Mula sa pakulo ni pareng Lord CM at sa tag ni tear jerker, susundin at sasagutin ko ang tag na ito…
Kelangan nyong sagutin ang tanong na BAKIT KA NAGBA-BLOG?, gawan ng entry sa inyong pahina at ipasa sa limang(5) blogero na nais nyong tanungin nito...
Gaya ng nabanggit ko sa kauna-unahang post ko, may ilang di-tuwirang nakaimpluwensya sa akin sa pagpasok ko sa mundong ito, ilan lang dyan sila bottomless coffe at utak munggo. Naaaliw ako sa ibat ibang estilo ng mga blogero sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin sa buhay. Kung paanong nakita kong naging parang mas magaan ang kanilang araw-araw na pakikipagtunggali sa pamamagitan ng kanilang pagsusulat..
Noon pa man, may hilig na din akong magsulat, kahit na nga ng mga walang kwentang bagay. Ngunit nang aksidenteng maiwala ko ang mini diary ko at isinoli sa akin ng schoolmate kong babae, na pakiramdam ko e nabulatlat na nya ang buo kong pagkatao, simula nun nawalan na ako ng interes na isulat ang personal kong buhay. Nagsusulat pa rin ako pakonti-konti pero tungkol sa mumunting bagay lang, iniwasan ko na magsulat ng saloobin ko at mga personal na kaisipan.
Marami na din akong naisulat at naisigaw na kailanman ay tanging ako lang din ang nakarinig, simpleng paraan ko lang para mailabas ang pasasalamat at hinanakit ko sa mundo..
Sa aking kwarto sa friendster, sa malamang, konti lang ang interesado sa isinusulat ko at malamang sa hindi ay hindi nila ito nababasa, wala silang oras para makinig sa kung anumang sinisigaw ko.. mas abala siguro sila sa pagtingin sa kung sino sino ba ang mga kaibigan ko dun, ilan na ba ang kaibigan ko at sino sino ba sa kanila ang kaibigan din nila, sino at ano ba ang mga komento sa akin, o kaya naman ay kalkalin nila ang mga pektyur ko at ng mga kung sino mang karelasyon ko ngayon.. pero yung totoong ako, yung mga isinisigaw ko, na nandun sa blog ko ay madalas sa hindi nila nabibigyang pansin..
Ngunit iba dito sa mundo ng blogosperyo. Dito, naramdaman ko ulit ang frustrations ko na maging isang manunulat, iyong tipong may mga nakikinig at makaka-relate sa bawat tipa ng mga daliri ko. Iyong sa di-tuwirang intensyon ay may mga matang namumulat sa kanilang sariling mundo.
Dito ko rin unti–unting naintindihan ang mga nangyayari sa aking buhay. Sa pagtumbling-tumbling ko at paggulong gulong sa bahay ng mga may bahay dito, nakikilala ko unti unti ang aking sarili.. nakita ko ang aking sariling kahinaan sa pagbabasa ko ng pinagdaraanan ng iba.. nakakarelate ako sa mga nababasa ko.. gayundin, sa kanila ako nakakakuha ng lakas ng loob, dun sa mga pinagdadaanan nila na nalagpasan ko at kung ano man ang pinagdadaaanan ko ngayon na nalagpasan na nila.
Noong nagsusulat ako para sa sarili ko, ginagawa ko lang iyon para may mabalikan sa mga panahon ng pagmumuni muni, yung mga pinagdaanan ko at kung paano ko nalagpasan at paano nakatulong ang mga iyon sa pagbangon kong muli at pagpapatuloy ng aking buhay.
Dito sa mundo ng blogosperyo, andito ang realisasyon na marami na din pala akong pinagdaanan sa buhay. Hindi lahat ng aking natikman ay matamis, merong mapait, meron ding mapakla… merong ayaw kong tikman kahit minsan, at meron ding hinding hindi ko na gugustuhing matikman ulit..
Nagsisimula pa lang ako dito, marami pa akong kwartong gustong pasukin at usyusohin, marami pa akong gustong isigaw, gusto ko pang magbahagi ng mga makulay at madilim na parte ng buhay ko – na kahit papaano ay sanay kapulutan ng aral ng iba. Gayundin, marami pa akong gustong makilala dito sa mundo ng mga blogero…
Pero syempre, para makaganti at mambulahaw din, ibabato ko ang tag na ito kina, soberfruitcake, jaded fool, kalyo galera, helena at abby
Andito na kow! Ahehe. Salamat dito pare, sige sisikapin kong magawa to sa abot ng makakaya ko. I thank you. Bow.
ReplyDeletei'll do my best.hehe.
ReplyDeleteahaha, napakalalim naman nun kuya :] kaya nga i hate friendster about that thingy, amf. :D
ReplyDeleteSalamat sa paggawa ng tag pre...
ReplyDeleteSa tutuo lang pre, di ko na masyado nadadalaw ang friendster ko, kasi nga mas ok dito at dito lang ako nakakilala ng mga kaibigan talaga...
Tuloy tuloy ang pagsusulat pre
hi po. Sige... gagawin ko yan pero maghihintay ka lang po ha... medyo busy.... kinain na ng lintik na sakit ko ang oras ko. twice a week na ang check up ko eh. salamat po. ingat palagi.
ReplyDeletemasarap naman talaga magblog...
ReplyDeleteas for me, selfish man minsan kasi I write kahit pa walang matutunan yung maligaw sa blog ko.,nagsusulat ako just for myself,just to vent out everything as if nobodoy's actually reading it. weird no? Pero you have this feeling na ang gaan once nailabas mo na yung thoughts mo...