pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label palabra de honor. Show all posts
Showing posts with label palabra de honor. Show all posts

22.9.11

Peksman! Mamatay man!



Madalas tayong sumumpa, kahit sa mga simpleng bagay.

Minsan nga parang andali dali nating magbitiw ng pangako sa isang tao, umaabot pa sa puntong sasabihin nating,

"peksman! kahit mamatay pa man ang kapitbahay namin!"
(tsk! kawawang kapitbahay!)

pero mas madalas di na natin pinag-uukulan ng pansin kung yun bang mga bagay na nagagawa natin e di-tuwirang pagsira sa ating mga salitang binitiwan.
 
palabra de honor

Bigla kong naalala ang aking lolo, kung gaano sya kaistrikto noon, kung gaano nya pinaninindigan ang kanyang mga binibitiwang salita (kahit nga minsan e parang baluktot na sa katwiran). Para lang bang “utos ng Hari, di mababali”.

Minsan maganda ang kinalalabasan, minsan naman panget. Minsan gusto mong sumuway o magtanong ng konkretong rason, pero wala na din namang magagawa kasi "utos ng matatanda".

Pansin ko lang ha, noon mas madami ang may mga matatag na paninindigan. Ang mga matatandang tao kasi oras na magbitiw sila ng salita sa kanilang kapwa e pilit nila itong sinusunod kasi pinapangalagaan nilang madungisan ang kanilang mga pangalan. E sa panahon ngayon, ilan pa kaya sa atin ang may ganitong prinsipyo sa buhay? Ilan pa kaya sa atin ang maingat sa pagbibitiw ng mga salita at mga pangako? Ilan ang walang pasubali na tutuparin ang lahat ng mga salitang nasabi na?

The best way to keep one's word
is not to give it.
Napoleon Bonaparte


Marahil konti na lang silang mga taong "may paninindigan" sa panahon ngayon. Marahil ultimo ang ating pagpapahalaga sa prinsipyo at sariling pangalan e nagbago na din sa paglipas ng panahon.

Minsan nga ang pagtupad sa mga pangakong ating binitiwan e parang biro-biro na lang sa atin. Minsan nakakasanayan na din natin na balewalain lang kasi alam natin na kahit di tayo tumupad e pagpapasensyahan at iintindihin naman nila tayo. Pero paano kung tayo yung umaasa at naiwan sa ere sa isang pangako na hindi naman pala matutupad? Masakit tsong di ba?

“dadating ako..” payak pero may paninigurado. Pero nagagawa mo nga ba to? O marami kang alibi sa di mo pagdating sa takdang oras o sa di mo pagsipot sa usapan?


Kung may ibulong akong sikreto sayo ngayon, at sabihin kong “atin-atin lang natin to ha?”, kaya mo bang mapanatiling tikom ang bibig mo? kahit kanino?

Ok na nga lang ba ang magsinungaling? Natural na lang ba na ngitian mo na lang sila at sabihin na “joke lang yun! Ano ka ba??!”

Katanggap-tanggap na ba na sabihin na lang sa isang tao na “sorry, I lied.”

Ikaw, mahilig ka bang mangako?




an_indecent_mind




LinkWithin

Related Posts with Thumbnails