dumadating ang mga pagkakataon na kelangan mong magpaalam, sa isang bagay na nakasanayan mo na, sa isang kaibigan na walang sawang naghatid ng saya at ngiti sa araw-araw mo, sa isang samahang walang kasinlalim at dalisay na akala mo noong una ay walang katapusan at minsan sa mga pangakong nabuo sa salitang “forever”. di naman maiiwasan ito sapagkat wala naman talagang permanente sa buhay ng tao, lahat maaring mabago o mawala sa isang kisap mata lamang.
ang isang bagay, gaano mo man ito kagusto na nasa kamay mo lang, ano mang pilit mo na wag munang bitiwan, sa katiting na pag-asang maaring meron pang magagawang paraan na hindi mo pa nasubukan, dadating pa rin sa punto na wala ka nang magagawa kundi tanggapin na lang na hindi na talaga pwede.
nothing is permanent in this world ika nga -- even life, even relationships, even a blogger’s blog.
naalala mo pa ba nung una kang pumasok sa blogosperyo? noong bago pa ang lahat sa iyong paningin? noong nagumpisa kang makibasa at mag-stalk sa isang blogista na super astig magsulat? noong puntong sinabi mo sa iyong sarili na, “hindi ako magaling magsulat, pero gusto ko ding magblog”. at dahil sa munting pangarap mong iyon, nagsimula ang pagikot ng buhay mo sa blog. sa mundong ito kung saan marami kang nakilala, natutunan, napatawa, at napahanga.
noong una, andami dami mong gustong isulat, andami mong gustong ibahagi sa iba, andami nilang nagsasabing “maganda ang pagkakasulat mo”, “magaling ka!”. ngunit matapos ang ilang posts, ilang panahon, bigla kang nabakante, bigla kang nawalan ng ganang sumulat, para ka na lang nakalutang sa kawalan. nawala na yung excitement na kagaya noong una mong pagpapakilala sa mundo ng blog, yung excitement na naramdaman mo nung unti unting may nakakakilala sa munting talento mo, yung feeling of fulfillment pag may nagsasabi sayong maganda ang pagkakasulat mo at nakarelate sila sa mga experiences mo.
ngunit darating ang maraming beses na biglang mawawalan ka ng interes na magsulat. bigla na lang mamamatay yung dating excitement mo na magkwento at magbahagi ng mga salitang hinuhugot mo sa iyong pagkatao..
inabot mo na ba yung punto na parang naoobliga ka na lang na magsulat, dahil maraming naghihintay sa mga hirit mo? tapos, andyan pa rin yung mga bumisita, nagkumento, naglink sa yo at humihingi ng exlinks, kelangan mo sila bisitahin isa isa.. magbasa ng posts nila.. natabunan ka na ng sandamakmak na gagawin, hanggang nakakatamad na sa sobrang dami ng kelangan mong gawin! hanggang sa kalaunan, di mo namamalayan, naging hiatus blogger ka na…
------
hiatus blogger
noong nagsimula ako dito sa blogosperyo, iba ang “trend” noon, marami kang mapupulot, may lalim ang bawat post. sa aking paglilibot marami akong hinangaan sa estilo ng panulat, sa pagpili ng mga titik, sa paglalapat ng emosyon sa bawat salitang sinasambit at nakakatuwang mga akda na sa kanilang pagkwekwento ay nadarama ko yung saya, lungkot, aral, pananaw at impormasyon na gusto nilang ibahagi. sa tulong nila, naging mas bukas ang aking isipan at mas malalim at malawak na pananaw sa buhay.
ngunit sa paglipas ng panahon, saksi ang marami sa atin at nakakalungkot isipin na maraming magagaling at mga aktibong blogger ang unti unting nawala, dumalang ang posts, pansamantalang namahinga ngunit sa kalaunan ay tuluyan nang nawalan ng siglang magsulat muli.
marahil ay abala na sila sa ibang bagay ngayon, marahil tuluyan nang nawalan ng interes yung iba, o kaya ay napagod? siguro lumalablayp na sila ngayon, siguro masyado na silang abala sa kanilang personal na buhay, sa totoong mundo. o siguro masaya na sila ngayon at nahihirapang tumipa, kasi nga mas madali daw makahugot ng emosyon at inspirasyon sa pagsusulat kung may pinagdadaaanan ka. o kaya naman ay nandyan lang sila sa tabi tabi, nakikibasa pa rin ngunit hindi nagpaparamdam.
panghihinayang. yun ang nararamdaman ko sa paminsan minsang pagbalik balik ko sa kanilang kuwarto, umaasa akong may bago mula sa kanila. sa bawat pagdalaw ko at paghalungkat sa mga natatago nilang mga posts, andun pa rin ang kakaibang ngiti at inspirasyon na naidudulot nila sa akin.
"asan na nga ba sila?"
photocredits mula sa flickr.com
totoo bang dumarating sa punto na bigla na lang umaayaw ang isang blogista sa kadahilanang wala na syang maisulat? may ganun ba? walang maisulat? o dili kaya naman ay masyado na lang silang nakahon sa konsepto ng kanilang pahina na tila sila mismo ay nawalan na ng laya para direktang ipahayag ang kanilang saloobin? ilan kaya sa mga hiatus bloggers ang mas piniling magbukas na lang ng panibagong kwarto para doon na lang tahimik na magsulat? mas malaya, mas pribado, mas tahimik.
kung nababasa mo ito, ikaw na isang blogger-on-hiatus mode, balik ka na, namimiss ka na namin… ikaw at ang mga pakwela mo, ikaw at ang mga kurot sa puso namin dulot ng mga likha mo.. balik ka na, namimiss na naming magbato ng kumento sa mga posts mo..
----
kumento
hindi naman maitatanggi na ang palitan ng kuro-kuro, saloobin, batuhan ng mga patutya o simpleng kumento ang isa sa nagpapadagdag kulay sa bawat akda ng isang blogero at sa tingin ko, kulang ang isang post kung walang nito.
pano mo sasabihing masarap ang luto mo kung ito ay angkop lang sa panlasa mo at walang ibang tumikim at nagsabing “masarap nga”?
nagsimula kang magsulat upang magbahagi, hanggang sa kalaunan parang naging entertainer ka na sa mga mambabasa mo. nagkaron na din ng pressure sa mga sinusulat mo. naging de-kahon ka na rin, tumitipa ka pero madalas yung angkop lang sa panlasa ng mga mambabasa mo ang nililikha mo. di ka pwedeng mag-emo, di mo na kayang magsulat ng may lalim at personal, di mo na kayang maging simpleng ikaw. di mo na kilala ang sarili mo, binasa mo ang iyong mga nauna at lumang akda, malaki na nga ang pagkakaiba ng noon at ngayon..
kung ikaw ang tatanungin ko ngayon, bakit ka ba nagba-blog? para sa sarili mo o para sa mga mambabasa mo?
matagal tagal na din akong nabakante, nagpahinga at medyo matagal na nanahimik, pero di pa ako umaayaw. heto ako ngayon, muling nagbabalik para sa aking ikasandaang post.
---
C
kung umabot ka sa puntong ito ng pagbabasa sa mahabang post na ito, maraming maraming salamat. kung nag skip read ka as usual, sayang pero di mo nalaman yung tsismis na sinabi ko dun sa itaas tungkol sa dalawang blogero na nadevelop dito sa blogosperyo at kung sino yung kras na blogista ni chiklet at ni keso… sayang!! tsk! hek hek!
almost 18 months of my existence here in blogspot, 144 followers, total of 958 comments and a handful of new friends.. yan ang buhay blogista ko..
at ngayon, sa pagtatapos ng hiatus mode ko at ang aking panata na isa isang bisitahin at balikan kayong lahat na mga dumalaw at nagkumento sa akin, tingnan natin ang resulta…
sila na mga minsang napadalaw at nagparamdam dito sa kuta ko,
at sila din na “not once, not twice….” na nakibasa at nagparamdam,
at yung mga suki ko dito, (madalas skip read, minsan magcocomment ng “hehehe!” lang, at yung iba e nagsasabi ng “maganda ang structure” (mga nagkumento ng may bilang na mula sampu hanggang dalawampung kumento)
at ang mga talaga namang walang sawang nagpabalik balik dito:
super keso ng
chi! (32 kasabawan)
at ang nag-iisa, walang gustong gumaya makagaya, ang nag-top sa pagkatalentado ng backreading at halungkat posts ko.. akalain nyong una syang nagkomento e 22 August 2009 pero nagalugad nya pa lahat ng posts ko, mapa walang kwenta man o walang kwenta, at tyinaga talagang isa-isahin? ang aking number 1 stalker of all time;
at emdyey, dahil sa iyong pagiging number one all-time-big-time fan/stalker ko at sa pangako ko na pasikatin ka bastat magdidikit ka lang sa akin higpit ng pangangailangan na maituro ang blog mo (sori, pero nagpaalam naman ako sayo na ibibigay ko link mo di ba? di ka nga lang pumayag! hehe!), may munti namn akong pakuwensuwelo sorpresa sayo.. pls PM me..
sa lahat ho ng pumasok sa bahay na ito, sa inyo na nakitawa at nakikumento at nagdagdag kulay sa bawat salitang ibinahagi ko, maraming maraming maraming thank you beri beri mats po!
photocredits mula sa flickr.com
an_indecent_mind