mutain ka ba??? supot siguro tatay mo ano??!!
wala lang, naalala ko lang itong isang aking paboritong pang-asar sa isa kong kababata at sa iba kong kalarong mutain. Wala naman itong basehan, pero nakagisnan at nakalakhan ko na lang..
hmmm… bakasyon… tag-init…. bukod sa masarap ang paglulunoy at pagbabad sa swimming pool, sa dagat o sa ilog, may isa pang atraksyon ngayon sa pinas na karaniwang nangyayari pag ganitong panahon..
ngayon ang panahong makakakita ka ng mga lalaking nakasuot ng palda o purontong (maluwang na shorts, karaniwang gamit ng matatanda), habang paika-ika silang naglalakad. laging alerto, nakadepensa ang kamay sa harapang bahagi ng katawan, habang nakaalalay naman ang mga daliri sa pag-angat ng ibabaw ng palda/purontong.. wag kang magtaka, di sila sinasaniban ng masamang espiritu o kaya naman ay nasisiraan ng bait.. sapagkat ngayon ay panahon ng tulian!
oo pagpapatuli, itinuturing na isang importanteng parte ng buhay ng isang batang pinoy (o pati na rin ng matatandang pinoy). karaniwang edad, labindalawang taong gulang. o minsan, mas bata pa… kapag umedad ka nang hindi ka pa tuli, kawawa ka sa pinas!
sa mundo ng batang pinoy, kung saan lahat ng kalaro mo ay binyagan na, talagang hindi ka tatantanan ng pangungutya at pang-aasar hanggat hindi ka pa tuli. may mga pagkakataon ngang pag-uwi ng bahay e binyagan/tule na ang isang bata (yun pala ay nagpasama na lang sa kaibigan na magpatuli sa isang pukpok), na ikinakagulat/ikinakatakot ng kanyang ina, pero ipinagmamalaki naman ng kanyang mga ama at mga nakakatandang kapatid na lalaki.
oo pukpok, pero hindi yung “pokpok” na nasa isip mo…
uso ito sa probinsya. hindi sya doktor, at minsan hindi din sya albularyo… basta lang, alam ng karamihan na nagtutuli sya… sya nga yung “pukpok”, alam na ng lahat kung sino sya at ano sya..
mura lang ang bayad, minsan nga isang kahang sigarilyo lang at gagawin ang “operayon” sa lilim lang ng isang puno malapit sa ilog, magkakasundo na kayo..
pangunguyain ka muna ng dahon ng bayabas, gamit ay matalas na labaha, lukaw (kahoy na pagpapatungan para sa pagpukpok/paghiwa ng balat), puting basahan na may butas sa gitna (magsisilbing gasa).
pangunguyain ka muna ng dahon ng bayabas, gamit ay matalas na labaha, lukaw (kahoy na pagpapatungan para sa pagpukpok/paghiwa ng balat), puting basahan na may butas sa gitna (magsisilbing gasa).
pero sabi nila, kung matanda ka na at saka ka pa lang nakaisip magpatuli (nang dahil sa hindi matawarang kahihiyang inaabot mo), “makunat” na daw kaya malamang hindi na labaha ang gamitin sayo, malamang power saw na o palakol! mwehehehe!!
“kapag sinabi ng pukpok na nguya ng dahon, nguya ka! pero pagpukpok nya, pigilitin mong wag malunok ang dahon (na karaniwang nangyayari) kasi ipabubuga nya yan sa alaga mo para madaling maghilom ang sugat. tapos, balutan ng basahang puti na may butas sa gitna, patatalunin ka nya sa ilog para mahugasan at maampat ang pagdurugo ng sugat.”
at presto! uuwi ka nang naglalakad na nakabukaka pero nakataas na ang noo sa lahat!
sa doktor, na masasabing mahal (pero meron ding mga libreng tule sa medical missions) pero syempre di hamak na ligtas sa impeksiyon kaysa sa naunang pamamaraan.
sa doktor, na masasabing mahal (pero meron ding mga libreng tule sa medical missions) pero syempre di hamak na ligtas sa impeksiyon kaysa sa naunang pamamaraan.
mas simple ang pamamaraan, ahitin ang buong paligid (iwas impekyon), punasan ng alcohol, turukan ng anesthesia, gupitin ang ibabaw na bahagi ng balat at tahiin. lagyan ng gasa.. at ola! binata ka na!!
merong iba, sanggol pa lang tinutuli na agad, sabi mas madali daw tulian kasi malambot pa ang balat. ayon sa mga doktor, hindi daw naman totoo na “bumabalik ang tuli”, malamang na mali lang daw ang pagkakatuli kaya nangyayari ito.
kung tutuusin, hindi naman ang pamilya ang nakakaimpluwensya sa pagpapatuli ng isang batang pinoy, kundi ang kanyang mga kaibigan o kalaro.
kasabay ang pagsubok sa kanyang tapang at pagkalalaki, ang pagpapatuli rin ang nagiging simbolo o pinto ng pagbibinata ng isang pinoy.
sa pinas, para sa mga kalalakihan,isang malaking kakulangan (o sobra?) ang hindi ka magdaan sa ganitong ritwal. kung ayaw mong habambuhay kang kantyawin at pagtawanan ng lahat ng nakakaalam o makakaalam pa na hindi ka pa “binyagan”, magdalawang isip ka muna… (nga pala, naaalala mo pa ba yung isang kasali sa PBB na hindi pa pala tuli? anlaking isyu ano??)
unang senaryo: “supot!!!” buong pagmamayabang na sigaw ng isang bagong tuling bata sa mga kalaro nyang hindi pa binyagan, habang paika-ika sa sakit syang naglalakad papunta sa umpukang iyon. e ano pa ba magagawa mo kung hindi ka pa tuli?? e di tumakbong umiiyak pauwi at pilitin ang nanay mo na patulian ka na agad sa lalong madaling panahon!
ikalawang senaryo: hanay ang magkakaibigang lalaki na umiihi sa isang pader. pero, may isang bukod tanging nagpakasiksik sa halamanan para dun mag-dyinggel! “pre, supot ka ata e!”
ikatlong senaryo: may nagustuhan kang batang babae. hindi ka pa marunong manligaw, pero tingin mo e sa taglay mong gandang lalaki e kayang kaya mo syang maging syota… ngunit… “nanliligaw ka na sa akin? e bakit, tuli ka na ba??” di ka kaya matameme?? wehehehe!!
o e sino nga bang lalaki ang hindi mapupuwersang magpatuli kaagad di ba??
mas makakaya mo bang tiisin ang pangungutya ng iba sayo o ang magdaan sa ritwal na ito?
facts:
1. bahagdan ng lalaking tuli sa buong mundo, tatlumpung porsyento lang…
2. bahagdan ng lalaking tuli sa pilipinas, siyamnaput walong porsyento.myth: ang etits daw na bagong tuli, pag nakita ng kahit sinong babae ay mamamaga na parang kamatis! (ewan ko din lang, kasi alam ko walang nakakita nun sa akin pero nangamatis pa rin!!) nyahaha!
Teka nga pala, mutain ka ba???
Teka nga pala, mutain ka ba???
ahaha, buti na lang di ako naging lalaki at di ko naranasan yan, pero mas malala naman samen, buwan buwan meron, eh kayo, minsanan lang ang pagtu-tule, pwahahaha. :))
ReplyDeletehaha. uso nga kapag summer ang tulian. haha
ReplyDeleteAyos ah...ikaw ba pre, tuli na?!!! lolzzz
ReplyDelete*netaholic
ReplyDeletewaahh!! ayoko nyan! di ko siguro kaya ang magka-dysmenorrhea..
*joshmarie
oo nga brod, sarap manakot ng mga batang supot ano?? hehehe!!
*Lord CM
oo naman pre! bata pa lang ako, kinulit ko na agad nanay ko na magpapatuli na ako! hehehe!
nga pala, totoo kaya na pag supot pa e mas malaki ang tsansa ng pagkabansot??
salamat sa pagdaan!
wahhh..un lang yta ung maskit sa buong buhay nyong mga boiz.shet. kami for life ung pain.from womb to tomb.hehe
ReplyDeletetulean season na pala! wahehe.
ReplyDeletetulian season na nga. haha
ReplyDeleteIkaw ba mutain ka? hehe..ako hindi
hala...natakot naman ako... ahahaha...
ReplyDeleteiniisip ko lang kung pano ako tinule.... natakot akong bigla...kung bakit? ayaw ko na ikwento... ahahaha.. clue: hindi ako sa doktor nagpatuli.... ahahahah...:D
haha nauuso na naman ang pagpapatuli, ang tnda nung nasa picture , matigas na balat nun, kailangan ng gamitan ng lagare,haha
ReplyDeleteteka bakit naulit teka bakit naulit hehehe... natawa ako :P
ReplyDelete@ NIQABI
ReplyDeletewahhh!! nasira blog ko!! pakialamero kasi ako... nagmamarunong!! waahh!!
Thank you for leaving a comment on my blog... I probably did not find your article because I did my research in English:-0
ReplyDeleteInteresting post...confirms my information.