pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label ex-gf. Show all posts
Showing posts with label ex-gf. Show all posts

13.6.09

my future ex-gf

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.” BOB ONG

Isa ako sa mga klase ng tao na nabanggit sa taas..

Kaya nga… Wag kang umasa, wag kang mahulog…

ikaw na din mismo ang nagsabi sa akin, “ingat ka sa akin, baka ma-fall ka”

bakit ikaw di ka nag-ingat??

5.6.09

tsikinini


Napanaginipan na naman kita kagabi..



Mas matindi kaysa nung mga nagdaang gabi, mas maharot ka kagabi… mas maalab ang mga halik, mas mainit at mapangahas ang mga haplos, may kakaibang ritmo ang bawat paggalaw…



tinadtad mo pa ako ng kissmarks sa leeg hanggang sa dibdib, pati parteng singit ko hindi mo pinatawad… nakita ko ang sarili ko sa salamin, nagmukha akong pinyang maraming mata dahil sa ginawa mo!



Napapansin ko, palagi mo na lang akong hinahalay lately at di ko alam kung bakit...



Di ko gustong i-entertain ang ganitong mga thoughts, hindi dahil sa anupamang kadahilanan ngunit dahil sa bugso ng mga pangayayari e nananariwa ang mga alaala ng ating mga sexcapades noong tayo pang dalawa…



Kahit di ko ito ginusto, paulit ulit itong nangyayari sa aking sub-conscious mind. Kinwento ko na sa yo yung ganitong panaginip nung minsan lang, at natawa ka lang sa akin.. Di ko nakuha ang kahulugan ng mga tawa mo, ipinalagay ko na lang na “nakiliti” ka rin at bigla mong na-miss ang nakaraan nating dalawa..



Buti nga kamo at wala akong installed na camstudio sa utak, nacapture sana kita at nagawan ng sex video..



Di ko alam kung anong dapat kong gawin para di na maulit ang mga ganitong kalapastanganan mo sa kin…



at kagaya mo, natatawa na din lang ako… wahahaha!!



*pektyur mula sa flickr

19.4.09

bakit ako???!!

“wag mo akong sisihin, ikaw ang nauna…”

bakit?? di ba tinanong kita dati? di ka na kumibo, dinadaan mo lang ako sa iyak… alam mo naman malambot ang puso ko sa ganyan.. ako naman si gago kahit ayaw ko na, dahil alam ko naman na wala tayong direksyon, di pa rin kita iniwan, akala ko kasi di ko kaya..

alam naman nating mali, may iba pang kaluluwang nasasaktan. mabuti nga yung sayo, di nya alam ang ginagawa mo, di xa nasasaktan. e ako? alam nya! at nakikita ko kung papaano madurog ang puso nya at lumuha ng dugo sa bawat natutuklasan nya, pero tinitigasan ko ang puso ko. binibitiwan ko na xa, pero kumapit pa rin xa sa akin, sa pag-asang may panahon pa, may solusyon pa na maibalik yung “dati”. pero nabulag na ako, nabingi na rin, tumitigas na ang puso ko. pilit kong dinidiktahan ang puso ko na ikaw dapat, ikaw talaga dapat.

hanggang sa nagpaubaya na sya. di na nya kaya ang pait na nadarama nya, di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, nasasaktan din naman ako na makita syang ganun. na nagdurusa sya dahil sa kagaguhan ko; ako na wala nang pakialam sa kanyang nararamdaman. hindi din ganun kadali itapon ang pinagsamahan namin, yung mahabang panahon, yung mga alaala. pero paksyet! pinili pa rin kita!

o ngayon, malaya na tayo, nakadurog tayo ng dalawang tao sa mundo. tapos ano? akala ko nung pinili mo ako, isusuko mo ang pagkatao mo sa akin, handa mo nang harapin ang bukas kasama ako.

pero ganun pa rin, ayaw mo man sabihin sa akin ng diretso pero pinapipili mo pa rin ako! yun pa rin ang sitwasyon natin, kapareho pa rin nung sampung taon ang nakakalipas, kung bakit din tayo naghiwalay. akala ko ba matigas na buto mo ngayon? akala ko ba kaya mo na? bakit ako ang hinihingi mong magpaubaya? e ikaw? basta ba ganun-ganun na lang?? testingan ba ng lalim ng pagmamahal?? di naman simpleng prinsipyo o pride ito e..

oo pareho tayo, magkaiba ang paniniwalang kinamulatan natin.. akala ko rin noong una, walang hindi kayang lagpasan ang pag-ibig natin. pero bakit ito pa rin ang kinalabasan? hindi naman kita pinipilit na maniwala sa pinaniniwalaan ko, pero sinabi ko na sa yo, na hindi opsyon ang paglayo nating dalawa o pagkakaroon ng anak. di yun solusyon, kailanman e hindi solusyon ang pagtakas sa problema. sabi ko nga sa yo, simple lang naman ang solusyon, para patas, pareho tayong umalis sa ating paniniwala, magsimula ulit tayo. ngunit ayaw mo, ramdam na ramdam ko na gusto mo akong hatakin. ayaw mo lang sabihin kasi alam mong mapapahiya ka lang. mas pinili mo pang manahimik at masaktan kaysa magbitaw ng desisyon sa problema.

unti-unti, pinilit kong ilayo ang sarili ko sa yo, pinilit kong tanggapin na dead end ang daan na nilalandas natin. tinanggap ko na rin na hindi pala totoong may palayok na ginto sa dulo ng makulay na bahag-hari. oo, masama akong tao, sa paraang masama ka rin. nangyari ang lahat ng ito sa paraang ginusto nating dalawa. may mga bagay na hindi inungkat, hindi pinag-usapan, piniling wag sabihin sa isat isa. totoo na parang hindi.

may kanya-kanya na tayong buhay, sabi ko nga masaya ako para sa iyo, dapat ikaw rin para sa akin di ba??!

akala ko ba nakamove on ka na? bakit may pait pa rin ang mga salita mo? akala ko ba pumili ka na kagaya ko? akala ko ba sigurado ka sa desisyon mo?

di ba ito naman talaga ang gusto mong mangyari??






8.4.09

my ex-gf’s wedding


“hindi lungkot o takot ang mahirap sa pagiisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.” -- bob ong

chuck: ”cgurado ka papakasal ka na sa kanya? mahl mo or gusto mo na lang mag-aswa?”
friend: “bwal mgtnong kc di q alam ang sgot….”
friend: “mahal q... di aq sure. hehehe”
friend: “mbaet nman cya. di aq ninaaway.”


eto ang eksaktong huling pag-uusap namin ng ex-gf ko mga ilang buwan na din ang nakalipas.
mula nang pumasok ang buwan ng abril, ngayon ko lang napagtanto kung ano nga ba talagang meron ngayong buwan na ‘to na palaging gumuguhit sa utak ko pero di ko maalala. buwan nga pala ng balak nilang pagpapakasal.


sa nabanggit nyang balak nilang pagpapakasal ng bf nya, bagamat matagal tagal na din silang dalawa, hindi ko pa rin napigilan na itanong kung sigurado na ba sya sa desisyon niya. sa kasalukuyang edad nya na 29, hindi naman ako nagtataka kung bakit nagmamadali na siyang mag-asawa. ngunit kung tutuusin, madami naming iba na nagpaparamdam sa kanya, pero di ko alam kung bakit ayaw nya ulit sumugal sa panibagong relasyon.








dahil sa hindi lang kaopisina, kaibigan o mga kamag-anak nya ang palaging umuurirat sa kanya kung kelan ba talaga sya lalagay sa buhay na (magulo) tahimik, (napilitan) napagdesisyunan na rin nya siguro ang bagay na ito. wala na nga siguro syang hinihintay… o di kaya, kung maghihintay pa rin sya o magpapatumpik-tumpik pa, baka abutan na sya ng “curfew” o di kaya ay maiwan ng huling byahe. totoo, nakakatakot ang tumandang mag-isa..


di kagaya naming mga lalake, maaari kaming pumili kung sino ang gusto naming makasama sa buhay. pero sa kinamulatan nating kulturang pilipino, kung saan lalaki ang nanliligaw, ang mga babae ay naghihintay lang ng darating sa buhay nila. pag marami, swerte, makakapamili sila. ngunit paano kung isa lang ang dumating? o wala? paano na?


tatanggapin mo na lang ba na siya yung taong ibinigay sayo ng nasa itaas o maghihintay ka pa ulit?


pero, hanggang kelan mo kaya kayang maghintay? at hanggang kelan ba dapat?







...." god determines who walks into your life. it is up to you to decide who you let walk away, who you let stay, and who you refuse to let go."....

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails