Sadista ka kasi! Hindi sa sarili mo, pero sadista ka sa kapwa mo. Ipinanganak kang manhid at sadyang walang pakiramdam sa nararamdaman at sinasabi sayo ng mga taong nasa paligid mo. Nasanay ka na maraming taong nagpapahalaga sa yo.. Tuloy, di mo halos alam ang salitang konsiderasyon at pangunawa. Puro sarili mo na lang iniisip mo.
Pero tingin ko naman, di ka naman ganun kamanhid para di mo mapansin ang presensya ko.. Ilang birthday mo na ba ang nakalagpas sa akin? Wala. Ilang txt mo ba ang hindi ko nireplyan? Wala din. Ultimo smileys mo at wehehe, nagrereply pa rin ako. Kelan ba kita nahindian sa bawat paglalambing mo sa akin? Wala akong matandaan. Kahit nga pamasahe na lang matitira sa akin, kahit one week allowance ko pa yun, kahit nakalaan yun sa pambili ng regalo sa gf ko, basta nagrequest ka sa kin hindi ako makahindi sayo.
Di naman ako umasa sa kahit ano dati di ba? Para lang akong engot pagdating sayo, konting atensyon mo lang at wala kang kaeffort effort napapasaya mo na ako ng todo, old school. Kulang na nga lang siguro ay maging stalker mo ako…
Pero kahit sobrang gusto kita hindi naman ako nagkalakas ng loob na umamin sa yo, muntik na sana. Kung binigyan ko ng ibang kulay yung nangyari nung gabing iyon, tumambling sana ang ikot ng buhay natin ng 360 degrees. Pero di e.
Kasi nga masaya naman ako naman ako ng ganun ganun lang, at least di tayo kumplikado. Di bale nang magmukha akong uto-uto. Di bale nang invisible ako sa paningin mo pag wala kang kailangan sakin…
Ganun ka naman talaga di ba? Naaalala mo lang ako pag nasasaktan ka, pag kelangan mo ng maiiyakan, pag kelangan mo ng sasalo sa mga tagay mo, pag wala nang aalalay sayo kapag sobrang lasing ka na, pag wala nang magdadala sayo sa kama mo, pag walang hahawi ng buhok mo at hihimas sa likod mo habang akap akap mo yung toilet bowl, pag kelangan mo ng sasandalan sa tuwing natutulog ka sa loob ng jeep. Tutor mo, tagagawa ng term papers mo, instant date pag nag-away kayo ng bf mo.. Oo, dakilang alalay mo ako, tagasuporta mo.
Sadista ka kasi! Ngayon, pati sa sarili mo.. Tapos ngayon, ngayong nasasaktan ka na ng todo todong buhos at nahihirapan sa magulong buhay na pinasok mo, sa akin ka pa rin tatakbo? Hansarap mong patayin sa hug at lunurin sa pagmamahal!!!
Ikaw kasi! Bakit kasi gustong gusto mong laging kumplikado ang buhay mo? Hindi naman kita sinisisi sa desisyon mo pero bakit damay na naman ako? bakit ako na naman ang mamomroblema kung paano natin maaayos ang buhay mo?
Ano mo ba ako? Ano ba ako sayo?
Sabi ko nga makikinig ako, pero di ko ipinangakong aayusin ko ang lahat.
Pero di pa rin kita matitiis gaya ng dati… andito pa rin ako para sa yo. Tagasalo ng hinanakit mo, tagaplantsa ng gusot ng buhay mo, Tsk!
"Kung akin ka lang, sana hindi ka ganyan. Kaw kasi."
Pero alam kong di ko sasabihin sa yo yan.. kasi dalawa lang yan, baka nga maniwala ka o kaya e tawanan mo lang ako at dagukan!
Amfufu!
pektyur pektyur! ismayl!!!!
Showing posts with label seryoso. Show all posts
Showing posts with label seryoso. Show all posts
8.11.09
31.10.09
tulo
Lahat sila ay nagulat at halatang nais magtanong kung ano ba ang totoong nangyari sa akin.
Sa totoo lang, walang nag-akala na tatamaan ako nitong sakit na ito dahil alam naman nilang sobrang ingat ko. Ang di ko lubos maisip, bakit ako lang? Bakit sila na mga kasama ko sa mga nagdaang gabi e hindi naman? Hayun nga sila o, tawanan lang nang tawanan! Di maubos ubos ang kwento ng mga gago! E ako, nagmumukmok na nga lang dito sa mesa ko, panay kantyaw at sari-saring pang-aalaska pa rin ang inaabot ko. Asar-talo!
Di ko naisip na kahit nag-iingat ako e pwede pa ring mangyari sa kin ang isang bagay na hindi gugustuhin ninuman. Hindi naman ako naging pabaya kung yun ang iniisip ng iba sa akin. Sadyang di lang naiwasan ang maraming nagdaang pagkakataon.
Bukod sa mahirap, e syempre nakakahiya din namang talaga. Di ko magawa ang mga bagay na gusto kong gawin at di ako makakilos ng normal. Lagi akong nasa toilet, di mapakali. Syempre, sa mga pasimple kong kilos at sa pananalita, nahahalata na rin ng iba kong kaopisina. Nakakahiya!
Alam ko naman kung paano gamutin ito. Pero bakit parang masyadong matagal na yata kaysa normal? Di ko na tuloy maiwasang mag-alala.
Siguro nga, masyado nang laspag ang aking katawang lupa nitong mga nagdaang ilang linggo, masyado ko kasing sinasagad. Humina tuloy ang aking resistensya para basta na lang tamaan ng ganitong nakakairita at nakakahiyang sakit.. Sana bukas paggising ko, medyo ok na ako at guminhawa naman kahit konti ang pakiramdam ko. Mahirap! Masakit! Nakakahiya!
Nyetang tumutulong ilong to! Sumabay pa sa makating ubo at gasgas na tonsil ko! amf!!
WANTED: “nar-es na may mapagkalingang kamay”

nakasalansan sa
bad trip,
nagpapaka-adik,
sakit,
seryoso
3.5.09
maskara mong transparent
bad day...
ampanget naman ng araw na’to…
di ko naman siguro kasalanan kung aksidente kong madiskubre ang lihim mo. di ko alam kung bakit mo nagawa yun, pero la din naman ako lakas ng loob na itanong sa iyo to ngayon. pero syempre, sumama din ang loob ko na sa loob pala ng tatlong taon ay inilihim mo sa akin ang lahat. akala ko naging totoo ka sa akin at sa sarili mo, pero itinago mo pala ang tunay mong pagkatao…
ano bang meron? hindi naman ako nag-expect ng kahit ano mula sa iyo di ba? nung panahon na kapwa kelangan natin ng karamay, aksidente lang na nagkrus ang landas natin. hindi tayo personal na magkakilala pero nabuo ang pagkakaibigan natin. alam mo naman ang tunay na iskor, alam mo naman na wala akong hininging kapalit sa lahat lahat. masaya na ako na naging kaibigan kita, yung alalayan ka sa panahong kailangan mo ng kausap. ganun din naman ako, kelangan ko lang ng makikinig sa akin sa mga hinaing ko, yung taong hindi magiging bias sa pagbibigay ng opinion at payo. ideal ka at on-timing kasi di natin kilala ang isa’t isa. mas madaling timbangin ang bawat sitwasyon.
yan naman ang papel natin di ba? ang damayan ang isa’t isa. yung tipong alam nating may nakikinig at walang sawang makikinig, anumang oras. touched pa nga ako pag may mga pagkakataon na magtext ka pa sakin kahit dis-oras ng gabi para lang i-check kung ok lang ako. hindi ako nag-expect at alam ko rin naman na hindi dapat, kahit ramdam ko na may mga pagkakataon na iba na ipinakikita mo at very obvious na. pero para sa kin, di na kailangan humigit pa tayo dun, kasi alam mo naman na lagi lang naman akong nakasuporta sayo sa lahat ng bagay, sa lahat ng pagkakataon…
hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na mag-bonding personally, hindi rin tayo nagkita kahit minsan. pero hindi naman malaking isyu sa tin yun.
nga lang, di ko inakala na magagwa mo maglihim sa akin. oo, alam ko na sikreto mo. yung matagal mong itinagong identity. di ko alam kung bakit ka naglihim. sa tagal ng panahon nating magkausap, di mo man lang naipagtapat na hindi pala ikaw yung mukha na ipinakilala mo sa profile mo.. hindi naman ako ganun kababaw, kagaya nga ng sinabi mo noon sa akin.. at hindi naman kita huhusgahan kahit ano ka pa o kahit sino ka pa, basta ang importante e maging totoo ka lang..
hindi ko alam kung ano ang rason. di ko na din alam kung anong dapat pang sabihin ngayon, nanghihinayang lang talaga ako sa nabuong friendship natin..
at... sa isang malaking katotohanang may nanloloko pala sa akin!
pakshet!
bad trip!!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)