pektyur pektyur! ismayl!!!!

22.5.10

si kupido sa mundo ng blogosperyo

Sa aking opinyon si kupido ay isang nilalang na walang relihiyon dahil wala siyang sinasanto. Kahit sino ka pa, pag napagtripan ka nya, tatargetin ka na lang nya nang walang sabi-sabi. Wala siyang galang, walang respeto sa nakakatanda, color blinded din sya, di nya alam ang racial discrimination, panis sa kanya ang kasabihang “opposite poles attracts with each other”, di sya nakapanood ng batibot kaya di nya alam ang  “pagsama-samahin ang parepareho”. In short, siya ay laki sa layaw dahil lahat ng gusto nya ay nagagawa nya. At kung susumahin, si kupido ay isang adik dahil mahilig syang mag trip sa buhay ng may buhay.

Kung naguguluhan ka sa mga pinagsasabi ko ganito lang yan, simple lang, tingnan mo ang mga tao sa paligid mo. Tingnan mo ang mga pinag-parespares ng adik na si kupido. Di ka ba naguguluhan o natatawa sa kung anong klaseng pagiisip ang meron sya?

Ano ba ang panuntunan nya sa pagpili ng dalawang nilalang para pagpraktisang targetin ang mga puso nila? Bata at matanda, mahirap at mayaman, panget at maganda, maitim at maputi, midget at kapre. Walang pattern. Basta pares lang, pero teka bakit minsan may threesome? O foursome? Tsk! Adik na kupido..

Ibat iba ang estilo ni kupido sa pag-atake nya sa ating buhay. Kaya nga kung inlove ka man ngayon o hindi, wala kang ibang dapat sisihin hindi ang sarili mo kundi si kupido, malamang di ka pa nya napapagtripan.

So,walang pinipiling tao, lugar o pagkakataon. Madalas kung kelan natin least expected, saka tayo kakabugin. At wala kang kalaban laban o magagawa, para kang sumasalungat sa napakalakas na agos ng tubig ng isang ilog. Pilit kang manlalaban sa una, hanggang maubos ang lakas mo at igupo ang lahat ng ideyalismo at pangangatwiran na matagal mo nang pinaniniwalaan. Sa bandang huli, tatanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw ay biktima ni kupidong adik, biktima ng nakakaaning na pagmamahal. Maaaring sa maling tao, maling pag-ibig, sa ekstra ordinaryong paraan, o tipong parang one-way lang. Ngunit anot anupaman, iisa lang ang totoo, nalaglag ka na at wala ka nang magagawa dun.

At tama, kahit sa blogosperyo nabubuo din ang pagmamahalan, kahit di mo ito hinanap o inasahan.

Tanong nga ni ABBY sa isa sa mga posts nya,

“Is it possible to fall in lοve with someone you never met?”

Meaning, sa cyberworld, sa chat, o sa blog, posible nga bang mahulog ang loob mo sa isang taong dun mo lang nakilala. Ang sagot ko? Oo.

Bakit kaya? Ano ba ang meron?

Isang palaisipan, bakit kaya kahit na isang larawan ng demonyo o kutong lupa o pagkapangit pangit na nilalang ang nakalagay sa profile image ng isang blogista e binabalik balikan natin ang kwarto nya?

Nagpapatunay lang ito na hindi lang laging magandang itsura ang batayan natin sa pagpili ng isang tao. Syempre may contributing factor din ito pero hindi ibig sabihin nun e dun na nakapokus ang lahat. Bakit ka bumabalik balik sa blog nya? Kasi nawiwili ka at naaaliw kahit di mo alam ang totoo nyang pagkatao. Kasi nakakarelate ka.

Yun yun e, nakakarelate. Marahil yun ang hinahanap natin sa isang tao, yung alam natin na maiintindihan tayo. Makakapag-akay sa atin sa mga lugar na hindi natin nakikita. Makakapagturo sa atin ng direksyon, magtatama ng ating mga kamalian. At yung katangian na yun ay di natin makikita sa panlabas na kaanyuan o sa gara ng kanyang kotse o galing nyang pumorma.

Kaya nga sang-ayon ako sa minsang sinabi ni GILLBOARD na,

“Posible yung makakakilala ka ng magkakagusto sa'yo dahil sa mga sinusulat mo.”

Di natin namamalayan, sa araw-araw nating pakikipagusap sa isang tao unti-unti nang nahuhulog ang loob natin sa kanya. Kasi mas nakikilala natin sya nang lubusan, mas nakikita natin ang posibilidad na maaring sya yung taong hinahanap natin na makapagbibigay sa atin ng kaligayahan at sya yung taong gusto nating bigyan ng ating pagmamahal.

Sa una, nawiwili ka sa estilo nya sa pagsusulat. Naaaliw ka sa mga binibitiwan nyang linya. Natatawa ka sa mga hirit nyang korni. Nararamdaman mo ang mga hinaing nya sa buhay.

Ngunit, ang isang simpleng komento ay maaring magresulta sa mas malalim na ugnayan, palitan ng saloobin, palitan ng YM at cp numbers. Hanggang sa mamamalayan mo na lang na siya na pala ang bumubuo ng araw mo, kulang pag wala ang nakakabog na simpleng mensahe mula sa kanya. Dadating ang panahon na di mo namamalayan na buong araw na pala kayong magkausap at sya lang ang kayang kayang mapangiti ka ng isang buong araw.

Yun nga lang, mahirap mag-aasume kung san kayo patungo at kung ano ba ang intensyon nyo sa isat isa. Mahirap maging feelingero o feelingera. Pero kung ikaw, umaasa ka na sana isang araw e matauhan na yang madalas mong kausap, kaisa mo ako. Sana nga gumawa na yan ng hakbang, alangan naman ikaw pa ang mauna e ikaw ang babae? At ikaw naman brod, kelalaki mong tao e ikaw pa ata ang naghihintay ng magtapat sa yo yung babae? O baka naman natyotyope ka lang? o nakikiramdam? Takot mabasted at masopla? Aba e, magkalinawan na kayo ngayon ngayon pa lang. Baka bandang huli e malaman nyo lang na nagaaksayahan lang pala kayo ng oras sa isat isa.

Mahirap din masyadong magtiwala online kasi marami ang sadyang sweet lang, friendly, flirt, pafall at paasa. Unless magtapatan kayo ng tunay na saloobin saka ka pa lang pwedeng magfeeling. Ano ka ba baka mamaya nyan, masabihan ka ng “ano ba kita??” in your face?! Wasak na wasak ka nun for sure!

Makulay ang blogosperyo, masaya kasi marami kang makikilalang iba't ibang klase ng mga tao. Merong mabuti, merong masama at merong mga nagbubuti-butihan lang kagaya ko.

Posible bang mainlove ka sa isang tao na hindi mo pa nakikita? Posible ka bang mahulog sa isang tao na sa chat mo lang nakakausap? Sa tingin mo, maari mo kayang magustuhan ang isang tao base sa mga katagang iyong nababasa sa kanyang blog?

Sisihin mo ang adik na si kupido, pati sa blogosperyo e nagtitrip na rin!!



pektyur mula kay pareng gogol

29 comments:

  1. bakit parang may pinaggagalingan?hahhaa

    Well kung opinyon at opinyon lang, mahirap husgahan dahil ang buhay naman ay very unpredictable. Tulad din ng pag-ibig hindi mo rin matatantya.

    Kung sa text may nakakatuluyan bakit dito sa blogosphere hindi ba pwede yun?


    Siguro mahirap pasubalian at mahirap din naman kumpirmahin ang sinabi mo na ito.

    Pero posible naman!ingat

    (alang kakwenta-kwentang komento, shet lang!LOLS)

    Ingat

    ReplyDelete
  2. may balita ako si kupido nagbblog n rin daw. hahahaha. nwei naniniwala ako pagdating sa love lahat possible kahit sino o ano ka pa.. unlng.. blita ko dami daw naiinlove sayo ha?

    ReplyDelete
  3. drakula,
    posible talaga parekoy, maniwala ka.

    ikaw parekoy sa dami na ng nakilala mo dito wala ka bang napipisil? di ba may mga stalker ka kagaya ni LBO na hayagan nagpapakita ng pagnanasa sa iyo? marami siguro mga fans na nagkakandarapa sayo at wag mong sabihin na wala kang nakakachat kasi di ako maniniwala dahil alam kong mas manyak ka pa sa akin! wahahaha!


    kikilabotz,
    hehehe! walang panahon si kupido magblog, puro SOP at SEB ang inaatupag nun e! ehehehe!

    ako? di siguro brod.. sino ba naman ang magkakainteres sa isang mukha at ugaling demonyo? hehehe!

    ikaw na! ikaw na ang nakabandera ang pagmumuka sa blog at FB! ikaw na ang gwapo! ikaw na!

    bwahaha!

    ReplyDelete
  4. wala namang imposible kay kupido... sana lang nagpraktis para maka bull's eye nyahahaha

    nabasa ko na 'to kay gillboard and as i quote...

    "Posible yung makakakilala ka ng magkakagusto sa'yo dahil sa mga sinusulat mo. Basta kung magkatuluyan kayo wag kang manggago. Para kung sakali mang maghiwalay kayo, eh walang masasabing masama sa'yo yung ibang tao."

    INLABABO KA AIM???

    HINDI BAGAY KOYA!

    Paki tawagan nga ang EXORCIST! si koya NASASAPIAN!!!!

    ReplyDelete
  5. at kanino ka inlab? ichika mo saken ng maikalat! hahahaha!

    ReplyDelete
  6. possible signs
    1. inaabangan mo na palagi ang post nia
    2. Sinesave mo na ang pic niya.
    3. Tinatry mo na siya istalk, sa sa social network sites niya.
    4.Tinatry mo siyang kausapin.
    5. Kinikilig ka pag pinapansin ka niya in any means.

    hehehe

    ReplyDelete
  7. nung nangyari sakin yung ganyan nakapagsulat din ako ng ganito...

    bakit feeling ko ganyan ka rin..

    salamat nga pala sa pagbanggit.

    ReplyDelete
  8. Ang sagot ko sa tanong mo ay...

    pwede...

    pero depende pa din sa iyo ang lahat. maging masaya at huwag matakot sa lahat. Life is a series of moments ika nga kaya carpe diem! Seize the day!

    =)

    ReplyDelete
  9. no comment.

    Basta bago ma hulog kilalanin mo munang mabuti yung tao kasi baka yung subconcious mind mo lang ang nag sasabi na pinana ka ni kupido pero ang katotohanan ikaw lang ang nag inisist ng fact na pinana ka nga hihhi

    Walang sense ang comment ko, di kasi ako maka relate huhihi

    ReplyDelete
  10. Bumalik ako!hahahah! Stalker talaga??

    si LBO di nman sya stalker eh, isa ;lang syang avid reader ko!kaw malisya ka!

    May kachat din akong tigablogosphere at ang sweet namin, kaya baka nga may katotohanan nga ang mga ito!hahahhahah!

    Teka siguro nainlove ka sa isa dito sa blogosphere kaya ka ganyan!hahaha!at hulaan ko basted ka, kaya ka ganyan!hahah joke lang

    Punta ako ng khobar, ano libre mo man lang ako sa Jolibee oh!

    ingat

    ReplyDelete
  11. Siguro posible nga mainlove online pero may mga tao talaga na sadyang madaling ma-fall.

    ReplyDelete
  12. pangalawang blog post na about pag-ibig..sigh

    in love online? hindi totoo yan, iba interest nyan...maniwala ka!!!

    hindi kasi tatagos ang pana ni kupido sa computer...

    Offline? yon merong mamomoong pag-ibig...Kailangan usap in person, baka mabaho bibig nya, ewww...

    ReplyDelete
  13. ate roanne,
    hahaha! di po ako nisasapian sinulat ko lang yan based sa aking obserbasyon at sariling opinyon..

    ikaw ati wala ka ba nakaka-fling sa blogosphere? di nga? sa ganda mong yan? walang nagpaparamdam sayo? o sawa ka na sa fling-fling at gusto mo e yung to the next level naman?

    or hindi mo pa mahanap yung boyfriend material na para sayo kasi nagfefeeling pihikan ka na naman? tsk! naman!



    keso,
    may kras nga ako... hahahaha! hayskul???! lol

    ikaw sino kras mo sa mga blogista? ayyiiieeeee!!! ichika mo sa kin ng maikalat! hahaha!


    rah,
    teka teka, bakit andami mong alam?? hmmm... gawain mo ano? hahaha!


    gil,
    hahaha! kelangan ko ba mapagdaanan din yung mga dinaanan mo para makapagsulat ng mga ganito? hahaha!

    ReplyDelete
  14. stone-cold angel,
    yup tama ka! seize the day! magpakasaya at gamitin ang bawat araw para maging instrumento sa happiness ng iba. wag matakot, wag masyadong stiff o paranoid, di mo maeenjoy ang bawat araw sa buhay mo kung lagi kang may apprehensions..


    jepoy,
    hehehe! bakit pag ganitong usapan lagi kang no reply or no comment? magshare ka naman! musta si PG? har har har!



    drakula,
    at ikaw ay nagbalik! hahaha!

    "May kachat din akong tigablogosphere at ang sweet namin, kaya baka nga may katotohanan nga ang mga ito!"--- ayun o!! lumalabas na!

    ilan ba yang kachat mong yan? mamahagi naman! ikaw na! ikaw na ang magandang lalaki sa lahat ng mga blogista!

    hindi ako basted, inunahan ko na! sabi ko, "bakit mo ako babastedin?? bakit nililigawan ba kita??!! duh??!" wahahahaha! joke lang!

    kelan punta mo khobar? oo ba jollibee lang pala e.. sundae lang ha? hehehe!


    glentot,
    may mga taong madaling mafall kasi minsan sobra na yung closeness at attention na nabibigay natin at minsan namimisinterpret nila yun..


    ghienoxs,
    ibang interest? tell me about it... hehehe!

    ReplyDelete
  15. WOW inlababo ka kuya? ^_^
    Posible ngang ma inlove online, masaya pero masakit din. wow may pinagmumulan?hehe. Iyon e sa obserbasyon ko lang naman sa iba kong kilala.( defensive! lang ) ^_^

    ReplyDelete
  16. @Mr. Indecent_Mind

    Oo nga I do not consider myself as a stalker of Drake, fan lang kaw talaga Sir, di ba si Agatha Cristie ang dami rin niyang fans kahit thurdercat na siya? minahal siya ng mga followers niya hindi dahil sa physical na anyo niya kung hindi sa talento niya sa pagsusulat. Ganun lang talaga ang relasyon ko kay Drake Tol reader ako blogger siya, natutuwa ako sa mga sinusulat niya pampaalis ng homesickeness kahit hindi kami personal na magkakilala.

    ReplyDelete
  17. haha. nakakatawa naman to, parang may pinaghuhugutan ang may akda. malay mo kuya, may naiinlab na sa'yo dahil sa mga sinusulat mo.

    ReplyDelete
  18. darklady,
    bakit may tonong ampalaya ang comment mo? may pinagdadaanan? hehehe!


    LBO,
    bakit di mo try EB si drake, paautograph ka kaya? hehehe! ayun o pupunta daw sa khobar, naghahanap ng manlilibre sa jollibee... gow! hehe!


    aryan,
    hinugot mula sa puson...este sa puso pala.. siguro nanay ko pag nabasa nya mga posts ko maiinlab sa kin...at sasabihin nya ang gwapo gwapo mo talaga anak!

    ReplyDelete
  19. hahhaha! wag mo ikalat! shhhhhh!

    ReplyDelete
  20. uso ba ang blogger crush? ihanap mo ko! haha

    ano 'to, "based on experience, take it from the expert."?

    ReplyDelete
  21. keso,
    hahaha! di ko ipagsasabi, manlibre ka muna! halo halo! yum yum yum!


    choknat,
    adik ka! maghanap ka ng sayo! gusto mo bigyan kita? yung mahilig maghandog ng tula? hehehe! ok yun hahandugan ka ng tula nun! lol

    expert ka dyan! adik ka!

    ReplyDelete
  22. na e EMO ako sa mga gantong posts pero binasa ko hanggang dulo. tama. posible tlg ung magka inlababo-han sa blog. pero sbi mo nga, hnd tau feelingero/a kc my mga sadyang malandi lng. hoho.

    bgong salta lng ako d2 at baka mapadalas. astig tlg ng blog mo. maTAO! LOL

    ReplyDelete
  23. sabi si Sows nage-emo ka daw o.. kanino ka nahawa? haha! wag ka papahawa.. ayoko ng nega vibes..

    pero tama ka. mapaglaro talaga ang lecheng kupido yan. lagi na lang akong pinaglalauran. hindi na naawa sakin. tsk.

    ReplyDelete
  24. isa lang ang masasabi, OO, posible..bakit ang hindi???

    ReplyDelete
  25. Flutterby ni Chukky3:54 AM, May 27, 2010

    Nice post....Dapat pa ba ako magkumento PA? Loves kaya kita!!! may kikibo? meron? meron? hehehe

    ReplyDelete
  26. sows,
    in that case dapat malinaw sa both parties na kung landian e landian lang, no feelings involved. libog lang. or else magkakasakitan lang kayo in the end.

    chicqui,
    ayaw daw ng nega vibes tas biglang emo ang comment o? hahaha! may pinagdadaaanan ka rin? tara resbakan natin si kupido? hehehe!


    seaquest,
    yup, bakit nga ba hindi?


    flutterby,
    hehehehe! walang kumikibo.. walang umaangal.. meron ba? wala naman di ba??

    ang umangal, masasaktan! wehehehe!

    ReplyDelete
  27. nakadaupang palad mo na ba si kupido Mr indecent mind? pakilala mo naman ako sa kanya, kausapin ko siyang pumana ng para sakin..haha.. asan na ba nakadestino si kupido bat parang hindi naliligaw sa lugar ko.. hehe...:P

    ReplyDelete
  28. wala na ko masabe, nacomment na nila lahat..whahaha..meron talagang naiinlab kahit di pa nagkikita..lam ko yan (nkarelate?lol) pero sa mundo ng blog wala pa nman..bagong salta lang ako d2 eh maiinlab agad? kerengkeng na ko ng bonggang bongga nun! may mga site lang talaga na enjoy mapapabalik ka talaga.. :D


    -wala daw masabe pero mahaba-haba pa din ang koment? lol

    kip seyf.. :)

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails