pektyur pektyur! ismayl!!!!

8.4.09

my ex-gf’s wedding


“hindi lungkot o takot ang mahirap sa pagiisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.” -- bob ong

chuck: ”cgurado ka papakasal ka na sa kanya? mahl mo or gusto mo na lang mag-aswa?”
friend: “bwal mgtnong kc di q alam ang sgot….”
friend: “mahal q... di aq sure. hehehe”
friend: “mbaet nman cya. di aq ninaaway.”


eto ang eksaktong huling pag-uusap namin ng ex-gf ko mga ilang buwan na din ang nakalipas.
mula nang pumasok ang buwan ng abril, ngayon ko lang napagtanto kung ano nga ba talagang meron ngayong buwan na ‘to na palaging gumuguhit sa utak ko pero di ko maalala. buwan nga pala ng balak nilang pagpapakasal.


sa nabanggit nyang balak nilang pagpapakasal ng bf nya, bagamat matagal tagal na din silang dalawa, hindi ko pa rin napigilan na itanong kung sigurado na ba sya sa desisyon niya. sa kasalukuyang edad nya na 29, hindi naman ako nagtataka kung bakit nagmamadali na siyang mag-asawa. ngunit kung tutuusin, madami naming iba na nagpaparamdam sa kanya, pero di ko alam kung bakit ayaw nya ulit sumugal sa panibagong relasyon.








dahil sa hindi lang kaopisina, kaibigan o mga kamag-anak nya ang palaging umuurirat sa kanya kung kelan ba talaga sya lalagay sa buhay na (magulo) tahimik, (napilitan) napagdesisyunan na rin nya siguro ang bagay na ito. wala na nga siguro syang hinihintay… o di kaya, kung maghihintay pa rin sya o magpapatumpik-tumpik pa, baka abutan na sya ng “curfew” o di kaya ay maiwan ng huling byahe. totoo, nakakatakot ang tumandang mag-isa..


di kagaya naming mga lalake, maaari kaming pumili kung sino ang gusto naming makasama sa buhay. pero sa kinamulatan nating kulturang pilipino, kung saan lalaki ang nanliligaw, ang mga babae ay naghihintay lang ng darating sa buhay nila. pag marami, swerte, makakapamili sila. ngunit paano kung isa lang ang dumating? o wala? paano na?


tatanggapin mo na lang ba na siya yung taong ibinigay sayo ng nasa itaas o maghihintay ka pa ulit?


pero, hanggang kelan mo kaya kayang maghintay? at hanggang kelan ba dapat?







...." god determines who walks into your life. it is up to you to decide who you let walk away, who you let stay, and who you refuse to let go."....

7 comments:

  1. Parang mali.

    “hindi lungkot o takot ang mahirap sa pagiisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.” -- bob ong


    Ang pagiging mag-isa, pinipili mo hindi pinipili ng iba. Kung pinili mo, tinanggap mo. At nasa sa iyo kung gusto mong mag-isa o gusto mong may makasama.

    hindi isyu kung makikipaglaban siya o hindi. Dahil nasa sa iyo nga kung gusto mo siyang makasama o kung gusto mong makipaglaban siya. Babae ka man o lalaki, pwede kang tumanggi. o pumayag.

    Nasa palad mo.

    ReplyDelete
  2. ahaha, bata pa po ako eh para sa ganyang wedding hehe ~Lol

    pero your ex-gf sounds na parang di niya mahal si BF niya haha :D *peace

    ReplyDelete
  3. @mike avenue

    salamat sa pagpapahayag ng saloobin.

    tingin ko brod, ang pinupunto ni bob ong dito ay ung mga tao, specifically babae, (dahil nga ang mga babae sa pilipinas ay hindi normal na sila ang manliligaw sa lalaki) na walang pagkakataon na pumili dahil wala namang pagpipilian.

    Malungkot para sa isang babae na sa ratio ng babae at lalaki sa mundo ay bakit wala man lang inilaan para sa kanya...


    @soberfruitckae:

    ano naman ikinagulo ng utak mo?

    salamat sa pagbabasa!


    @netaholic21:

    wahahaha!! sounds like no? kaya mo ba un? pakasal sa bf mo kahit di mo xa mahal??

    salamat sa pagkomento..

    ReplyDelete
  4. "walang dapat, walang hanggang kelan sa isang taong lubos na nagmahal..."



    "SEAQUEST"

    ReplyDelete
  5. oo nga parang di mahal ni ex-gf si bf.
    e ano naman kung di makapag-asawa ok lang yun e di now pa lang mag-aaral na ako mag gantsilyo and magtanim ng halaman para may mapagkaabalahan pagtanda hehehe..

    ReplyDelete
  6. wala akong masabi :) para kasing may naalala ako :D yung ex-bf ko din bago mgpakasal! wahahaha

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails