pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label tatak-pinoy. Show all posts
Showing posts with label tatak-pinoy. Show all posts

11.6.09

Nakakain ka na ba ng bayag?

Oo, wag kang magulat sa taytol. Tinatanong nga kita kung nakatikim ka na ng bayag -- ng baka… o mas kilala sa tawag na soup #5. Pamoso bilang isa sa mga aphrodisiacs at pampatibay ng resistensya para sa walang humpay na labanan.

Sa may valley golf sa cainta, andun yung parang isang mini-palengke sa bangketa. Sa gitna nun e may isang karinderia/gotohan/lugawan. Tuwing napapadaaan ako e naiintriga ako sa nakikita kong karatula nila na “soup #5 available here’.

May mga nabasa akong articles about soup #5, mga nasusulat tungkol sa epekto sa ating katawan ng pagkain ng soup na to. At ang sabi e ito daw ang "da best" na aphrodisiac at mas mabisa pa sa viagra. E di syempre, dahil ako naman ay curious din sa mga ganitong bagay at mahilig din mag-eksperimento… naisip ko itong subukan..

Umupo, nag-order, naghintay… naexcite, nagfollow-up. Maya-maya pa e eto na nga at inihain sa aking harapan ang isang mangkok ng mainit na mainit na sinabawang bayag. Syempre, halukay muna ng laman, tinitingnang mabuti kung ano ba yung kakainin ko dahil sa totoo lang e di pa man lang ako nakakita ng ari ng baka at tapos ngayon e isusubo at kakainin ko pa??! eewww!!

Syempre, unang subo, higop ng sabaw lang muna -- pang-alis kaba… hanggang inumpisahan ko na ang isang piraso ng litid.. hmmm… (parang bulalo lang ahhhh)… teka, litid? Wahaha!! etits ng baka!! Ewww!

At eto na nga, ang sumunod kong pagsubo ay parang hindi katanggap tanggap sakin… habang nginunguya ko sya ay parang magaspang akong nangunguya … eto na nga malamang ang betlog ng baka… wahahaha!!

sige lang… higop, nguya, kain lang… kailangan kong panindigan ang aking kapangahasan at pagka-igno. At dahil bobo ako, inisip kong magiging kulang din ang epekto nito kung di ko sisimutin ang laman ng isang mangkok na iyon..

Sa madaling salita ay naubos ko din at nasimot ang aking inorder. Nagbayad, sumakay ng fx at pinakiramdaman ang sarili..

At ang mga sumunod na pangyayari ay sadyang inedit at hindi ko na maaaring ikwento (unless requested! LOL) dahil baka matira tayo ng board of censorship.

Clue: Hindi ko sigurado kung epekto ng sinimot kong mangkok ng soup o “psychological effect lang”, basta ang totoo hindi ako nakapasok sa work kinabukasan. Wehehehe!!

Ikaw parekoy, baka gusto mong subukan? Kaysa gumastos at magsunog ka ng pera sa Viagra, e mas mainam na subukan mo ang bayag ng baka… Ika nga, “singsarap pero di singmahal..” WEHEHEHE!!


Di ko napektyuran yung kinain ko… kaya nagnakaw na lang ako sa net..
salamat sa may-ari ng pektyur! hmmm.. yummy!

5.5.09

mangga at bagoong

Natawa naman ako dito sa kasama kong koreano! Kasi ba naman, manghang mangha sya nang gayatin ko ang isang pirasong manggang hinog. di ko alam kung nagjojoke ito, pero nakita ko naman na muka ngang seryoso sya…


Una, first time daw nyang makakita ng tunay na mangga, puro de lata daw na mangga ang nakikita nya sa korea sa supermarket... pero susko! kung titingnan mo naman yung mangga na inamoy amoy nya nang paulit ulit e yung tipong di kagandahan kasi may mga batik na itim na parang laglag lang sa puno at hindi basta basta mabebenta sa pinas.


Ikalawa, bilib na bilib sya sa akin nang hiwain ko yung mangga. Nanlalaki ang mga mata at di makapaniwalang itinanong nya sa akin kung paano ko daw nalaman kung pano hahatiin yung mangga na hindi tatatamaan yung buto?? Waha! Adikk?? Tingin ko naman ay walang pinoy na hindi maalam maghiwa ng manggang hinog ano??!


Gusto ko pa sanang dugtungan ito ng kwento tungkol sa makulay na kabataan ko… yung panahon ng pag-akyat sa mga ibat ibang klase ng puno sa aming bukid tuwing ganitong panahon ng bakasyon, pero sa next post ko na lang…


E kasi ba naman, dahil sa kwentong mangga naalala ko tuloy na panahon nga pala ng mangga ngayon sa pilipinas…


masarap sanang kumain ng manggang hilaw na manibalang at sobrang asim tapos isasawsaw mo sa maalat, manamis-namis at maanghang na bagoong….

Yung tipong, namamanhid na yung ngipin mo sa sobrang dami nang nakain mo e ayaw mo pa ring tigilan ang pag-ngasab…


wahahaha!! naglaway naman ako dun!!!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails