minsan may isang ibong pinagarap mong maturuan kung paano matutong lumipad.
sa bawat araw, ibinuhos mo ang lahat ng iyong atensyon at kaalaman sapagkat pursigido ka na gabayan sya.
paunti unti, pilit mong hinulma ang kanyang lakas ng loob na gawin ang isang bagay na dapat makaya nyang gawin.
tinuruan mong maging matatag hindi lang ang kanyang katawan ngunit mas higit ang kanyang kalooban.
hanggang isang araw sa iyong paggising wala na sya sa kanyang natatanging sulok, andun na sya sa kalawakan at buong tayog na lumilipad..
dun sa lugar na ninais mong marating nya na dati lang ay kanyang lubhang kinatatakutan.
hayon sya ngayon at malayang pumapagaspas ang mga pakpak, mga bagwis na kelan lamang ay naalangan syang ibuka..
kasabay ng pagkaaliw at pagkamangha, magkahalong emosyon ang bumabalot sayo ngayon...
masaya ka sapagkat may isang nilalang kang natulungang matuklasan ang angking kakanyahan na sadyang meron sya. masaya ka na sa unang pagkakataon ay nakita mo ang tunay na kasiyahan sa kanya.
ngunit kaalinsabay nito ay dahan dahan ka ding nilulukuban ng mumunting takot at pag aalala..
ngayon ngang natuto na sya, ngayong tingin mo ay kaya na nyang mag-isa, kailangan ka pa ba nya?
*****
sapagkat sadyang wala namang permanente sa buhay ng tao, lahat ay magbabago. lahat ng dumating ay mawawala din.
tulad din ng tamis ng hanging dulot ng amihan. tulad din ng masamyong dampi ng sikat ng araw sa umaga. tulad ng galak na hatid ng bawat bahaghari at bulalakaw.
lahat ay panandalian lang.
larawan mula kay gugel
an_indecent_mind
pektyur pektyur! ismayl!!!!
12.12.11
4.12.11
ang bawat bata....
Mommy, ayoko na mag-aral...
Ha? Bakit naman?
Kasi baka magalit ka sa akin...
Bakit naman ako magagalit?
Kasi minsan may mali ako sa exams.
Mommy, nahihiya ako sa 'yo pag hinde ako magaling sa school... :((
(This is an excerpt from a friend’s FB wall; conversation with her 4-year old kiddo over dinner..)
****
Sa maraming mga pagkakataon, napapatitig ako sa mga bata na malayang naglalaro, nagtatampisaw sa ulan, walang kapaguran sa pakikipaghabulan, taglay ang mga inosenteng halakhakan at ningning sa kanilang mga mata.
Ansarap nilang tingnan no?
Ni hindi mo nga mamamalayan na tumatakbo ang oras sa panonood lang sa kanila... di natin maiwasang mainggit -- mabuti pa ang mga batang ito walang iniisip na anumang problema.
Kakain pag nagutom, babalik sa paglalaro kapag nabusog, matutulog kapag napagod, iiyak kapag nasaktan, tatahan pag niyakap at inalo alo...
Napakasimple lang ng kanilang buhay.
Marahil kagaya ko rin, labis kang natutuwa sa early development ng mga bata ngayon. Mas makulit, mas madaldal, mas madaming alam. At oo syempre naman hindi ako kelangan magpatalo sa makukulit nilang mga tanong at walang katapusang "bakit??".
Kadalasan pag nakikita natin yung kabibohan at potensyal nila, mas pinipili nating magsimula silang mas matuto at palawakin ang pakikisalamuha sa maagang pagpasok sa eskwelahan. Minsan nga lang nakakaligtaan natin na sa kanilang murang edad e dapat sana nag eenjoy pa sya sa paglalaro at pagtuklas ng mga bagay -- sa labas ng mga dingding ng paaralan.
Noong nag-aaral pa tayo pinipilit din nating maabot ang pinakamataas na marka, pinakamataas na karangalan, maging pinakasikat sa klase, pambato ng school. Sa mga katagang madalas nating marinig sa ibang tao na “malayo ang mararating ng batang to” o kaya sa tuwing pinupuri tayo ng ating mga magulang sa harap ng kanilang mga kaibigan, di natin maiwasang mangiti. Masarap sa pakiramdam.
Pero kapalit ng lahat ng pagpapaka nerd mo at walang katapusang pagsusunog ng kilay, di mo na napansin na nasakripisyo na pala ang sariling oras para mas matikman mo ang sarap ng iyong kabataan. Nagising ka na lang isang umaga na nasanay ka na lang na nakikipagkumpetensya sa lahat ng nasa paligid mo.
Hanggang ngayon hindi ka pwdeng pumetiks kahit saglit, parang anlaking kasalanan pag rumelax relax lang.. Magmula sa apat na sulok ng mababang paaralan paakyat sa bawat palapag ng iyong munting cubicle na ginagalawan, tuloy pa rin ang pakikipagtunggali mo sa mundong iyong nakagisnan.
Survival of the fittest. Nakalakhan mo na at nakasanayan ang pressure at kumpetisyon.
Pero kelan na nga ba ang panahon para i-enjoy ang lahat sa buhay mo? ang lahat lahat ng pinagpaguran mo? pag retired ka na? sa panahong malayo na ang loob ng anak mo sayo? sa panahong dalawa na lang kayo ng asawa mo? sa panahong hindi mo na kaya pang magbyahe ng malayo at matagal dahil sa katandaan mo? Darating ang panahon, saglit kang lilingon sa lahat ng nagawa mo, sa lahat ng meron ka. Kakapain mo sa sarili mo, para san nga ba lahat ng pinaghirapan ko? Masaya na nga ba ako ngayong nasa akin na ang mga bagay na noon ay pinapangarap ko lamang?
Kundangan kasi noong bata pa tayo bakit ba kase masyado tayong nagmamadali sa ating paglaki at pinipilit hatakin ang panahon? Tapos ngayon kung kelan tumatanda na at nagkaisip saka naman pilit pinapabagal ang mundo sa pag ikot nito.
Ngayon lagi na tayong nakalingon sa ating pagkabata, yung panahon na kung kelan napakasimple lang ng buhay. Ang sarap lang sanang balikan yung panahon na lahat ng bagay ay hindi pa ganun kakumplikado, na pwede kang magdesisyon nang walang inaalalang ibang maaapektuhan kundi ang iyong sarili. Pero di na ganun kasimple ang lahat.
Kaya’t sa aking pagtanda, sa paglaki ng aking magiging mga anak, sana kahit papaano matulungan ko sila na maramdaman ang tunay na saya ng pagkabata. Maranasan sana nila ang buhay at its fullest at magenjoy. Maipadama ko sana na ang buhay ay hindi lang umiikot sa pagiging number one sa loob ng apat na sulok ng paaralan. Na higit na mahalaga na makita nila ang ibat ibang aspeto buhay lalo na ang mabuting pakikipagkapwa at maappreciate ang mga bagay na meron sila, maliit man o malaki.
I think everybody should get rich and famous
and do everything they ever dreamed of
so they can see that it's not the answer.
Jim Carrey
an_indecent_mind
nakasalansan sa
ang buhay ay parang sine,
bata bata,
buhay OFW,
saranggola,
simpleng buhay
7.11.11
tigang
sa unang pagpatak ng ulan sa iyong pisngi, di ka makapaniwala at di mo maikubli ang nadaramang kaligayahan.
maisasatitik mo pa ba ang kahungkagan ng pakiramdam mo ngayon, ikaw at ang matagal mo nang kinikimkim na bagot sa kakahintay? kelan na nga ba ang huli? kung hindi pa ngayon, kelan pa kaya?
larawan ng isang tigang na pagkatao, ang tanging asam mo lang ay muling maginhawahan ng kahit kapirasong lamig. at ngayon nga sa pagdatal ng mumunting patak, naninibasib ka at ang iyong kaba, sa bawat paghawi kaalinsabay nito ang kabog sa yong dibdib. medyo matagal tagal na nga din kaibigan.
"halika at nasok sa aking kasabikan..." |
lumurok na nga ang ulan kaalinsabay ng iyong pagkabulid sa sarap ng isang bagay na napakatagal mo nang inaasam asam na muling matikman.
aaahhhhhh.... eto na yun... eto yung kulang... eto yung sagot para maibsan ang palagian mong pagiging tigagal sa kawalan.. larawan ng walang kaparam ang iyong kaligayahan... gusto mo pang abutin ang sukdulan... sa saliw ng isang awit, buhos pa ulan, ang pagkatao ko'y lunurin mo nang tuluyan...
ngunit...
ang marubdob na pag-asam ay napalitan ng dagling pagkaunsyami. maaaring hindi mo nakayanan ang labis na pumaimbulog na kaligayahan. at ito ay taliwas sa iyong pagkakilala sa sarili, taliwas sa pag aakalang kakayanin mo ang lahat ng ligayang idudulot sa yo ng ulan..
matapos ang pagbuhos ng nakakabaliw na ulan, kapalit ng pagparam ng katigangan ng iyong pagkatao, kapalit pala ng silakbo ng pagnanasa ay ang daluyong na pagbaha... di mo inakala. di mo inasahan.
sino nga ba ang nagpasasa kanino?
sino nga ba ang tigang?
ang disyerto nga ba o ang ulan?
pektyur mula kay pareng gugel
an_indecent_mind
nakasalansan sa
desert rain,
sex in the desert,
tigang
24.10.11
Friendly Sex
He got the moves. he got the looks. he's a nice guy. he's a fine gentleman. he has the humor, never been boring. he makes you laugh. he lends you his shoulder when you cry. he has been there for you, no matter what. every other girl you know drools for him. he's your friend.
she's the best cook you've ever known aside from your mother. she takes good care of everything for you to be a better man. she can put smile on that gloomy face, in an instant. she can make your worries vanish, effortlessly. she has been this hot-chick-pantasya-ng-bayan, who's always hanging with you. she's the epitome of the perfect girl every man ever dreamed about. she's your friend.
naranasan mo na bang habang kumakanta o bumabangka sa usapan ang isa mong kaibigan e napatitig ka ng matagal sa kanya, at di maalis alis ang ngiti mo habang pinapanood mo sya? alam mong ngumingiti hindi lamang ang iyong labi ngunit pati na rin ang iyong kalooban habang pinagmamasdan mo sya. pisikal na atraksyon man o sadyang may espesyal na pagturing ka sa iyong kaibigan, di maipagkakaila na napukaw nya ang atensyon mo.
ang malaking tanong, kaya mo bang lumevel up? kaya mo bang tikman ang risk? handa ka bang isugal ang inyong pakikipagkaibigan?
sige magkaalaman na! baka nga sadyang pisikal na atraksyon lang ang lahat at baka libog lang na di kayang madala ng isang oras na paligo.
isang gabi lang. sex with a friend, friendly sex, walang malisya. papayag ka?
sigurado kang bukas pagkatapos ng gabing ito, kaya mo pa ulit syang tingnan sa mata ng walang pag-aalinlangan? kaya mo pa ulit syang pakisamahan gaya ng dati?
sa mga minsan kong natanong na mga bloggers at mga personal na kaibigan na kung sakali gugustuhin ba nilang makipagsex sa isang kaibigan, ipagpalagay na walang malisya heat of the moment lang, gagawin ba nila o hindi?
hati ang kanilang mga opinyon, merong oo as long na pareho nilang gusto.
merong hindi, ayaw isugal ang kanilang pagkakaibigan, wala daw talo-talo sa barkada. mostly babae ang mga sumasagot nito, medyo mas konserbatibo ata ang kanilang pananaw kumpara sa mga lalaki.
convenient daw sabi ng ilang kalalakihan, dahil at least alam nila kung san sila lulugar. walang expectations, walang commitment. hindi mo kelangang makipaglokohan. readily available sa mga oras ng pangangailangan ng isa't isa.
tingin ko kanya kanyang pananaw lang yan, meron kasing ilan na di kaya yung ganitong setup.
kapag ang isang pagkakaibigan e mas lumalim pa, masarap yan sa una. magaan kasi sa pakiramdam na for the first time lahat ng kaibigan mo e pabor sa taong kasama mo. pero minsan pala kahit gaano katagal mo na sya kakilala, lalabas din ang ilang mga tunay na ugali ninyo.. susulpot na ang priorities, selos, expectations, to the point na pati grupo nyo e apektado na rin. syempre friends will be friends, they will take sides. at dahil ayaw nilang nasasaktan ang kaibigan nila, kakampi sila sa nakikita nilang umiiyak at nahihirapan (syempre hindi tayo yun guys! unless ikaw ang iyakin sa inyong dalawa ng ex-gf mo!). ang malupit pa dyan e yung walang katapusang pagpipilit ng inyong mga kaibigan to help patch things up. to the point na nakakasawa na lang at ayaw nyo na lang sumama sa mga lakad ng barkada. pag andun ang isa, dapat wala yung isa. bawal ang magsama ng panakip ng butas pag bago pa ang breakup, "alam mo ba ang 3-month rule?" oo uso yan...
kaming mga lalaki, hindi puro libog lang.
marunong din kaming magpahalaga sa aming mga kaibigang babae. we may find sex with a friend a nice idea, kasi casual sex, a freebie of friendship. but the plain truth is that we still choose among our friends. we can/we will do it only with those who knows the real score and can handle the aftermath of the situation. we don't want to always end up as the villain in a relationship.
kung gusto mo ng gamitan lang, dont fuck with your friend, find somebody else. not worth the risk. kung gusto mo ng gaguhan, wag din with a guy friend kasi gano ka man kabitchy, mas gago pa rin at matigas ang puso naming mga lalaki. gago kami in a sense na wala kaming pakialam sa mararamdaman mo, baka di mo kayang iresist ang sakit na mararamdaman mo at ikaw din ang kawawa sa bandang huli.
but treat us a confidant, treat us your real ally, we can be superman for you.
reality check, there's a fine line between being friends and lovers. madaming sumubok, some of them ended up as lifetime partners, but most of them ended up hurting each other and ruined the ever valued friendship.
need sex or a lover? dial a friend?
nah... maybe not a good idea…
It might be too much for you to handle.
pektyur mula kay pareng google
an_indecent_mind
nakasalansan sa
ex-friends,
ex-lovers,
free sex,
friends with benefits,
fubu,
fuck buddies,
fuck-a-friend
13.10.11
sa bawat pagdapit-hapon
"wala na si nanay... di na nya nakayanan ang paghihirap nya..."
sa gitna ng paghagulhol yan ang ang buhol-buhol na mga salitang nasambit nya sa akin..
nablanko ako sa mga binitiwan nyang salita... hindi ko inasahan... hindi ako sanay sa ganito...
alam kong kelangan nya ng mapaghihingahan, ng masusumbungan at ng makakausap sa sandaling ito. wala akong mahagilap na salita para pagaanin ang kalooban nyang alam kong lubos ding naghihirap ng mga sandaling iyon. wala rin naman akong magawa kasi milya milya ang layo ko sa kanya. kung nasa tabi lang sana nya ako ay hahayaan kong lunurin nya ng kanyang mga luha sa pagtangis ang balikat ko, baka kahit sa ganong paraan e maibsan man lang ang bigat ng kanyang kalooban.
" tahan na... ayaw nyang makita ka ding nahihirapan di ba? kung kelangan mo ng makakausap o makikinig sayo, andito lang ako...."
mahirap para sa kanya dahil kausap lang nya ang nung nagdaang gabi ang kanyang inang nararatay sa sakit nitong unti unting pumapatay sa kanyang katawan. mahirap dahil araw araw nyang nalalaman na palala na nang palala ang kundisyon ng kanyang pinakamamahal na ina. mahirap para sa kanya na umasa na madudugtungan pa ang buhay ng kanyang ina, kung mismong ang kanyang sariling ina e sumuko na rin, at kung ang ama nya rin ay nawala na ng pag-asa at sa halip ay palaging ipinapaliwanag sa kanya na konting araw na lang ang nalalabi para makasama nila ang kanyang ina...
mahirap sa kanya dahil nasa ibang bansa sya.
malayo sya para mayakap ang kanyang ina at makasama sa mga huling sandali ng kanyang buhay. masakit dahil kahit gustong gusto na nyang umuwi para makapiling ang kanyang ina, kelangan nya pa rin magsakripisyo sa malayo para may pantustos sila sa gamutan ng kanyang ina.
"nay, pagaling ka ah? malapit na akong umuwi... ako naman ang mag-aalaga sayo ha? kagaya ng pag-aalaga mo sa kin noon pag nagkakasakit ako di ba?... pagaling ka ha? hintayin mo ang pag-uwi ko..."
mga katagang kanyang binitiwan sa huling pag-uusap nila ng kanyang ina. walang nakakabatid na iyon na pala ang huling pagkakataon para mapaabot ang pagmamahal nila sa isa't isa. kung alam lang sana nya, disin sana ay hindi na lang natapos ang pagkakataong iyon...
" sayang lang kasi di ko man lang sya inabutan, di ko man lang sya nayakap, naihatid o nakita man lang... sana man lang naalagaan ko sya sa mga huling sandali... sana man lang nakahingi ako ng tawad at nakabawi sa lahat ng mga ibinigay kong sama ng loob noon sa kanya.. sana man lang....."
totoo, walang anumang paalam ang madaling tanggapin ng kalooban, lalo pa at alam mong iyon na ang huling sandali nyong magkakasama. walang katumbas na sakit ang pagkawala ng isang mahal sa buhay. pero hindi naman doon natatapos ang lahat, kelangan pa din nating ipagpatuloy ang ating sariling buhay. nawala man ang kanyang pisikal na presensya, habambuhay nang mananatili ang kanyang mga masasayang alala. di naman sila nawala, andyan lang sila, di man natin sila nakikita pero patuloy lang silang gumagabay at sumusubaybay sa atin.
an_indecent_mind
sa gitna ng paghagulhol yan ang ang buhol-buhol na mga salitang nasambit nya sa akin..
nablanko ako sa mga binitiwan nyang salita... hindi ko inasahan... hindi ako sanay sa ganito...
alam kong kelangan nya ng mapaghihingahan, ng masusumbungan at ng makakausap sa sandaling ito. wala akong mahagilap na salita para pagaanin ang kalooban nyang alam kong lubos ding naghihirap ng mga sandaling iyon. wala rin naman akong magawa kasi milya milya ang layo ko sa kanya. kung nasa tabi lang sana nya ako ay hahayaan kong lunurin nya ng kanyang mga luha sa pagtangis ang balikat ko, baka kahit sa ganong paraan e maibsan man lang ang bigat ng kanyang kalooban.
" tahan na... ayaw nyang makita ka ding nahihirapan di ba? kung kelangan mo ng makakausap o makikinig sayo, andito lang ako...."
mahirap para sa kanya dahil kausap lang nya ang nung nagdaang gabi ang kanyang inang nararatay sa sakit nitong unti unting pumapatay sa kanyang katawan. mahirap dahil araw araw nyang nalalaman na palala na nang palala ang kundisyon ng kanyang pinakamamahal na ina. mahirap para sa kanya na umasa na madudugtungan pa ang buhay ng kanyang ina, kung mismong ang kanyang sariling ina e sumuko na rin, at kung ang ama nya rin ay nawala na ng pag-asa at sa halip ay palaging ipinapaliwanag sa kanya na konting araw na lang ang nalalabi para makasama nila ang kanyang ina...
mahirap sa kanya dahil nasa ibang bansa sya.
malayo sya para mayakap ang kanyang ina at makasama sa mga huling sandali ng kanyang buhay. masakit dahil kahit gustong gusto na nyang umuwi para makapiling ang kanyang ina, kelangan nya pa rin magsakripisyo sa malayo para may pantustos sila sa gamutan ng kanyang ina.
"nay, pagaling ka ah? malapit na akong umuwi... ako naman ang mag-aalaga sayo ha? kagaya ng pag-aalaga mo sa kin noon pag nagkakasakit ako di ba?... pagaling ka ha? hintayin mo ang pag-uwi ko..."
mga katagang kanyang binitiwan sa huling pag-uusap nila ng kanyang ina. walang nakakabatid na iyon na pala ang huling pagkakataon para mapaabot ang pagmamahal nila sa isa't isa. kung alam lang sana nya, disin sana ay hindi na lang natapos ang pagkakataong iyon...
" sayang lang kasi di ko man lang sya inabutan, di ko man lang sya nayakap, naihatid o nakita man lang... sana man lang naalagaan ko sya sa mga huling sandali... sana man lang nakahingi ako ng tawad at nakabawi sa lahat ng mga ibinigay kong sama ng loob noon sa kanya.. sana man lang....."
totoo, walang anumang paalam ang madaling tanggapin ng kalooban, lalo pa at alam mong iyon na ang huling sandali nyong magkakasama. walang katumbas na sakit ang pagkawala ng isang mahal sa buhay. pero hindi naman doon natatapos ang lahat, kelangan pa din nating ipagpatuloy ang ating sariling buhay. nawala man ang kanyang pisikal na presensya, habambuhay nang mananatili ang kanyang mga masasayang alala. di naman sila nawala, andyan lang sila, di man natin sila nakikita pero patuloy lang silang gumagabay at sumusubaybay sa atin.
credits |
Don't strew me with roses after I'm dead.
When Death claims the light of my brow,
No flowers of life will cheer me: instead
You may give me my roses now!
Thomas F. Healey
an_indecent_mind
nakasalansan sa
death is inevitable,
life sucks you,
sweet farewells
2.10.11
wag kang atat! bibigay din yan!
sabi nila, PATIENCE is a VIRTUE daw....
ewan ko ba, HINDI ako pinanganak na pasyensuso PASYENSYOSO....
kaya nga ang favorite motto ko sa buhay ay,
LET'S GET IT ON!!!!
an_indecent_mind
nakasalansan sa
giant twins,
humor,
in your face,
nagpapaka-adik
29.9.11
wait lang! di ba True Love Waits??
True love waits daw... Madalas kong mabasa at marinig ito noong highschool pa ako. Lagi din kaming nireremind about sa consequences ng pre-marital sex ni titser Leny at titser Hilda (mga religion class teachers namin) at ni Mam Magdalena (titser namin sya sa Accounting pero madalas naming tanungin about sex; at syempre pa alis na ang antok ng lahat na pag sex na ang topic!).
kung sa panahong hayskul e normal na sa aming mga kalalakihan ang pagiging mapagsaliksik, mapusok at padalos-dalos sa ganitong yugto e ako naman noon e nageenjoy pa lang sa mga “kilig moments” LOL. Oo tama, sa halip na pamboboso at kung ano ano pang kalokohang produkto ng hormonal na pagbabago e abala naman ako sa paggawa ng mga love letters o di kaya ay pagreresearch ang inaatupag ko noon sa kung paanong paraan mapapasagot ang nililigawan (pangit ka na nga wala ka pang diskarte??!). Madalas akong gawing kasabwat ng mga barkada ko para sumulat ng love letters sa kanilang mga nililigawan at madalas ko ding binalak na ako na lang kaya ang sumulat at lumigaw dun sa mga type nila, sagutin din kaya ako? LOL
Well, mga murang isipan at saka yung generation namin noon e considered na fourth base na ang lips to lips sa chick -- mayabang ka na nun brod! (ay syempre depende nga pala sa kartada ng chick mo! LOL) pero kung iyayabang mo e gumala-gala ang iyong mga kamay sa kambal na bundok at sa mabalahibong pusa (yes, as in!) sa dako pa roon? Aba naman parekoy! Fifth Base ka na nun! Tutulo ang laway sa inggit ng mga barkada mo sayo.. at sisimulan ka na nilang tawaging “chickboy”..
Wala e, ako mahina ang loob ko sa mga ganyan.. may mga naging gf ako during highschool days pero ang pinakamalayong narating ng dulo ng daliri ko nung mga panahong yun e hanggang dun lang sa ibabaw ng “sa dako pa roon” at nung nag-attempt akong baybayin ang garter ng kanyang so-en e dun natigil ang aming pagpapalitan ng laway. Tandang tanda ko pa kung pano nya ako tiningnan sa aking mga mata, maluha-luha sya noon, may takot, at nagtatanong o nagmamakaawa
gusto ko sanang ipagpilitan ang nais ko sa marubdob na pagnanasang kumawala na sa pagkaalipin kay mariang palad..
gusto ko sanang gamitin ang mga linyang “akala ko ba mahal mo ako?”
Andun na e! andun na yung tinatawag na “heat of the moment” na sa tingin ko e nadadala na din sya sa ginagawa namin! pero hindeeeee…. Natakot ako!
Una kasi wala pa naman akong karanasan at takot din akong mauwi lang sa kahihiyan ang gagawin namin, kasi ang totoo nyan e nung naglalaro pa lang yung dulo ng daliri ko sa garter nya e nanginginig na talaga ako!
ikalawa, biglang pumasok sa isip ko ang mga mukha ng titsers ko habang pinapaalalahanan kami about sex. .. lol
Natakot ako sa maaaring maging bunga ng gagawin naming masarap pero bawal.. natakot ako pano kung mabuntis sya? Pano na ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin? Pano na ang pangako kong pagtataguyod sa mga mas nakakabata kong kapatid? Pano na ang gatas at lampin ng magiging anak namin? Sa ganitong nagsasalimbayang mga agam-agam, walang ilang segundo lang e humupa na ang galit ng nagngitngit kong alaga.. at pagkatapos ng gabing iyon, anlaking panghihinayang ko sa pinalampas na pagkakataon, ilang gabi akong
Ngunit ngayon, pag nagbabalik tanaw ako sa mga desisyon ko noon, natatawa ako sa sarili ko.. ano kaya kung mas naging agresibo ako noon?
sa isang bahagi ng aking pagkatao, malaking pasasalamat ko din sa mga guro na patuloy na nagpaalala sa min about premarital sex.. kasi natuto ako --- natuto akong dapat laging may baong kapote (in case na umulan).. natuto akong mag-isip munang mabuti kung “worth it” ang napili kong kapareha..
Yeah! tip lang mga brod, pag andun na kayo sa climax at tipong atat na atat ka na, sandali mong isipin na, “what if mabuntis ko to? Eto na talaga mapapangasawa ko??? takte! parang lugi ata ako??"
at bigla sasabihin mo sa partner mong, “wait lang pala… True love waits.” LOL basag!
Ikaw, kelan ang iyong perstaym? at ginamit mo din ba ang konsepto ng TruLabWeyts? ekspleyn
pektyur galing dito
an_indecent_mind
nakasalansan sa
fuck,
highschool life,
love letters,
sex at early age,
sexperience
22.9.11
Peksman! Mamatay man!
Madalas tayong sumumpa, kahit sa mga simpleng bagay.
Minsan nga parang andali dali nating magbitiw ng pangako sa isang tao, umaabot pa sa puntong sasabihin nating,
"peksman! kahit mamatay pa man ang kapitbahay namin!"
(tsk! kawawang kapitbahay!)
pero mas madalas di na natin pinag-uukulan ng pansin kung yun bang mga bagay na nagagawa natin e di-tuwirang pagsira sa ating mga salitang binitiwan.
palabra de honor
Bigla kong naalala ang aking lolo, kung gaano sya kaistrikto noon, kung gaano nya pinaninindigan ang kanyang mga binibitiwang salita (kahit nga minsan e parang baluktot na sa katwiran). Para lang bang “utos ng Hari, di mababali”.
Minsan maganda ang kinalalabasan, minsan naman panget. Minsan gusto mong sumuway o magtanong ng konkretong rason, pero wala na din namang magagawa kasi "utos ng matatanda".
Pansin ko lang ha, noon mas madami ang may mga matatag na paninindigan. Ang mga matatandang tao kasi oras na magbitiw sila ng salita sa kanilang kapwa e pilit nila itong sinusunod kasi pinapangalagaan nilang madungisan ang kanilang mga pangalan. E sa panahon ngayon, ilan pa kaya sa atin ang may ganitong prinsipyo sa buhay? Ilan pa kaya sa atin ang maingat sa pagbibitiw ng mga salita at mga pangako? Ilan ang walang pasubali na tutuparin ang lahat ng mga salitang nasabi na?
The best way to keep one's word
is not to give it.
Napoleon Bonaparte
Marahil konti na lang silang mga taong "may paninindigan" sa panahon ngayon. Marahil ultimo ang ating pagpapahalaga sa prinsipyo at sariling pangalan e nagbago na din sa paglipas ng panahon.
Minsan nga ang pagtupad sa mga pangakong ating binitiwan e parang biro-biro na lang sa atin. Minsan nakakasanayan na din natin na balewalain lang kasi alam natin na kahit di tayo tumupad e pagpapasensyahan at iintindihin naman nila tayo. Pero paano kung tayo yung umaasa at naiwan sa ere sa isang pangako na hindi naman pala matutupad? Masakit tsong di ba?
“dadating ako..” payak pero may paninigurado. Pero nagagawa mo nga ba to? O marami kang alibi sa di mo pagdating sa takdang oras o sa di mo pagsipot sa usapan?
Kung may ibulong akong sikreto sayo ngayon, at sabihin kong “atin-atin lang natin to ha?”, kaya mo bang mapanatiling tikom ang bibig mo? kahit kanino?
Ok na nga lang ba ang magsinungaling? Natural na lang ba na ngitian mo na lang sila at sabihin na “joke lang yun! Ano ka ba??!”
Katanggap-tanggap na ba na sabihin na lang sa isang tao na “sorry, I lied.”
Ikaw, mahilig ka bang mangako?
an_indecent_mind
nakasalansan sa
ang buhay ay parang sine,
broken promises,
deceits,
delicadesa,
lies,
palabra de honor,
realidad
5.9.11
ikaw ang nawawala kong butones
maghapon akong di mapakali. naghahanap ako ng aspili o kaya perdible, panlunas sa medyo "awkward" na sitwasyon na to. pano ba naman, nawala ang isang butones ng polo ko. bagamat napansin kong medyo maluwag na ang tahi ng butones bago ko isuot pero nagkibit balikat lang ako kasi tiwala naman ako na di naman yun basta basta bibitaw, at saka paborito ko to e...
ang kasunod ko na lang napansin, nawala na ang butones ko....
nagawan ko man ng remedyo ung polo ko pero sa tuwing may kausap akong ibang tao, naaalangan ako... kasi baka mahalata nilang nawawala ang isang butones ng polo ko..
buong araw ko syang inisip at hinanap, at ngayo'y umaasang sa paguwi ko sa bahay ay dun ko sya matatagpuan.. at sana may magawa pa akong paraan para maibalik sya sa dati nyang kinalalagyan, sa polo ko.
buong araw ko syang inisip at hinanap, at ngayo'y umaasang sa paguwi ko sa bahay ay dun ko sya matatagpuan.. at sana may magawa pa akong paraan para maibalik sya sa dati nyang kinalalagyan, sa polo ko.
*****
sa buhay natin, sa pagdaan ng panahon marami tayong nakikilala. yung iba talagang tumatagal sa ating buhay. kaibigan man o karelasyon, dumadating talaga ang punto na nasasantabi natin sila, sinasadya man natin o hindi.
masyado na kase tayong nasasanay sa presensya nila. oo andun yung kakaibang kumportableng pakiramdam kapag sila ang nasa paligid natin. pero bakit minsan sila din yung mga taong madalas nating isinasantabi?
sa panahon ng saya, andyan lang sila sa isang sulok masayang nagmamasid sa atin habang malakas tayong humahalakhak kasama ng mga plastik na kaibigan... ngunit kapag malungkot tayo sila naman ang una nating naalala, kasi alam nating maaasahan natin sila at hinding hindi nila tayo iiwan.
hindi man natin napapansin, maalam din silang magdamdam. maalam din silang masaktan pag naiitsa pwera ngunit mas madalas silang magsawalang kibo na lang at iniinda ang sakit na nadarama, dahil mahal nila tayo. dahil anumang bagay na nakakapagpasaya sa atin e kaya nilang ipaubaya at sino man na makakapagpasaya sa atin, kaya nilang tanggapin at mahalin din.
ngunit dadating ang isang punto na sa patuloy nating pagwawalang bahala, magigising na lang sya isang umaga na wala nang sakit, wala nang pait, at wala na ngang sigurong nadadamang pag-asa na mababago pa ang lahat nang nakagawian na natin. at yun ang mas nakakatakot, kapag umabot sa pagkakataong kayang kaya na nila tayong bitiwan. at doon natin mararamdaman ang kahungkagan ng buhay sa kanyang pagkawala.
kung mangyari man yun pipilitin nating makabawi, pilit nating ibabalik ang dati, pilit na sosolusyunan ang sigalot na ito.. pero paano kung huli na pala ang lahat? na ang simpleng uka lang noon sa inyong samahan ay ngayon ay isa na palang malaking lubak? pano pa nga ba maibabalik ang lahat?
*****
katulad nang pagkawala ng isang butones sa iyong paboritong damit pilit mo itong hahanapan ng solusyon. hanggang sa puntong pilit kang hahanap ng kanyang kapalit, yung eksaktong eksaktong kagaya nya... para hindi makita ng ibang tao ang pagkakaiba nung nawala na ang orihinal na butones sa polo mo.. at ang totoo nyan, wala kang makukuha na kaparehas nya.
halos kapareho oo.. yung tipong di na mapapansin ng ibang tao ang pagkakaiba. pero ikaw mismo, sa sarilli mo, alam mo ang totoo. kailanman di mo maaring lokohin ang sarili mo na nakalimutan mo na ang lahat. dahil sa bawat sandali na mapapagtuunan natin ng pansin ang bagong butones patuloy pa ring sasariwa sa ating alaala ang minsang nawalang butones.
panghihinayang..
kung naging mas maingat lang sana tayo at mapangalaga....
ikaw, naranasan mo na bang mawalan ng butones?
an_indecent_mind
nakasalansan sa
everything in between,
nawawalang butones
23.8.11
in yur peys!
you: psssstt....
you: suplado!!!
me: hello crush!
you: ewwwwwwww!!!!!!
you: suplado!!!
me: hello crush!
you: ewwwwwwww!!!!!!
Tangina ka ah... nakakasakit ka na ah... pakyu ka!
someday, i'll say.... "pag lumingon ka, akin ka..." --- (in the name of love-- AGA & ANGEL) LOL
pag gwapo ko di na kita papansinin! tandaan mo yannn!!!
o!! gudlak naman sa akin! hahaha!
an_indecent_mind
nakasalansan sa
kabuggshh,
mema-post lang
16.8.11
di baleng magtagal sa suso wag lang sa baso!!
iinom ka pa ba???!! bilisan mo at dyan (sa tagayan ding yan) din kami iinom!!
ilan lang to sa mga patutsada at kantyaw na maririnig natin sa gitna ng umpukan pag medyo nabababad na sa ating harapan ang tagayan..
para sa iba siguro, unhygienic yung iisa lang ang umiikot na baso sa isang inuman. pero ito ang nakagisnan ko sa aming probinsya sa quezon. kung di ka makikisalamuha at hihingi ka pa ng espesyal na baso, malamang sabihin sayo e maarte ka o di marunong makisama. ano ka chicks???! e kung yun ngang mga chicks samin e umiinom sa mismong tagayan ikaw pa ang magiinarte??
usapang inuman.. i miss the good old days, yung noon before pa ako magabroad. kasama ang mga barkadang putik.. yung mga tawanan, inuman, at mga kalokohan kapag nalalasing na.. noong mas simple pa lang ang buhay... sure we can brag of things that we have now compared with before pero tingin ko wala nang mas sasarap pa sa dating samahan ng barkada..
noon nga nagkakasya lang kami sa ginpomelo at boy bawang kasi dun lang magkakasya ang aming pera pero wag ka inaabot na kami nun ng magdamagan!
baligtaran pa nga kami ng bulsa para lang lumabas ang pambili! (para lumabas ang pera nung mga tsinatyani ang bulsa sa pagbunot! hehe)
di baleng mangatok sa tindahan kahit alas tres na ng madaling araw na para lang mangutang kay Inang Ading wag lang mabitin sa inuman!
good old days ng tropa..
nakakalungkot lang kasi na isipin na sa bawat paguwi ko sa pinas, pakiramdam ko e unti unting lumalayo ang lahat sa akin. hindi na ganun kadaling mabuo ang grupo kasi may kanya kanyang dahilan. kung kelan may pambili na kami ng masarap na pulutan, kung kelan may inihanda akong imported na alak para sa kanila, at saka saka naman sila hindi mahagilap.
tuloy, unti unting napapalitan ng paghahanap sa "noon" ang bawat pakikiumpok ko sa kanila.
nakakamiss din naman yung bigla na lang susulpot sa bahay mo yung mga barkada mo at hahatakin ka, literally, palabas ng bahay para lang sumama sa kanilang inuman. at pagdating dun, isang simpleng simpleng inuman ang iyong madadatnan... isang tagayan, isang pitsel ng tubig na may nakaplastic na yelo, isang long neck ng matador, pansit para sa mga di pa naghahapunan, at oishi o lala para sa pulutan, gitara para sa mga rakista, mic para sa mga feeling bokalista pag nalalasing na... solb!
at dito lang, sa ganitong paraan, wasted na ang aking buong pagkatao sa espiritu ng alak pero pag nagkita kita ulit kinabukasan di maubos ubos ang tawanan sa jamming ng nakaraang gabi! kung ikaw kaya, ipagpapalit mo nga ba to sa masarap na alak at pulutan?
hinahanap hanap ko rin ang simpleng inuman, hinahanap hanap ko yung patak-patakan, "bente-bente matuloy lang!"... pero mukang di na ata ganun..
wala naman kwenta sa akin yung gumastos sa tomaan kasi parte yan ng samahan ng barkada, nasasabik nga ako sa kanila e.. ang totoo nyan andito pa lang ako sa malayo may budget na akong nakalaan para sa aming mga magdamagan..
ang hanap ko lang naman sana, yung paminsan minsan e hindi gawing basehan sa "pagbunot" ang estado natin sa buhay. yung mga minsan e sabihan ako ulit gaya ng dati, "sama ka brod, may kauntian tayo at malalasing ka dun nang walang kagastos gastos"... o? di ba masarap yun??? yung lasing na lasing ka pero walang kagastos gastos?? tapos hanggang sa tapsihan pagkatapos ng inuman libre ka pa rin! san ka pa? di ba?!
siguro naman di lang ako ang nakakaramdam ng ganito, kung ofw ka, malamang ikaw rin.
drink or drown?? |
"o shot na! iinom ka pa ba??? aba'y di bale nang magtagal sa suso wag lang sa baso!"
pektyur galing dito
an_indecent_mind
9.5.11
Ang yungib! Bow!
Eto na.. eto na yun..
Kung noong unang linggo pa lang ng marso e naiinggit yung mga nasa pinas kasi di hamak na mas malamig pa dito sa buhanginan kumpara sa pinas na noon ay naguumpisa nang maglagablab…
kasi eto na nga… DRY and HUMID season na ulet dito..
Ilang araw na ang nakakalipas, nagsisimula nang magparamdam ang delubyo ng impyerno sa lupa.. minimum porti degri selsyus ap to pipti degri selsyus sa labas kapag tanghaling tapat!
Kaninang umaga, nung papasok ako sa opisina, akala mo ay taglamig.. ma-fog! As in zero visibility from 15 meters.. signs na to.. malapit na.. at oo, humid na.. at maghuhumid pa lalo.. ito yung panahon na hindi mo gugustuhing lumabas ng airconditioned mong kwarto.
Habang naghihintay ng service vehicle namin, kwentuhan pa kami, di nakatiis makidawdaw sa usapan namin ang isang kaopisina ko, isang kabayan…
“ang init na ngayon Sir noh? Yungib na kasi…”
Huh??!!Ampotah! Gusto kong pumatay ng kaopisina!
Ang aga aga e…
YUNGIB talaga???!! |
pektyur galing kay pareng gogol
an_indecent_mind
nakasalansan sa
humor,
laughing trip,
wala kang kupas
20.3.11
B.F.F.
Daphne: Kelangan ba talaga nating gawin to?
Robbie: Ayaw mo ba? E di huwag na lang kung napipilitan ka.. ikaw lang naman ang inaalala ko e.. paano maaalis ang paghihirap mo ngayon kung aatras ka pa?
Daphne: Ang sakit kase talaga! Tas ang init init pa! Ikaw kaya??!
Robbie: Ssssshhh… Ang arte mo naman! ikaw na nga tinutulungan dyan e.. Huwag ka ngang maingay! Mamaya nyan magising pa sila e..
Daphne: Teka nga, san mo naman natutunan to?
Robbie: Sa lola ko, dati kasi tuwing sumasakit tyan ko e bote ng mainit na tubig din ang pinapadampi nya sa tyan ko..
Daphne: Shucks! Lasing talaga ako.. pakiramdam ko umiikot na ang kisame ng bahay namin!
Robbie: Hehehe! Sa isip mo lang yan, ako nga tinamaan talaga, andaya kaya nyong dalawa ako lang ng ako ang umiinom! Bakit kasi naisipan mong shower party e apat lang tayo ng groom-to-be mo... sana lumabas man lang tayo…
Daphne: Susss! Gastos lang yun no! Sakit talaga… waaaahhh!!
Robbie: Sshhhh!! Ingay mo! Mamaya magising mama mo sa kabilang kwarto e.. akina nga! Ako na! di mo naman ata kasi dinidikit sa tyan mo e.. higa ka nga dito sa kama mo taas mo kaya konti yang damit mo..
Daphne: o… tadu ka.. ayusin mo ha? Sapakin kita..
Robbie: hehe! Amputi pala ng tyan at pusod mo.. umiilaw sa dilim! Balbon balbon pa! anong lahi yung ganyan? Hehehe!
Daphne: Ulol! Sapakin kita dyan e! nakita mo pa yun?? Dilim dilim na nga dito sa room e..
Robbie: E syempre! Hahaha! Gusto mo himas himasin ko din tyan mo para maalis ang sakit? Hehe!
Daphne: Ulol! Style ka pa ha? Sumbong kaya kita dyan kay best?
Robbie: Hehehe! Wala plakda na yan o? kita mo nga naghihilik pa.. ako ang dinadaya nyo pero kayo ang nalasing??! Tssskk!
Daphne: Oi! Sandali nga! Tumataas na ang hilot mo ah??!
Robbie: Sus! Enjoy ka nga e.. nakapikit ka pa ngayon.. masakit pa ba tyan mo?
Daphne: Loko ka ha… yung siko mo kanina pa nakadantay at humihimas sa boobs ko.. pasimple ka pa ha..
Robbie: Ssshhh.. relaks ka lang dyan… sarap ba?
Daphne: Loko ka talaga… Hmmmm……
Robbie: Cute mo talaga… alam mo bang anlaking hawig mo kay glydel mercado? pag ganitong madilim glydel na glydel ka o!
Daphne: Wehhh.. nakakatsansing ka na nga bola ka pa dyan… di lang ikaw ang nagsabi nyan no! susss…
Robbie: Anong size mo?
Daphne: 36c, bakit?
Robbie: Wala lang.. apaw kase sa kamay ko e o… hehehe! pinagpala ka talaga.. swerte naman ng bf mo sayo..
Daphne: Well… hihihi
Robbie: Sarap ba? nakapikit ka pa… ansarap mo naman panoorin… Mukang nageenjoy ka ah…
Daphne: uhuh… hmmm...
Robbie: e pano naman ako? Kiss kita ok lang?
Daphne: Tadu!
Robbie: Ssshh… Ingay mo naman… Syempre.. shower party mo kanina… e di eto farewell kiss lang.. walang malisya… hehe!
Robbie: Ano na? silence means yes?
Daphne: Tangna ka!… nahohorny ako sa pinaggagawa mo sakin!
Robbie: Hehe… o e di kiss na… sus para kiss lang e..
Daphne: Sige na nga… puta! Kiss na! isa lang ha! Tadu ka talaga…
P.S.
*ang pagsasalarawan sa taas ay kathang isip lang ho ng may akda, anumang pagkakahawig sa mga pangalan o pangyayari ay nagkataon lamang at di sinasadya. patnubay ng magulang ay di na kailangan.
**pektyur mula sa photobucket
an_indecent_mind
Robbie: Ayaw mo ba? E di huwag na lang kung napipilitan ka.. ikaw lang naman ang inaalala ko e.. paano maaalis ang paghihirap mo ngayon kung aatras ka pa?
Daphne: Ang sakit kase talaga! Tas ang init init pa! Ikaw kaya??!
Robbie: Ssssshhh… Ang arte mo naman! ikaw na nga tinutulungan dyan e.. Huwag ka ngang maingay! Mamaya nyan magising pa sila e..
Daphne: Teka nga, san mo naman natutunan to?
Robbie: Sa lola ko, dati kasi tuwing sumasakit tyan ko e bote ng mainit na tubig din ang pinapadampi nya sa tyan ko..
Daphne: Shucks! Lasing talaga ako.. pakiramdam ko umiikot na ang kisame ng bahay namin!
Robbie: Hehehe! Sa isip mo lang yan, ako nga tinamaan talaga, andaya kaya nyong dalawa ako lang ng ako ang umiinom! Bakit kasi naisipan mong shower party e apat lang tayo ng groom-to-be mo... sana lumabas man lang tayo…
Daphne: Susss! Gastos lang yun no! Sakit talaga… waaaahhh!!
Robbie: Sshhhh!! Ingay mo! Mamaya magising mama mo sa kabilang kwarto e.. akina nga! Ako na! di mo naman ata kasi dinidikit sa tyan mo e.. higa ka nga dito sa kama mo taas mo kaya konti yang damit mo..
Daphne: o… tadu ka.. ayusin mo ha? Sapakin kita..
Robbie: hehe! Amputi pala ng tyan at pusod mo.. umiilaw sa dilim! Balbon balbon pa! anong lahi yung ganyan? Hehehe!
Daphne: Ulol! Sapakin kita dyan e! nakita mo pa yun?? Dilim dilim na nga dito sa room e..
Robbie: E syempre! Hahaha! Gusto mo himas himasin ko din tyan mo para maalis ang sakit? Hehe!
Daphne: Ulol! Style ka pa ha? Sumbong kaya kita dyan kay best?
Robbie: Hehehe! Wala plakda na yan o? kita mo nga naghihilik pa.. ako ang dinadaya nyo pero kayo ang nalasing??! Tssskk!
Daphne: Oi! Sandali nga! Tumataas na ang hilot mo ah??!
Robbie: Sus! Enjoy ka nga e.. nakapikit ka pa ngayon.. masakit pa ba tyan mo?
Daphne: Loko ka ha… yung siko mo kanina pa nakadantay at humihimas sa boobs ko.. pasimple ka pa ha..
Robbie: Ssshhh.. relaks ka lang dyan… sarap ba?
Daphne: Loko ka talaga… Hmmmm……
Robbie: Cute mo talaga… alam mo bang anlaking hawig mo kay glydel mercado? pag ganitong madilim glydel na glydel ka o!
Daphne: Wehhh.. nakakatsansing ka na nga bola ka pa dyan… di lang ikaw ang nagsabi nyan no! susss…
Robbie: Anong size mo?
Daphne: 36c, bakit?
Robbie: Wala lang.. apaw kase sa kamay ko e o… hehehe! pinagpala ka talaga.. swerte naman ng bf mo sayo..
Daphne: Well… hihihi
Robbie: Sarap ba? nakapikit ka pa… ansarap mo naman panoorin… Mukang nageenjoy ka ah…
Daphne: uhuh… hmmm...
Robbie: e pano naman ako? Kiss kita ok lang?
Daphne: Tadu!
Robbie: Ssshh… Ingay mo naman… Syempre.. shower party mo kanina… e di eto farewell kiss lang.. walang malisya… hehe!
Robbie: Ano na? silence means yes?
Daphne: Tangna ka!… nahohorny ako sa pinaggagawa mo sakin!
Robbie: Hehe… o e di kiss na… sus para kiss lang e..
Daphne: Sige na nga… puta! Kiss na! isa lang ha! Tadu ka talaga…
(to be continued)P.S.
*ang pagsasalarawan sa taas ay kathang isip lang ho ng may akda, anumang pagkakahawig sa mga pangalan o pangyayari ay nagkataon lamang at di sinasadya. patnubay ng magulang ay di na kailangan.
**pektyur mula sa photobucket
an_indecent_mind
nakasalansan sa
bestfriend,
fiction,
trust
8.3.11
walang iiyak
I am dying.. Would you tell a lie for me? Would you be kind enough? Would you love me or do every possible thing to make me happy on my remaining days?
Sasabihin mo ba sa akin na, “wag kang mag-alala everything would be fine” or “Matatapos na ang paghihirap mo", "masaya dun” (o sige ikaw na muna ang mauna! Masaya pala huh…)
Madalas kasi, tayo, ginagawa natin lahat para mapasaya ang isang tao na konti na lang ang nalalabing oras sa mundo. Sinusunod natin ano man ang sabihin nila, binibigay natin kung ano man ang hingin nila.
Oras, atensyon, pagmamahal, LAHAT.
Pero bakit nga kaya no? Para lang ba bumawi tayo sa lahat ng mga pagkukulang at masasamang ugaling ipinakita natin sa kanya noong malakas pa sya?
Para lang last-minute shopping e no? Kung kelan konti na lang ang oras saka tayo nagkukumahog na ipakita at ipadama ang mga bagay na hindi nya naramdaman noon, noong maaappreciate pa nya ang lahat ng ginagawa natin ngayon.
Mga ipokrito nga ba tayo na maituturing na pinapalakas natin ang kanilang loob sa mga nalalabi nyang ilang mga araw habang patuloy naman tayo sa pagpapakita ng mga bagay na hindi nya naramdaman noon mula sa atin, showing what he would be leaving behind.
It’s like, we’re trying to detach him from everything he possess here on earth, but still we’re trying to show him how good his life is/can be, at the same time.
So ironic.
Nakakalungkot isipin na maiksi na lang ang oras para ipadama natin kung gaano sila kaimportante sa ating buhay. Nakakapanlumo na bakit ngayon lang, kung kelan huli na, saka lang natin unti unting nararamdaman yung “hollow feeling” sa dahan dahan nyang paglisan.
That sense of emptiness and everything in between.
an_indecent_mind
P.S.
pektyur mula kay pareng gogol.
salamat po sa lahat ng walang sawang pumapasyal sa kwartong ito at sa ilang mga taong patuloy na nangungulit na magblog ulit at nambobola na magaling daw naman ako.. o ayan may bago na akong post, at isa lang ang masasabi ko.. di naman kayo ang dahilan neto! tseh! lols
nakasalansan sa
death,
everything in between,
realization
Subscribe to:
Posts (Atom)