pektyur pektyur! ismayl!!!!

29.4.12

salamas po!


panoorin mo ang isang lumang video na ito na bahagyang kumalembang sa aking maduming pag-iisip. Malamang halos lahat ng babae e negatibo ang ang magiging reaksyon dito sa videong ito. But for us guys, aminin mong nakiliti ang imahinasyon mo sa scenario na to!


Ayos!!

Kung ikaw ba brod (regardless kung married ka or in a relationship) tapos walang ibang nakakakita, walang ibang makakaalam, tapos may chance ka na maka-score sa isang celebrity/sexy/super-hot / girl of your fantasy at very vocal kang i-flirt o kaya pasimple kang hihingahan sa tenga with the words; 

“I am horny… haaaaaaahhh”…..  LOL!!

Imagine this.. Una, walaaaaa kang kagastos gastos, walang tsetse-buretse, tapos one-time-big-time mong makukuha/matitikman/mararanasan yung isa sa mga halos imposibleng bagay na matagal mong pinapangarap.. at eto na nga…. Eto na yun.. magiinarte ka pa ba?? Papakachoosy pa?

Would you go for it?



HINDI, kasi totally devoted ako sa wife/gf ko e..
Universal truth, meron talagang mga ipinanganak na santo o kaya naman ay masyadong panatiko sa kanilang mga partner sa buhay. Kami Sila yung sumumpa na malalaglag ang betlog pag nag-attempt na tumingin sa boobs ng iba o humipo ng kamay ng ibang babae.

Girls, kami sila yung iniwan nyong umiiyak noon kase sabi mo e “boring, masyadong mabait”.. Actually endangered species na kami sila. Bading pa yung karamihan sa kanila.  So kung hindi taken e bading. Asa pa kayo.

Pass ako dyan brod, mahirap na.. baka malaman nya, lagot ako dun!
Chicken nature. Naaalala ko bigla yung alagang tandang ni Mang Kanor, tuwing makakabarako sa isa sa mga inahin buong gilas na iuunat at hahampasin ng malakas ang kanyang dibdib ang kanyang  ang kanyang pakpak, habang yung  inahin naman e walang magawa at masabi kundi… “Pakkpaaakkk ppaaakpaakkk poopaakk pooopaakkkk…” 

Sa totoo lang, hindi naman palaging applicable ang “men are born polygamous”.. paglilinaw lang, hindi kami ander!  nga lang, pinapahalagahan namin ang katahimikan ng aming buhay... 

Meaning? At times, hindi dahil ginagawa namin ang isang bagay na gusto/ayaw ng babae na gawin namin e nawawala na ang tikas ng aming pagkalalake. Ang totoo, nagiging praktikal lang kami. Simple lang, Less mistakes, less confrontations, less arguments, less hassle, menos gastos, more peace of mind.

Gets mo na?

Ganito kasi yan brod.. Regardless kung sino ang at fault sa isang argumento, in the end lalaki pa rin ang may obligasyong magpakumbaba/umintindi/manuyo sa babae. Sounds familiar? Tapos, babae pa ang may lakas na loob na magpahard to get, so kelangan mo pa rin brod mag-effort, magastusan, tumalon sa bangin at magpabangga sa pison para lang mapangiti ulet etong si babae at masabi mong abswelto ka na… yun ang maling akala mo!! “History repeats itself” ika nga.. dahil itaga mo sa bato brod, paulit-ulit na nyang isusumbat at gagamitin laban sayo ang lahat ng mga nagawa mong katangahan.

Mga hinayupak kayo! Oo na! basta atin-atin lang to ah!
Eto yung sagot ng taong napipilitan/nagpapapilit lamang. Hindi naman dahil sa bad influence ang barkada. Pero minsan kasi sila din yung motivating force natin to go out of the norm. Sapagkat ang bawat isa sa atin ay may natatagong paniniwala na ang buhay pag paulit-ulit lang ay nakakasawa rin. 

At dahil sadyang may mga bagay na hindi masaya o hindi mo kayang gawin pag walang magtutulak sayo. Kagaya na lang ng cliff diving o bungee jumping, hindi yan masayang gawin kapag magisa ka. Muka ka lang tanga nun! 

Kahit sa barkadahan may competition pa rin yan. At kung kaya mong gawin ang isang bagay and you can get away with it syempre pa ikaw ang pinakaastig sa tropa nyo..

Kung lahat sila e tumalon sa tulay at ikaw na lang ang hindi, chicken ka.

Kung lahat sila e umiinom ng beer at juice lang ang order mo, ano ka chicks??

Kung lahat sila e may ka-table at nakikihimas ka lang sa katabi mo.. brod hita ko na yan!! bakla ka ba???

Kung etong super sexy na chiching e kusang nagpapatuka sayo, OO SA IYO, IKAW ANG GUSTO, IKAW NA ANG POGI SA LAHAT NG BARKADA MO, tas tatanggihan mo? Kahit pinagtutulakan ka na nila sa isang bagay na alam mong gusto mo din? 

Spell pressure di ba??

GO!
Sagot na walang kakurap kurap! Walang hesitation, walang pressure! Dahil ikaw ang idolo ng mga barkada mo, ikaw ang kinaiinggitan, sapagkat wala kang takot sa consquences, sapagkat astig ka! Dahil ikaw ang alpha male sa inyong grupo!


***

Pero ano’t ano man ang maging choice ng isang lalaki sa bawat pagkakataon, naniniwala pa rin ako sa free will. Kanya kanyang paniniwala, kanya kanyang rason. Ako personally, hindi ako naniniwala na may taong ubod ng linis ang pagkatao. Yung tipong anghel na kumikinang kinang sa puti at linis! 

