Alam kong tulad ko, ikaw din, lahat tayo ay nagnanasa.
Oo, nagnanasa ako ngayon. Nagnanasa ako ng maiinit na yakap. Ngunit hindi galing sa isang patay at malamig na unan kundi mula sa isang taong may mainit na katawan. Isang mahigpit na akap lang, kahit isa lang, yung may malinaw na mensaheng “akin ka”
Ngunit imposible yun dito, sa mapanukso at nakakabaliw na lugar na ito. Hindi mula sa isang pundidong ilaw ng tahanan ang hinahangad ko. Kung ganun din lang, hindi bale na lang, magpapaakap na lang akong muli sa aking kumot at mga unan.
Sana lang andito ka ngayon.. at iniiyo mo ako..
pektyur mula sa photobucket
pektyur mula sa photobucket
