pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label kasal. Show all posts
Showing posts with label kasal. Show all posts

8.4.09

my ex-gf’s wedding


“hindi lungkot o takot ang mahirap sa pagiisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.” -- bob ong

chuck: ”cgurado ka papakasal ka na sa kanya? mahl mo or gusto mo na lang mag-aswa?”
friend: “bwal mgtnong kc di q alam ang sgot….”
friend: “mahal q... di aq sure. hehehe”
friend: “mbaet nman cya. di aq ninaaway.”


eto ang eksaktong huling pag-uusap namin ng ex-gf ko mga ilang buwan na din ang nakalipas.
mula nang pumasok ang buwan ng abril, ngayon ko lang napagtanto kung ano nga ba talagang meron ngayong buwan na ‘to na palaging gumuguhit sa utak ko pero di ko maalala. buwan nga pala ng balak nilang pagpapakasal.


sa nabanggit nyang balak nilang pagpapakasal ng bf nya, bagamat matagal tagal na din silang dalawa, hindi ko pa rin napigilan na itanong kung sigurado na ba sya sa desisyon niya. sa kasalukuyang edad nya na 29, hindi naman ako nagtataka kung bakit nagmamadali na siyang mag-asawa. ngunit kung tutuusin, madami naming iba na nagpaparamdam sa kanya, pero di ko alam kung bakit ayaw nya ulit sumugal sa panibagong relasyon.








dahil sa hindi lang kaopisina, kaibigan o mga kamag-anak nya ang palaging umuurirat sa kanya kung kelan ba talaga sya lalagay sa buhay na (magulo) tahimik, (napilitan) napagdesisyunan na rin nya siguro ang bagay na ito. wala na nga siguro syang hinihintay… o di kaya, kung maghihintay pa rin sya o magpapatumpik-tumpik pa, baka abutan na sya ng “curfew” o di kaya ay maiwan ng huling byahe. totoo, nakakatakot ang tumandang mag-isa..


di kagaya naming mga lalake, maaari kaming pumili kung sino ang gusto naming makasama sa buhay. pero sa kinamulatan nating kulturang pilipino, kung saan lalaki ang nanliligaw, ang mga babae ay naghihintay lang ng darating sa buhay nila. pag marami, swerte, makakapamili sila. ngunit paano kung isa lang ang dumating? o wala? paano na?


tatanggapin mo na lang ba na siya yung taong ibinigay sayo ng nasa itaas o maghihintay ka pa ulit?


pero, hanggang kelan mo kaya kayang maghintay? at hanggang kelan ba dapat?







...." god determines who walks into your life. it is up to you to decide who you let walk away, who you let stay, and who you refuse to let go."....

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails