pektyur pektyur! ismayl!!!!

19.5.10

pwedeng pasilip lang?

Disclaimer: Bawal dito ang ipokrito at ipokrita. Kung mapagmalinis ka at manghuhusga lang, wag mo nang ituloy ang pagbabasa mo.


Kung mamboboso ka ano ang unang una mong titingnan? Or ano ba ang gusto mo talagang makita?

Gaano kadalas mo itong ginawa or ginagawa? Bakit may hatid itong kiliti at munting saya sa iyong katauhan at sa malikot mong isipan? Bakit mo ito hinahanap hanap at kahit na alam mong hindi pwedeng gawin sa lahat ng oras e ginagawa mo pa rin kahit may panganib na mahuli ka sa akto ng kaopisina mo, ng boss mo, or ng ibang tao na lihim na nagmamatyag sayo? Nag-eenjoy ka ba sa simpleng paninilip? Nakakadama ka ba ng saya tuwing ginagawa mo to?

Pero teka, ano nga ba ang dahilan para gawin mo yun? Ano ba ang hinahanap hanap mo?

1. Kulay? Naiingganyo ka ba sa kulay ng pakay mo at ng mga nakapaligid dito?

2. Makaexperience lang? kasi may mga nagturo sayo at nagsabi na ok sya?

3. Kasi madami ding nakikisilip sa kanya at ayaw mong mahuli sa kwentuhan kaya nakiride on ka na lang? masarap bang pagkwentuhan pagkatapos?

4. Dahil ba sa kapirasong laman na iyong laging hinahanap hanap sa madalas mong paninilip sa iba? Nagbabakasakali ka ba na sa isang ito makikita mo na rin ang hinahanap hanap mo?

5. Dahil ba tipong kiss and tell ka? Gusto mo lagi kang una sa tsismis at updated ka sa balita? Gusto mo ikaw ang bida, ikaw ang magbroadcast na ok sya? Na may nakita kang kakaiba na hindi nila nakita?

6. Kasi kahit balik balikan mo sya ay hindi pa rin nababawasan yung saya na naiibigay nya sayo sa tuwing sisilipan mo sya?

7. Kasi adik ka na? Na nagiging libangan mo na lang ang paninilip kung kani kanino? Pasimple man o garapal?

Ako, aminado ako mahilig akong mamboso. Nakakaadik kasi. Oo, adik na yata ako! Hindi lumalagpas ang isang araw na hindi pwedeng di ko ito gagawin, hinahanap ko na. Sa opisina man, sa aking kwarto, sa resto o minsan nga kahit sa public places pa! Basta may pagkakataon. Kahit anong oras, kahit dito sa opisina, basta may pagkakataon. Minsan kakilala ko man o hindi, basta may chance binobosohan ko na rin, malay natin itong isang tahimik na nilalang na to ang makakabuhay ng aking diwa sa araw na to?

Pero ang totoo, bunga siguro ng pagkaadik ko sa gawaing ito hindi na ako madaling masiyahan na kagaya ng dati. Minsan di ako nasisiyahan sa basta kulay lang. Madalas hinahanap hanap ko ang tunay na laman ng post mo. Pilit kong hinahalukay ang something na matututunan ko dito, something na makakapagpangiti sa akin sa araw na ito. Something na masasabi kong, “ahh pareho pala tayo?” “uyyy oo nga, nanagyari na sa akin yan!” “ahh ganun pala yun? Thanks for sharing!” “astig!”.

Totoo naiimpress ako pag madaming follower ang isang blogger, kasi ibig sabihin nun friendly sya, may sense, may laman ang blog, at pilit kong hahanapin pa yun sa mga previous posts nya. Pero wag kang malungkot kung kokonti man ang follower mo, di ibig sabihin nun walang nagbabasa sayo. Pag marami akong time binabalikan ko lahat ng nag-aksaya ng panahon na dumalaw sa akin, wag kang mag-alala nakalagay ka sa bookmarks ko at hahalukayin ko ang lahat ng mga kaangasan mo. Ia-add kita sa ayaw mo man o gusto, hindi man dahil sa post mo ngayon or bukas pero maaaring pag may nabasa ako sa previous posts mo. Wala akong pasabi magugulat ka na lang! Kaya steady ka lang dyan!

Pero syempre, priority sa listahan ko yung mga nagsasabi sa akin na..

“sinilip kita, halika bosohan mo rin ako!”

Ikaw, ano nga ba ang hinahanap mo sa paninilip mo?



pektyur mula kay pareng gogol

30 comments:

  1. Nice umeinteractive ka na parekoy ah! May question and answer pa parang Mr. Pogi lang!hahaha

    Well hindi ako mahilig manilip, pero kung may tyansa syempre sisilip na rin. Pero yung katihin ka para manilip lang, eh di pa naman ako ganun kamanyak (promise, hindi ikaw ang tinutukoy ko dyan!Hahahha)

    Pero para sagutin ang tanong mo, ang masasabi ko lang dahil......LIBRENG PORN at LIVE pa!hahahah

    Ingat

    ReplyDelete
  2. Ang ang hinahanap ko sa paninilip ko. Unang una yung mapapa ngiti ako or mapapahalakhak ako or ma aarouse ako ay scrap that part.

    Ikalawa, yung ma matututunan ako na maiaaply ko sa buhay ko. Yung tipong tatatak sa isip ko.

    Ikatlo, kung maganda ang profile pics. Joke! Scrap this part....

    ReplyDelete
  3. ako minsan sumisilip lang kahit hnd na nakakapagcomment.

    pero alam ko alam mo kung ano ang mas masarap silipin. wahaha

    ReplyDelete
  4. akala ko kung ano na, hehe.
    minsan sumisilip, nagbabasa.
    pag nakakarelate or nakakatawa, comment.
    pag hindi naman ako makarelate o makapagkumento ng may sense o maayos, naghhi na lang sa shoutbox kung meron.
    it feels good na merong umaappreciate sa gumagawa mo. at least alam mo kahit papaano e may nattouch kang lives, parang pldt, hehe.

    ReplyDelete
  5. kadalasan yung mga makapagpapatawa sa akin, o kaya mapupulutan ng kuwento o aral, o kaya ay diskarte. (minsan, sisilip lang din kung nasa sa blogroll wahahaha umaasa)

    ReplyDelete
  6. drakula,
    di ko mawari kung nagSKIP READING ka na naman... parang medyo medyo lang... pero ito ang sasabihin ko sayo.. kung manyak ako, alam ko manyak ka rin.. ang pagkakaiba lang natin, ikaw nasa denial stage pa rin hanggang ngayon! hahahaha!


    jepoy,
    hmmm.. tingin ko ung pinasscrap mo na part na profile pix at maaarouse ka e yun ang totoong reasons mo ng paninilip... subs na lang yung mga iba mo pang nabanggit! hahaha!


    kikilabotz,
    "pero alam ko alam mo kung ano ang mas masarap silipin" e ano nga ba? di ko alam e, inosente pa kasi ako sa mga ganyan ganyan! hehehe!


    olyabut,
    touching lives? am i touching YOURS? ewwwwkkk! hahahaha!
    yup it feels good na may nakikitawa sa mga kalokohan natin sa buhay!


    taribong,
    naniningin ka lang ata ng profile pix kagaya ni jepoy e? hahahaha!

    ReplyDelete
  7. hekyusmi pow! Hindi ako na niningin lang ng profile pics edi sana hindi na ko nag comment sa blog mo. Wasak!

    Yung iniscrap ko na part scrap out talaga yun.

    See bumabalik balik ako sa post pag interesting at alam kong magiging interesting din ang batuhan ng comments.

    Kaya mag add ka na nag pics mo para madagdagan pa ang bobosohon mo bwahihihihi

    ReplyDelete
  8. jepoy,
    ahh ganun pala ha? kaya pala eto ang nasa cbox mo...

    Jepoy: Hi P____ G___, you are so cute dahildyan kras na kita hihihi!!

    naknampotah!! wasak na wasak!! nyahahahaha!!

    see? interesting di ba? bwahahaha!

    ReplyDelete
  9. ako basta may laman yung binabasa ko... meaning relatable, may sense at hindi pilit... obvious kasi pag yung nagsusulat para lang magpapansin... pero minsan, nakikibasa ako dahil binabasa din nila ako. returning the favor, ika nga.

    ReplyDelete
  10. Yung tulad ng post na to..masarap basahin may sense..yan ang hinahanap ko din sa mga bloggers.. hindi ako tulad ninyo magaling magsulat pero hinahangaan ko kayo...hindi kasi waste of time, yung ilan kasi ang haba haba ng post wala namang sense...sayang lang oras at kuryente ko...haha

    ReplyDelete
  11. Bakit ako naninilip?

    *para matawa
    *pang-alis ng badtrip
    *gustong makirelate
    *walang magawa
    *nakiki-tip ng pwedeng idagdag na widget sa blog
    *para mainsecure lalo na kapag natural na natural magsulat
    *maghanap ng mga bloggers na wala sa blogroll ko


    AT HIGIT SA LAHAT

    Para bisitahin din niya ang blog ko, malay mo maisipan pang magcomment ..LOL

    ReplyDelete
  12. nakss, ayos to ah, iba iniisip ko nung una e haha! unti unti mo na yatang naiimpluwesyahan ang pagiisip ko! lol


    ano nga bang hinahanp ko sa paninilip ko?



    unang una, yung may sense, may laman, yung tipong may matutunan ka. gusto ko din ng mapapatawa na lang ako ng di ko namamalayan, katulad nga ng post mong to! at parang si klitorika lang. haha. finollow mo nb?

    ReplyDelete
  13. Wahahaha! Naloka lang ako sa una mong disclaimer.. hahaha! Ang kulet.. haha! tas nung sinilip ko, aba, malaman din pala! Tama, wag malungkot kasi marami din magbabasa, in the future nga lang! ^_^

    ReplyDelete
  14. may kuliti na yata ako... kaya hindi na ko makapagcomment ng maayos... pno ba naman pinagtyatyagaan ko magbasa sa kakapiranggot na screen ng itouch... amfufu... parang naninilip lang sa pagkaliit-liit na butas... kaya pag dating ko sa bahay... naduduling na ko kaya ayoko namagbasa. minsan nakikibasa na lang ako ng comment ng iba para may maicomment din ako. masabi lang na dumaan at nagparamdam. pero minsan naman paghindi ko nagustuhan ung sinilip ko, umaalis na lang ako bigla, wala ng paalam o thank you man lang.

    malalaman mo naman yung post kung pinag-isipan o hindi, kung totoo o gawa-gawa or kung galing sa puso o singaw ng hangin. pero dito, palagi kong sinisilip at inaabangan, may puso kasi ang may akda! ikaw na koya! ikaw na!

    ReplyDelete
  15. @Mr. Indecent
    HIndi naman siguro masama kung aaminin kong madalas na si Mr. Drake ang sinisilipan ko pati na rin yung blogger na puro Kablastugan at Badoodles. Kasi funny at witty sila.

    Bakit puro lalaki? Bakit may masisilipan ka bang babae kung nasa Saudi ka? Diba wala? Nasanay lang ako siguro.

    Ikaw nga pala ang latest...ingat...as in INGAT KA! Wag kalimutan mag hapslip LOL!

    ReplyDelete
  16. @indecent mind Pota kuya natawa ako sa comment mo sakin! LOL I hate chu!

    ReplyDelete
  17. amg sskip read sana aq kc tungkol sa silipan eh hnd aq mahilig dun! ahahah..

    pero bout sa blogging.. pag hnd q kilala tpos ndaaan aq sa bahay nya, pag mahaba ang post lalo na pag english back out agad aq! ahaha..
    pero pag my unang linya palang eh nakuha na ang atention q tuloy tuloy nah!

    pero kung fren q at mahaba at english back read aq pero mag hi hi lang! pero asusual kung related aq sa post babashin q laht kht mskit na ulo q!

    i gez importante sa laht eh yung mkarelate ka sa post at lalo na yung napapangiti bago umalis sa bahay nya..

    at kung hnd obvious, mas masipag aq mag koment! ahahaah.

    ReplyDelete
  18. pamboboso na ba ang tignan ko ang bakat sa jeans ng isang lalake? kung ganon...guilty ako or kung hindi...guilty na lang ren...

    ReplyDelete
  19. ako madalas kung sinisilip yung blog ng mga taong magaling magsulat, yung may napupulot ako sa bawat pagsilip ko..^_^

    ReplyDelete
  20. Sa totoo lang kung minsan may persona ako na nagbabasa lang na walang iiwang marka. Yung mga post na wala ka namang reaksiyon. Oo. Nabasa ko siya. Pero walang markang nag-iwan na binasa ko.

    At least nahit kita diba?

    Hindi ba mas masarap ang ganoong bosohan? Hindi ka naman siguro boboso para bosohin ka rin ng ibang tao diba?

