pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label windang moments. Show all posts
Showing posts with label windang moments. Show all posts

7.5.10

IKA-LABING ISANG UTOS (ang mahiwagang kapote.. bow!)


ANG MALAINOSENTENG TANONG:
Honeeeyyy…… bakit may condom ka sa wallet mo? Magsabi ka ng totoo…

ANG NAKAGIGIMBAL NA SCENARIO:
naliligo ka nun sa banyo, at nakakalat lang ang wallet mo, naisipan ng gf mo na bulatlatin at may nakita syang unused condom.

ANG MASAKLAP NA PROBLEMA:
Hindi kayo gumagamit ng magic kapote ng gf mo pag nagsesex kayo!!

ANG MALAGKIT NA KATOTOHANAN:
gumimik kayo kagabi ng barkada. Nagkainuman. Nagkaayaan na iupgrade sa highest level ang kasayahan. Nagkaayaan dalawin ang AF1. Dumaan sa convenience store, bumili ng ilang boxes ng condom. Nagenjoy. Naging bobo, nagiwan ng ebidensya sa wallet, nakalimutan ang ikalabing-isang utos.

ANG NAKAKATAKOT NA KASUNOD NA PANGYAYARI:
posibleng mabisto ka. Magiging bad shot sa gf mo ang barkada mo, at lagi kang pagdududahan sa tuwing may lakad kayo. I-torture ka ng gf mo, sa pananakit na pisikal, pakonsensya effect, wawasakin ang puso mong bato sa pamamagitan ng silent treatment at coldness o di kaya naman ay walang patid na pag agos ng isang timbang luha galing sa kanya. In short kailangan mo syang suyuin,flowers, letters, chocolates, at shopping spree. (Wag kang magpakasaya kapag napangiti mo na sya, dahil sa kasunod na pag-aaway nya, kahit irrelevant, lalabas ulit ang pangyayaring ito.)

o kaya naman,
para maiwasan ang sakit sa ulo, posibleng magpalusot ka, gamit ang alinman o kumbinasyon ng mga ito..

ANG MGA INSTANT PALUSOT (habang namumutla at nauutal utal ka):
a. May namimigay kasi ng libreng condom dun sa may kanto, para sa HIV awareness campaign daw
b. Nung minsan pa yan, kay pareng kolokoy yan, ipinapatapon sa akin nakakalimutan ko naman
c. Ah oo, nakwento lang kasi sa kin ni pareng kolokoy, nacurious lang ako.. bago daw yan glow in the dark, flavored at sensation plus pa.. look honey o! lika try natin?
d. Ahhh para kay utol yan.. alam mo naman nagbibinata na, kelangan kong turuan na maging safe, iwas disgrasya.. alam mo na..
e. Ano ka ba???!! Bakit pinapakialaman mo wallet ko??! Tas pag may nakita ka, kung ano ano tinatanong mo??! (sabay walk out)
f. Galing kami AF1 kagabi, kumuha kami ng mga sobrang gaganda at sexy na chikas, actually la ka nga sa kalingkingan nung mga un e… ayun , enjoy naman! Actually sobra na lang yang isa e, nireserba ko nga lang kasi balik daw ulit kami dun one of these days.. ok lang ba honey? (yun ay kung may buhay ka pa 10 mins after mo sabihin to)
g. ............................. (share your own palusot here mga brod)

IMMORAL LESSON: hindi masama ang maging boy scout basta laging tandaan i-apply ang ikalabing isang utos palagi, HUWAG KANG PAHUHULI.. at kung gusto mong tumagal ang buhay mo, i-apply ang ikalabingdalawang utos, HUWAG KANG AAMIN!! Magkapitpitan na ng bayag parekoy, wag na wag kang aamin!!


pektyur galing kay pareng gogol

3.4.10

Friends??


“Hoy! Gago ka! Alam ko ikaw yan! I-add mo ako now na! Kung hindi, irereport kita as spam!”


Yan.. ganyan man lang sana na message pwede na rin.. kahit masakit sa tenga ok na rin… kaysa naman basta na lang ako makakareceive ng mga friend requests na blangko. Blangko, walang message man lang. Blangko kasi pati mukha e di ko maalala kung magkakilala nga ba talaga kami..


Or else, mag send ka ng friend request e add ka naman man lang ng message, pakilala man lang kaya no? kung natapakan ko ba luya mo sa paa habang nagmamadali ako? Kung tinakbuhan ba kita matapos kung tumuhog tuhog ng tinda mong calamares at fish ball? Kung itinakbo ko ba yung pusta nyo sa basketball? Kung nai-table ba kita isang gabi tas di kita binilhan ng LD at nagshare lang tayo sa bote ko? Yung mga tipong ganun?


Kahit panget pakinggan, Oks na rin kahit paano. Di yung bigla na lang poooff!! Coco crunch!
Di ko maintindihan ang mga friend requests na bigla na lang sumusulpot na parang kabute from out of nowhere, ang tinutukoy ko dito e yung sa FB, FS at kung san san pang social networking sites.
Ubos oras kaya na magbulatlat pa ako ng lahat ng pektyurs mo at pakatitigan hanggang sa magkandaduling ako para lang maalala kung san tayo nagkakilala. E mabuti sana kung matalas ang memorya ko, madali lang sana kitang maalala. E kaso nga hindi, utak ipis lang ako sensya na!
Tapos, matapos akong pahirapan kakabulatlat e di ko talaga maalala kung kilala ko ba sya. Or konektado ba kami in any way.


Haaisssss! Maano bang magpakilala na, “hi, number one fan mo ako” o kaya “stalker mo rin ako.. pls add me!”


No offense, but ako kasi kaya ako nagpapadala lang ng friend requests e para sa re-connection ko dun sa tao, na kakilala ko. Marami pa akong gustong makareconnect, gaya nung mga:


-mga dating kaibigan ko nung elementary pa ako; sila yung mga pinapanood ko habang nagcha-chinese garter, yung mga nakasama kong napaluhod sa bilao ng munggo, yung kasama ko pagpapaanod ng tsinelas sa tubig baha


- mga kaklase ko nung day care, yung mga tumawa sa akin kasi pipilay pilay ako dahil baligtad pala ang pagkakasuot ko ng aking sapatos


-yung batang babae na nabasagan ko ng kanyang gitarang bandoria kasi tinamaan ko ng volley ball pagspike ko ng ubod lakas! Nyay! Lagot ako!


-of course yung mga high school friends na kasama ko sa lahat ng kalokohan; vandalizing sa cr at sa mga upuan, pamboboso sa ilalim ng lumang main building; pagiging “friendly” sa mga classmates naming super hot! cutting classes para kumain sa canteen, pagpapaiyak ng substitute teachers (churi! Hehe), pangongolekta ng locknut at washers ng mga upuan wahehehe!


-yung mga importanteng tao na naging bahagi ng buhay ko syempre, yung seyoso at matured na buhay hehehe!


-mga bagong taong interesante


Nag-iinarte? Oo, suplado na kung suplado. Pero di ko kasi ugali na basta mag-add lang nang mag-add… tapos di ko naman kilala… ano yun pamparami lang?


Nga pala, may isa pa… pasintabi lang po…


No offense meant, di naman siguro masama na maging friends pa ulit kayo ng ex mo di ba? After all may pinagsamahan din naman kayo… pero dapat siguro maging responsible, considerate din at sensitive kayo both, especially sa mga comments at reactions na ipino-post mo sa pages nya sa networking sites. Syempre meron at merong tao na masasagasaan at hindi agad makakaintindi kung bakit kelangan na may connection pa kayo ng ex mo.


Kasi kung bigla ka tanungin na bakit kelangan may communication pa kayo ulit, makakasagot ka ba kaagad? Sige nga, Bakit nga ba?


And kung i-delete ka sa account nya, alam mo na yung ibig sabihin nun...


tabi-tabi po...






20.3.10

laman for sale



an_indecent_mind: hello!

admin: welcome an_indecent_mind

an_indecent_mind: newbie here, anong meron dito?

chocnat: hello an_indecent_mind, asm?

keso: hi there, asm?

jepoy: hey! asm?

glentot: asm?

niqabi: asm??

an_indecent_mind: hello people! asm???

abs: asm; age, sex and magkano??

an_indecent_mind: ......................


(tulala, nakatitig sa blinking cursor, nag-iisip ng kasunod na ita-type.. walang mahagilap… insert mga kuliglig in chorus here)




an_indecent_mind: bye pips!


*off*


amfufu!


ganito na pala ngayon sa chatroom??! Nakakawindang!!!


iba na talaga panahon ngayon! tsk!


disclaimer: ang pagsasalaysay po sa itaas ay batay sa tunay na pangyayari; ang pangalan ng mga sangkot na personalidad ay minarapat na ibahin upang mapangalagaan ang kanilang pagkatao. anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay di sinasadya at nagkataon lamang.




LinkWithin

Related Posts with Thumbnails