pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts

15.2.10

saging lang ang may puso!

natapos na din ang araw na pinakaabangan ng marami sa atin. sa paghupa ng "putukan", hindi naman lahat ng tao ay naging masaya sa nagdaang araw. kaya nga ang post kong ito ay alay para sa lahat ng kagaya ko na hindi nananabik sa pagdating ng araw ng mga puso.

simple lang, wala naman sigurong kelangang ipagdiwang (at hindi ko din alam kung papaano gagawin) kung kayo ay malayo din sa mga mahal mo sa buhay. kahit gaano kahaba o kalagkit ang mensaheng ipinadala nyo sa isa’t isa through txt, tawag, or chat, di pa rin nun mapupunan yung kahungkagan ng mga puso nyo na umaasa na sana kahit sandali lang ay magkasama kayo sa ganitong mga espesyal na pagkakataon.

hindi ko makita ang sense ng pagbabatian ng dalawang indibidwal ng “maligayang" araw ng mga puso kung sa totoo naman ay hindi naman talaga kayo masaya dahil magkalayo kayo at wala kayong magawa kundi tanggapin ang realidad na ito. para sa mga hungkag at mabigat ang pakiramdam at pilit na nililibang ang sarili sa ibang bagay sa mga ganitong okasyon, nakikiisa ako sa inyo.

para sa mga kagaya mo na nagmamahal at patuloy na umaasa sa mga taong muka namang walang pakiramdam at walang konsiderasyon sa nararamdaman mo (wag ka nang lumingon lingon pa dyan, ikaw ito! damay ka na rin sa post na to! hahaha!). naturingan pa naman na bf mo pero walang kaeffort effort na batiin ka man lang sa araw ng mga magsing-irog. sabi mo nga, “nakalimutan?? isang malaking kalokohan!!” ipakilala mo nga sa akin yan at nang mapilipit ko ang leeg para sa yo! isa lang ang sagot dyan, kung hindi ka na masaya e di iwanan mo na.. puro sama lang naman ng loob ang ibinibigay sayo e.. di na yan magbabago!

para sa mga singol pa rin hanggang ngayon…

-hindi na kasalanan ng mundo kung bakit wala kang kasama sa mga pagkakataong kagaya neto, masyado ka kasing mapili, masyado kang pihikan, masyado ka kung makapanlait, e hindi ka naman talaga kagandahan! hehehe! o, sino ngayon ang mukang kawawa? e di ba ikaw din?

-ang laging katwiran mo kasi e ang pag-ibig kusang dumadating.. baka naman nalagpasan ka na ng pagkakataon o kaya naman ay sa malayo ka pa nakatingin e yun pala andyan lang sa tabi tabi yung para sayo di mo lang napapansin..

-wag mong masyadong pangarapin ang isang tao. tama na siguro ang paghihintay mo, baka kasi yung hinihintay mo e may iba palang hinihintay. ano nga ba talaga ang hinhintay mo? ang mauntog sya at mapalingon sayo? aw c’mon!

-kung papatay patay ka, nasasayo naman talaga yan e.. minsan kelangan mong gumawa ng sariling hakbang, lunukin ang pride at kapalan ang muka para magkatotoo ang mga gusto mo sa buhay.. tama na ang pacute at kakahintay ng tamang pagkakataon, dumiskarte ka na ng swabe bago ka pa maubusan ng oras o maunahan ng iba..

-para sa mga talaga namang nagmamaganda pero walang gustong sumubok, “pasensya na lang kung talagang nakaka-intimidate ang mga kagaya nyo kaya hanggang ngayon ay solo pa rin kayo. ganun talaga! kasalanan nyo yan, masyado kasi kayong magaganda!” para sa mga nag-abang ngunit walang dumating.. umasa ng todo ngunit hindi naman inaya, nag-effort ng todo-todo pero di man lang nakaiskor… better luck next time!


tapos na nga ang araw ng mga puso. ngayon naman ang araw ng mga pusong sugatan. isang araw lang ang valentine’s day, lumilipas din kagaya ng nagdaang mga ordinaryong araw sa buhay mo.. wag kang malungkot -- nakakabaog!

don’t dwell on the past, cheer up and move on!



pektyur from flikr.com

4.9.09

reading between the lines

* pakiclick mo muna yung play button sa jukebox ko sa kanan.*

 

Wag mo sanang iisipin na sa bawat nagdadaang araw na wala akong kibo ay binabalewala na kita.


Ang totoo, hinahanap hanap ko pa rin ang araw araw mong presensya na tila ba nakasanayan ko na.. Umaasa pa rin ako na sa aking paggising sa bawat umaga ay andun ang mensahe mong magguguhit ng ngiti sa aking mga labi, gaya ng dati.


Sa bawat pagtatapos ng pagsambit ng aking panggabing panalangin, at kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa aking paboritong malambot na unan, andun pa rin ang pagbabakasakaling kahit sa panaginip ko, kahit sandali lang ay makapiling ka.


Oo, nananahimik ako ngunit hindi dahil sa gusto na kitang makalimutan. Nananahimik ako dahil parang nauubusan na ako ng dahilan upang gawin ang mga bagay na dati ay nakakapagpasaya sa kin. Pero hindi ibig sabihin nun ay binubura na kita sa buhay ko; ikaw at ang masasaya nating mga alaala.


Ang totoo, pilit kong nililibang ang aking sarili sa ibang bagay. Ngunit, nakakapagtakang sa bawat pagpipilit, para namang biro na may mga bagay at pangyayari na pilit na naguugnay at nagpapalaala sa yo, at sa hindi mabilang na pagkakataon ay di ko pa rin mapigilan na sandaling mapatigil sa kung anumang ginagawa ko. Di maitatanggi, hanggang ngayon ay bigo pa rin ako na pilitin na huwag kang sumagi sa aking isipan; kahit isang araw man lang.


Tahimik man ang parehong mga mundo natin ngayon, at malayo, alam kong pareho tayo ng nararamdaman. Kahit wala kang sinasabi, hindi mo man ipaliwanag, naiinitindihan kita. Hindi kita pinaghahanapan, wala kang pagkukulang, alam ko at naniniwala ako sayo.


Nalulunod ako sa iyong kawalan. Pilit akong naghahanap ng makakapitan. Pero, hindi ako bumibitaw sa aking mga pangako, at kailanman hindi ko magagawang lunukin ang aking mga binitiwang salita.


Hindi naman dito natatapos ang lahat. Kahit kailan, walang kwenta ang kwentong walang ending di ba?


Nananahimik lang ako, dahil iniisip kita.

16.7.09

echoes of our hearts

Sometimes we close our eyes and just listen to the echoes of our hearts.

We all fall in love and there are times that we love so much that we lose ourselves on our own emotions. More often than not, we wonder why there are love that grows and love that grows cold. We would start to search for answers and try to find where love has gone wrong. But in the end, we find ourselves where we started.

We cannot question love but it has its own reasons. Love will always be as it always has been -- silent, mysterious and deeply profound.

Many of us believe that love is forever, that love never dies. Only to be disillusion in the end when we find our hands empty and our hearts longing.

We mistakenly have looked at love as a need to be fulfilled. But love is only a gift given to us. We should not hold it in our hands for we may never find a strength to let it go when it decides to leave We should only embrace its warmth and glow while it lasts. And then freely open arms when it’s time to say goodbye.

When we fall in love with someone we don’t want that feeling to end for it is everything we are and everything that we wanted to be. We prayed that love would stay and grow in our hearts. But if it doesn’t, then we should never let our lives be taken by it, for life should not end where heartaches begin.


There’s always a reason why we have to move on. When we have to say goodbye to the feelings that we wanted to stay to forever, let us not wave our hands with a heavy heart. For love will have to set its wings free and find a place where it belongs.

We may have lost it, but then again, when we close our eyes and listen to the echoes of our hearts, we will hear that feeling, resounding silently forever. Then we’ll know that it has never left us, for the good that we have become because of love will always stay. It will always be there reminding us that we should be thankful and happy. Not because we have lost love but because for once in our lives, that feeling lived in our hearts and made us happy. -- jdm

*pic from flikr

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails