisip pa rin ng dahilan para madagdagan kung ano pa man ang meron sya ngayon. kung gayon, walang katapusan, laging may dagdag na pangangailangan, laging may kulang. kahit gaano karami na ang hawak, kulang parin, pilit gagawa ng paraan o maghahanap ng ikapupuno kahit labis na sa sariling kapasidad.

paano mo malalaman na isa ka sa kanila?

simple lang, paano ka ba magdasal sa nasa itaas? pansinin mo, bilangin ang bagay na hinihingi mo at ikumpara sa mga ipinagpapasalamat? kung inaakala mo na konti lang ang mga bagay na kelangan ipagpasalamat sa iyong buhay, o sige sa isang araw, isipin mong muli maaaring nagkakamali ka lang.

sir, yung sakto lang po!

oo, siguro nga kelangan kong medyo magdahan dahan. humingi ng tipong tama lang talaga para sa kin, yung kaya kong hawakan.

less expectations, less complications, less trouble, less worries. sakto lang.

13 comments:

  1. food for thought...

    have a great week!!!

    ReplyDelete
  2. Nilalagnat talaga ako! Ikaw ba talaga yan!

    Bakit parang sumisiryus ka na ngayon ha! Siguro naparami ang inom mo ng LABAN!hahaha

    Ingat

    ReplyDelete
  3. drake, haha! ganito talaga ako pag nabuburyong sa opisina..

    di ako umiinom ng laban, nasisira ang tyan ko dun! wehehe!

    ReplyDelete
  4. Hmmm..serious mode ang topic...makikiraan lng po at nakibasa na rin Ingat...kahit naman coke kulang pa rin e..

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. pag sobra, masama..

    less talks, less mistakes

    sabi ng friend ko. :/

    ReplyDelete
  7. Give us Lord, a bit o' sun,
    A bit o' work and a bit o' fun;
    Give us all in the struggle and sputter
    Our daily bread and a bit o' butter.
    ~From an inn in Lancaster, England

    ReplyDelete
  8. ano na naman 'tong sakto sakto na to??

    hehehe

    tulog ng tulog --> PUYAT!
    kain ng kain --> PAYAT!

    sige na nga ung SAKTO nalang

    ReplyDelete
  9. hmmmm...

    buhay ko, sakto lang...

    buhay ng anak ko, ang may kulang...

    ehehehe

    gandang post :D

    ReplyDelete
  10. Ang hirap para sa akin na maging sakto kasi, pinanganak akong PERFECT... kaasar.

    ReplyDelete
  11. Ang tao ay di nakukuntento... kahit alam nuyang sapat na ang lahat.

    Salamat sa post mo. =)

    ReplyDelete
  12. parang supply and demand lang yan huh.. pero ayos kuya! ^_^ Galing! :P

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails