pektyur pektyur! ismayl!!!!

6.4.09

himutok

hindi naging maganda ang umpisa ng araw ko ngayon..


habang lulan ako ng aming company shuttle bus, at may nakapasak na earphones sa aking tenga, wala akong kaalam-alam sa nangyayari… mula sa aking pagkakaidlip, naalimpungatan ako.. sa isang traffic light, isang saudi lokal ang nakikipagtalo sa isang bangladeshi, malamang gitgitan sa kalsada.. maya-maya pa bumalik yung arabo sa pick-up truck nya, kumuha ng isang tubong kalawangin na uno y medya ang bilog na may elbow sa dulo…


walang pakundangan niyang ipinagtulakan ang kalaban nya sabay hambalos ng tubong hawak nya dito. wala syang pakialam, san man nya ito tamaan sa bawat paghambalos na kanyang ginagawa.. napapangiwi ako sa tuwing tinatamaan ang bangladeshi… di ko alam ang pinag-ugatan ng kanilang pagtatalo.. ngunit gaya ng dati, hindi makapanlaban ang kalaban ng arabo.. alam kong alam din nyang tyak na may kalalagyan sya kung saka-sakali…


dito sa saudi, kahit yung arabo ang mali, mali ka pa rin sa katwiran nila. kahit maaksidente ka nila, kasalanan mo pa rin yun dahil sa kanilang pilosopo at di-makataong pangangatwiran, kung di ka nagpunta sa kanilang lugar, hindi ka nila maaaksidente.. at nakapanlulumong maraming pagkakataon na ang nangyaring ganito… ilan na nga bang pilipino ang nakulong na walang kasalanan? ilan na nga ba ang napugutan ng ulo? ang nalatigo? silang mga inosente… tsk!
**********
pera-pera na nga lang siguro kung bakit ako nandito ngayon sa lugar na ito.. sa kagustuhan kong iangat ang antas ng pamumuhay ko at ng aking pamilya, hinarap ko ang hirap at lungkot ng paglayo sa knila. at ang panganib ng buhay dito sa disyerto.


oo, tingin ko mas mahal ko ang pamilya ko kaysa sa sarili ko… dahil kung ako lang, kaya ko naming magtiis na hindi kumain ng masarap, kaya kong hindi mamasyal sa mall, kaya ko palang walang alak sa katawan, kaya ko palang magtrabaho ng minimum sampung oras sa loob ng isang araw, at mag-ot pa ng dagdag na tatlong oras at kalahati tatlong beses sa isang lingggo at pumasok pa rin ng kalahating araw ng byernes na sana ay araw na lang ng pahinga.. daig pa nga ako ni kuracha, ang babaeng lingo lang ang pahinga, ako kalahating araw lang ang pahinga..


hindi ako nagrereklamo, dahil pwede ko naman piliin na maging lantang gulay na lang sa loob ng aking kwarto, pero hindi ko ito ginagawa… sayang din kasi ang kikitain ko sa oras na ilalagi ko sa opisina.. tutal trabaho naman talga at kumita ng higit sa pang-araw araw na pangangailangan ang ipinunta ko dito, samantalahin na lang lahat ng pagkakataon…. saka na lng ako magpapakasarap sa pag-uwi ko sa pinas.. makita ko lng na kumakain ng maayos ang pamilya ko, at naibibgay ko lahat ng pangangailangan nila, sulit na lahat ng paghihirap ko dito.. malayo man ako sa kanila, sana maintindihan nila, para rin sa kanila ginagawa ko… hindi lang para sa akin..


kung noong dati, nung nakakapanood ako ng mga pelikulang patungkol sa pamilyang pilipino na kinailangan maghiwalay at isa sa mga magulang ang mangibang bayan, di ko noon maiwasang itanong sa aking sarili kung bakit kailangan pa nilang umalis?? pwede naman sigurong sa pinas na lang, hindi na kailangang lumayo..


noon, itinanim ko sa isip ko na sa pinas lang ako, hahanap ng mayos na trabaho, gugulin ang lahat ng oras sa aking pamilya, makita at masubaybayan ang anak ko sa paglaki.. pero ngayon, isa ako sa nagpasyang humanap ng magandang kapalaran dito sa ibang lupain, maayos na kapalarang di kayang ibigay ng aking sariling bansa. ngunit, di ko maialis sa aking isipan ang takot na pagdating ng panahon ay sa akin pa isumbat ng pamilya ko na sana ay hindi ko na lang sila ipinagpalit sa dolyar na kikitain ko dito.


mahirap kung sa mahirap.. pero hindi na ako naiinip masyado, natutunan ko na ring libangin ang aking sarili… at sa tulong na rin ng makabgong teknolohiya, hindi na ganun kalakas ang homesick..
**********

umalis ako noon, 3 buwan pa lang ang anak ko.. nagbalik ako kulang isang taon mula nung umalis ako, para gugulin ang dalawamput isang araw ng bakasyon na ibinigay sa akin.. magkahalong kaba, saya at pananabik, makakapiling ko na naman ang aking mga mahal sa buhay.


sa totoo lang, masakit makita na ang anak ko ay mas malapit pa sa ibang tao kaysa sa akin na sarili nyang ama. ako, na sinasakripisyo ang mga pansarili kong kaligayahan para sa kanya. ilang araw din ang inubos ko para lang magkalapit kaming dalawa, o matanggap nya kung bakit hindi lang siya ang pwedeng yumakap at humalik sa kanyang ina.. kung bakit may ibang lalaki na natutulog sa kanilang kama bukod sa kanya..


ilang tsokolate at laruan ang naubos ko para lang lumapit at sumama sya sa akin.. sa mura nyang isipan, sana lang hindi nya inakalang ako si santa claus noong panahong iyon ng kapaskuhan..


hanggang sa muling pagbalik ko dito, dala ko pa rin ang agam-agam kung ano kaya maging reaksyon nya sa susunod naming pagkikita, ilang buwan mula ngayon.. o kaya, paano ba ako ibibida ng anak ko sa pagdating ng panahon sa knyang mga kaibigan.. ipagmamalaki nya kaya ako o kamumuhian?


oo naman, gusto kong ako din ang magturo sa kanyang magbisikleta, magsaranggola, magbasketbol at mag-ayos at magkutingting ng kung ano-ano sa bahay….


haay buhay, puro himutok na lng ba? la na ba tlagang pag-asa ang pinas?? gaano katagal pa ang kailangang ipagtiis sa ibang bansa?


kung magiging maayos lang sana at may konting kasiguraduhan ang buhay sa pinas, hinding hindi ko iisipin ang umalis at mangibang bayan…
**********

wahahaha!! pagpasensyahan nyo na... naglalabas lang po ng sintemyento sa buhay..



6 comments:

  1. wow.galing..tsk!!sana ako rin.
    nweiz, cguro nga necessity na ung pag abroad. sbi ko p nman sa srili ko, kung ok nako dto, d na ako aalis.so sad..

    ReplyDelete
  2. aray ko kuya, mga UTAK MAMON naman talaga mga ARABO eh no? paano kaya kung sila ang gawan ng ganyan dito sa Pinas? Pero hindi eh, napakagaling ng mga "mambabatas" na gumawa ng "fair" na batas para sa mga foreigner. ~lol

    And about that family, oo kuya, mahirap, naiintindihan kita dahil nagdaan na rin sa ganyan mga ate ko. >.< ayun, ingat na lang po kayo diyan ;] and lakasan lang loob niyo :)

    ReplyDelete
  3. @soberfruitcake:

    hello!! welkam sa mundo ko!! sus...

    pa-hambog effect ha...



    @netaholic21:

    yun nga, kaya sana pag nakasalubong ka ng arabo dyan sa atin ngayon, pakibatukan mo ng kaliwat kanan... maiganti mo man lang ako! wehehe!!

    dont wori, malakas naman ang loob ko at makapal ang mukha ko... wehe!

    ReplyDelete
  4. adik ka tlga.lhat nlng bah kelang mong ioppose?hehe

    ReplyDelete
  5. ay kuya, mga bwisit mga rabong yan eh, mga menyek, haha :] irap nga abot nila saken eh, pag minsan pa kutos abot nila saken, hehe

    halata naman po makapal mukha niyo eh, hehe , joke lang po wahahah

    ReplyDelete
  6. yes! I got it! Hindi nga si A, c C or si D.. lokaretz ka curacho pano naman naging blog affair to?.. mali naman info mo.. hmf!..

    anyways tama ka nga jan...meroon nga silang baluktot na paniniwala na kapag wala ka rio sa bansa nila e hindi mangyayari ang disgrasya na kahit pa sabihing sila ang may kasalanan.. unfair no..

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails