pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label nawawalang butones. Show all posts
Showing posts with label nawawalang butones. Show all posts

5.9.11

ikaw ang nawawala kong butones

maghapon akong di mapakali. naghahanap ako ng aspili o kaya perdible, panlunas sa medyo "awkward" na sitwasyon na to. pano ba naman, nawala ang isang butones ng polo ko. bagamat napansin kong medyo maluwag na ang tahi ng butones bago ko isuot pero nagkibit balikat lang ako kasi tiwala naman ako na di naman yun basta basta bibitaw, at saka paborito ko to e...


ang kasunod ko na lang napansin, nawala na ang butones ko....

nagawan ko man ng remedyo ung polo ko pero sa tuwing may kausap akong ibang tao, naaalangan ako... kasi baka mahalata nilang nawawala ang isang butones ng polo ko..




buong araw ko syang inisip at hinanap, at ngayo'y umaasang sa paguwi ko sa bahay ay dun ko sya matatagpuan.. at sana may magawa pa akong paraan para maibalik sya sa dati nyang kinalalagyan, sa polo ko.


*****

sa buhay natin, sa pagdaan ng panahon marami tayong nakikilala. yung iba talagang tumatagal sa ating buhay. kaibigan man o karelasyon, dumadating talaga ang punto na nasasantabi natin sila, sinasadya man natin o hindi.


masyado na kase tayong nasasanay sa presensya nila. oo andun yung kakaibang kumportableng pakiramdam kapag sila ang nasa paligid natin. pero bakit minsan sila din yung mga taong madalas nating isinasantabi?


sa panahon ng saya, andyan lang sila sa isang sulok masayang nagmamasid sa atin habang malakas tayong humahalakhak kasama ng mga plastik na kaibigan... ngunit kapag malungkot tayo sila naman ang una nating naalala, kasi alam nating maaasahan natin sila at hinding hindi nila tayo iiwan.


hindi man natin napapansin, maalam din silang magdamdam. maalam din silang masaktan pag naiitsa pwera ngunit mas madalas silang magsawalang kibo na lang at iniinda ang sakit na nadarama, dahil mahal nila tayo. dahil anumang bagay na nakakapagpasaya sa atin e kaya nilang ipaubaya at sino man na makakapagpasaya sa atin, kaya nilang tanggapin at mahalin din.


ngunit dadating ang isang punto na sa patuloy nating pagwawalang bahala, magigising na lang sya isang umaga na wala nang sakit, wala nang pait, at wala na ngang sigurong nadadamang pag-asa na mababago pa ang lahat nang nakagawian na natin. at yun ang mas nakakatakot, kapag umabot sa pagkakataong kayang kaya na nila tayong bitiwan. at doon natin mararamdaman ang kahungkagan ng buhay sa kanyang pagkawala.


kung mangyari man yun pipilitin nating makabawi, pilit nating ibabalik ang dati, pilit na sosolusyunan ang sigalot na ito.. pero paano kung huli na pala ang lahat? na ang simpleng uka lang noon sa inyong samahan ay ngayon ay isa na palang malaking lubak? pano pa nga ba maibabalik ang lahat?


*****


katulad nang pagkawala ng isang butones sa iyong paboritong damit pilit mo itong hahanapan ng solusyon. hanggang sa puntong pilit kang hahanap ng kanyang kapalit, yung eksaktong eksaktong kagaya nya... para hindi makita ng ibang tao ang pagkakaiba nung nawala na ang orihinal na butones sa polo mo.. at ang totoo nyan, wala kang makukuha na kaparehas nya.

halos kapareho oo.. yung tipong di na mapapansin ng ibang tao ang pagkakaiba. pero ikaw mismo, sa sarilli mo, alam mo ang totoo. kailanman di mo maaring lokohin ang sarili mo na nakalimutan mo na ang lahat. dahil sa bawat sandali na mapapagtuunan natin ng pansin ang bagong butones patuloy pa ring sasariwa sa ating alaala ang minsang nawalang butones.


panghihinayang..

kung naging mas maingat lang sana tayo at mapangalaga....

ikaw, naranasan mo na bang mawalan ng butones?






an_indecent_mind


 







LinkWithin

Related Posts with Thumbnails