Tingin ko lang ah, may mga pagkakataon na ginagawa natin ang isang bagay labag man ito o hindi sa ating kalooban, depende sa pagkakataon. Maaring ikahiya natin ito pagkatapos o ipagmayabang pero yung mga pagkakataong kelangang subukin ang ating prinsipyo at pagkatao ang nagbibigay kulay sa ating buhay at mas naghahatid sa atin ng mga tumatatak na mensahe at leksyon.


 an_indecent_mind

14.4.12

ok game!!

sige let's play this, trip trip lang!

may premyo ang pinakacreative at patok!






an_indecent_mind

5.4.12

Reflections


Mahal na araw na at eto ang isa sa mga nakakamiss sa pinas!


Eto ang araw ng mga himala dahil walang mabigat na trapik sa EDSA, makikita na ang mga sasakyan e puro pauwi sa probinsya. Mahabang bakasyon, yung mga hindi natin mahagilap buong taon e nagpaparamdam at ngayon ang tamang pagkakataon para mag-reunion kasama ang mga barkada at pamilya.

Relaxation? Syempre Beach ang unang papasok sa isip natin di ba? Eto ung panahon para magamit na ang pinakatatago-tagong two-piece bikini at saka maipakita ang ipinagmamayabang na six-pack abs. (Well, wala ako nyan one pack ab lang ang meron ako, one big pack! LOL!)

Pero para sa sa ating mga OFW na malayo sa ating mga pamilya, lalo na yung mga andito sa disyerto na walang laya na magdaos ng ganitong mga okasyon, wala tayong magawa kundi ang mainggit sa kanila at magbuntong-hininga..

Pero subukan kaya natin gawing mas malalim ang kahulugan nito para sa ating buhay? Tutal madami naman tayong oras e. Gawin kaya nating ang mahal na araw ay simpleng pananahimik, pagsisisi sa ating mga nagawang kasalanan, pag-aayuno at penitensya, pagninilay-nilay sa mga aral ng ating mahal na Panginoon. Tingin ko, hindi naman kelangan magpahagupit hanggang mawasak ang likod o kaya e magpapako pa sa krus para lang maipakita na nagsisisi tayo sa mga nagawa nating kasalanan.

Higit sa anupaman, para sa akin mas importante pa rin ang mataimtim at taos sa puso na pagdarasal at personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Kahit nga simpleng pagpigil sa mga bagay na gustong gusto nating gawin e isang uri na din ng penetensya yan e. Pwede namang magpahinga muna sa paggamit ng Facebook, paglalaro ng video games, o kaya e papagpahingahin muna ang ating celfon.


Pagninilay. Sa mga bagay na nangyari at nangyayari sa ating buhay, mabuti man o masama. Ano nga ba ang tunay na mensahe ng Panginoon sa atin?

Pagpapasalamat. Sa lahat ng mga biyayang dumating at nakamit, sa mga bagong kaibigan, bagong trabaho, bawat araw ng paggising, panibagong pagkakataon para magbago.

Pasensya. Sa lahat ng mga bagay na ating pinakaaasam asam at matagal nang idinadasal, maaaring hindi pa napapanahon na ibigay sa atin o kaya naman ay may mas magandang plano ang Diyos para sa atin.

Pagpapatawad. Sa lahat ng mga taong nakasalamuha, naging kaibigan o kasamaan ng loob. Kagaya ng pagpapatawad ng ating Panginoon sa lahat ng mga umalipusta at tumuya sa kanya at sa buong puso nyang pagtanggap sa kalooban ng ating Ama.

Pagbangon. Mula sa masamang nakaraan, ang okasyon na ito ay isang simbolo ng patuloy na pagbangon. Maaaring nasaktan tayo, maaring nadapa at nasugatan, nagrereklamo ka na ba? Alalahanin mo ang limang banal na sugat na ininda ng ating Panginoong Hesus noong mapako sya sa krus, para sa atin.

Pagpapahalaga. Maaalala mo ang mga taong nakatulong sayo na maging isang mas mabuting tao. Ang mga taong naging kasangkapan upang maipadama ng Panginoon ang kanyang walang hanggang pagmamahal sa atin.

Pagkamulat. Maaalala mo ang mga ang mga taong nakagawa sayo ng masama at mga pangyayari na hindi akma sa ating kagustuhan. Sana, sa pagdiriwang na ito makita natin ang malaking imahe at tunay na mensahe sa ating buhay ng mga pangyayari at hindi tayo tumingin sa maliliit na detalye lang. Maaaring nangyari ang lahat para mamulat ang isipan natin sa mga kung anong meron tayo, sa mga bagay na walang saysay at dapat na lang talikdan at mas pahalagahan ang mga taong tunay na nagpapahalaga satin. Sapagkat ang bawat tao, mabuti man o masama, ay isang instrumento at kasangkapan para sa ikabubuti ng kanyang kapwa, depende na lang sa kung paanong aspeto natin ito titingnan.

Pagbabago. Kelanman, hindi naman naging huli ang lahat para sa ating pagbabago. Walang sinumang pagkasama-sama sa mata ng tao ang masama para sa ating Panginoon. Alalahanin natin, ang kanyang mga disipulo at mga propeta ay pawang mga makasalanan. Subalit sila ang mga tinawag at buong pusong tinanggap para ipahayag ang mga salita ng ating Panginoon.

Pamilya. Higit sa lahat, ang mahal na araw ay panahon ng muling pagsasama-sama ng buong pamilya. Isang piging, isang malaking salo-salo. Panahon ng kamustahan, tawanan at muling pagiging isa.

At syempre naiinggit naman ako! Haha!

Sa lahat, enjoy your long vacation!

Stay safe!



an_indecent_mind





LinkWithin

Related Posts with Thumbnails