    And oh, btw, share ko ang tula para sa mga bosero. :)

    http://makatangmaldita.multiply.com/journal/item/161

    ReplyDelete
  21. nakakatawa naman, minsan lang akong matawa sa mga nababasa ko.

    sa kasamaang palad ay umuunti ang nakikilala ko na worth it silipan (ang blog). mabuti na lamang at napadpad ako dito at sinilipan ka. nawa'y pagpatuloy mo ang paglaladlad mo. :D

    ReplyDelete
  22. Kailangan me laman akong maboso nang sa gayon tunay ang dala nitong luwalhati sa akin.

    =)

    ReplyDelete
  23. Hahaha napaghahalata si Drakula base pa naman sya hahahaha skipreader!!!

    Ang sinisilip ko eh yung sense ng sinulat at kung makakatulong ba ito sa pagtangkad ko. Salamat.

    ReplyDelete
  24. gillboard,
    may laman, relatable, may sense at hindi pilit... konti lang kayo na nakilala ko na ganyan..


    mokong,
    di po ako magaling magsulat.. patsambahan lang, nakakatip lang ng mga atake sa magagaling na nababasa ko dito sa blogosperyo..


    madz,
    e bakit? nagcocomment naman ako sayo ah? hehehe!


    keso,
    pasaway! wag mo ako idamay dyan normal mo yan! hahaha! yup, nafollow ko na! see? hahahaha!

    ReplyDelete
  25. sasarai,
    hehehe! wag kasi agad malisyosa... wag madumi ang pagiisip.. hehehe!
    oo, di mo alam madami nagbabasa sayo, madalas di nagpaparamdam pero lagi kang binabalik balikan..


    ate roanne,
    huwaw! may puso? ako?? ahahaha!! e ikaw? may puso ka ba? asan? para kanino ba yan? antagal mo nang binuburo baka mapanis yan kung di mo gagamitin! lol


    LBO,
    di naman obvous na stalker ka ni drake? hahaha! salamat din sa pagfollow!

    ReplyDelete
  26. jepoy,
    palag ka pa? wag na! wasak ka na nga e! wahahaha!


    kayedee,
    "i gez importante sa laht eh yung mkarelate ka sa post at lalo na yung napapangiti bago umalis sa bahay nya.." apir! ganyan din ako.. buti na lang di ka nagskip read this time.. hehe!


    peanut,
    hmmm.. di ko lam e.. di kasi ako tumitingin sa bakat ng lalaki.. eeeewkkk!

    ReplyDelete
  27. superjaid,
    ako din.. kung hindi man kwela, pero may laman ang posts.. gaya nung sayo! apir!


    maelfatalis,
    yup tama ka, kasi ako madalas lurker mode lang din.. pag binobosohan ka ba pero alam mong binobosohan ka na, boso pa rin ang tawag dun? hehe!


    aryan,
    salamat sa pagdalaw at pagkomento! balik lang ha?


    stone cold angel,
    anong klaseng laman ba ang nasa isip mo? tulad din ba yan ng nasa isip ko? hehehe!


    glentot,
    ang pagbabasa ba ng blog may kwenta man o wala e nakakadagdag sa pagtangkad? di naman ata? mukhang hopeless ka na ata brod? hehehe!

    ReplyDelete
  28. ako lagi sa blog mo kasi magagalit ka pag di ako sumilip. wahaha. peace men! joke la..lang pala. lol

    diko pa natatapos basahin ang post, alam ko nang pang number 7 ka, mapa-dalaw man ng blog o talagang bosero lang. haha :P


    "sheeeeeeeet ang ineeet! abot singeeeeeet"

    ingay. ahaha

    ReplyDelete
  29. nakakamiss magbasa ng mga ganitong blogs. hulog ka ng langit nang napadaan ka sa aking munting blog kaya napapadalas ang pakikiboso ko dito.

    at oo mahilig ako mamboso. type ko yung mga.... at yung makinis ang... at mahilig ako mag imagine lalo na kung nakatalikod ka sa kin. haha!

    salamat ulit kasi nakakabasa na naman ako ng matino ngunit nakakatuwang blog.

    ReplyDelete
  30. ayos tong post na ito.. mahilig din ako manilip.. minsan nag-iiwan pa ko ng bakas.. :)

    hahahah...

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails