pektyur pektyur! ismayl!!!!

17.5.10

gamot nga po....

Alas tres na ng umaga… wala nang katao-tao sa lansangan.. madilim at tahimik na ang buong barangay…

tok tok tok…. Mahihinang katok lang, mukhang nahihiya pang makabulahaw sa mga kapitbahay na mahimbing nang natutulog sa alanganing oras na yun..

tok tok tok…

"pagbilhan po…” sa ikalawang pagkakataon at sa pabulong na pagtawag

“pagbilhan pooo…”

tok tok tok….

“nanay ading… pagbilhan pooo… pagbilhan po ng gamot…”

“Nanay Ading? Gamot nga po…”

tok tok tok….

Maya maya pa ay may mga bahagyang kaluskos na narinig sa loob ng tindahan. bahagyang sumilip si Inang Ading sa siwang ng bintana… pupungas pungas at di maipinta ang pagmumukha dahil sa pagkaabala sa pagtulog..

“ano yun?....” pabulong na wika ni Inang Ading… sa pag-aalalang makagising pa ng iba nyang kasambahay..

“may gamot po ba kayo sa lagnat at trangkaso?”

“ahhhh… meron iho.. teka lang… ilan ba?”

nagliwanag sa loob ng muting tindahan, at pasuray suray sa kaantukan na tinungo ni Inang Ading ang kabinet ng mga gamot.

“tig-isa lang po…”

“at tsaka po… Nanay Ading…”

“o?”

“kuwan nga po…… pakisamahan na nga po ng dalawang bote ng matador, dalawang yelo at isang malaking chippy na pula! lista na lang po muna lahat sa kin ha?”

Mga pot*ena nyong mga lasenggo kayo!!! $%^*#@&*!!!!!

19 comments:

  1. hahahaha, may gamot gamot pang nalalaman! laughtrip! haha

    ReplyDelete
  2. Hehehe :D ung gamot pang ready lang yun kung sakaling magkasakit kakainom ng alak lolzz

    ReplyDelete
  3. Tangina mo Indecent Mind, tawa ako ng tawa dito sa Office.

    Fuck You! LOL

    mahirap akong patawanin at sa puntong ito. Gold Medal ka!

    ReplyDelete
  4. ati, nagbasa ka ba?? ano naman ibig sabihin ng comment mo? hahaha!



    keso, sabaw nga!! hahaha! namiss kita! salamat sa paramdam!



    lordcm, props lang yun gamot na yun para pagbilhan! kasi pag sinabi mong "alak nga po..." kahit magwala ka di ka pagbubuksan! hehehe!

    ReplyDelete
  5. jepoy, namo rin! wahahahaha!
    sige tawa pa! wag mong pigilan baka magkalat ka pa dyan ng kababuyan! lol




    gillboard, once... ahihihi!

    di ako, yung kasama ko!

    pero mamamatay na ako kakatawa nung kumakatok pa lang sya!

    ansakit sa tyan! nyahahahaha!



    glentot, hehehe! magbiro ka na sa bagong gising wag lang sa bitin! hahahaha!!

    ReplyDelete
  6. Adik ang lekaaat, nga naman!! nagbukas ng tindahan...

    ReplyDelete
  7. hahaha!

    Ok lang sana kun babayaran eh kaso utang pa...

    hahaha! =)

    ReplyDelete
  8. nakanang...sarap mong hambalusin!! LOL

    talagang gagawin ang lahat, makainom lang..amf

    KAMPAY!!

    ReplyDelete
  9. pauso ka! LOL! eto na magcocomment na ampf!

    siguro kung nasa pinas ako ganyan din gawain ko. haha! pahabaan ng listahan. bwiset!

    ReplyDelete
  10. Nyahahah indi! Iinom ka nalang utang pa!

    ReplyDelete
  11. seaquest, wahehehe! kitams?



    batongmalamig,yun ang malapit dun! nabulahaw na nautangan pa! bwahaha!



    madz, aba e syempre! hirap kaya ng bitin??! wag ka nga! hahaha! kampay!



    chicqui, wahehehe! kapalmuks value na lang sa tindahan! puro alak at pulutan ang nasa listahan! bwahaha!



    maelfatalis, ano ka ba? 3am na! natutulog na ang pera pag ganun! hehe!

    ReplyDelete
  12. waaaaaah. natawa aq dun ah!
    eh bkt kinakatok pa ang tndhan kung sarado na? hmmm

    ReplyDelete
  13. nga pla kuya add na kta ha :)

    ReplyDelete
  14. kayedee, e kasi nga bitin sa inuman nagpipilit lang makahanap pa ng alak! hahaha! salamat sa pakikitawa! grabe isinakit ng tyan ko sa pagtawa nung gabing yan at tuwing napapagkwentuhan namin! di maubos ang tawanan namin!



    missguided, wag lang mabitin! hahaha! ui welkam bak! tagal mo di nadadalaw dito ah?

    ReplyDelete
  15. kawawa naman si nanay ading, siguro ikaw un noh? di ka na naawa, maka inom lang. haha

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails