pektyur pektyur! ismayl!!!!

3.5.10

anino sa dilim

galing kami noon sa isang youth activity at around midnight na kami natapos. ang siste, kelangan pa namin isa-isang ihatid yung mga kagrupo naming mga babae dahil baka naman kung mapaano pa sila sa daan e dis-oras na ng gabi. may mga traysikel naman kung gabi pero palibhasa nga halos sa iisang lugar lang naman kami lahat nakatira at di naman kalayuan ang mga bahay namin sa isa’t isa, sige hatid na lang namin sila, mas ligtas pa.

pwede naman sana naming piliin ang malayong daan, kaso sa ganung oras ng gabi malamang na puro lasing na ang makakasalubong namin sa kalsada at baka mapagtripan lang kami. naisipan naming dumaan sa loob ng isang high-school campus, shortcut. noong mga panahong iyon e hindi naman isinasarado kahit gabi at makakadaaan ang kahit sino. at saka kung sitahin man kami ng gwardya e oki lang kasi kilala naman kami nun.

di namin kabisado ang daaanan namin, may mga bahaging malubak at sobrang dilim. walo silang mga babae at tatlo kaming lalake. bago pa lang kami pumasok sa campus, pasimple na akong kinausap ni kuya arnel (sumalangit nawa) na dun sa may bandang likuran ng mga babae kami pupuwesto at si kerwin (pinsang buo ko) naman dun sa may unahan para in case na magkatakutan or may mananakot e hindi kami magkakagulo.

marami kasing mga kwentong kababalaghan sa campus na yun lalo na pag sumasapit na daw ang gabi. andun na ang dwende, tikbalang na nakikita daw sa mga naglalakihang puno, white lady sa may tulay, boses ng babae na kumakanta at umiiyak sa may lagoon, paring pugot ang ulo, at ang ilang mga pangyayari ng mga estudyanteng sinapian ng masamang espiritu sa eskwelahang iyon.
kahit ako, totoong kinakabahan ako ayoko lang ipahalata. second time ko nang dumaan sa loob ng campus na iyon. nung first time, kasama ko tatlong kabarkada ko na mga duwag din, langya may narinig lang na tuko yung isa tumakbo na! akala naman namin e kung ano ang nakita nya kaya nakitakbo na rin kami!

so, ayon sa napagkasunduan nasa bandang unahan nga si kerwin kau-kausap nya yung isang babae ana dinidiskartehan ata nya nung time na yun, sa gitna ung pitong mga babae, kaming dalawa ni kuya arnel sa likuran. pansin ko na halos parepareho kaming tahimik habang papasok sa gate ng campus. may nagkwekwentuhan man, pero mahihina lang ang boses. tingin ko, lahat kami e takot.
ako, nakikiramdam lang. naguusap kami ni kuya arnel pero wala na sa kanya ang atensyon ko. madilim kasi noon nakapagpadagdag pa ng sa aming imahinasyon ang liwanag ng buwan na nagbibigay ng kaunting liwanag sa aming dinadaanan sa ilalim ng mga malalaking puno ng ipil ipil at balete.

habang tuloy ang marahan na paglakad namin sa gitna ng dilim at ang kapansin pansing unti unting pananahimik ng buong grupo, parang nagtatayuan ang mga balahibo ko sa braso at sa batok. para bang yung pakiramdam na may isang mukha na unti unting lumalapit sa mukha mo? tuloy lang ang lakad ko, walang lingon lingon, kahit sumulyap sa gilid ng aking mga mata ay di ko ginawa, ayokong makakita ng white lady o ng pugot na ulo o ng tikbalang o kapre.

nung nakita na namin ang kabilang gate, at mga liwanag ng mga bahay nakahinga hinga na ako nang maluwag. pero hindi pa ako masyadong nakakalma e nabuhay na naman ang kakaibang kaba sa aking dibdib, kelangan naming dumaan ulit dun pauwi.

so dating set-up sa hulihan ulit kami ni kuya arnel.

nung nasa may kalagitnaan na kami ng daan, kung saan may konting liwanag mula sa tanglaw ng buwan, sikreto syang bumulong sa akin,

“huwag kang magpapahalata sa kanila… huwag kang matakot.. simple ka lang, tuloy lang ang lakad mo… may gumagaya sa iyo, dalawa ang iyong anino, at ikaw lang…”

di ko nagawang lumingon at usisain ang sinabi nya sa akin, pakiramdam ko tuloy ay may basehan yung pakiramdam ko na may mukhang unti unting lumalapit sa akin.

nung nakita na ang liwanag sa may dulo, unti unti na ulit umingay ang grupo. tawanan na ulit at kulitan, nanatili kaming tahimik, na napansin ng isa kong kagrupo. bandang huli ay hindi ankatiis si kuya arnel, sinabi nya na nakita nya na bukod tanging ako lang ang dalawa ang anino sa grupo. nakakapagtaka dahil iisa lang ang souce ng liwanag sa dinadaanan namin nung time na yun. ayon sa kanya, may gumagaya sa anino ko.

tinanong ako ni kuya arnel, “pakitain ka ba?” (meaning if palagi akong nakakakita ng mga multo o engkanto o kung ano ano pa na hindi basta basta nakikita ninuman) sabi ko , “hindi. pero may puyo ako sa noo at sabi noon ng lola ko, kung meron mang makikitang kakaibang “entity” sa isang lugar, yung kasama ko daw ang makakakita at hindi ako”….

di ko pa po napatunayan kung totoo man o hindi yung sinabi ng lola ko regarding sa relevance ng puyo at sa pangyayari nung gabing iyon. (at sa iba pang mga naging pangyayari bago at pagkatapos ng gabing ito)

ang totoo, malakas lang ang pakiramdam ko, alam ko kung may kakaibang “entity” sa isang bahagi ng isang bahay. di ko sila nakikita, (hindi pa?) pero nararamdaman ko sila.
o pagkakataon lang na “pakitain” pala si kuya arnel at sa akin sya napasabay? weird no?
ikaw, takot ka ba sa dilim?



20 comments:

  1. hindi ako naniniwala sa mga ganyan.. but still pag nakakabasa ka... di maaalis na ang creepy niyang basahin.. katakot... hehehe

    ReplyDelete
  2. gusto mo ba buksan yang sayo? may kilala ako na nagoopenline ng mga gangayan.

    ReplyDelete
  3. Kinilabutan ako puta! Regarding sa huling question mo, Oo takot ako sa dilim kahit naiihi ako eh mag papasama ako at kakapit pa ko sa sando mo. Puntangena duwag na kung duwag. Bwahihihihi

    Kaya ako takot sa dilim kasi nung namatay ung kapatid ng lola ko nung bata pa ako dumilat ang mata nya habang naka dungaw ako. Putangena! May kilabot factor parin pag naalalala ko! Shit...

    ReplyDelete
  4. takot talaga ako sa dilim. Bakit kaya may ibang tao na paborito ang dilim.???

    ReplyDelete
  5. Hehe ayos!!! :) jan ba sa saudi may mumu rin? Anung salita? Haha

    ReplyDelete
  6. OO takot ako sa dilim.Parang hindi bagay yung sinabi ko sa name ko.hehehe..^_^ DARK LADY takot sa dilim..

    ReplyDelete
  7. Mas takot kasi ako sa buhay kaysa sa patay.

    Nice totoong nangyari ba ito parekoy o likha lang ng marumi este ng malawak mong imahinasyon?hehhee!galing ah!

    Mas takot akong pumunta sa dilim lalo nat kung may holdaper, okay lang kung may multo!hehhe!

    Ingat

    ReplyDelete
  8. goosebumps!!! takte yan...

    ReplyDelete
  9. gil, to see is to believe daw, so not counted ba ung "felt"? pwede rin siguro, "to feel is to believe" no? ako din, dati di ako naniniwala sa mga ganyan ganyan...


    rah, hmmm... are you referring sa third eye ko? may nagpropose na din sa akin dati, kaso parang di ko pa kaya ang responsibility... tama na lang muna yung ganito..


    jepoy at glentot, anak ng... duwag din ako e, hehe! pag may nararamdaman akong kakaiba di ako lumilingon, alam ko andun lang xa sa sulok... hehehe! di din ako sumisilip sa patay, napapanaginipan ko kasi 100%!!!


    ghienoxs, takot ako sa dilim.. madalas kasi nalalaspatangan ang aking pagkalalake.. lol


    roanne, i dont know kung may mumu din dito.. but i always believe sa evil spirits.. napanood mo na ba ung "fourth kind"?


    darklady, oo nga.. kaya ka siguro darklady kasi lady na afraid sa dark? :))


    drake, nangyari eto nung 1st or 2ng year college pa lang ata ako noon...

    ReplyDelete
  10. nice entry parekoy.. nobyembre na ba uli? yehey bakasyon na! LOL

    ReplyDelete
  11. aww. kinilabutan ako doon ah.
    yung mga kaibigan ko madalas din makakita, one time nasa boarding house kami, nakita daw ako ng friend ko na umakyat sa taas ng double deck na kama, pero that time, tabi-tabi kami natutulog sa ibaba ng kama- and never ako umakyat sa taas ng kama.scary.

    ReplyDelete
  12. sana talaga bukas ko na lang ng umaga to binasa!! -keso


    miss ko na si abnyyy! bwahahaha! ang dami kong kwento! busy lang!

    ReplyDelete
  13. wahh tenbits...

    akala ko nakakita ka na nung oras na yun..hehe

    ReplyDelete
  14. tumaas ang balahibo ko... gabi kasi ngayon at madilim dito sa bahay.. badtrip

    ReplyDelete
  15. sly, hehehehe!! wish ko din lang nobyembre na para uwi na din ako! hehehe!


    jessa, nakkkuuuuu!! have you heard of doppelganger? or napanood mo yung movie? search mo sa wikipedia.. dali! ingats!


    keso, hahahaha!! timing ang dalaw mo! hala ka... pray before sleeping baka mamaya may bumubundol sa ilalim ng kama mo hala ka... lol



    al, next time kwento ko yung merong sightings... salamat sa pagdalaw!


    karen, takot ka din sa dilim? wag kang lingon ng lingon... pag tumayo ang balahibo mo sa batok... mas malamang meron! wehehehe!

    ReplyDelete
  16. huwalangyang yan! bakit ko binasa toh?! baka di ako makatulog.. putek. wahhh!! at oo takot ako sa dilim.. yeee!!!

    ReplyDelete
  17. Nung bata ako nakakaramdam ako tapos nawala un nung tumigil nako managinip sa gabi. Tumigil na din sleep walking. haha. Ayaw ko ng ganyan. Nagtatalukbong ako dati ng kumot kahit mainit tapos di pwede lumagpas ang paa sa kama.

    Lekat. buti nalang di pa undas. haha

    ReplyDelete
  18. Ay naku numero unong takot ako sa mga ganyan-ganyang usapang multo pero paborito ko horror movie..hahaha! Ingat po napadaan lang..

    ReplyDelete
  19. akala ko dati, hindi matatakutin ang mga lalake. mali pala ang akala ko. lol!

    nakakainis na nakakatakot ang post na to! magisa pa naman ako matutulog mamaya!!

    basta, kung totoo man yan, at alam kong totoo naman, wag nalang silang magpakita saken, leche.

    lol!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails