pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label everything in between. Show all posts
Showing posts with label everything in between. Show all posts

5.9.11

ikaw ang nawawala kong butones

maghapon akong di mapakali. naghahanap ako ng aspili o kaya perdible, panlunas sa medyo "awkward" na sitwasyon na to. pano ba naman, nawala ang isang butones ng polo ko. bagamat napansin kong medyo maluwag na ang tahi ng butones bago ko isuot pero nagkibit balikat lang ako kasi tiwala naman ako na di naman yun basta basta bibitaw, at saka paborito ko to e...


ang kasunod ko na lang napansin, nawala na ang butones ko....

nagawan ko man ng remedyo ung polo ko pero sa tuwing may kausap akong ibang tao, naaalangan ako... kasi baka mahalata nilang nawawala ang isang butones ng polo ko..




buong araw ko syang inisip at hinanap, at ngayo'y umaasang sa paguwi ko sa bahay ay dun ko sya matatagpuan.. at sana may magawa pa akong paraan para maibalik sya sa dati nyang kinalalagyan, sa polo ko.


*****

sa buhay natin, sa pagdaan ng panahon marami tayong nakikilala. yung iba talagang tumatagal sa ating buhay. kaibigan man o karelasyon, dumadating talaga ang punto na nasasantabi natin sila, sinasadya man natin o hindi.


masyado na kase tayong nasasanay sa presensya nila. oo andun yung kakaibang kumportableng pakiramdam kapag sila ang nasa paligid natin. pero bakit minsan sila din yung mga taong madalas nating isinasantabi?


sa panahon ng saya, andyan lang sila sa isang sulok masayang nagmamasid sa atin habang malakas tayong humahalakhak kasama ng mga plastik na kaibigan... ngunit kapag malungkot tayo sila naman ang una nating naalala, kasi alam nating maaasahan natin sila at hinding hindi nila tayo iiwan.


hindi man natin napapansin, maalam din silang magdamdam. maalam din silang masaktan pag naiitsa pwera ngunit mas madalas silang magsawalang kibo na lang at iniinda ang sakit na nadarama, dahil mahal nila tayo. dahil anumang bagay na nakakapagpasaya sa atin e kaya nilang ipaubaya at sino man na makakapagpasaya sa atin, kaya nilang tanggapin at mahalin din.


ngunit dadating ang isang punto na sa patuloy nating pagwawalang bahala, magigising na lang sya isang umaga na wala nang sakit, wala nang pait, at wala na ngang sigurong nadadamang pag-asa na mababago pa ang lahat nang nakagawian na natin. at yun ang mas nakakatakot, kapag umabot sa pagkakataong kayang kaya na nila tayong bitiwan. at doon natin mararamdaman ang kahungkagan ng buhay sa kanyang pagkawala.


kung mangyari man yun pipilitin nating makabawi, pilit nating ibabalik ang dati, pilit na sosolusyunan ang sigalot na ito.. pero paano kung huli na pala ang lahat? na ang simpleng uka lang noon sa inyong samahan ay ngayon ay isa na palang malaking lubak? pano pa nga ba maibabalik ang lahat?


*****


katulad nang pagkawala ng isang butones sa iyong paboritong damit pilit mo itong hahanapan ng solusyon. hanggang sa puntong pilit kang hahanap ng kanyang kapalit, yung eksaktong eksaktong kagaya nya... para hindi makita ng ibang tao ang pagkakaiba nung nawala na ang orihinal na butones sa polo mo.. at ang totoo nyan, wala kang makukuha na kaparehas nya.

halos kapareho oo.. yung tipong di na mapapansin ng ibang tao ang pagkakaiba. pero ikaw mismo, sa sarilli mo, alam mo ang totoo. kailanman di mo maaring lokohin ang sarili mo na nakalimutan mo na ang lahat. dahil sa bawat sandali na mapapagtuunan natin ng pansin ang bagong butones patuloy pa ring sasariwa sa ating alaala ang minsang nawalang butones.


panghihinayang..

kung naging mas maingat lang sana tayo at mapangalaga....

ikaw, naranasan mo na bang mawalan ng butones?






an_indecent_mind


 







8.3.11

walang iiyak


I am dying.. Would you tell a lie for me? Would you be kind enough? Would you love me or do every possible thing to make me happy on my remaining days?

Sasabihin mo ba sa akin na, “wag kang mag-alala everything would be fine” or “Matatapos na ang paghihirap mo", "masaya dun” (o sige ikaw na muna ang mauna! Masaya pala huh…)

Madalas kasi, tayo, ginagawa natin lahat para mapasaya ang isang tao na konti na lang ang nalalabing oras sa mundo. Sinusunod natin ano man ang sabihin nila, binibigay natin kung ano man ang hingin nila.
Oras, atensyon, pagmamahal, LAHAT.

Pero bakit nga kaya no? Para lang ba bumawi tayo sa lahat ng mga pagkukulang at masasamang ugaling ipinakita natin sa kanya noong malakas pa sya?

Para lang last-minute shopping e no? Kung kelan konti na lang ang oras saka tayo nagkukumahog na ipakita at ipadama ang mga bagay na hindi nya naramdaman noon, noong maaappreciate pa nya ang lahat ng ginagawa natin ngayon.

Mga ipokrito nga ba tayo na maituturing na pinapalakas natin ang kanilang loob sa mga nalalabi nyang ilang mga araw habang patuloy naman tayo sa pagpapakita ng mga bagay na hindi nya naramdaman noon mula sa atin, showing what he would be leaving behind.

It’s like, we’re trying to detach him from everything he possess here on earth, but still we’re trying to show him how good his life is/can be, at the same time.

So ironic.

Nakakalungkot isipin na maiksi na lang ang oras para ipadama natin kung gaano sila kaimportante sa ating buhay. Nakakapanlumo na bakit ngayon lang, kung kelan huli na, saka lang natin unti unting nararamdaman yung “hollow feeling” sa dahan dahan nyang paglisan.

That sense of emptiness and everything in between.


 


an_indecent_mind


P.S.
pektyur mula kay pareng gogol.

salamat po sa lahat ng walang sawang pumapasyal sa kwartong ito at sa ilang mga taong patuloy na nangungulit na magblog ulit at nambobola na magaling daw naman ako.. o ayan may bago na akong post, at isa lang ang masasabi ko.. di naman kayo ang dahilan neto! tseh! lols

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails