Naranasan mo na bang maghintay ng phone call? Ng reply sa text messages mo? Pero at the end e naghintay ka lang pala sa wala at puro frustrations at sama lang ng loob ang napala mo…
Naranasan mo na bang umasam asam na makasama ang isang tao sa isang beautiful relationship? But, at the end e friendship lang pala ang kaya nyang ibigay sayo?
“Fuck! Di ko kailangan ang friendship mo! Marami na akong kaibigan!” ampalayang ampalaya ano?
Com'on! Wag na tayong maging ipokrito at ipokrita! Hindi na tayo bata para makipaglaro ng guessing game o makipagtaguan-pung. Truth is, we don’t normally pursue, or give much of our time and attention to someone or anyone without any intentions behind it. Hindi tayo mag-uubos ng load at makikipagpuyatan pagchachat para lang makipagkaibigan o makipaglandian. There must be some valid reasons behind it. At sa aminin man natin o hindi umaasa tayo, directly or indirectly, for something bigger to happen kapalit ng lahat ng ginagawa natin.
Another point is, nakakasanay ba ang frustrations? Ang paghihintay sa maga bagay na parang hindi naman darating kelanman? Hindi ba parang in the long run e puro negativity na lang ang naiibigay sa atin nun? To the point na pag may dumating at kahit feeling natin e eto na talaga yung real chance, yung right right right chance, para sa atin e still hesitant pa rin tayo at i-reject lang natin kasi baka false alarm na naman or gaya ng dati e palpak na naman.
Gasgas na para sa atin ang salitang perseverance at patience pero hindi naman kasi nakakasanay ang masaktan sa paghihintay. Hindi nakakasanay ang mafrustrate. Hindi din kelanman nakakatuwa ang malaman mong at the end e wala ka palang inaasahan, wala ka palang hinihintay.
Worst is, sabihin sayo na, “Hindi ko naman sinabing maghintay ka ah? Choice mo yan”
Fuck! Fuck talaga! Di ba?
Knowing that you’ve wasted your time sa paghihintay sa isang bagay na di naman pala talaga mangyayari, maybe not now. Or not ever.
Pero naisip mo na ba?
Di kaya minsan mali lang talaga tayo ng hinihintay na chances? Sa isang pag-asam na di naman pala talaga posibleng mangyari? Na suntok sa buwan naman talaga yung inaasahan natin?
Hindi kaya mali lang tayo sa paghihintay sa isang maling tao? Sa isang tao na hanggang dun lang naman pala talaga ang kayang ibigay? Na ipinipilit lang natin ang isang bagay na hindi naman talaga pwede?
Hindi kaya may ibang naghihintay ng atensyon mo? O baka naman, hindi mo lang napapansin pero ikaw ay isang frustration din ng ibang tao?
Be still, open your eyes. Look around you, maybe you’re the most precious fruitcake for somebody, na antagal nang naghihintay ng konting atensyon mo.
"There's a fruitcake in everybody
There's a fruitcake in everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun
Just take a bite
It's alright
Taste the taste that sent all mothers giggling in sheer delight
Take a bite
It's alright
A little lovin and some fruit to bake
Life is a piece of cake"
an_indecent_mind