pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label butterfly effect. Show all posts
Showing posts with label butterfly effect. Show all posts

22.5.10

si kupido sa mundo ng blogosperyo

Sa aking opinyon si kupido ay isang nilalang na walang relihiyon dahil wala siyang sinasanto. Kahit sino ka pa, pag napagtripan ka nya, tatargetin ka na lang nya nang walang sabi-sabi. Wala siyang galang, walang respeto sa nakakatanda, color blinded din sya, di nya alam ang racial discrimination, panis sa kanya ang kasabihang “opposite poles attracts with each other”, di sya nakapanood ng batibot kaya di nya alam ang  “pagsama-samahin ang parepareho”. In short, siya ay laki sa layaw dahil lahat ng gusto nya ay nagagawa nya. At kung susumahin, si kupido ay isang adik dahil mahilig syang mag trip sa buhay ng may buhay.

Kung naguguluhan ka sa mga pinagsasabi ko ganito lang yan, simple lang, tingnan mo ang mga tao sa paligid mo. Tingnan mo ang mga pinag-parespares ng adik na si kupido. Di ka ba naguguluhan o natatawa sa kung anong klaseng pagiisip ang meron sya?

Ano ba ang panuntunan nya sa pagpili ng dalawang nilalang para pagpraktisang targetin ang mga puso nila? Bata at matanda, mahirap at mayaman, panget at maganda, maitim at maputi, midget at kapre. Walang pattern. Basta pares lang, pero teka bakit minsan may threesome? O foursome? Tsk! Adik na kupido..

Ibat iba ang estilo ni kupido sa pag-atake nya sa ating buhay. Kaya nga kung inlove ka man ngayon o hindi, wala kang ibang dapat sisihin hindi ang sarili mo kundi si kupido, malamang di ka pa nya napapagtripan.

So,walang pinipiling tao, lugar o pagkakataon. Madalas kung kelan natin least expected, saka tayo kakabugin. At wala kang kalaban laban o magagawa, para kang sumasalungat sa napakalakas na agos ng tubig ng isang ilog. Pilit kang manlalaban sa una, hanggang maubos ang lakas mo at igupo ang lahat ng ideyalismo at pangangatwiran na matagal mo nang pinaniniwalaan. Sa bandang huli, tatanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw ay biktima ni kupidong adik, biktima ng nakakaaning na pagmamahal. Maaaring sa maling tao, maling pag-ibig, sa ekstra ordinaryong paraan, o tipong parang one-way lang. Ngunit anot anupaman, iisa lang ang totoo, nalaglag ka na at wala ka nang magagawa dun.

At tama, kahit sa blogosperyo nabubuo din ang pagmamahalan, kahit di mo ito hinanap o inasahan.

Tanong nga ni ABBY sa isa sa mga posts nya,

“Is it possible to fall in lοve with someone you never met?”

Meaning, sa cyberworld, sa chat, o sa blog, posible nga bang mahulog ang loob mo sa isang taong dun mo lang nakilala. Ang sagot ko? Oo.

Bakit kaya? Ano ba ang meron?

Isang palaisipan, bakit kaya kahit na isang larawan ng demonyo o kutong lupa o pagkapangit pangit na nilalang ang nakalagay sa profile image ng isang blogista e binabalik balikan natin ang kwarto nya?

Nagpapatunay lang ito na hindi lang laging magandang itsura ang batayan natin sa pagpili ng isang tao. Syempre may contributing factor din ito pero hindi ibig sabihin nun e dun na nakapokus ang lahat. Bakit ka bumabalik balik sa blog nya? Kasi nawiwili ka at naaaliw kahit di mo alam ang totoo nyang pagkatao. Kasi nakakarelate ka.

Yun yun e, nakakarelate. Marahil yun ang hinahanap natin sa isang tao, yung alam natin na maiintindihan tayo. Makakapag-akay sa atin sa mga lugar na hindi natin nakikita. Makakapagturo sa atin ng direksyon, magtatama ng ating mga kamalian. At yung katangian na yun ay di natin makikita sa panlabas na kaanyuan o sa gara ng kanyang kotse o galing nyang pumorma.

Kaya nga sang-ayon ako sa minsang sinabi ni GILLBOARD na,

“Posible yung makakakilala ka ng magkakagusto sa'yo dahil sa mga sinusulat mo.”

Di natin namamalayan, sa araw-araw nating pakikipagusap sa isang tao unti-unti nang nahuhulog ang loob natin sa kanya. Kasi mas nakikilala natin sya nang lubusan, mas nakikita natin ang posibilidad na maaring sya yung taong hinahanap natin na makapagbibigay sa atin ng kaligayahan at sya yung taong gusto nating bigyan ng ating pagmamahal.

Sa una, nawiwili ka sa estilo nya sa pagsusulat. Naaaliw ka sa mga binibitiwan nyang linya. Natatawa ka sa mga hirit nyang korni. Nararamdaman mo ang mga hinaing nya sa buhay.

Ngunit, ang isang simpleng komento ay maaring magresulta sa mas malalim na ugnayan, palitan ng saloobin, palitan ng YM at cp numbers. Hanggang sa mamamalayan mo na lang na siya na pala ang bumubuo ng araw mo, kulang pag wala ang nakakabog na simpleng mensahe mula sa kanya. Dadating ang panahon na di mo namamalayan na buong araw na pala kayong magkausap at sya lang ang kayang kayang mapangiti ka ng isang buong araw.

Yun nga lang, mahirap mag-aasume kung san kayo patungo at kung ano ba ang intensyon nyo sa isat isa. Mahirap maging feelingero o feelingera. Pero kung ikaw, umaasa ka na sana isang araw e matauhan na yang madalas mong kausap, kaisa mo ako. Sana nga gumawa na yan ng hakbang, alangan naman ikaw pa ang mauna e ikaw ang babae? At ikaw naman brod, kelalaki mong tao e ikaw pa ata ang naghihintay ng magtapat sa yo yung babae? O baka naman natyotyope ka lang? o nakikiramdam? Takot mabasted at masopla? Aba e, magkalinawan na kayo ngayon ngayon pa lang. Baka bandang huli e malaman nyo lang na nagaaksayahan lang pala kayo ng oras sa isat isa.

Mahirap din masyadong magtiwala online kasi marami ang sadyang sweet lang, friendly, flirt, pafall at paasa. Unless magtapatan kayo ng tunay na saloobin saka ka pa lang pwedeng magfeeling. Ano ka ba baka mamaya nyan, masabihan ka ng “ano ba kita??” in your face?! Wasak na wasak ka nun for sure!

Makulay ang blogosperyo, masaya kasi marami kang makikilalang iba't ibang klase ng mga tao. Merong mabuti, merong masama at merong mga nagbubuti-butihan lang kagaya ko.

Posible bang mainlove ka sa isang tao na hindi mo pa nakikita? Posible ka bang mahulog sa isang tao na sa chat mo lang nakakausap? Sa tingin mo, maari mo kayang magustuhan ang isang tao base sa mga katagang iyong nababasa sa kanyang blog?

Sisihin mo ang adik na si kupido, pati sa blogosperyo e nagtitrip na rin!!



pektyur mula kay pareng gogol

15.4.10

Pain

I grew up with very low pain tolerance level.

When I was small I whined for every little pain. Each whine, I cried. And for each cry, I ran and sobbed at my mother’s comfort.

Now I am old enough, a full grown man but maybe I have not outgrown my pain tolerance, yet. I do not whine everything to my mother anymore, or even to anyone else. I must have mastered the art of being incognito. I seldom lay down my cards, especially when I am at loss.

Been through tougher and more complicated days -- moments when I felt so knocked down, lost and torn. But stereotype-me, a man afraid of showing his true emotions, crying is a big no-no. Shedding tears is a pure display of weakness, defeat, failure.

Poker faced. I am.

I used to cry alone, where no one could see me. In times of turbulence, I’d prefer to be alone. I’d rather plunge myself into a secluded beach or take myself into higher grounds – to escape, to reflect, to relax, to breathe in, to shout, to cry, to be a critic of my own self and to be a different and stronger person when it’s time to go back to the real world. Damn! I really miss those days.

Strange though, there are moments that I am willing to sacrifice half of my being to partake with someone else’s pain….

Like NOW.

4.9.09

reading between the lines

* pakiclick mo muna yung play button sa jukebox ko sa kanan.*

 

Wag mo sanang iisipin na sa bawat nagdadaang araw na wala akong kibo ay binabalewala na kita.


Ang totoo, hinahanap hanap ko pa rin ang araw araw mong presensya na tila ba nakasanayan ko na.. Umaasa pa rin ako na sa aking paggising sa bawat umaga ay andun ang mensahe mong magguguhit ng ngiti sa aking mga labi, gaya ng dati.


Sa bawat pagtatapos ng pagsambit ng aking panggabing panalangin, at kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa aking paboritong malambot na unan, andun pa rin ang pagbabakasakaling kahit sa panaginip ko, kahit sandali lang ay makapiling ka.


Oo, nananahimik ako ngunit hindi dahil sa gusto na kitang makalimutan. Nananahimik ako dahil parang nauubusan na ako ng dahilan upang gawin ang mga bagay na dati ay nakakapagpasaya sa kin. Pero hindi ibig sabihin nun ay binubura na kita sa buhay ko; ikaw at ang masasaya nating mga alaala.


Ang totoo, pilit kong nililibang ang aking sarili sa ibang bagay. Ngunit, nakakapagtakang sa bawat pagpipilit, para namang biro na may mga bagay at pangyayari na pilit na naguugnay at nagpapalaala sa yo, at sa hindi mabilang na pagkakataon ay di ko pa rin mapigilan na sandaling mapatigil sa kung anumang ginagawa ko. Di maitatanggi, hanggang ngayon ay bigo pa rin ako na pilitin na huwag kang sumagi sa aking isipan; kahit isang araw man lang.


Tahimik man ang parehong mga mundo natin ngayon, at malayo, alam kong pareho tayo ng nararamdaman. Kahit wala kang sinasabi, hindi mo man ipaliwanag, naiinitindihan kita. Hindi kita pinaghahanapan, wala kang pagkukulang, alam ko at naniniwala ako sayo.


Nalulunod ako sa iyong kawalan. Pilit akong naghahanap ng makakapitan. Pero, hindi ako bumibitaw sa aking mga pangako, at kailanman hindi ko magagawang lunukin ang aking mga binitiwang salita.


Hindi naman dito natatapos ang lahat. Kahit kailan, walang kwenta ang kwentong walang ending di ba?


Nananahimik lang ako, dahil iniisip kita.

22.7.09

butterfly effect

the concept that small events can have large, widespread consequences. a metaphor for the existence of seemingly insignificant moments that alter history and shape destinies. typically unrecognized at first, they create threads of cause and effect that appear obvious in retrospect, changing the course of a human life.


“wala ka sigurong sinasabi puro ka action…. nasasaiyo nayan pre! diskarte mo.”

one month ago, these striking words really opened my eyes into verge of bliss and ecstasy and caused rippling butterfly effect into my life.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails