pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label adik. Show all posts
Showing posts with label adik. Show all posts

4.10.10

yosi, sex, tulog at extra rice

yosi, sex, tulog at extra rice.


needless to elaborate, dito sa apat na mga nabanggit kahit ano pang estado mo sa buhay, babae ka man o lalaki, conyo o jologs at kagaya rin ng iba pang mga adik na blogista e maituturing na bahagi na siguro ng buhay mo ang apat na ito.

sa gitna ng kwentuhan namin ng isang blogera, may nabuksan akong serye ng mga tanong sa kanya. wala ho itong malisya, random lang.

********
 A_I_M: may tanong ako... halimbawa... nasa ofc ka, lunch time, papipiliin ka between power nap or 1 cup of extra rice, alin pipiliin mo?

BLOGERA: hmmm... dun ako sa... hirap ah.... parang board exam ah

A_I_M: tae to! parang tanga lang! hahahaha! rice at sleep pa lang ang hirap na agad??

B: dun ako sa... sige sa rice na lang ako... (hahaha!) di bale ng walang tulog wag lang walang kain! (tawa nang tawa!!)

A_I_M: adik talaga????

B: baket??? anung masama sa rice?

A_I_M: hmmm sige isa pa... one stick ng yosi o extra rice?

B: extra rice paren tangina!

A_I_M: tae naman to! Akala ko pa naman ganun ka kasunog-baga! kasunod pa naman sanang tanong e one stick ng yosi o sex... e di obyus na ang sagot?? babaguhin ko na??

B: aanhin ko dagdag sa yosi?? e pwede namang maki-hits nalang (gulong kakatawa!)

A_I_M: hmmmm... mahilig ka sa extra rice ha… o eto.. extra rice o sex?? sige sagot!!!

B: mahirap toh... pwedeng assignment?

A_I_M: nyahahaha! tae ka! nahirapan talaga?? kunyari ka pa e rice na naman talaga ang pipiliin mo!!

B: sex.. extra rice... tsk.. hirap naman!

B: syempre depende sa ulam at sa kasex! (gulong na naman kakatawa!!)

A_I_M: tae ka! e wala nman sa options ung ulam! amfufu!!

B: hahahaha!!mahirap mahirap! kung masarap ang ulam, dun ako sa extra rice! kung masarap ang ka-sex, sa sex na ko! dapat gnun! depende! hahaha!

A_I_M: nyahahaha!!!

A_I_M: hmmm... sige... e kung sex o tulog?

B: sex syempre! mas masarap matulog pagkatapos ng sex! lol

A_I_M: hahahaha! pansin ko lang e ayaw mo talagang matulog ano??

B: oo nga noh? parang ayaw ko nga matulog!LOL

A_I_M: so ang prority list mo pala e ganito...

A_I_M: 1. sex (or depende din sa kasex)

A_I_M: 2. Extra rice (or depende sa ulam)

A_I_M: 3. yosi

A_I_M: 4. tulog

A_I_M: tae!!! last talaga ang tulog??!!

B: lol

B: e ikaw anu ba yung priority list mo??

A_I_M: priority??? tangina! E di syempre... SEEEEXXXXXXXXX!!!

B: HAHAHAHAHA!!


*********


ikaw? kung tatanungin kita ng same series of questions?

1. extra rice o tulog?
2. yosi o extra rice?
3. extra rice o sex?
4. sex o tulog?


pls tally your answers. so ano nga ba ang priority mo?

survey says….



Afternoon Delight







an_indecent_mind










29.9.10

BOY BASTOS!


Kapitan saging!

ang superherong hindi mapagkamalang wholesome!



Kapitan Saging -- tagapagtanggol ng mga naaapi



an_indecent_mind

21.8.10

ga-dose!

“Sing-haba tayo brod??? Parehas tayong ga-dose??! Weird!!” Yan ang sumigaw sa utak ko nung nakita ko yung kanya na kagayang kagaya ang sukat netong sa akin!


Ok! Maaaring sabihin nyong OA ako or weirdo para makipagkumpara sa iba, pero tingin ko kasi e very uncommon lang talaga na may makaparehas ako ng aking pag-aari considering the fact na hindi naman talaga ordinaryo ang haba nung sa akin. Meron man sigurong magkakaparehas pero konti lang talaga kami… oo, nacheck ko na kaya wag ka nang kumontra!

Base sa aking marubdob na pananaliksik, magkakaiba tayo ng pag-aari. Merong masagwa, mahaba, maikli, maganda, cute, at kadalasan kapag nakita natin ito sa isang tao e tumatatak na to sa ating isipan. Although mahaba yung sa akin, totoo ga-dose ito hindi ako nagbibiro, pero hindi ko ito ipinagmamayabang. Sabi nga ng tatay ko, ingatan ko daw ito at maging responsible ako sa paggamit, ito lang daw ang tanging yaman na maipapamana nya sa akin. Yeah, mahaba din yung sa kanya at sa kanya ko nga to namana!

Pero sa tingin ko e wala naman talagang malaking diperensya kung maiksi o mahaba yung sa yo, nasa paraan naman yun ng paggamit di ba? Nakakadagdag lang siguro ng pagkalalaki kung unique o cute yung sayo kasi madalas e naglulumikot eto sa isip ng mga.. malilikot ang isip! At saka, di naman (daw) dun sa haba o sa iksi nito pwedeng masukat ang pagkatao mo, hindi pwedeng maging basehan ng iyong pagkatao kumbaga!

Too much intro! sows!!

Ganito kasi yun, one of my blogger friends told me na may nag-add daw sa kanya sa FB, exactly same name as hers tapos lahat nung 12 friends nun e real-life-friends din daw nya… sabi ko naman baka nga may nanggagaya lang sa kanya o nagkataon lang talaga o ex-bf nya yun na ampalaya mode at gusto lang mamburaot or worst e doppelganger nya yun. Nyahahaha!! To the higher level na ang doppelganger! Haytettshhl!

Then kanina, may natanggap din akong friend request sa FB, from a name which is sssooooo familiar to me, dahil pangalan ko yun! At wala naman akong natatandaan na ini-add ko ang sarili ko… hello! Madami kaya akong friends sa FB! Di pa ako ganun kaloner para i-add ang sarili ko at maupdate sa mga pinaggagawa ng sarili ko! Hak hak! Magulo!

Very strange lang kasi not so common ang given name ko (five-letter-word lang pero very unusual) at family name ko (dose sya, oo ga-dose letra ang last name ko)!! Pero wadapak??? may kapareho pa rin pala ako??? Wahddaaaa???!!

Petty odd things, same month bday namin (but not same year, mas matanda sya sa akin ng 9 years), nasa lupain din sya ng buhangin ngayon (we are in almost same location)… and last, panget sya! (yun lang! malaking pagkakaiba! kasi mas panget ako! Hakhakhak!)…

At… hindi sya bogus, nakausap ko na!

Wooaaahhh!! What a coincindent coincidens coinsendent coinsidint co-accident!!!! Lol

Ikaw, kung very unique at uncommon ang first at last name mo tapos may makilala ka na complete stranger bearing the same name, ano ang magiging reaksyon mo? Nangyari na ba sayo to?




an_indecent_mind

16.8.10

libre chupit!

“what’s wrong with your hair??” takang-takang tanong ng kasama kong koreano.

halatang nagulat kaninang umaga dahil nga clean cut ang hairstyle ko at normally e laging maayos na sinuklay, with matching pomada gel, ang aking buhok sa tuwing papasok ako sa aming opisina.

simpleng ngiti lang at “why?” ang tinugon ko sa kanya. ngunit ang totoo nyan, noon ko biglang narealize na sa sobrang pagmamadali ko kanina e nakalimutan ko nga palang magsuklay! hahaha!

uso naman yun, “bagong gising” hairstyle. yun nga lang, mukang di ko yata kaya na madistract ng buhok ko ang attention ng clients namin! hehehe!

basically, our physical look is a pure reflection of our own personality. it can help us build good, or bad, lasting impressions. when we look good, it boosts our self-esteem and confidence. pero syempre, being professionals as we are, what we do for a living sometimes affects what we want in our lives.

and for sure, lahat tayo ay dumating na sa puntong gusto nating sumubok ng “something new” to loosen up ourselves. new look, new pastime, new food, new companion, new habit, new route. for a change, ika nga.

ako? nagsasawa na ako sa clean cut/nice look image.. now, i want to try something new..

skin head siguro… pero nagdalawang isip ako bigla nung makita ko tong picture na to...

patok na gupit para lingunin ng mga chicks!


baka maging sa halip na skinhead e maging dickhead din ako! hek hek hek!




an_indecent_mind

17.5.10

gamot nga po....

Alas tres na ng umaga… wala nang katao-tao sa lansangan.. madilim at tahimik na ang buong barangay…

tok tok tok…. Mahihinang katok lang, mukhang nahihiya pang makabulahaw sa mga kapitbahay na mahimbing nang natutulog sa alanganing oras na yun..

tok tok tok…

"pagbilhan po…” sa ikalawang pagkakataon at sa pabulong na pagtawag

“pagbilhan pooo…”

tok tok tok….

“nanay ading… pagbilhan pooo… pagbilhan po ng gamot…”

“Nanay Ading? Gamot nga po…”

tok tok tok….

Maya maya pa ay may mga bahagyang kaluskos na narinig sa loob ng tindahan. bahagyang sumilip si Inang Ading sa siwang ng bintana… pupungas pungas at di maipinta ang pagmumukha dahil sa pagkaabala sa pagtulog..

“ano yun?....” pabulong na wika ni Inang Ading… sa pag-aalalang makagising pa ng iba nyang kasambahay..

“may gamot po ba kayo sa lagnat at trangkaso?”

“ahhhh… meron iho.. teka lang… ilan ba?”

nagliwanag sa loob ng muting tindahan, at pasuray suray sa kaantukan na tinungo ni Inang Ading ang kabinet ng mga gamot.

“tig-isa lang po…”

“at tsaka po… Nanay Ading…”

“o?”

“kuwan nga po…… pakisamahan na nga po ng dalawang bote ng matador, dalawang yelo at isang malaking chippy na pula! lista na lang po muna lahat sa kin ha?”

Mga pot*ena nyong mga lasenggo kayo!!! $%^*#@&*!!!!!

20.4.10

i'm going home




I’m going home ---- in a soon!!

Mayaman na ako and I need not to worry about my financial stability anymore. Pwede na akong magrelak-relak ng konti at magliwaliw san ko man gustong pumunta.

By the way, i-share ko lang ang very good fortune that I received this morning from someone na hindi ko naman talaga kilala. Here goes..




THE NIGERIA POLICE FORCE (NPF)
Plot 16 Alausa, Ikeja-Lagos.PMB 072 Lagos.
THE NIGERIA POLICE FORCE (NPF)
FEDERAL REPUBLIC OF NIGERIA
COMMITTEE ON FOREIGN PAYMENT
(RESOLUTION PANEL ON CONTRACT PAYMENT)
IKOYI-LAGOS NIGERIA .

From The Nigeria Police Force (N.P.F)
Federal Republic Of Nigeria.
Dr.Ogbonna. O. Onovo CFR, NPM, mnik
Attention: ATM Card Beneficiary,

I wish to use this medium to inform you that your full Payment of USD$5.8 (Five Million Eight Hundred Thousand Dollars) from CENTRAL BANK OF NIGERIA have been RELEASED and APPROVED for onward transfer to you via an ATM CARD which you will use to withdraw all the USD$5.8Million USD in any ATM SERVICE MACHINE in any part of the world, but the maximum you can withdraw in a day is USD$9,500 Only.

We have mandated BANK PHB, to send you the ATM CARD and PIN NUMBER which you will use to withdraw all your USD$5.8 Million Dollars in any ATM SERVICE MACHINE in any part of the world, but as i have mentioned earlier, the maximum you can withdraw in a day is USD$9,500 Only.

You are therefore advice to contact the Head of ATM CARD Department of BANK PHB Nigeria Plc Contact Person: E-mail address:(vincentholbar3@hotmail.com) Mr.Vincent Holbar and inform him that you received a message from the Nigeria Police Force instructing him to send you the ATM CARD and PIN NUMBER which you will use to withdraw your USD$5.8 Million Dollars in any ATM SERVICE MACHINE in any part of the world, also send him your direct phone number and contact address where you want him to send the ATM CARD and PIN NUMBER to you.

Thanks for adhering to this instruction and once again accept our congratulations.

Your's In Service


Dr.Ogbonna. O. Onovo CFR, NPM, mni
Inspector-General of Police
Federal Republic of Nigeria



Great!! What a sum!

With this much money, I can put up some small investments, save more than enough for my family's future and enjoy the rest of my life.

So pano? I should go and collect my money now, start packing my things and head back to Philippines. See yah!

Nyetang email yan! WISH KO LANG! hahaha!




12.4.10

kamoten



Mare 1: Mare, alam mo pag nakakakita ako ng kamote dito sa palengke,
naalala ko ang sa mister ko…

Mare 2: Huwaw!!!! Ganyan kalaki mare??!!


Mare 1: Huh?? Di no! ganito kadumi!!



pektyur mula kay pareng gogol


10.4.10

balinguyngoy


aaarrrgghh!!! masamang masama ang araw ko ngayon…


sa nakakabiglang pangyayari ay di maampat ang pagdaloy ng dugo mula sa aking ilong..

di naman ngayon ang unang beses na nangyari sa kin ito, pero kakaiba lang ngayon dahil sa kahit anong gawin ko ay di ko mapatigil ang patuloy na pag-agos ng dugo…

di naman masasabing balingungoy ito bunga ng kakulangan sa ligo o kaya naman ay dala ng mas tumitinding init ng panahon..

masyado na lang siguro akong nagiging mapangahas..

iisa lang ang posibleng dahilan -- malamang ang walang habas kong pagtalon talon sa blog ng mga intelihenteng nilalang, sila na mga hindi ko kalevel, at ang aking marubdob na pagpipilit na maarok ang kanilang kaisipan ang nakikita kong tanging dahilan ng balinguyngoy na ito…

para sa inyo na mga walang pakundangan kung magsulat sa wikang ingles… isinusumpa ko…

lintik lang walang ganti!

magbabayad kayooooo!!!


pektyur mula kay pareng gogol


26.2.10

ikaw ang miss universe ng buhay ko


soft features, long brown hair, meztiza, face like a doll… yan ang common description sa kanya..


bunga ito ng kaadikan ni mj, (na may magnificent talent na panatilihing hindi namumungay ang mata kahit more than 24 hours pa! sali ka nga sa pinoy got talent! hehehe!) nadako ang usapan namin sa kung saan saan.. hanggang napadpad kami sa pagiging stalkers namin sa mga celebrities at pretty faces.


sabi ko, meron akong gusto dati, si miss belgium. limot ko na ang pangalan, pero may picture nya akong ipinalaminate dati. andun pa rin yun sa isa sa mga luma kong wallet.. at sa saliw ng linya ni mj na “i remember the girl but i dont remember na face anymore”, nag-effort talaga sya na hanapin si ms. belgium. at ayun nga nagbunga naman ang kaadikan niya…


si CHRISTELLE ROELANDTS pala. malamang ay narerecognize nyo pa rin sya kasi sa pagkakaalam ko e nacaptivate talaga ng kanyang angelic at doll-like face features ang puso ng maraming pinoy during that time, syempre naman including mine.


sa lahat ng dumaang miss universe pageants, sa kanya lang talaga ako naging interesado. at gaya ng ibang pinoy, nahumaling (what a word! hehe) din ako sa ganda ng kayang muka… fact, hindi po ako mahilig manood ng miss universe or ng kahit anong beauty pageants. akala ko nga every 4 years din ginagawa ang miss universe, para ding summer olympics! hehehe!


konti lang marahil ang nakakaalam ng totoong pangalan nya, siguro kasi e nakakapilipit ng dila ang kanyang last name o hindi natin alam kung paano bigkasin.. pero tumatak sa isip natin ang monicker nyang “miss belgium”..


hindi sya nanalo on that pageant, at hindi man lang sya pumasok sa top ten, maraming pinoy ang nanghinayang. syempre isa na ako dun. kung ang naging basehan lang siguro ay popularity at merong text voting nung time na yun, malamang e mananalo xa dahil patok na patok sya sa pinas, ang text capital of the world…


pero after that pageant, wala nang naging balita ulit sa kanya.. di naman pala kasi sya ganun kapopular sa kanilang bansa… kung sinubukan lang sana nya ang magulong buhay-artista sa pinas, malaking break sa kanya yun.. gaya nila dayanara torres, at michelle van eimeren na naging sikat din at gumawa ng kanilang pangalan sa pinas in their own times.


nga pala, about sa picture ni ms. belgium na ipinalaminate ko pa, may nakita ako sa fb, ganitong ganito yun o…


mj, wag mo nang pansinin ang malapad na bikini pls!


sinubukan kong magpaka-stalker ni ms. belgium sa net, pero wala akong makuhang ibang impormasyon o update tungkol sa kanya…



san na kaya sya ngayon? ano na kayang nangyari sa miss universe ng buhay ko?



**pic from FB

21.2.10

what if....

minsan may mga tao na naging importanteng bahagi ng buhay mo na antagal mong pilit hinahanap sa mga social networks pero di mo matagpuan. may mga pagkakataon na pilit mo ginalugad yung profile ng mga taong konektado sa kanya pero wala sya dun… then one day, when you least expected it, bigla ka na lang kakabugin ng isang friend request galing sa kanya… and eventually, you’ll find out na naghahanapan lang pala kayo after all those years..

there was this girl na naging very significant part ng buhay ko. “it” started as early as my 5th grade, then naulit ng 2nd year high school, then during college days -- where “ it almost happened”. kaso nga, hindi nangyari. “ almost” kasi nga di kami matuloy-tuloy..


one big dilemma, best bud ko ang pamangkin nya na super close sa kanya.

hindi ko sinubukang mag-take advantage. at kahit kelan, hindi ko naovercome yung hiya at respeto ko sa buddy ko. hindi ko nagawang isugal ang malalim naming samahan, kapalit ng chance na sobrang posible na yung “almost”.

sadly, this girl and i parted our ways and lived our own lives na walang naganap na confrontation or aminan. all we know was, there was something special between us na hindi namin nasabi sa isa’t isa.

after so many years, we accidentally bumped to each other. we agreed to meet again some time. but, naging casual na lang ang pagkikitang iyon. pakiramdaman. awkward moments. alam kong may hinihintay syang tanong mula sa akin. pero di ko pa rin nagawa. as usual, natyope na naman kasi ako.

anyway, kakaiba ang araw ko ngayon. strange feeling. parang adrenaline rush ng bungee jumping or yung overflowing happiness habang sumisigaw ka sa peak ng isang bundok after ng 10 hours climb!

nice… nice!

11.2.10

coffee please... yung bottomless!

kinakain na ako ng inip dito sa opisina ngayon.


halos nakatunganga na lang ako dito s a opisina simula nung dumating ako galing sa bakasyon. nakakabagot din ang tumunganga, ngumuya, magkape, magchat at magbrowse nang magbrowse lang at maghintay na lumipas ang maghapon! nakakaburaot!


patak-patak lang kung dumating ang workload, na kaya namang tapusin in half an hour, then nakatunganga ka na ulet.. tapos, pag tumayo ka sa oras ng uwian ansama pa ng tingin sayo ng boss mo, may mapanuring tingin na parang nagtatanong na “hinde ka mag-oot???!” amfufu! “nothing to do sir!” halata naman at alam kong alam nya na maghapon na akong browsing, chat, at bloghopping lang.. masama bang umuwi nang maaga at ipahinga ang aking “pagod na pagod” na katawan??


super eager at super expected ko pa naman na tambak na trabaho ang babalikan ko pero wala din naman pala.. self-pity at feeling worthless sa company ang epek sa akin ngayon.



minsan tuloy di ko maiwasang mainggit sa iba na ganito ang pinagkakakitaan.. kumikita ka na, enjoy pa! at siguradong walaaannnng kainip-inip!! \m/


ang pic na ito ay ninakaw ko sa lolpix.com

5.12.09

dose...

"if i live for a million years i would be right there to catch your tears.."

Naaliw naman ako sa message mo na super unexpected ko. Sa totoo, hindi ko ino-open yung email na yun kaya post dated na nung mabasa ko ang email mo. At tama ang expectations mo, nagulat talaga ako. Hindi ko lubos maisip na mas inuna mo pang pagaksyahan ng malaginto mong oras ang pagsusulat ng mensahe mo para sa akin kaysa matulog. Nakakabagbag damdamin at nakakataba ng puso. Salamat.

at kung akala mo e palalampasin ko ang effort mo na walang response, well mag isip isip ka muna dahil nagkakamali ka.. Sasagutin ko lang ang mga sinabi mo punto por punto.. di ko lam kung natatandaan mo pa ang mga sinabi mo.. kung hindi, sori ka na lang…

Ang mahal naman!! Wala bang tawad? Hehehe!

Oist! Dudero talaga ako, kaya ganun.. wag ka nang magtaka, alam mo naman ang reasons kung bakit di ba?

At wag ka na rin magtaka kung bakit uto uto ako.. di ko din kayang ipaliwanag yun.. hehehehe! Parehas lang naman tayong madaling maawa, at dakilang tissue paper, sponge bob nga di ba? Oo, bad trip na rin tlaga minsan, pero di naman natin maiiwasan yun.. alangan naman umiiyak na sila palapit say o e bigla kang tumakbong papalayo dib a?? kaya yun, tipong makikinig pa rin kahit nakukulili na ang mga tenga natin sa paulit ulit nilang kwento at hinagpis sa buhay.. kahit nanggigigil na tayo at gusto natin pilipitin ang leeg nila.. at sabihing, “hello??!!! yan lang nagkakaganyan ka na?? Mas mabigat kaya ang problema ko sayo no???”

Astig naman ng meaning ng name mo.. alone, reserve.. pero di naman appropriate sa personality mo kasi well surrounded ka ng circle of friends mo.

Yung hirit mo sa akin na suhol, noon alam ko ang gusto mo pero bakit biglang nag-iba?? Hindi ko na tuloy magets..

Hindi naman perception ko lang na mayaman at matalino ka.. may basehan yun xempre.. teka, bakit di mo ata nabanggit na sinabi kong maganda at mabait ka? Di ba sinabihan din kita nun??

Wag kang mag-alala, nasa yo na ngayon ang pagkakataon para matupad ang matagal mo nang inaasam asam.. kaw naman, di ba?

Salamat din sa lahat.. gaya ng sabi mo, di pa ito goodbye, gusto ko din lang mag-thank you sa lahat ng oras na inaliw mo ako.. sa lahat ng oras na pinagtyagaan mo ang kakornihan, kababawan at pang-aasar ko sayo.. sino naman nagsabi sayo na di ka ok kausap? Ok nga tayo di ba? Puro may sense usapan natin di ba? hehehe!

Yaan mo, dahil mabuting nilalang ka, for sure gagantimpalaan ka nung nasa itaas.. nga pala, salamat sa paalala. Kelangan ko yan.. minsan kasi akala ko masyado na sya madami kausap kaya di na nya naririnig yung mga bulong ko pag madilim na ang aking kwarto.. salamat, salamat…

Di naman po ako nagpapauto sa sinasabi nila. Nabanggit ko na dati, pampabalubag loob lang yung pagtawag na bagong bayani sa akin.. di ako naniniwala dun..

sana nga sooner, di ko na kelangan umalis.. magtitinda na lang ako ng mga pirated triple x dvds at pilikmata ng kambing sa carriedo… malakas siguro kumita yun no? hehehe!

“kilala ako ng mga kaibigan ko sa paraang hindi mo ako kilala.. kialal mo ko sa paraang hindi nila ako kilala…” Yup, may tama ka jan. parehas tayo. Meron kang mga alam sa akin, na hindi ko pa nasabi kahit minsan sa mga matagal ko nang kaibigan. Same here, salamat sa pagkilala at pagtyatyaga sa akin… kung matter of choiceless-ness man yun or whatever.. thank you pa rin.

Ok na sana yung hirit mong sana magkrus yung landas natin isang araw, pero napaisip ako bigla na dahil gusto mo lang pala akong batukan… wehehe! Wag kang mag-alala, minsan habang naglalakad ka sa may sangandaan e may kakalabit sayo, ako yun… “ate, pangrugby lang ho…”

Ikaw pa lang ang nakilala kong nagpatugtog ng labindalawang beses ng isang kanta… at binilang kung ilang beses ito nagpaulit ulit sa pandinig… adik ka!

Ingat palagi! Iwas sa tukso at panganib.. laging magbehave, our savior is watching…

(o di ba? parang parehas lang ng mga sinabi mo ang mga pinagsasabi ko??) wehehehe!

17.11.09

cheezy bulilit



bulilit... bulilit... LOL

hangkyut talaga nitong batang to...

sarap kurutin sa pisngi!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails