pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label bad trip. Show all posts
Showing posts with label bad trip. Show all posts

31.10.09

tulo

Lahat sila ay nagulat at halatang nais magtanong kung ano ba ang totoong nangyari sa akin.

Sa totoo lang, walang nag-akala na tatamaan ako nitong sakit na ito dahil alam naman nilang sobrang ingat ko. Ang di ko lubos maisip, bakit ako lang? Bakit sila na mga kasama ko sa mga nagdaang gabi e hindi naman? Hayun nga sila o, tawanan lang nang tawanan! Di maubos ubos ang kwento ng mga gago! E ako, nagmumukmok na nga lang dito sa mesa ko, panay kantyaw at sari-saring pang-aalaska pa rin ang inaabot ko. Asar-talo!

Di ko naisip na kahit nag-iingat ako e pwede pa ring mangyari sa kin ang isang bagay na hindi gugustuhin ninuman. Hindi naman ako naging pabaya kung yun ang iniisip ng iba sa akin. Sadyang di lang naiwasan ang maraming nagdaang pagkakataon.

Bukod sa mahirap, e syempre nakakahiya din namang talaga. Di ko magawa ang mga bagay na gusto kong gawin at di ako makakilos ng normal. Lagi akong nasa toilet, di mapakali. Syempre, sa mga pasimple kong kilos at sa pananalita, nahahalata na rin ng iba kong kaopisina. Nakakahiya!

Alam ko naman kung paano gamutin ito. Pero bakit parang masyadong matagal na yata kaysa normal? Di ko na tuloy maiwasang mag-alala.

Siguro nga, masyado nang laspag ang aking katawang lupa nitong mga nagdaang ilang linggo, masyado ko kasing sinasagad. Humina tuloy ang aking resistensya para basta na lang tamaan ng ganitong nakakairita at nakakahiyang sakit.. Sana bukas paggising ko, medyo ok na ako at guminhawa naman kahit konti ang pakiramdam ko. Mahirap! Masakit! Nakakahiya!

Nyetang tumutulong ilong to! Sumabay pa sa makating ubo at gasgas na tonsil ko! amf!!

WANTED: “nar-es na may mapagkalingang kamay”

3.5.09

maskara mong transparent

bad day...

ampanget naman ng araw na’to…

di ko naman siguro kasalanan kung aksidente kong madiskubre ang lihim mo. di ko alam kung bakit mo nagawa yun, pero la din naman ako lakas ng loob na itanong sa iyo to ngayon. pero syempre, sumama din ang loob ko na sa loob pala ng tatlong taon ay inilihim mo sa akin ang lahat. akala ko naging totoo ka sa akin at sa sarili mo, pero itinago mo pala ang tunay mong pagkatao…

ano bang meron? hindi naman ako nag-expect ng kahit ano mula sa iyo di ba? nung panahon na kapwa kelangan natin ng karamay, aksidente lang na nagkrus ang landas natin. hindi tayo personal na magkakilala pero nabuo ang pagkakaibigan natin. alam mo naman ang tunay na iskor, alam mo naman na wala akong hininging kapalit sa lahat lahat. masaya na ako na naging kaibigan kita, yung alalayan ka sa panahong kailangan mo ng kausap. ganun din naman ako, kelangan ko lang ng makikinig sa akin sa mga hinaing ko, yung taong hindi magiging bias sa pagbibigay ng opinion at payo. ideal ka at on-timing kasi di natin kilala ang isa’t isa. mas madaling timbangin ang bawat sitwasyon.

yan naman ang papel natin di ba? ang damayan ang isa’t isa. yung tipong alam nating may nakikinig at walang sawang makikinig, anumang oras. touched pa nga ako pag may mga pagkakataon na magtext ka pa sakin kahit dis-oras ng gabi para lang i-check kung ok lang ako. hindi ako nag-expect at alam ko rin naman na hindi dapat, kahit ramdam ko na may mga pagkakataon na iba na ipinakikita mo at very obvious na. pero para sa kin, di na kailangan humigit pa tayo dun, kasi alam mo naman na lagi lang naman akong nakasuporta sayo sa lahat ng bagay, sa lahat ng pagkakataon…

hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na mag-bonding personally, hindi rin tayo nagkita kahit minsan. pero hindi naman malaking isyu sa tin yun.

nga lang, di ko inakala na magagwa mo maglihim sa akin. oo, alam ko na sikreto mo. yung matagal mong itinagong identity. di ko alam kung bakit ka naglihim. sa tagal ng panahon nating magkausap, di mo man lang naipagtapat na hindi pala ikaw yung mukha na ipinakilala mo sa profile mo.. hindi naman ako ganun kababaw, kagaya nga ng sinabi mo noon sa akin.. at hindi naman kita huhusgahan kahit ano ka pa o kahit sino ka pa, basta ang importante e maging totoo ka lang..

hindi ko alam kung ano ang rason. di ko na din alam kung anong dapat pang sabihin ngayon, nanghihinayang lang talaga ako sa nabuong friendship natin..
at... sa isang malaking katotohanang may nanloloko pala sa akin!
pakshet!
bad trip!!!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails