pektyur pektyur! ismayl!!!!

6.5.10

sige na pls... paligayahin mo ako

9:42am, kulang dalawang oras pa ang ipaghihintay ko ng lunch time…

Sumasakit na mata ko kakablog hop at kung kani kaninong kwarto na ako napapasok... Di ko naman trip magparamdam ngayon, tamang lurker mode lang.

Nabulatlat ko na ang profiles nung mga kaibigan ko at kung sino sino sa FB, wala din naman interesante, wala din ako sa mood magcomment.

Ano na nga ba password ko sa twitter at plurk?? Arrgghhh!!

Maghintay na lang ng makakachat yung may kwenta.. o sige na nga kahit walang kwenta basta lang mairaos tong bagot na to! Kung bakit kasi kung kelan mo kelangan ng kausap, mapapaghingahan, magpapangiti, magpapatumbling, magpapahalakhak, aasarin, saka naman di sya pwede, saka mo naman sya di mahagilap..

Nakakainip. Para ka na ring naghihintay ng patak ng ulan sa tuyot na disyerto…

Buti pa yung busy ka na lang palagi. Yung masyadong abala ang isip mo sa trabaho, yung tipong nangangarag ka sa dami ng gagawin, yung din na maidrowing ang kilay mo dahil di ka na magkandaugaga sa paghahabol ng deadlines. Pero yung ganito? magpapatay ka lang ng oras?

Kung ano ano lang tuloy naiisip ko.. sa ganitong mga pagkakataon ako madalas kinakatay ng homesick..

Tsk… nakakabaog…

10 comments:

  1. HOMESICK+PAGKABAGOT+IMAHINASYON+PAGKABAOG = PAGBABATE........ng itlog para kainin!


    hahahhaa

    Ikaskas na ;ang sa pader

    Ingat

    ReplyDelete
  2. drake, ano un? di ako marunong nun e.. teka, malinis ba kamay mo? LOLS


    KESO, ano un a-ah??!!

    ReplyDelete
  3. magbakasyon ka sa Masbate. O kaya naman sa Panay. :D hahaha

    ReplyDelete
  4. iadd mo kami sa ym minsan nang may makausap ka at di ka nababagot...

    hehehe

    ReplyDelete
  5. Hehehe :D Ganyan ako madalas, walang ginagawa, bagot at antok lolzz

    Eh sa tinatamad ako eh :D

    ReplyDelete
  6. akoh ren may pagkakataon na gusto koh may kakulitanz... juz like right now... pero wala ren akong matinong mahagilap... at effort masyado saken ang maglakbay sa blog cuz im juz using my fone... eh tulog na tao sa mundo koh... la nemen sa fb... plurk don masaya pag dme kang friends don pero tagal na akong hiatus don eh... twitter eh la nemen akoh ganong ka tweet don... dmeng sinabi noh... haha... ingatz parekoy =) Godbless!

    ReplyDelete
  7. Click mo ito,

    Baka lang makatulong... hahaha!

    ReplyDelete
  8. Kausapin mo si Jack Colleen!!! Mawawala pagkabagot sa ilang minuto lang.. hehe

    ReplyDelete
  9. yan ang the best time to....

    ano...

    uhmmm...

    hahayss..kakahawa ka! napapatanga rin ako T.T!!!!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails