pektyur pektyur! ismayl!!!!

29.4.09

kubo scandal

Di mawaglit sa aking isipan ang kalaswaang aking nasaksihan kagabi. Di ko akalain na magagawa nila yun... sa dinami-dami pa naman ng lugar, bakit dun pa???



hindi naman sa nagmamalinis ako, oo nga’t nararanasan ko din ang ganung klase ng tawag ng laman at di mapigilang simbuyo ng damdamin, pero ang pagkakaiba ko naman sa kanila, nagagawa ko pa ring itago ang aking kahalayan at piliting walang ibang makakita…



E sila??? Putsa! Wala talagang pinipiling lugar! Ang mga balahura, hindi man lang nagtago sa dilim o kaya pasikretong ginawa ang ganitong bagay na sila lang dapat ang nakakaalam… di ko din naman kasalanan na makita sila, e anong magagawa ko? akala ko ako lang ang andun nung oras na yun… akalain mo, sa sobrang abala nila sa init ng kanilang mga katawan at kalibugan, di man lang nila naramdaman na may lihim na nanonood sa kanila! Oo ako yun!! Wahahaha!!



Sa totoo lang, first time kong makakita ng gumagawa ng milagro sa Liwanag at malapitan, na tipong mga walang pakialam. Kakaiba pala ang pakiramdam… yung tipong nabibitin ka at naiinip sa tagal ng mga kasunod na pangyayari… abang na abang na ako, sobrang bitin!!! pilit kong minimemorya ang reaksyon ng kanilang mga mukha.. kung nakalapit pa sana ako ng konti, malamang e narinig ko ang kanilang mga impit na daing at halinghing..



Medyo natagalan din ako sa panonood, hanggang abutin na ako ng inip… naisip ko na lang, kagaya ng mga napapanood ko sa porno movies (na hindi ko maxado kinahiligan dahil boring, ulit-ulit lang! iyo’t iyon din naman!), malamang e parehas lang din ang kakalabasan kaya tinantanan ko na ang pamboboso.





Pero xempre, pagkakataon ko nang gumawa ng scandal kaya di ako pumayag na hindi makakuha ng ebidesya ng kanilang kahalayan… dahan dahan kong binunot ang aking celfon, ini-off ang flash, sabay tutok… at... click!



Masdan ang kanilang malisyosong larawan…

15 comments:

  1. Hehehe :D Langya!!!Di man lang nagpatay ng ilaw lolzz

    ReplyDelete
  2. mapalad na mga nilalang dahil photograph lang ang kinuha mo. haha.

    ReplyDelete
  3. @Lord CM: hehehe!! ikaw parekoy, mas gusto mo ba pag patay ang ilaw o dim lang?? hehehe!

    @tomato cafe: salamat sa pagbisita! balak ko nga sana bulabugin, pero tingin ko mas masarap e buhusan ng tubig ung mga asong balahura sa gitna ng kalsada!

    @Led: di ko alam if mating season e... buti na lang ang mga kagaya natin, for-all-seasons! wehehe

    ReplyDelete
  4. SIr ABNER!!!!leche.akala ko totoo..
    grrrrrhhhhhhh
    hai nkuh
    hay nkuh
    hai nkiuh...addiiikkkkkkkkkkkkkkkkkkk

    ReplyDelete
  5. muntik na kong magkasala dun ah,hehe

    ReplyDelete
  6. wahahahah tae naman kuya akala ko kung ano na amfness lol =))

    ReplyDelete
  7. ang kulit ng butiki! Acrobatic ito!

    ReplyDelete
  8. aww kadiri.. takot ako sa butiki,hehehe

    ReplyDelete
  9. ahehe iba na nasa isip ko kanina buti nakita ko agad yung pic.


    nakikidaan lang po...

    ReplyDelete
  10. hehe yun pala yun..... :P

    ReplyDelete
  11. hahaha sabi na e..kala ko naman aso :P

    ReplyDelete
  12. natutuwa ako sayo!

    ReplyDelete
  13. hi.. nakikidaan lang sa blog mo. walang magawa dito sa ofc ko eh. blog lang ang pwdeng iaccess. patakas pa. hehehe. i dont know kung may private msg dito kasi limited nga yung access ko... btw im nica

    ReplyDelete
  14. @ANONYMOUS,

    salamat sa pagdaan! sino ka ho? magparamdam ka! hehe! link naman ng blog mo, i'll visit you back, promise!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails