pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label ligaw. Show all posts
Showing posts with label ligaw. Show all posts

18.6.09

tyope ako (part 2)

bakit ba kasi kayo nagreact talaga sa last post kong tiyope ako??!

bakit ayaw nyong maniwala? lalo ka na, ikaw din at isa ka pa… oo! kayo!

natatawa kayo sa akin… sa pinagsusulat ko… at ikaw… humirit ka pa na sa susunod e yung totoo ang i-blog ko… aba e kasalanan ko ba naman na tyope ako?? at wala ba akong karapatan?? teka nga… bakit nyo ba ko pinakikialaman?? blog ko to ahh??! mga buseett!! lolz

o sige, hayaan nyong magpakaemote ako at patutunayan ko sa inyo..

hindi ako guwapo at hindi rin magaling mambola. Its either nabulag ka lang o sinuwerte lang siguro ako sa iyo.. oo, sa yo.
at hindi naman laging pasko, syempre nabokya na rin ako… at hindi lang isang beses… di ko na sasabihin sayo kung ilan kasi baka di ka na naman maniwala at pagtawanan mo na naman ako.

pero ang pinaka da best na pagkakabasted sa akin e sa loob ng pampasaherong jeep! sukat ba naman na sabihan ako na wag daw akong makulit dahil hindi nya ako gusto??!! wahahaha!! nasopla ako dun ahh??!! pakiramdam ko gusto kong matunaw sa kahihiyan at sumigaw ng paraaaa!! ewan ko ba dun, dumidiskarte pa lang ako, di pa man nagtatapat, basted na agad??!! gusto ko sanang soplahin ng… “bakit? nililigawan ba kita??” wahahaha!!

di daw ako gusto?? kaya pala ako ang lagi nyang tinatawagan noon pag may special occasions at may mga lakad sya.. tapos nung one time na nakainom sya e dun lumabas din lahat ng totoo.. may pag-iyak pa?! at muntik na pagsasamantala sa mura kong katawan! wahahaha!!! meganonnn?? lol pero xempre nabalewala lang yung gabing yun.. nadiskubre ko pangit pala pag masyadong pakipot, nakakaturn off!

eto pa… gaya ng iba, may all-time crush ako… isa sa grupo.. alam naman ng buong grupo yun. at hanggang ngayon applicable pa rin ang linyang tyope ako. alam ko, ramdam nya lahat ng mga pa-special treatment ko sa kanya, at syempre halata ng lahat. Pero kahit extra sweet xa sa akin (na halos magkapalit na ang mukha namin that night – take note, di pa kami nakakainom nung time na yun) nung huling b-day nya na may dala akong b-day cake, wala pa ring nangyaring pinakaaabangan (ng mga manyak) ng grupo dahil nga kasi tyope ako. parang di ko magawang isugal ang friendship namin at mabahiran ng kamunduhan ang magandang pagtingin ko sa kanya. oo, sa tagal ng panahon hanggang ngayon di ko pa rin naamin sa kanya. At hanggang ngayon di pa rin nawawala, super extra special pa rin sya at hindi napalitan ninuman. andun pa rin ang kabog at tiklop tuhod effects pag magkasama kami. nahuhumaling pa rin ako sa kanya. lol

o ano? satisfied ka na na tyope talaga ako? ikaw? ikaw? ikaw? at ikaw din??!… kinakabahan na ba kayo? Na baka kwento nyo na ang kasunod mong mabasa?? wahahaha!!
next time, next time… lol

16.6.09

tyope ako

oo.. nature ko na talaga to… makulit lang talaga ako sa grupo namin, maingay, palabiro, mapang-asar, atat, at mahilig akong magpares ng mga kaibigan ko.. pero pag ako na, halos malaglag sa lupa ang puso ko sa pagkabog, at tumitiklop na ang tuhod ko…

pag kausap ko na yung dinidiskartehan kong babae, namumutla talaga ako at natutulala.. pinipilit kong maging natural at pa-cool ang kilos, pero wala talaga e… bakit ba di ko makuha ang swabeng paepek nila james bond? o kaya ni mr. swabe?

di ako makadiskarte… lahat ng pinraktis kong linya at litaniya e nawawalang bigla. sunod-sunod ang paglunok ng laway at di mapakali.. iniisip kung ano ang susunod kong sasabihin para hindi ako mabokya at mapahiya.. aminado naman ako, kapag gusto ko ang babae, tiklop-tuhod, asong-ulol, maamong tupa at nagkakandarapa ako.. putakte! tyope! lol

e totoo namang hindi ganun kadali ang magsabi ng nararamdaman mo, especially if di ka sigurado kung mabobokya, ka o matatabla, mababasted sa unang attempt, lulubog at matutunaw sa kinatatayuan at kelangan mo nang mag-call-a-friend para mahatak ka palabas sa kahihiyang pinasok mo..

super bilib ako sa mga taong kayang i-express o sabihin ang mga nasa loob nila.. sila na mga may malayang pag-iisip, malaki ang tiwala sa sarili at kayang magdala ng sitwasyon. minsan nga lang, namimisinterpret o nahuhusgahan ng iba, na hindi naman dapat. isa lang naman talaga ang gusto natin, ang mailabas ang ating totoong nararamdaman, gusto lang nating magpakatotoo sa ating mga sarili, nang walang hinihintay na anumang kapalit.
o anong tinatawatawa mo dyan? bakit, hindi ka ba tyope??

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails