pektyur pektyur! ismayl!!!!

19.4.09

bakit ako???!!

“wag mo akong sisihin, ikaw ang nauna…”

bakit?? di ba tinanong kita dati? di ka na kumibo, dinadaan mo lang ako sa iyak… alam mo naman malambot ang puso ko sa ganyan.. ako naman si gago kahit ayaw ko na, dahil alam ko naman na wala tayong direksyon, di pa rin kita iniwan, akala ko kasi di ko kaya..

alam naman nating mali, may iba pang kaluluwang nasasaktan. mabuti nga yung sayo, di nya alam ang ginagawa mo, di xa nasasaktan. e ako? alam nya! at nakikita ko kung papaano madurog ang puso nya at lumuha ng dugo sa bawat natutuklasan nya, pero tinitigasan ko ang puso ko. binibitiwan ko na xa, pero kumapit pa rin xa sa akin, sa pag-asang may panahon pa, may solusyon pa na maibalik yung “dati”. pero nabulag na ako, nabingi na rin, tumitigas na ang puso ko. pilit kong dinidiktahan ang puso ko na ikaw dapat, ikaw talaga dapat.

hanggang sa nagpaubaya na sya. di na nya kaya ang pait na nadarama nya, di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, nasasaktan din naman ako na makita syang ganun. na nagdurusa sya dahil sa kagaguhan ko; ako na wala nang pakialam sa kanyang nararamdaman. hindi din ganun kadali itapon ang pinagsamahan namin, yung mahabang panahon, yung mga alaala. pero paksyet! pinili pa rin kita!

o ngayon, malaya na tayo, nakadurog tayo ng dalawang tao sa mundo. tapos ano? akala ko nung pinili mo ako, isusuko mo ang pagkatao mo sa akin, handa mo nang harapin ang bukas kasama ako.

pero ganun pa rin, ayaw mo man sabihin sa akin ng diretso pero pinapipili mo pa rin ako! yun pa rin ang sitwasyon natin, kapareho pa rin nung sampung taon ang nakakalipas, kung bakit din tayo naghiwalay. akala ko ba matigas na buto mo ngayon? akala ko ba kaya mo na? bakit ako ang hinihingi mong magpaubaya? e ikaw? basta ba ganun-ganun na lang?? testingan ba ng lalim ng pagmamahal?? di naman simpleng prinsipyo o pride ito e..

oo pareho tayo, magkaiba ang paniniwalang kinamulatan natin.. akala ko rin noong una, walang hindi kayang lagpasan ang pag-ibig natin. pero bakit ito pa rin ang kinalabasan? hindi naman kita pinipilit na maniwala sa pinaniniwalaan ko, pero sinabi ko na sa yo, na hindi opsyon ang paglayo nating dalawa o pagkakaroon ng anak. di yun solusyon, kailanman e hindi solusyon ang pagtakas sa problema. sabi ko nga sa yo, simple lang naman ang solusyon, para patas, pareho tayong umalis sa ating paniniwala, magsimula ulit tayo. ngunit ayaw mo, ramdam na ramdam ko na gusto mo akong hatakin. ayaw mo lang sabihin kasi alam mong mapapahiya ka lang. mas pinili mo pang manahimik at masaktan kaysa magbitaw ng desisyon sa problema.

unti-unti, pinilit kong ilayo ang sarili ko sa yo, pinilit kong tanggapin na dead end ang daan na nilalandas natin. tinanggap ko na rin na hindi pala totoong may palayok na ginto sa dulo ng makulay na bahag-hari. oo, masama akong tao, sa paraang masama ka rin. nangyari ang lahat ng ito sa paraang ginusto nating dalawa. may mga bagay na hindi inungkat, hindi pinag-usapan, piniling wag sabihin sa isat isa. totoo na parang hindi.

may kanya-kanya na tayong buhay, sabi ko nga masaya ako para sa iyo, dapat ikaw rin para sa akin di ba??!

akala ko ba nakamove on ka na? bakit may pait pa rin ang mga salita mo? akala ko ba pumili ka na kagaya ko? akala ko ba sigurado ka sa desisyon mo?

di ba ito naman talaga ang gusto mong mangyari??






12 comments:

  1. tsk. prang wala akong alam dun ah.tsk.
    kwento mo nman minsan!

    ReplyDelete
  2. Ito ba ay confession of Mr.X? o ang kwento ng the other side of Me? hehehe.

    Nice post.

    ReplyDelete
  3. Pag-ibig sabi nila'y bulag ang kahambing,
    Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
    At kahit pa nga magdildil ng asin,
    Duling na sa gutom maligaya pa rin!

    ReplyDelete
  4. awww, what's this? what's this? Love is so complicated talaga, ahayst! Ikaw naman ngayon kuya ang nagda drama, hehe. PEACE! :D

    ReplyDelete
  5. hehe. onga.prang d yta bagay!hehe

    ReplyDelete
  6. @bampiraako:

    salamat sa pagdalaw. muka bang confession of Mr. X?? wahahaha!

    @pareng mike:

    totoo lahat ng tinuran mo. hindi bulag ang pag-ibig, pero totoong nakakabulag ito..

    @netaholic:

    la lang, natangay lang ako ng simbuyo ng aking damdamin. Kumplikado ang pag-ibig? sinabi mo pa!

    @soberfruitcake:

    xenxa na if hindi bagay, nagsenti mode lang...hehe!

    ReplyDelete
  7. gandang gabi po.... nakakagulat... meron palang istoryang malungkot sa likod ng masayahing an_indecent_mind .... grabe! nakakatulala! nabasa ko comment mo sa kwarto ko tinatanong mo kung ok na kami... tulad mo...tinapos ko na rin. nakakapagod na kasi......

    ingat po palagi

    abby

    ReplyDelete
  8. * abby

    akala ko kasi closed book na yun and accepted na namin pareho, at naka move on na sya... nagulat lang ako sa sinabi nya... bakit ganun pa rin yung words nya?

    pero kailanman, di madali at wala namang nagsabi na hindi masakit ang makipaghiwalay di ba?

    bilib ako sayo, matapang ka... kaya mo isugal ang sarili mong kaligayahan para lang makalaya ka..

    ReplyDelete
  9. hi

    talagang ganun yata talaga... kailangang maging matapang kasi wala namang ibang tutulong sa akin na maka move on kundi ako lang... pero alam mo ba na minsan nakakaramdam parin ako ng sakit? pero sa tuwing iisipin ko yung mga pangit na ginawa nila sa akin nandun na naman ang galit.... dahil dun tumatapang ako.

    sana..... ganun ka rin.... try mong maging masaya kahit wala na sya. ingat ka po palagi ha.... dito lang ako... bibisita lagi sa maganda mong kwarto.

    tanong lang....... sa tingin mo ba nakalaya ka na sa kanya?

    abby

    ReplyDelete
  10. tingin ko nag move on na ako...

    actually, kung ano meron ako now, masaya ako, and kung hindi din naman dahil sa lahat ng nangyari sa min, and sa kagustuhan ng nasa itaas, ay hindi ko makukuha ang mga kung anuman meron ako ngayon at kung nasaan ako...

    at dahil nga malaya na ako at masaya, bilang isang dating kaibigan, syempre, ganun din naman ang hangarin ko para sa kanya..

    salamat sa nakakataba ng puso mong mga paalala..

    ingat ka din lagi..

    ReplyDelete
  11. Hala!!..cno yan ha?...yan kasi ang hilig sa komplikadong buhay puede namng hindi na lang...hindi ang tao ang bulag, hindi rin ang pag-ibig, hindi rin nakakabulag basta nasa tamang pamamaraan lang, kung may masaktan man natural lang yun, di mo malalamang nagmahal ka na pala kung di ka nasaktan.....kaakibat ng pagmamahal ang sakripisyo sa lahat ng bagay..lol....parang true!!!..


    Seaquest

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails