pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label ako. Show all posts
Showing posts with label ako. Show all posts

9.11.10

TAMAAAA!!!

Ikaw na lang ang LAGING TAMA!

Ikaw na ang MADAMING ALAM!

OK FINE!

Ikaw na ang BRIGHT!





Point of Argument: ON BEING RIGHT.


SHE SAID: Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mali ay mali at ang tama ay tama. Hindi lahat ng ikakasaya ng isang tao e ang pagiging tama. Also, Being responsible is not being always right. Being responsible is yung alam mo kung kelan ka gagawa ng tama at alam mo kung kelan ka gagawa ng mali. At hindi ibig sabihin na gumawa ka ng mali e masama ka na o masama yung ginawa mo, nasa sitwasyon yun. As long as kaya mong ibalanse ang lahat ng bagay, kaya mong ipaliwanag at kaya mong ipaglaban ang sarili mong pananaw.

HE SAID:Yun nga kasi ang mali dun, yung alam mo nang mali pero ginawa mo pa rin dahil lang alam mo  na kaya mong ipaliwanag at panindigan after at kasi alam mong maiintidihan ka naman. Pero looking at it, tama pa rin ba yun? The end does not justify the means.

Sino nga ba ang totoong MAY TAMA?

 
 
an_indecent_mind

9.6.10

huwag mo akong salingin



Mataman akong nakikipagtitigan sa papahilom na mga sugat sa braso, tuhod at balikat ko. Isang linggo makalipas ang aksidenteng inabot ko sa basketball, nagsisimula nang kumati ang mga sugat palatandaan na nagsisimula na itong matuyo. Gusto ko sana itong kamutin pero mas namayani ang pagdadalawang-isip.

Makati ang sugat na nababahaw, masarap kamutin! Ngunit alam kong pag nasimulan na mahirap na itong pigilan, sapagkat lalo itong kumakati sa bawat pagkamot at syempre pa dahil kakaiba ang ginhawang naidudulot nito, nakakaadik.

Bagamat madalas tayong sinasabihan na wag kutkutin ang ating sugat kasi magpepeklat mas madalas din na nagiging matigas ang ulo natin. Kapag walang nakatingin, ang simpleng kamot na nagdudulot ng kakaibang ginhawa ay naglelevel up sa pakikialam sa langib ng natutuyong sugat.

Bakit nga ba masarap kutkutin ang nababahaw na sugat? Kasi may halong excitement, anticipation, sakit, sarap at makapigil-hininga ito. Sa unti-unti mong pagtanggal ng langib nito umaasa ka rin na tuluyan nang naghilom ang sugat sa ilalim. Ngunit sa pinakahuling bahagi ng iyong pagtatangka ay bigla na lang itong magdudugo! Bigla kang matatauhan at pilit mong lalagyan ito ng konting pressure para maampat ang pagdurugo nito.. hindi na muna gagalawin.. hindi muna… hanggang sa muling pagkati nito..

Bawat isa sa atin may peklat ng mga nakaraan. Merong malalim, merong mababaw at lahat ay may kakaibang kwentong tinataglay. Sa paglipas ng panahon, yung iba marahil ay limot mo na pero meron din naman na nag-iwan ng malalim na peklat sa iyong katawan at sa alala.

Sa lahat ng sugat sa ating pagkatao, ang sugat sa ating puso ang pinakamasakit, pinakamahapdi at pinakamatagal maghilom. At sa paglipas ng panahon, merong ilang malalalim na sugat na nagmarka sa ating puso ang aakalain nating tuluyan nang natuyo ngunit kagaya din ng isang ordinaryong sugat sa tuhod na ating kinakamot at kinukutkot, magugulat ka na lang isang araw na ang inakala nating bahaw na sugat sa ating puso ay di pa pala lubusang natutuyo, na pag di sinasadyang nasaling ng isang pangyayari o pinangahasang kutkutin ng isang tao ay muli itong magdurugo.

Maaring ang sugat sa puso ang pinakamatagal na mabahaw sa lahat ng mga tinamo nating sugat sa ating katawan, lalo na kung malalim ang sugat nito. Pero kagaya ng lahat ng sugat, maghihilom din ito.. hindi agad-agad, hindi madali, pero maghihilom din.. sa pagdating ng panahon..

Wag kamutin at wag kutkutin, magpepeklat.

Wag pilitin, hayaan lang na kusang matuyo.

A time to heal.

 
 
 
pektyur ninakaw mula sa flickr
 
 
 
 
 

3.5.10

anino sa dilim

galing kami noon sa isang youth activity at around midnight na kami natapos. ang siste, kelangan pa namin isa-isang ihatid yung mga kagrupo naming mga babae dahil baka naman kung mapaano pa sila sa daan e dis-oras na ng gabi. may mga traysikel naman kung gabi pero palibhasa nga halos sa iisang lugar lang naman kami lahat nakatira at di naman kalayuan ang mga bahay namin sa isa’t isa, sige hatid na lang namin sila, mas ligtas pa.

pwede naman sana naming piliin ang malayong daan, kaso sa ganung oras ng gabi malamang na puro lasing na ang makakasalubong namin sa kalsada at baka mapagtripan lang kami. naisipan naming dumaan sa loob ng isang high-school campus, shortcut. noong mga panahong iyon e hindi naman isinasarado kahit gabi at makakadaaan ang kahit sino. at saka kung sitahin man kami ng gwardya e oki lang kasi kilala naman kami nun.

di namin kabisado ang daaanan namin, may mga bahaging malubak at sobrang dilim. walo silang mga babae at tatlo kaming lalake. bago pa lang kami pumasok sa campus, pasimple na akong kinausap ni kuya arnel (sumalangit nawa) na dun sa may bandang likuran ng mga babae kami pupuwesto at si kerwin (pinsang buo ko) naman dun sa may unahan para in case na magkatakutan or may mananakot e hindi kami magkakagulo.

marami kasing mga kwentong kababalaghan sa campus na yun lalo na pag sumasapit na daw ang gabi. andun na ang dwende, tikbalang na nakikita daw sa mga naglalakihang puno, white lady sa may tulay, boses ng babae na kumakanta at umiiyak sa may lagoon, paring pugot ang ulo, at ang ilang mga pangyayari ng mga estudyanteng sinapian ng masamang espiritu sa eskwelahang iyon.
kahit ako, totoong kinakabahan ako ayoko lang ipahalata. second time ko nang dumaan sa loob ng campus na iyon. nung first time, kasama ko tatlong kabarkada ko na mga duwag din, langya may narinig lang na tuko yung isa tumakbo na! akala naman namin e kung ano ang nakita nya kaya nakitakbo na rin kami!

so, ayon sa napagkasunduan nasa bandang unahan nga si kerwin kau-kausap nya yung isang babae ana dinidiskartehan ata nya nung time na yun, sa gitna ung pitong mga babae, kaming dalawa ni kuya arnel sa likuran. pansin ko na halos parepareho kaming tahimik habang papasok sa gate ng campus. may nagkwekwentuhan man, pero mahihina lang ang boses. tingin ko, lahat kami e takot.
ako, nakikiramdam lang. naguusap kami ni kuya arnel pero wala na sa kanya ang atensyon ko. madilim kasi noon nakapagpadagdag pa ng sa aming imahinasyon ang liwanag ng buwan na nagbibigay ng kaunting liwanag sa aming dinadaanan sa ilalim ng mga malalaking puno ng ipil ipil at balete.

habang tuloy ang marahan na paglakad namin sa gitna ng dilim at ang kapansin pansing unti unting pananahimik ng buong grupo, parang nagtatayuan ang mga balahibo ko sa braso at sa batok. para bang yung pakiramdam na may isang mukha na unti unting lumalapit sa mukha mo? tuloy lang ang lakad ko, walang lingon lingon, kahit sumulyap sa gilid ng aking mga mata ay di ko ginawa, ayokong makakita ng white lady o ng pugot na ulo o ng tikbalang o kapre.

nung nakita na namin ang kabilang gate, at mga liwanag ng mga bahay nakahinga hinga na ako nang maluwag. pero hindi pa ako masyadong nakakalma e nabuhay na naman ang kakaibang kaba sa aking dibdib, kelangan naming dumaan ulit dun pauwi.

so dating set-up sa hulihan ulit kami ni kuya arnel.

nung nasa may kalagitnaan na kami ng daan, kung saan may konting liwanag mula sa tanglaw ng buwan, sikreto syang bumulong sa akin,

“huwag kang magpapahalata sa kanila… huwag kang matakot.. simple ka lang, tuloy lang ang lakad mo… may gumagaya sa iyo, dalawa ang iyong anino, at ikaw lang…”

di ko nagawang lumingon at usisain ang sinabi nya sa akin, pakiramdam ko tuloy ay may basehan yung pakiramdam ko na may mukhang unti unting lumalapit sa akin.

nung nakita na ang liwanag sa may dulo, unti unti na ulit umingay ang grupo. tawanan na ulit at kulitan, nanatili kaming tahimik, na napansin ng isa kong kagrupo. bandang huli ay hindi ankatiis si kuya arnel, sinabi nya na nakita nya na bukod tanging ako lang ang dalawa ang anino sa grupo. nakakapagtaka dahil iisa lang ang souce ng liwanag sa dinadaanan namin nung time na yun. ayon sa kanya, may gumagaya sa anino ko.

tinanong ako ni kuya arnel, “pakitain ka ba?” (meaning if palagi akong nakakakita ng mga multo o engkanto o kung ano ano pa na hindi basta basta nakikita ninuman) sabi ko , “hindi. pero may puyo ako sa noo at sabi noon ng lola ko, kung meron mang makikitang kakaibang “entity” sa isang lugar, yung kasama ko daw ang makakakita at hindi ako”….

di ko pa po napatunayan kung totoo man o hindi yung sinabi ng lola ko regarding sa relevance ng puyo at sa pangyayari nung gabing iyon. (at sa iba pang mga naging pangyayari bago at pagkatapos ng gabing ito)

ang totoo, malakas lang ang pakiramdam ko, alam ko kung may kakaibang “entity” sa isang bahagi ng isang bahay. di ko sila nakikita, (hindi pa?) pero nararamdaman ko sila.
o pagkakataon lang na “pakitain” pala si kuya arnel at sa akin sya napasabay? weird no?
ikaw, takot ka ba sa dilim?



15.4.10

Pain

I grew up with very low pain tolerance level.

When I was small I whined for every little pain. Each whine, I cried. And for each cry, I ran and sobbed at my mother’s comfort.

Now I am old enough, a full grown man but maybe I have not outgrown my pain tolerance, yet. I do not whine everything to my mother anymore, or even to anyone else. I must have mastered the art of being incognito. I seldom lay down my cards, especially when I am at loss.

Been through tougher and more complicated days -- moments when I felt so knocked down, lost and torn. But stereotype-me, a man afraid of showing his true emotions, crying is a big no-no. Shedding tears is a pure display of weakness, defeat, failure.

Poker faced. I am.

I used to cry alone, where no one could see me. In times of turbulence, I’d prefer to be alone. I’d rather plunge myself into a secluded beach or take myself into higher grounds – to escape, to reflect, to relax, to breathe in, to shout, to cry, to be a critic of my own self and to be a different and stronger person when it’s time to go back to the real world. Damn! I really miss those days.

Strange though, there are moments that I am willing to sacrifice half of my being to partake with someone else’s pain….

Like NOW.

20.3.10

laman for sale



an_indecent_mind: hello!

admin: welcome an_indecent_mind

an_indecent_mind: newbie here, anong meron dito?

chocnat: hello an_indecent_mind, asm?

keso: hi there, asm?

jepoy: hey! asm?

glentot: asm?

niqabi: asm??

an_indecent_mind: hello people! asm???

abs: asm; age, sex and magkano??

an_indecent_mind: ......................


(tulala, nakatitig sa blinking cursor, nag-iisip ng kasunod na ita-type.. walang mahagilap… insert mga kuliglig in chorus here)




an_indecent_mind: bye pips!


*off*


amfufu!


ganito na pala ngayon sa chatroom??! Nakakawindang!!!


iba na talaga panahon ngayon! tsk!


disclaimer: ang pagsasalaysay po sa itaas ay batay sa tunay na pangyayari; ang pangalan ng mga sangkot na personalidad ay minarapat na ibahin upang mapangalagaan ang kanilang pagkatao. anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay di sinasadya at nagkataon lamang.




3.2.10

barubal

I’m back!!

Tapos na ang bakasyon ko. Third day na malayo sa pinas. Second day sa work, first day na humarap sa trabaho. Nakakapanibago na naman, parang nasa pinas pa rin ang isip ko.. vacation mode pa rin…

Isang taon ko na din ng pamamalagi sa blogosperyo. Isang taon ng pag-epal, paggulong, pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at pagbabahagi ng kung ano-anong kalokohan. Madaming beses na nablangko, nagbalak na tuluyang isarado ang kwartong ito, pero eto looking forward for another year.. sana ngayong taong ito, maging makabuluhan naman para sa iba ang kwartong ito.

Madami akong baon na kwento mula sa bakasyon / Xmas / new year / bday ko.. Madami akong kwento. Kwento ng kabalbalan at mga saloobin sa buhay. saka ko na hihimay-himayin! Patikim lang muna..

-Nandyan ang alamat ng i-phone na nahulog sa mabahong imburnal,
-ang istorya ng chuck taylor na pula,
-ang soya/bagoong na pampalasa sa kare-kare,
-ang epekto sa tuhod ni tulume ng gabi-gabing paglamon ng balut,
-ang mga awitin ni Jollibee, ang mga karakter na sina Lightning McQueen, Sally at Mater,
-ang sagot sa tanong na “bakit mas masarap kung lalawayan mo muna?”,
-ang makatindig tengang tanong ng aking kaibigan na bakit nga kaya ibinenta ng napakamura ng may-ari itong malaking bahay at marami pang ibang panakot na kwento sa harap ng tagayan at panonood ng paranormal activity
-meron din akong mga espekulasyon sa talinghagang nakapaloob sa ebs na di lumubog-lubog,
-ang epekto sa yong katinuan kung tatablahin ka ng mga kaibigan mo sa araw ng iyong kaarawan,
-ang makasaysayang pakikipagkita ko sa bago at gayundin sa mga mala-alamat ko nang mga kaibigan,
-ang pamamakialam ko sa celphone na gusto nang bumitaw sa sariling katinuan,
-ang kapal-muks na baklang namumukadkad na isa-isang sinutsutan, kinalabit at nilaspatangan ang bawat player ng Ginebra Kings para lang gawing background sa kanyang pagmumuka at malamang ay ipanangalandakan sa kanyang fesbuk.
-Ang lumipas na bagong taon na halas di ko naramdaman, di ko alam dahil sa baong gising lang ako o dahil nakatulala lang ako sa langit habang nanunuod ng fireworks display. Ang taon ng 2010 na wala akong new year’s resolution.
-Ang mga bagay na hindi ko nagawa at nakalimutang gawin noong aking bakasyon, dahil wala na akong oras o dahil lang sa nawalan na ako ng interes na gawin ang mga iyon.

Madami akong gustong baguhin sa buhay ko, madami akong gustong simulan, madaming malalaking desisyon na kelangan gawin ngayong taong ito.


Madami akong kwento.


Pasok ka sa madilim at malamig kong kwarto, hayaan mong kilitiin ko ang imahinasyon mo sa mga malisyoso kong kwento..


19.9.09

paramdam.....

"I can see dead people"… linya mula sa movie na The Sixth Sense…

Hindi pa nangyari sa akin yun… although may other stories ako to tell about it, some other time..

But lately, I’ve been encountering various people, not only here in blogosphere but also from chat rooms, and hearing their sickness-related stories.

Mere coincidence or God’s will, hanggang ngayon di ko pa rin makuha ang message nung nasa itaas kung bakit Niya ako ipinakikilala sa kanila.

Significantly, I’ve been nursing my kidneys since grade school. I was diagnosed with failing kidneys, at tinakot ng tadong doktor na yun ang mga magulang ko! Sabihin ba naman na isang taon na lang daw ang itatagal ng mura at virgin kong katawan! Abay e di syempre ka naman at super sakit nun sa damdamin ng mga mapagmahal kong magulang!

Kaya pala kung alagaan ako dati e ganun ganun na lang… at as usual, andun yung mga pagkaing makikita mo lang kapag maysakit ka at kung kelan wala kang gana at talagang napakahirap kumain… Kaya pala ganun na lang ang galit at pagpipilit ng tatay ko pag ayaw nang tanggapin ng katawan ko ang mga gamot na halos sinlaki ng buto ng langka (at meron ding hugis ataul!)… akala ko galit siya sa akin dahil sinasayang ko yung mga gamot kaya nya ako pinapagalitan, yun pala ayaw pa din naman nyang mawala ako ng ganun kaaga..

Di ko alam kung bakit tumagal pa ako ng ganito, at kung paano ako gumaling… dahil sa tagal kong maysakit e may mga pagkakataong dinaya ko na din sila na kunyari ay ininom ko nga yung mga gamot..

Nakita siguro ni Bro na may malaki pa akong papel na gagampanan sa mundo (maybe I can save the world mula sa prediction ni Nostradamus sa 2012) at marami pa syang plano para sa akin kaya di nya tinapos ang talambuhay ko nang ganon ganon na lang…

At eto nga ako ngayon… gaya pa rin ng dati… nag eenjoy pa rin sa pakete ng maaalat at mamantikang junk foods… wala talagang magagawa… matigas ang ulo e! dinadaan na lang sa pag-inom ng isang timbang tubig at isang galong sabaw ng buko pagkatapos namnamin ang sarap ng lasong papatay sa akin!

Kaya nga siguro ako pasimpleng binabatukan ni Bro.. medyo matauhan man lang daw ako sa ginagawa ko sa aking katawang lupa.. Ipinapaalala na minsan sa aking buhay, sa gitna ng aking pagkakaratay, e ipinangako ko sa kanyang aalagaan kong mabuti itong katawang to pagalingin lang nya ako…

Kaliwat kanang pagbatok ang ipinanggising sa kin… una e para alagaan ko ang sarili ko… ikalawa ay dahil “minsan nakakalimot” na din akong makipagkwentuhan sa Kanya. Oo nga naman, hindi naman rason na porket wala syang “bahay” dito e nangangahulugan iyong dapat ko na rin syang kalimutang kamustahin man lang…

Sori bro…

16.9.09

kwento ka.. yung masaya naman..

hintay ka lang..

makakapagkwento din ako sayo, yung nakakatawa naman. hindi puro negatibong enerhiya at himutok na lang ang ipinapasa ko sayo. tama ka naman, di ako dating ganito. meron lang akong pinagdadaanan sa ngayon. madaming gumugulo sa kakarampot kong utak, na mukhang nagsarado na at di magawang tumanggap ng paliwanag at nagpipilit maniwala… sa wala.

pero sana bukas paggising ko, ako na ulit yung dating nakilala mo.


yung palaging bangka sa usapan, ako na parang hindi nauubusan ng kwento. oo, bilib ka nga sa akin di ba? at hinahanap mo yung dating ako kasi walang maingay at magulo at nang-aaway sa yo ngayon.

bukas siguro, paggising ko ok na.


ako na ulit ang magbibigay sayo ng panadaliang aliw. pangako, hindi kita tatantanan hanggat di ka naluluha at sumasakit ang tiyan at panga sa katatawa. hindi kita titigilang patawanin hanggat di ka nakikiusap sa akin na tama na…

pero sa ngayon favor lang, kaw muna.. “kwento ka.. yung masaya naman..”

18.6.09

tyope ako (part 2)

bakit ba kasi kayo nagreact talaga sa last post kong tiyope ako??!

bakit ayaw nyong maniwala? lalo ka na, ikaw din at isa ka pa… oo! kayo!

natatawa kayo sa akin… sa pinagsusulat ko… at ikaw… humirit ka pa na sa susunod e yung totoo ang i-blog ko… aba e kasalanan ko ba naman na tyope ako?? at wala ba akong karapatan?? teka nga… bakit nyo ba ko pinakikialaman?? blog ko to ahh??! mga buseett!! lolz

o sige, hayaan nyong magpakaemote ako at patutunayan ko sa inyo..

hindi ako guwapo at hindi rin magaling mambola. Its either nabulag ka lang o sinuwerte lang siguro ako sa iyo.. oo, sa yo.
at hindi naman laging pasko, syempre nabokya na rin ako… at hindi lang isang beses… di ko na sasabihin sayo kung ilan kasi baka di ka na naman maniwala at pagtawanan mo na naman ako.

pero ang pinaka da best na pagkakabasted sa akin e sa loob ng pampasaherong jeep! sukat ba naman na sabihan ako na wag daw akong makulit dahil hindi nya ako gusto??!! wahahaha!! nasopla ako dun ahh??!! pakiramdam ko gusto kong matunaw sa kahihiyan at sumigaw ng paraaaa!! ewan ko ba dun, dumidiskarte pa lang ako, di pa man nagtatapat, basted na agad??!! gusto ko sanang soplahin ng… “bakit? nililigawan ba kita??” wahahaha!!

di daw ako gusto?? kaya pala ako ang lagi nyang tinatawagan noon pag may special occasions at may mga lakad sya.. tapos nung one time na nakainom sya e dun lumabas din lahat ng totoo.. may pag-iyak pa?! at muntik na pagsasamantala sa mura kong katawan! wahahaha!!! meganonnn?? lol pero xempre nabalewala lang yung gabing yun.. nadiskubre ko pangit pala pag masyadong pakipot, nakakaturn off!

eto pa… gaya ng iba, may all-time crush ako… isa sa grupo.. alam naman ng buong grupo yun. at hanggang ngayon applicable pa rin ang linyang tyope ako. alam ko, ramdam nya lahat ng mga pa-special treatment ko sa kanya, at syempre halata ng lahat. Pero kahit extra sweet xa sa akin (na halos magkapalit na ang mukha namin that night – take note, di pa kami nakakainom nung time na yun) nung huling b-day nya na may dala akong b-day cake, wala pa ring nangyaring pinakaaabangan (ng mga manyak) ng grupo dahil nga kasi tyope ako. parang di ko magawang isugal ang friendship namin at mabahiran ng kamunduhan ang magandang pagtingin ko sa kanya. oo, sa tagal ng panahon hanggang ngayon di ko pa rin naamin sa kanya. At hanggang ngayon di pa rin nawawala, super extra special pa rin sya at hindi napalitan ninuman. andun pa rin ang kabog at tiklop tuhod effects pag magkasama kami. nahuhumaling pa rin ako sa kanya. lol

o ano? satisfied ka na na tyope talaga ako? ikaw? ikaw? ikaw? at ikaw din??!… kinakabahan na ba kayo? Na baka kwento nyo na ang kasunod mong mabasa?? wahahaha!!
next time, next time… lol

16.6.09

tyope ako

oo.. nature ko na talaga to… makulit lang talaga ako sa grupo namin, maingay, palabiro, mapang-asar, atat, at mahilig akong magpares ng mga kaibigan ko.. pero pag ako na, halos malaglag sa lupa ang puso ko sa pagkabog, at tumitiklop na ang tuhod ko…

pag kausap ko na yung dinidiskartehan kong babae, namumutla talaga ako at natutulala.. pinipilit kong maging natural at pa-cool ang kilos, pero wala talaga e… bakit ba di ko makuha ang swabeng paepek nila james bond? o kaya ni mr. swabe?

di ako makadiskarte… lahat ng pinraktis kong linya at litaniya e nawawalang bigla. sunod-sunod ang paglunok ng laway at di mapakali.. iniisip kung ano ang susunod kong sasabihin para hindi ako mabokya at mapahiya.. aminado naman ako, kapag gusto ko ang babae, tiklop-tuhod, asong-ulol, maamong tupa at nagkakandarapa ako.. putakte! tyope! lol

e totoo namang hindi ganun kadali ang magsabi ng nararamdaman mo, especially if di ka sigurado kung mabobokya, ka o matatabla, mababasted sa unang attempt, lulubog at matutunaw sa kinatatayuan at kelangan mo nang mag-call-a-friend para mahatak ka palabas sa kahihiyang pinasok mo..

super bilib ako sa mga taong kayang i-express o sabihin ang mga nasa loob nila.. sila na mga may malayang pag-iisip, malaki ang tiwala sa sarili at kayang magdala ng sitwasyon. minsan nga lang, namimisinterpret o nahuhusgahan ng iba, na hindi naman dapat. isa lang naman talaga ang gusto natin, ang mailabas ang ating totoong nararamdaman, gusto lang nating magpakatotoo sa ating mga sarili, nang walang hinihintay na anumang kapalit.
o anong tinatawatawa mo dyan? bakit, hindi ka ba tyope??

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails