pektyur pektyur! ismayl!!!!

12.9.10

Pisil

Tawanan tayo ng tawanan. Scrabble, sudoku, panay ang pakwela ko, sige naman ang tawa mo sa mga corny kong jokes. Sa bawat hagikhik mo, na musika sa aking pandinig, may kasabay itong pagtapik sa hita ko, sa balikat, sa kamay, lalo naman akong ginaganahan, lalo akong nagiging corny pero sige lang, bungisngis ka pa rin. Nakatingin lang sa atin ang mga kaibigan mo, nagtataka marahil sa ting dalawa, dahil mukang may kakaiba. Pero siguro ayaw nilang bigyan ng anumang malisya.

Alas onse na ng gabi pero maliwanag pa?? may araw pa?? pero kelangan na nating umuwi, baka mapagalitan ka na ni Donya Adelaida -- ang iyong ina. kaninong kotse ba tong sinasakyan natin? Di to sa akin, di din sa yo, di din sa dalawa mo pang kaibigan.. e sino ba tong driver natin? di ko makilala ang mukha.. baka san tayo dalhin nito? “easy ka lang, wag kang masyadong paranoid dyan ok?” sabay pisil mo sa kamay ko. Kumalma naman ako, pero iniisip ko kung para san ang pisil na yun.

Pagod na ako, mabigat ang mata, gusto kong umidlip habang nagbyabyahe tayo pero ayaw ko yatang matulog. Nageenjoy ako sa mga tawa mo, nageenjoy ako sa siksikang pwesto natin dito sa hulihang upuan ng kotseng ito. Teka, bakante naman ang upuan sa unahan, pero bakit tayo nagpipilit umupo dito sa hulihan? Ayokong itanong yan, kasi nageenjoy naman ako sa magkadikit nating mga katawan. Para tayong kambal tuko, para tayong sardinas na walang sarsa, para na tayong magkaakap sa sobrang dikit, para tayong may relasyon – pero wala, hindi.

Naglalakad tayo sa dilim, panay ang kapit mo sa akin, sige ang alalay ko sayo. “gentleman ka pala huh?” ngiti lang ako, pero may pumintig sa pagkatao ko nung sinabi mo iyon – ang aking puso. Bigla tuloy, parang gusto kong makasalubong ng mga lasing na tambay, yung mga bastos -- ipagtatanggol kita. Makikipagbasagan ako ng bungo para sayo, magpapakamatay para sayo, para masabi mong kaya kitang ipagtanggol. At matapos mawasak ang mukha ko, aalalayan mo ako at gagamutin ang mga sugat at pasa ko, sa puntong iyon, parang pelikula, magtatama ang ating mga paningin, na tila may isang malakas na magnetong humahatak sa ating mga labi, unti unti, tatahimik ang buong paligid habang papalapit ang ating mga mukha sa isa't isa, tanging mga kalabog lang ng ating mga puso ang maririnig, dahan dahan, papalapit nang papalapit, dahan dahan… pero walang ganyang pangyayari.. kasi nga walang mga lasing na tambay… badtrip!

Inihatid natin ang mga kaibigan mo sa mga bahay nila. Alas dos na pala ng umaga? bakit andami pa ring tao sa kalsada? Anong meron? Lumiko tayo malapit sa inyo, nagkadikit muli ang ating mga kamay, hinawakan mo ang kamay ko at pinisil. Napatingin ako sayo, gusto kong magtanong kung anong ibig sabihin nun, gusto kitang hatakin sa dilim… pero huwag, wholesome dapat ako! at hindi dapat masira ang mgandang gabing ito..

Nakita natin sa kanto ang adviser ko nung 4th year hiskul ako, nagulat sya na magkasama tayo, nagulat sya na magkahawak ang ating mga kamay. nagulat sya at nagtanong sya kung tayo daw ba? nagulat ako bakit kilala ka nya, nagulat ako bakit andun sya e di naman sya dun nakatira, nagulat ako bakit alas dos na ng umaga e may matanda pang kagaya nya na nakatambay pa sa labas??

Biglang nagkagulo, may nakita tayong mga liwanag mula sa kalangitan…  UFO! aliens! laser beams! ingay ng mga kanyon! huh?? pamilyar sa kin yun ah??! Di ba sila ang mga karakter sa larong “madness” sa cp ko? Madami nang patay na aliens, wala silang magawa sa nakasetup na mga kanyon at laser beams. May isa na lang natitirang malaking alien, Reyna nila siguro yun. Nakita nya ang mga high-tension wires sa isang substation. Binabatak nya ang mga ito at nagblackout sa buong lugar. Nagkagulo na, nagsigawan. Bigla kang nagtanong, "Pano ba gumagana ang kuryente? Pano ba nagkakakuryente?" "Ehem! Genius ako dyan, pagkakataon ko nang maging matalino sa paningin mo. umpisahan natin sa rotor at stator gusto mo?" Sabi mo sa eksplanasyon lang na maiintindihan mo. Andami kong nasabi, capacitors transformers, battery, power grid, substations, towers, pansit pansitan na ninanakaw at ginagawang stainless na planggana at kaserola… pero di ko lam kung may nainitindihan ka, tumango ka lang pero di ka na ulit nagtanong.

Nakarating tayo sa mansyon nyo, tulog pa ata si Donya Adelaida, katulong nyong pupungas pungas pa ang nagbukas ng gate nyo..

Tahimik ang paligid, may konting liwanag lang na bumabalot sa atin mula sa poste sa tapat ng gate nyo... umakap ka sa akin.. matagal, mahigpit, ramdam ko ang tibok ng puso mo, ramdam ko ang init ng katawan mo, nakasubsob ka lang sa dibdib ko. Tingin ko ayaw mo nang matapos ang gabi. Hinawakan ko ang baba mo, itinaas ito at hinagilap ang mata mo, nagtatanong ang aking mga mata. Tahimik ka lang, nakatitig sa kin, naghihintay ng mga susunod na pangyayari.. bahala na, lalakasan ko na ang loob ko… eto na to…. pinikit ko na rin ang aking mga mata, sa tantya ko e kulang sa isang dangkal na lang ang pagitan ng ating mga labi.. ramdam ko na ang init ng iyong hininga….

 
Nang biglang… BLAAAGGG!!!

May kumalabog! Bigla akong nagising!!!

Poteekk! Badtrip!!!!


----

Nonsense na post to.. pero gusto ko lang idokumento ito dito, madalas kasing magkatotoo ang mga panaginip ko.. weird no? pero totoo.. maybe months or years from now, babalikan ko tong post na to.. and iconfirm kung alin ang mga nagkakatotoo.. na hindi sya dejavu pero panaginip lang dati.

yung aliens? Hehe! Produkto na lang siguro ng subconsciuous mind ko epekto ng sobrang kakalaro kaya nahalo na pati sa panaginip ko..


an_indecent_mind


pektyur ninakaw mula sa flickr.com


29 comments:

  1. bat ba pag ganong malapit ka na sa nais mo saka ka magigising...ahahaha!haup na pnaginip.malamng nabitin ka...tulog ka ult bka mault!hehehe

    ReplyDelete
  2. haha! yun nga! kaso umihi muna ako kasi masakit na ang aking puson.. sinubukan kong matulog ulit at madugtungan ang panaginip ko.. pero alam naman natin na di nangyayari yung ganun! tsk! badtrip!

    ReplyDelete
  3. asar talo par... para kang nakikipagtalik sa gf mo na patago sa magulang ng gf mosa kwarto tapos biglang darating si kuya o ate nya, kakabitin yun ang sakit sa puson...hahha

    ReplyDelete
  4. sana natulog ka ulit baka sakalaing na to be continued hahahaha... nadugtungan sana.. hehehe..

    pero diba sabi nila, kabaliktaran daw ng panaginip ang nangyayari sa totoong teleserye ng buhay? :D

    ReplyDelete
  5. Palong palo ang panaginip...
    swabe parang sa INCEPTION lang hahaha..

    ReplyDelete
  6. @ MOKONG,

    hahaha! sinabi mo pa! yun na yown! lol


    @YANAH,

    di pa nangyari sa akin na nadugtungan ang panaginip ko.. kaya mo yung ganun? sabi nila kabaligtaran, pero madalas akong ma de javu... or mangyari yung mga napapanginipan ko..


    @poldo,

    onga! di ba nga, sabi sa inception, ang panaginip di mo alam kung san nagsimula at kung saan matatapos?

    ReplyDelete
  7. sabi ni yahoo, kung gusto mo daw ituloy ng panaginip mo, wag kang gagalaw sa pagkakapwesto mo nung nananaginip ka. subukan muling matulog sa dating pwesto.

    sabi pa nya, goodluck nalang kung maalala mo pa yun pag naalimpungatan ka na. =P

    ReplyDelete
  8. "umpisahan natin sa rotor at stator gusto mo?" Sabi mo sa eksplanasyon lang na maiintindihan mo. Andami kong nasabi, capacitors transformers, battery, power grid, substations, towers, pansit pansitan na ninanakaw at ginagawang stainless na planggana at kaserola… "--- Electrical ka ba?! hehehehehehehe wala lang...lol... Naku kati lang yan...ipakamot mo na! lol

    ReplyDelete
  9. @RAINBOW BOX

    natawa ako sa suggestion, ang pumasok sa isip ko e yung may crime scene na may guhit na chalk hehe! hirap naman nung suggestion ni yahoo! hehe!


    @XPROSAIC,
    oho.. electrical ho..

    wala ngang kakamot! hehe!

    ReplyDelete
  10. try mo icontrol ang dreams mo :) para magawa mo yung gusto mo sa panaginip mo :) hihihi

    ReplyDelete
  11. sayang ang dream.... minsan pag nagising ka hirap mapagpatuloy ang next na pangyayari unless super iisipin mo at magkatotoo

    ReplyDelete
  12. dapat natulog ka uli para matuloy! :D

    ReplyDelete
  13. Susme! Akala ko totoo na. Kahit yung alien part akala ko totoo. =)

    ReplyDelete
  14. buti ka nga naaalala mo mga panaginip mo... ako kahit gaano kaganda o ka-L ng panaginip ko, paggising ko wala na. di ko na maalala

    ReplyDelete
  15. kainis ang bitin na panaginip! tapos pagpikit mo uli ng mata kahit na anong pilit e ayaw nang bumalik! haist tapos ikot ikot ka na sa kama mo! bad is trip!

    infairnes, sa start parang totoo! ang style talaga uu! =)

    ReplyDelete
  16. kakabitin nga tong post mo... :)

    pero buti ka pa nadokumento mo ang panaginip na tulad nito.. pag ako,, gudlak naman,, kasi the moment na mapamulat ang mata ko,, limot ko na rin ang panaginip... kaasar lang.

    ReplyDelete
  17. Pati ako nabitin hahahaha! Pero infairview, EE ka ryt? Apir! hehehe..

    ReplyDelete
  18. ganyan talaga mga dreams bitin, kelangan mo ituloy sa totoong buhay :) hehe

    ReplyDelete
  19. sa mga nauna mo palang na mga sentences, nahulaan ko na na baka panaginip nga. tama ako. hehe. ang galing mo naman, naalala mo talaga? ako, madalas di ko maalala or madami ang kulan eh.

    ReplyDelete
  20. as usual, dahil nasa saudi ka, malamang puro wet dreams ka talaga!hahahha

    Hinay hinay sa manonood ng porn kaya siguro hanggang panaginip,hehehe

    ingat

    ReplyDelete
  21. @ RAH,
    posible bang makontrol natin ang ating panaginip? ang pag-ihi habang natutulog nakokontrol ko pero yung panaginip hindi... INCEPTION ba ito? hehe!


    @khantotantra,
    pero yun nga ang law of attraction di ba? kung paulit ulit mo syang iisipin (na sa kakaisip mo e napapanaginipan mo na rin) e tumataas daw yung possibility na mangyayari in the future.. parang mindsetting na rin no?


    @Lord CM,
    natulog ako ulet... at muntik na akong malate! potteekk!! wahahaha!!


    @salbehe,
    ako din... dalang dala ako ng panaginip ko.. akala ko din totoo... palagay ko nga nung naalimpungtan ako e nakanguso pa rin ako e... hehehe!

    ReplyDelete
  22. @gillboard,
    meron akong tip dyan gillboard, kung gusto mong madokumento (kahit konti lang) yung panaginip mo, prepare ka ng pen and paper sa sidetable mo.. kahit antok na antok ka try mo magdetail ng something about it (especially kung mga numero yun.. gudlak!)

    pero syempre, di naman buong panaginip e maalala natin paggising, putol putol lang at parang nakakalito ang setting..


    @elleciren,
    bitin kasi kaya ang hirap itulog ulit.. pilit mo kasi hahanapin yung pwesto mo para lang maituloy yung panaginip mo.. tenchu! hehe!


    @gesmunds,
    may tickler kasi ako or pagseseremonyas ko sa banyo, pumipikit ako (habang umiiri.. hehe!) at pilit ko inaalala kahit konti yung mga napanaginipan ko.. once kasi na mapasukan na ng ibang thoughts yung utak ko nakakalimutan ko na din talaga...


    @jag
    yown o! si xprosaic din EE din ata.. apir sa atin!

    ReplyDelete
  23. @artiemous,
    salamas! skip read ka no? aminin mo! lol


    @karen,
    kagabi sinilip ko tong comments sa phone ko, akala ko kung sino yung "you know my name" sows! ikaw pala! hehehe!

    oo nga, masama pag bitin nakakabaog! di ba? pwede mo ba akong gamutin? hehe!


    @ mr. night crawler,
    madami ding kulang dyan... na-weirdan kasi ako sa aliens kaya ko naisipan isulat.. first time ko managinip about aliens! hehe! later on, narealize ko yun yung nilalaro kong game sa cp! hek hek!


    @drake,
    at dahil nasa saudi ka din, malamang di lang ako ang panay wet dreams pati ikaw din! hehe! nasasawa na ako sa porno pre, wala nang bago.. tsk!

    musta ang holidays ng isang bangkero?

    ReplyDelete
  24. Isipin mo nalang uli bago ka matulog baka mapanaginipan mo uli..

    ReplyDelete
  25. dapat tikol tikol muna bago matulog para walang mga ganyang wet dreams bwahihihi

    Ang ganda ng structure...

    ReplyDelete
  26. Hanep ha. May ganyang dreams ka pa pala. Akala ko pa naman pag kumocross 50, hindi na nagkakaganyan.

    Peace!

    hahaha! Joke lang. Ganda ng dream mo. felt na felt.

    ReplyDelete
  27. @ kasumi fuyu
    try natin yan.. baka mauulit.. kaya lang baka mula simula ulet? dapat dun na lang sa bandang bitin! hehe! salamat sa pagdaan at pagkomento!


    @plema ni jepoyski
    potah ka! dakilang skip reader ka talaga! walang kamatayan ang "structure" mo.. kunyari ka pa, akala mo kasi kahalayan na naman kaya naatat ka! haha!


    @ayie
    pano mo nasabi yun ate ayie? yun ba pinagdaanan mo dati nung nagcross ka ng 50? now i know... hehehe! lol peace yow!

    ReplyDelete
  28. i've done it many times yung dugtungan yung dreams ko... hehehe lalo na kung maganda... itinutulog ko ulit pero yung karugtong controlado ko na. hehehehe syempre yung naayon sa gusto ko... kinda weird no.. hehehe

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails